Umayos naman ako ng upo saka mapait na ngumiti pero hindi ko na pinakita sa kaniya yun. Gusto ko ng pamilyang kompleto at masaya pero hindi ko na yun magagawa dahil sapat na sa akin si Xander. Natatakot akong magkaroon ng pamilya tapos mararamdaman ni Xander na nababalewala siya kapag nagkaroon siya ng kapatid sa side ko. “Syempre gusto ko yung simple at masaya lang. Yung may oras para sa isa’t isa.” Sagot ko na lang sa kaniya saka ako ngumuya ng pagkain. Gusto kong mangyari yun, pero sapat na sa akin si Xander. Siya lang ang kailangan ko sa buhay ko. “Ikaw anong gusto mong gawin sa pamilya mo?” baling ko naman sa kaniya, iniwas niya naman sa akin ang paningin niya saka kumain ng barbeque. “Gusto kong magkaroon ng pamilya sa babaeng mahal ko pero hindi ko na yun magagawa.” Nangunot nam

