CHAPTER ONE - DAYDREAM

1259 Words
Papasok pa lang gate ng school sina Mica at Rex ng biglang humarang sa daraanan nila ang apat na lalaki. "Kumusta miss?" sabi ng nakangising lalaki. pinaka mataba ito sa kanilang lahat at ito rin marahil ang lider nila. Agad nakaramdam ng kaba si Mica. Napatingin sya kay Rex na walang kaimik imik na nagmamasid lang. Hindi mapuknat ang tingin nito sa mga lalaking lumapit. "Wow! mukhang masarap yata yan ah." sabi naman ng isa pa. "Salamat dito ha?" sabi rin ng pinaka payat sa kanila sabay hablot sa supot nyang dala na may lamang baon nya. "Sana bukas meron ulit, di ba, miss?" sabi pa ng isang pinaka matangkad sa kanila ngunit payat ang panganga tawan. At saka nagtawanan ang grupo. Natatakam na naka tingin ang mga ito sa dalang pagakain na kinuha sa kanya. Hindi naka imik si Mica. Madalas ang mga itong ganito ang ginagawa sa kanya kung minsang hindi nakaka sabay ang lalaki. Wala naman syang magawa sa mga ito. Marahang humarap sa kanya si Rex na tikom ang mga bibig at kanina pa pinag mamasdan ang buong grupo. "Madalas ba nilang ginagawa ito sa iyo?" pabulong na tanong sa kanya ni Rex. Hindi sya naka imik, bagkus tumango lang ng marahan at kinagat ang ibabang mga labi. "Haist! di ba sabi ko wag kang ganyan?" tila inis na sabi nitong tumingin sa ibang direksyon at umiling. Sinadya talaga nyang lakasan upang mapansin sya ng grupo. "Hoy! at sino ka naman, ha? Hindi mo ba kami kilala kung sino kami?" mayabang na sabi ng mataba na pinaka lider ng grupo. Bahagyang lumingon sa kanila si Rex. Maya maya dahan dahan itong lumingon na nakangising parang nakaka loko at patango tango. Bahagyang nakanganga habang tila nilalaro ang sariling dila sa ilalim ng bibig. "Hmn..." at saka unti- unting tumawa papalakas na parang nang iinis. Marahan nitong inabot ang plastik bag na kinuha ng mga ito kanina. "Hindi. hindi ko kayo kilala, pwede na kayong mag pakilala, ha... ha... ha..." sabi nito "Aba't.... ang yabang mo ah.." sabi ng isang pinaka payat sa kanila at nakaliyad ang dibdib na bahagyang naka chin up at tila nang hahamon na hitsura. Bahagya pang kinabog ang dibdib. Nagpa tango tango si Rex. Nakakagat labi naman si Mica na kinakabahan. Natatakot syang baka mapa away ang kaibigan nya. "Rex, ano ba tara na." awat ni Mica rito. Wala lang, hindi naman sya nito pinansin. Binuksan nito ang supot na binawi kanina, kunway sinilip ang laman at tumango tango. "Mukha ngang masarap ang laman." at saka nito itinaas sa ere ang plastik at saka tumawa. "Gusto nyo ba ito? Bakit hindi na lang kayo bumili sa labas o kaya sa canteen? sigurado marami roon at mukha naman kayong mape pera at hindi mukhang pulubi." insulto sa kanila ni Rex saka tumawa muli at pumalakpak pa talaga ang loko. Hindi likas na basagulero si Rex pero kung magi gipit kaya nitong lumaban sa mga ito. Galit na sinugod ito ng isa mabilis namang iniharang ni Rex ang isang binti sa harapan. Ayun balandra sa harapan ng lahat ang lalaking payat na sumugod. Bumagsak ito sa lupa dahil sa pag kakatapid. Tumawa ng malakas si Rex at akmang susugurin muli. "Malaki ba ang nahuli mo at marami ba? Sa susunod wag nyo na gagawin ulit ito, ha? baka hindi lang iyan ang abutin nyo." at tumatawa habang naka turo ang isang daliri sa lalaking parang palaka sa pag kakadapa saka nito sinabayan ng halakhak na pagka lakas lakas. Muli sana syang susugurin ng isa pa pero lumapit si mamang guard. " O anong ginagawa nyo riyan? Sige magsi pasok na kayo. Sa loob ng classroom, ng maka pasok sya mabilis na lumapit sa kanya ang