THE past week turned out to be one of the best experiences of his life. Hindi niya inakala na darating siya sa punto ng buhay niya na magiging komportable lang siya sa bahay. Sa unang tatlong araw ng week na iyon ay hindi sila lumabas dahil sa sitwasyon ni Dara. Nanatili sila sa bahay at literal na nag-chill out lang. Sa malambot na sofa sa living room sila madalas na tumambay dahil naroon ang malaking TV ng bahay bakasyunan. Nakabukas din ang mga bintana at pintuan upang pumasok ang malamig at preskong hangin ng Tagaytay. “Dara? Are you sure you’re okay to sleep here? Buhatin na kita papuntang kwarto?” Bulong niya sa dalagang nakahiga sa kanyang hita at nakafetal position. Dahil hindi natuloy ang biyahe nila papunta ng rancho ay nagpumilit si Dash na manatili muna sila roon

