15

4999 Words
-Matthew Nabato ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang tanong niya. Paano niya nagawang itanong iyon? Hindi kaya, masyado na akong halatang may gusto sa kaniya? Hindi na ba ako nag-iingat sa mga ikinikilos ko kapag malapit siya? Pero I always do my best na hindi magpahalata so bakit siya magtatanong ng ganuon? "Ano, Matthew? May gusto ka ba sa kaniya?" biglaang tanong ni Kamatayan, na hindi man lang nagparamdam na nakikinig pala. Bakit ba hindi pa ako masanay kapag bigla-bigla itong nagsasalita? At talagang kailangan, dumagdag pa siya? Mas dumoble tuloy ang kaba ko nang marinig ko pa iyong boses niya. Para akong tinakasan ng baga kasi hindi ko napansin na hindi na pala ako nahinga dahil sa mga tanong nila. Anong gagawin ko? Gustuhin ko man na sabihing oo, gusto kita kay Coleen, hindi puwede dahil once na umamin ako, maparurusahan na ako, mahihiwalay pa ako sa kaniya. Nakakagago naman. "Matt-" Pinutol ko iyong sasabihin ni Coleen sa pamamagitan ng paggulo sa buhok niya habang natawa ng pilit. Ayoko man magsinungaling sa nararamdaman ko, kailangan gawin ko ito para mapanatili sa siya sa tabi ko. I know I'm being selfish and all pero para sa akin kasi, she's is the remaining reason para magpatuloy ako sa buhay. I know I'm being cheesy right now pero iyon kasi talaga ang nasa isip ko. Wala naman akong ibang gagawin sa buhay kong ito. Maybe I haven't found the real reason para magpatuloy pero sa sitwasyon ko ngayon, ano pa bang silbi ko? Nabubuhay na lang ako ngayon para maging sunod-sunuran kay Kamatayan. Right now, Coleen's the one I consider my reason to live. "Ano ka ba? Natural naman gusto kita kasi kaibigan kita." sagot ko habang patuloy na ginugulo ang buhok niya. Iyong sobrang tahimik kong bahay, napuno ng boses ko dahil sa pagtawa ko ng pilit. Ganiyan nga, Matthew. Magsinungaling ka hangga't kaya mo para patuloy mo siyang makasama. Fuck this. I'm not used to this kind of scenario. Marahan naman niyang tinapik ang kamay ko bago siya nagsalita. "No, Matthew. Gusto as in... gusto. Mahal. Matthew, m-mahal mo ba ako?" You have no idea how much I love you, Coleen. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat saka siya tinignan sa mata. Hindi ko rin alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para tignan siya sa mata dahil alam ko sa sarili ko, mabilis ako manglambot kapag nakatitig na ako sa mga mata niya. At dahil nga matangkad ako, tumingala pa siya para lang magtagpo ang mga mata namin. "Coleen, kaibigan kita. Ibig sabihin, mahal kita bilang kaibigan. No more, no less." Binitawan ko na siya saka itinuon ang paningin ko sa noo niya dahil ang lakas-lakas na ng kabog ng dibdib ko. "Bakit mo naitanong? Gusto mo ba ako?" Gustong gusto ko marinig mula sa kaniya ang mga katagang oo, gusto kita kaso ayokong umasa dahil sa tingin ko, si Jale pa rin gusto niya. "Oo, pero tulad lang rin ng sa iyo; bilang kaibigan rin." Umatras siya saka ibinagsak ang sarili niya sa sofa. Pumikit siya saka ngumiti. "Kinabahan ako, ha? Buti na lang talaga at hindi mo ako gusto. I'm so, so relieved. So relieved." I was dumbfounded dahil sa sinabi niya. Relieved pa siya na hindi ko siya mahal? Ibig sabihin, hindi niya ako gusto na higit pa bilang kaibigan. Right now, that's a given kasi alam ko na si Jale pa rin. Pero in time, siguro kung ipupursue ko siya, there might be a slight chance of her to be mine. Ang kaso, kahit pagpupursue, hindi ko puwedeng gawin dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko if ever na ituloy ko iyon. Baka mapaamin ako nang hindi oras; and that'll result for my