C-23: Alas Alibi

1438 Words

Mansyon. Nakauwi na sina Sum galing sa kanilang bakasyon doon sa Moon Island. Pero hindi sila nag-iimikang mag-asawa. Nagtataka din si Sum kung bakit tila iniiwasan siya ni Alas gayong alam naman nitong may dinaramdam siya. "Nag-away ba kayo sa Moon Island na mag-asawa?" tanong ni Don Arthur nang malapitan niya si Sum sa may hardin. As usual ay kinumusta na naman ni Sum ang mga tanim nitong namumulaklak sa may hardin. Pagkatapos niya doon ay sa likod naman ng Mansyon dahil marami siyang tanim doon na mga gulay sa tulong ni Mang Fabian. "Hindi po, bakit niyo natanong?" Nakangiting sagot ni Sum sa Dob nang lingunin niya ito. "Nothing naman but I just can feel it," kibit-balikat na tugon ni Don Arthur. Mas tinamisan pa ni Sum ang ngiti nito upang ipakita sa Don na okay silang mag- asawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD