Kinukuha ko naman na ang mga gamit ko ng makarating kami. Napaatras na lang ako ng maramdaman kong may tao sa likod ko. Napatingala na lang ako at si Xandro ang nakita ko, nagsalubong naman ang mga mata namin kaya iniwas ko iyun sa kaniya. “Ako na diyan sa gamit mo.” anas niya naman saka niya kinuha ang mga gamit ko. Alam kong maliit ako, tssss. Umalis naman na ako sa likod niya kaya nauna na akong lumabas ng plane, nginitian ko naman ang pilotong siyang umalalay sa akin. Sabay pa kaming napatingin sa itaas ng marinig namin ang pagtikhim ni Xandro. Mabilis namang kinuha ng piloto ang mga gamit na dala dala ni Xandro saka niya iyun inilagay sa isang sasakyan na sa tingin ko ay sasakyan namin. Pumasok na lang ako ng buksan na ng mga tauhan niya, hinintay ko na lang siya dito sa loob. Isi