vanishment. "S-Sige, akyat muna ako." Tumango siya bilang sagot habang nakapikit na nakangiti pa rin. Napabuntong hininga na lang ako saka umakyat sa kwarto habang nakatungo. Inilagay ko iyong mga gamit ko sa gilid ng aparador saka hinubad ang damit at pantalon ko, leaving only my boxer shorts on. "Bakit mukhang matamlay ka, Matthew?" Hindi ko na lang ito pinakinggan at nahiga na lang sa kama. "Hindi ka ba masaya dahil walang gusto sa iyo ang babaeng iyon? Hindi ka ba masaya at hindi ka magkakaroon ng problema dahil walang gusto sa iyo ang kaibigan mo?" "Pagod ako; huwag mo muna akong kausapin." Kinuha ko iyong unan sa ulunan ko saka ko ibinaon ang mukha ko ruon. How the hell could I be happy if Coleen doesn't even like – no, love me? Yeah, she loves me but as a what? Only as a friend. Sa totoo lang, masakit. Sobrang sakit na marinig sa kaniya na hindi niya ako gusto. Hindi pa man ako umaamin, hindi pa man rin ako nakakapanligaw, basted na kaagad? Wow, now that's the biggest bomb that exploded in my chest– in my heart. Hindi rin naman siguro masamang maghangad kahit minsan, hindi ba? She has no idea how much I anticipated to hear from her that even if I told her that I only love her as friend, she'll say that she loves me not only as a friend but more than that. Anong gagawin ko sa mga bagay na mayroon ako kung iyong kaisa-isang tao nga na gusto ko, hindi ko pa makuha? If I need to trade all my belongings in exchange for Coleen, I'll gladly accept the trade. Pero ang problema: Who am I going to trade to? Ngayon, as in ngayon lang ako nagkagusto sa isang babae tapos magiging ganito pa iyong sitwasyon ko? That is something I want to rave the world for. Why do I have to be in this effin' situation? Ilang beses ko na ba naitanong iyan? Nakakabaliw na. And why am I crying right now? -- "Wala na yata talagang pag-asa iyong kaso ni Sir Salazar, ano?" tanong ni Nathan habang nakain. Bigla naman siyang nabulunan kaya tinawanan siya ni Larry pagkaabot nito ng tubig sa kaniya. "Hinay-hinay kasi. Hindi ka naman aagawan ng pagkain. Kung makasubo ka, akala mo bibitayin ka na mamaya." matawa-tawang sinabi ni Larry saka ito kumagat sa hawak na tinapay. "Yeah; wala nang pag-asa malaman kung sino ang pumatay sa kaniya, sigurado ako." Napatingin naman sila sa akin habang nakakunot ang noo nang bigla akong tumawa after ko sabihin iyon. Umiling si Larry tapos si Nathan naman ay itinuloy na lang ang pagkain. What? Hindi naman na talaga mahuhuli ang pumatay sa prof namin dahil sobrang linis ng ginawa ko. Sinunog ko ba naman iyong bahay bago ako umalis, makakuha pa ba sila ng ebidensiya? At siyempre, hindi ako nahuli nuong guard dahil tinulungan ako ni Kamatayan. Isinuksok ko na lang ang earphones sa magkabilang tenga ko dahil naiingayan ako sa kumpol ng mga estudyante sa isang table. Pinabayaan ko na lang sina Nathan at Larry sa ginagawa nilang pagkain at nagsoundtrip na lang ako. Ano kaya puwedeng gawin ngayon? Ang boring ng araw na ito. Ano bang ma bagay na hindi ko pa nagagawa? Mag-ala singer kaya ako? Nah, I love music but does it love me? No. Dancing? Matigas katawan ko, hindi rin ako marunong sumayaw. Should I try to become an extremist? Iyon bang mga nag-aadventure; sky diving, mountain climbing and the likes. I don't think it'll suit me. How about being a writer? Well, Coleen love books. I'll try this one first and if I got bored, I'll look for a new one. Well, I'll just cancel that one, too. I don't know. For sure naman kasi na mabo-bore ako. -- "Matthew, mauna-" "Hintayin mo ako; sabay na tayo!" isinigaw ko bago pa man maisara ni Coleen ang pintuan