isang kaklase nya at bahagyang hinila ang may kahabaan nyang buhok. "A- aray!" sabi nya ng maramdamang masakit sa anit ang ginagawa sa kanya ng babae. " Masakit, di ba?" sabi ng babae pabulong sa tainga nya. Naka hawak pa rin ito sa buhok nya habang nasa likuran ng upuan. "Nasasaktan ako." maikling sabi nya. Wala pa ang kanilang guro ng mga oras na iyon. "Ah, so balak mo na naman ba magsumbong kay mr. charming man mo?" "Hindi ko alam ang tinutukoy mo." sabi nya rito kahit pa nga alam nya kung sino si mr. charming, si Rex. Malaki ang gusto nito sa lalaki. "Sinungaling ka. kilala mo kung sino sya." at mas lalo pa diniinan ang pag hila sa buhok nya. " Pwede ba bitawan mo ang buhok ko. kahit pa kilala ko sya, hindi ko naman aagawin sya sayo. "Sa tingin mo ba maniniwala ako sayo?" galit na sabi ng babae at matalim ang pag kaka tingin nito sa kanya. "Baka nga kung anu ano pa ang sinusumbong mo kaya walang paki alam kahit nilalapitan sya." dagdag pa nito. "Hindi ko na kasalanan iyon. Sya nalang ang tanungin mo." at tinangka nyang hilahin ang buhok mula sa pananabunot nito. Nang bumungad ang kanilang guro, mabilis sya nitong iniwan at binitawan, bago matalim na sumulyap sa kanya ng naka upo na ito. Walang imik na itinuon ni Mica ang atensyon sa klase. Madalas syang mabuli sa labas o loob man ng school lalo na kung hindi nya kasama ang lalaki. Mas ahead sa kanya ng isang taon ang lalaki kaya hindi nya ito palaging katabi, bihira itong makita kung nasa loob na ng campus. Sa ngayon nasa 3rd yr. grade na sya samantalang si Rex ga graduate na ngayon at hindi nya alam kung makikita pa ito, dahil ang alam nya sa maynila na ito mag aaral. Aaminin nya na hindi na lang ang pagiging kaibigan ang feelings nya para rito subalit hindi magawang sabihin rito sa takot nyang baka lumayo ito sa kanya. Nasasaktan sya kung may mga babaeng lumalapit rito, kaya pinag kakasya nalang ang sariling mahalin ito ng lihim upang hindi lumayo sa kanya ang loob nito. Sa ganitong paraan, masaya na sya basta patuloy lang syang makasama nito, subalit hindi maiwasang magkaroon ng agam agam ang batang puso nya. 'Maalala pa kaya nua ako kung nasa malayo na sya? Ako pa rin kaya ang bestfriend nya? O baka makahanap na ito ng ibang babaeng mamahalin nito at hindi kaibigan lang.' piping bulong sa sarili. Nasa ganon syang pag iisip ng hindi nya namalayang break time na at wala ng tao sa loob ng classroom maliban sa kanya. Tulala sya na tila wala sa sarili nakapanga lumbaba at nakatingin sa malayo habang malayo rin ang iniisip at bahagya pang naka awang ang mga bibig. Dahil sa lalim ng kanyang iniisip hindi nya tuloy pansin ang mga palad na humarang sa harapan ng mukha nya. "Ang layo at ang lalim yata ng iniisip mo para mawalan ka ng paki alam sa paligid mo?" sabi ng tinig na nag papitlag sa kanya kasabay ng pag tambol ng kanyang dibdib. Kilalang kilala nya ang boses nito na hindi nya namalayang nasa harapan na nya. "Anong ginagawa mo rito?" takang tanong nya. Ngayon lang ito lumapit sa loob ng classroom nila maliban doon palagi itong kung nasaan kapag araw na may mga klase. "Tinitingnan ka, hindi kasi kita nakitang lumabas at wala ka rin sa canteen kanina kaya sinadya kita rito para i- check ka. Ayun at busy pala mag day dream. Ano ba iniisip mo? Sana ako ang iniisip mo." sabi nito na tila wala sa loob. Tiningnan nya ito at nakita nya ang kislap sa mga mata nito, hindi rin nya alam kung seryoso ito sa mga sinabi. Bahagyang nakaangat ang isang sulok ng labi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD