bc

FAREWELL TO YOU MY FRIEND, MY LOVE, MY HERO

book_age18+
55
FOLLOW
1K
READ
spy/agent
fated
brave
tragedy
comedy
mystery
small town
naive
hostages
like
intro-logo
Blurb

Mica and Rex is a bestfriend since childhood. As time passed, their feeling was developed and they became lover.

But something happened, and Rex left mica to went abroad without saying a word to Mica.

After how many years, Rex was back and he found Mica misserable in hand of another guy, Larry.

He found himself trying to get her back at all cost. And even he's life got in danger.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"I'm here! Woo.. hoo.." sabi ng batang si Rex habang dahan- dahang papalapit sa batuhang pinagtataguan ni Mica. Kasalukuyan silang nasa dalampasigan at naglalaro ng taguan at habulan. "You can't hide on me, Mica" sabi nitong parang excited na makahuli ng kung ano habang payuko- yuko at palingon- lingon sa batuhan na kinaroroonan ni Mica. Ang mga kamay nito ay sige ang kumpas sa hangin at panay ang galaw ng mga daliri na akala mo monster. "Grrrrr....." sabi pa nito at kunwa'y nanlalaki pa ang mata na gaya sa mga horror movies. Tahimik namang bumubungisngis ang batang si Mica habang nakakubli sa matataas na bato sa dalampasigan. Matagal na hindi umimik si Rex, kaya ang akala ni Mica wala na ito. Dahan dahan syang tumayo para silipin ito. 'Wala. Saan nagpunta iyon?' bulong nya sa sarili at sinimulang iikot ang tingin sa paligid. 'Iniwan ba nya ako?' nahintatakutan nyang sabi. Magsisimula na sana syang umiyak ng... "Bulaga!" sabi ni Rex sa likuran nya sabay daklot sa balikat nya. Ang tinitimpi nyang iyak kanina lalo pang hindi napigilan sa gulat nya na ikina lundag pa nya at nahulog sa buhanginan na nakadapa at nakadipa ang kamay. "Ha... ha... ha...." tawa ng batang si Rex. "Anong ginagawa mo dyan? Ilan bang palaka ang nahuli mo, ha. Mica?" pambubuska pa nito sa kanya. Hindi ito huminto sa katatawa hanggang sa hawak na nito ang tiyan sa pag pipigil na matawa pa sa hitsura nya. "Hu.... hu.... hu... ayaw ko na sayo, ang salbahe mo. " sabi nya rito habang bumabangon. Sumubsob kasi ang mukha at katawan nya sa buhanginan kaya napuno ng buhangin ang mukha at katawan nya. Bahagya pa syang nakakain ng buhangin na nasa mga labi nya. "Ha... ha... ha..." tawa muli ni Rex ng makita ng tuluyan ang hitsura nya. Hawak pa rin nito ang tiyan at namimilipit sa katatawa. Nai- inis na binato nya ito ng buhangin para makaganti man lang sya pang gugulat nito pero agad naman itong nakatakbo palayo. Dahan dahan syang nag pagpag ng sarili upang maalis ang mga buhangin. "Pwue..." habang ina alis ang mga buhangin sa labi at bibig. Hindi nya alam kung gaano ka tagal sya na nag alis ng buhangin sa katawan. Naramdaman nalang nya ng bumalik si Rex. Hindi nya ito pinansin at hindi rin nilingon. Masama ang loob nya rito na ginawa syang katatawanan. "Sorry na, Mica, ha?" sabi nito na hindi naman yata sincere dahil naroon pa rin sa labi nito ang pag pipigil na matawa muli. Inis nya itong tinalikuran at nagpasyang umuwi na lang. Habang pauwi sila, tiniis nyang hindi ito pansinin para isipin nitong galit sya. Kilala na nya ito, pag gan'on sya hindi ito tumitigil sa pang aayo sa kanya. Bestfriend nya ito kaya lang puro pang aasar naman ang ginagawa sa kanya kaya naiinis sya at madalas nauuwi sa hindi pag iimikan kang napikon na sya. Nang makauwi ng bahay, nagulat pa ang ina nya ng makitang bahagyang namaga ang bibig nya. "Anong nangyari sayong bibig, Mica?" takang tanong ng nanay nya. "Nasubsob lang po ako, 'nay. Iyan kasing si Rex, ginulat po ako." nakalabing sabi nya sa ina. "Sorry na nga, di ba?" sabi naman ni Rex. " Hus, kayo talagang mga bata kayo, oh. Sige, maglinis ka na ng katawan, Mica at ng makaka kain na tayo." at muli itong nag ayos ng mga pagkain sa mesa. "Dito ka na rin kumain Rex. tanghali na rin naman. Pagkatapos umuwi ka na muna at baka hinahanap ka na sa inyo." "Alam po nila na nandito po ako." mabilis na sagot ni Rex. "Mabuti naman kung gan'on. Hala maupo na at kakain na tayo." sabi nito at naupo na isang bakanteng silya. "Wala pa po si Mica." "Sige, maya maya nandyan na rin iyon. " at nagsimula na itong mag sandok ng kanin at nilagyan ang mga