ng kwarto ko. Dali-dali ko namang kinuha iyong coat ko na nakahanger sa aparador saka ito isinabit sa balikat ko. "Tara!" Nagkibitbalikat siya saka iniayos ang pagkakasukbit ng bag sa balikat niya. Nang makarating kami sa garahe, pinapasok ko na siya sa kotse tapos binuksan ko iyong garage door. Matapos kong buksan iyon, pumasok na rin ako sa kotse saka inistart iyong makina ng kotse. Siyempre, nilock naman namin lahat ng dapat ilock dahil baka manakawan kami. Kahit pa sabihing may guard itong subdivision, mas maganda na iyong sigurado. Papunta na kasi ako sa debut ng pinsan ko at siya naman ay papunta sa mag-iinterview sa kaniya para sa trabaho na papasukan niya. Sabi niya sa fastfood lang raw siya papasok since nag-aaral pa siya. Hindi ko na siya pinigilan sa plano niya. Baka makahalata na talaga siya this time na gusto ko siya kapag ginawa ko iyon. Gusto ko sana siya tustusan pero huwag na lang. Baka ikwento niya ulit iyon sa kaibigan niyang si Sheena. Kaya raw kasi naitanong ni Coleen kung may gusto ba ako sa kaniya ay dahil kay Sheena. Sabi raw kasi ni Sheena, may nasesense raw ito sa akin, na may gusto raw ako kay Coleen. Hindi ko naman raw kasi gagawin ang mga kabutihan ko rito kung wala akong gusto sa kaniya. Kaya ayun, itinulak raw siya ni nito na itanong sa akin kung may gusto raw ba ako sa kaniya. You know, masakit. Naiisip ko rin, napakalaking duwag ko dahil nanduon na, eh. Tinanong niya na ako kung may gusto ako sa kaniya, hindi pa ako umamin. Nagpalamon pa ako sa takot kaysa ivoice out iyong feelings ko. Well, masisisi niyo ba ako? Look at my situation. Sobrang hirap. "Matthew, pakitabi mo na lang sa gilid." Itinabi ko ang sasakyan sa sinabi niyang pwesto. Tinanggal niya naman ang seatbelt na nakayakap sa kaniya saka kinuha iyong folder sa loob ng bag niya. Tumingin siya sa akin habang nakangiti pagkabukas niya ng pintuan. "Salamat sa paghatid." "Wala iyon. Good luck sa interview. Galingan mo, ha?" Nag-aja pose ako habang nakangiti. I hope she pass her interview. Tumango naman siya saka lumabas ng kotse pero sumilip pa rin siya sa loob. "Enjoy ka sa debut, ha?" Tinanguan ko na lang siya saka niya isinara iyong pinto. Enjoy? For sure naman na hindi ako makakapag-enjoy ruon. Nang makarating ako sa bahay ng tita ko, dumiretso ako sa garden dahil ang sabi nila ay duon raw gaganapin ang debut. True enough, duon nga ito ginanap. Masyadong maraming tao; masyadong maingay dahil sa pinatutugtog pati na rin ang boses ng mga nag-uusap; masyadong maraming nakatingin sa akin – to simply put it all, naiirita ako. "Where's that Death when I need him?" inis na naibulong ko sa hangin habang hinahawi iyong mga tao para makapunta sa harap kung saan nakatayo sina Tita. Napatigil naman ako sa paglalakad nang biglang may humarang na babae sa harap ko. Ang elegante ng itsura. Nakabun ang buhok niya tapos iyong braso niyang may hawak na wine ay may mga kung ano-anong accessories. "Hi," nakangiting bati nito. "What?" I don't have time for formalities. Gee. Gusto ko na umuwi at maglaro na lang ng xbox kaysa nandito ako. "What's your name?" "f**k you." Napailing na lang ako saka siya nilagpasan. Bago pa nga ako makalagpas, narinig ko ang pagtawa niya. Nang makarating ako sa puwesto nina Tita, binati ko muna sila. Pinaupo rin nila ako sa table nila saka kinausap tungkol sa kung ano-anong bagay. At dahil ayoko silang kasama at nabobore ako sa kanila, nagpaalam ako na magccr muna. Sakto naman na pagkatayo ko, lumapit iyong babaeng minura ko kanina. "Hi, Mr. Ef Yu." bati niya na may kasamang pagtawa. Hindi ko na lang siya pinansin at inexcuse na