Ninj's Pov: December 10, nalalapit na ang araw ng Pasko, pero hindi pala sila nag cecelebrate dito sa Evry, sa halip ay meron lang silang Piging, tinatawag nila itong araw ng Evry kung kailan ito nabuo. "Good afternoon E-Students, lets go to the Hall, Headmaster Lady Phlaw will have announcement, please a line." Mr.Paul command. Pumila kami ng maayos, nakahiwalay sa amin si Bry, nasa linya siya ng mga lalaki. "Bessy, bakit parang magulo ata ang sections dito?" tanong ni Char. Sa totoo lang napapansin kung hindi maayos ang Academy, magulo, sa ibang schedule namin iba ang nakakasama namin kapag nasa training naman, naiiba uli. "Hindi ko alam bessy." I said. "Ganun ba, iba't ibang level kasi ang mga nakakasama natin eh, minsan may mahina, oh kaya naman may mas malakas, pano kapag sa tr