plato nila ni Mica. Maya maya dumating na rin si Mica at naupo nagsimula na itong sumubo ng magsalita si Rex. "Sorry na talaga, Mica, ha?" sabi ni Rex. "Basta, ayaw ko na sayo ang bad mo." nakalabing sabi nya. Hindi rin nya ito tinitingnan. "Ikaw naman kasi naka tungtong ka sa bato kaya nahulog ka. Hindi ko iyon kasalanan." tila nag papaliwanag na sabi nito. "E kung hindi mo ako ginulat, hindi sana ako nahulog, kaya kasalanan mo pa rin." at sumulyap ito sa kanya na matalim ang tingin. Sumeryoso si Rex at hindi na nakangiti. "Talagang galit ka?" "Oo. at ayaw ko na sayo." tumahimik ang batang lalaki at nagpatuloy sa pagkain ang batang babae. "Nasa harap kayo ng pagkain kaya igalang nyo. Hindi kayo dapat nag aaway dyan. Sabay silang lumingon sa nanay nya at pagka tapos nagka tinginan. Sabay nilabas ni Mica ang dila rito at nanlaki naman ang mata nito. 'Mabilaukan ka sana.' mahinang bulong ni Mica. At tila naman ipinag adya na nabilaukan nga si Rex. Agad itong uminom ng tubig at kinabog- kabog ng kaunti ang dibdib. "Ha... ha... ha..." sabi ni Mica. "Ayan ang takaw- takaw mo kasi." habol pambubuska nya rito. "Be..." at dumila muli ang bata. Walang imik si Rex na mabilis tinusok ng tinidor ang hotdog na nasa plato ni Mica. Nanlaki ang mata nito "Ang salbahe mo, akin yan eh." mangiyak- ngiyak na sabi nito habang nakatingin sa batang nag ngunguya. "Sabi mo kasi matakaw ako, kaya ayan kinain ko na para naman totoo ng matakaw nga." "Ano ba naman kayong dalawa. Tumigil na nga kayo, di ba sabi ko na wag nag tatalo sa harapan ng pagkain?" sabi ng nanay sya. "Sya po ka-..." "Ikaw ka-..." Magka panabay na sabi nila. Saka muling tumingin sa nanay nya na nakatingin sa kanila. Pagkuway wala nang imik na hinarap ang mga pagkain nila. Halos ganito naman sila palagi, parang mga aso't pusa pero magkaka ayos rin sa huli at itinuring ng bestfriend ang isa't isa. Madalas silang magkasama kahit saan at madalas rin sa bahay nila si Rex. May minsan rin na doon na ito natutulog sa kanila. Sa school naman kapag may gustong mambuli sa kanya, ito rin ang nagtatanggol sa kanya. Yun nga lang at paborito rin yata sya nitong buskahin. Mahirap lang sina Mica , mangingisda ang kanyang ama at naglalako naman ang kanyang ina ng kahit anong mga paninda. Minsan mga gulay at ulam ang karaniwang itinitinda ng ina at ang kaunting bahagi nito ay syang tulong na sa kinikita ng kanyang tatay. Hindi sila mapera at mahirap lang, minsan pa, hindi na nagagawang kumain ng nanay nya para lang may mai pakain sa kanya kung walang wala sila at walang nahuhuli ang kanyang tatay. Halos kabilaan rin ang utang nila sa tindahan man o sa mga pribadong tao para lang may maipang tustos sa kanilang pangangailangan. Ang bahay naman nila ay yari lang sa pinitpit na kawayan ang dingding at kugon na bubong. Ang higaan nila at pinag- tagpi- tagping kinayas na kawayan. Wala silang sariling linya ng kuryente at salamat sa mabait na kapit- bahay nila na pinasusop sila para makagamit ng kuryente. Wala silang kahit anong appliances sa loob ng bahay. Nag iisa rin naman syang anak at wala rin syang luho. Kung ano ang ibinibigay sa kanya sapat na iyon at hindi na sya nag hahanap pa. Sa ngayon nasa unang baitang na sila sa highschool at hindi pa rin nag babago ang samahan nila ni Rex. Madalas itong dumadaan sa kanila upang sabay silang pumasok sa eskwela. Madaraan kasi nito ang bahay nila na ilang kanto ang pagitan sa inuuwian nito. May kaya naman sina Rex, mayroon silang ilang pag- aaring lupa at hayop na gaya ng mga baka at iba pa. Malayo sa hitsura ng bahay nila ang tinitirhan nito, magka- gayonpaman hindi iyon naging hadlang para iwasan sya ng lalaki. Hanggang sa lumaki na sila at naka abot sa ganito, nanatili itong kasama nya at madalas iyakan nya kahit pa nga panay ang pang aasar sa kanya, ito pa rin ang tagapag tanggol nya. Very protective ito at thoughtful na talagang hinahangaan. Kinaumagahan, maaga silang pumasok sa eskwela. Sa gate palang panay na ang irap ng isang grupo ng mga kaklase nyang babae habang nakatingin sa kanila ni Rex na papasok. Alam naman nya na malaki ang pagka- crush ng mga babae kay Rex kaya ganito ang mga ito makatingin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook