Ninji's Pov: Kami ng mga 4th year ang magpapakitang gilas sa harap ng mga Prof. at kay Prince Angelo. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, kinakabahan ako. Bakit ba kasi kailangang automatic pa na mapapalitan ng ibang uniform ang bawat studyante. Dito ako nakilala sa ganitong pananamit ko, pero dahil dito sa bagong patakaran mawawala na ang trademarks ko. "Bessy kinakabahan ako, kailan lang ako nkapasok dito at hindi pa ako masyadong magaling sa pakikipaglaban, baka may halimaw diyan at kainin ako ng buhay." halata kay Char ang takot sa kanyang mga mata. Karamihan sa mga bago takot ang makikita sa kanila at kinakabahan talaga. At hindi ko sila masisisi. "Wag kang kabahan at matakot bessy kapag hindi mo naman kaya ay ihihinto nila, un nga lang nasa Blue ka." matunog naman siyang bumu