iyong sarili ko saka dumiretso sa loob ng bahay. Ayoko sa labas. I may look like a party goer, but I'm really not. Hindi naman ako introvert; ayoko lang talaga sa sobrang crowded places or events like parties. Tatambay na lang ako sa salas. Magtetext naman siguro iyong pinsan ko kapag magsisimula na iyong program. Takot niya na lang na masira ang party niya dahil nawawala ang isa sa mga magsasayaw sa kaniya. "Should I text her?" pabulong na tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa cellphone ko. I'm thinking of sending a message to Coleen kaso baka nasa interview pa ito. Right. I just remembered. I told her pala na isilent iyong phone niya dahil baka may tumawag or magtext habang nasa gitna siya ng interview. Right, Right. "How's the interview?" The message was sent. I just hope na maganda ang resulta ng interview niya. Well, she doesn't really need to find or have a job because I'm here; always here to support her but she has to. As I've said earlier, baka mabuko na ako kapag tinustusan ko pa siya. That'll just blow everything up. Sumandal ako sa sofa saka inirest ang ulo ko sa sandalan tapos tinitigan ko iyong ilaw sa gitna ng salas. Why did I bother going here? Should I just go home? Wala naman kasi akong gagawin rito. So what if her debut will be ruined if I bailed? Like I care. Marami naman puwedeng substitute riyan. Puwedeng-pwede nila ako palitan kapag nawala ako. Right. Tumayo ako mula sa pagkakaupo kaso saktong pagkatayo ko, nagring ang cellphone ko. May nagtext. It's two text messages. The one is from Coleen and the other one is from Jale. I opened the first text; the text message from Jale. "Matt nagdeposit ako ng pera s account mo" I just replied okay then opened the other text. "It's done, Matthew. Tatawagan na lang daw nila ako. Kumusta iyong debut?" Naupo na muna ako sa sofa saka nagcompose ng reply. "Don't worry think positive lang tanggap yan. And about the party nakakatamad dito gusto ko na umuwi. Speaking of uwi umuwi ka na kasi walang bantay iyong bahay" We continued texting each other for several minutes. Pero dahil nangalay ako kakatext, tinawagan ko na lang siya. Pinilit ko talaga siya na umuwi na dahil delikado iyong mag-isa lang siya. Pauwi naman na raw siya kaya medyo nakahinga na ako ng maluwag. Habang ineenjoy ko naman iyong pakikipag-usap ko kay Coleen, bigla namang may humila sa braso ko kaya namura ko. Nature ko na yata na automatic magmura kapag binibigla ako. -- "Sige," sagot ko na may kasama pang pagtango. Nakangiting lumabas si Coleen sa bahay; papasok na kasi siya sa trabaho. Hindi naman iyon hadlang sa pag-aaral niya since alam naman raw ng manager na student pa siya. Kaya ang nangyari, pumapasok lang siya kapag free at kapag maaga ang oras ng uwi niya. Iniayos ko naman na ang mga dapat kong dalahin para sa laban mamaya. May laro kasi kami mamaya sabi ni Coach. Kami-kami lang rin namang magkakateam ang maglalaban. I even invited Coleen para manuod mamaya. She just said na hahabol siya after work. Problem is, 4PM ang labas niya sa trabaho at 4:30PM naman ang simula ng game mamaya. Kanina pa talaga ako nagwa-wonder kung makakahabol ba siya or not. Pero sa tingin ko naman, makakahabol siya since isang sakayan lang ng jeep ang distance mula work niya hanggang duon sa school ko. I really, really want her to see me play ball. Ichicheer niya kaya ako? I'm getting giddy because of excitement. This'll be the first time kasi na mapapanuod niya ako– kung makakahabol siya that is. Sana talaga ay makahabol siya. I just dismissed the giddy-making thoughts at pumunta na sa school after ko ilock lahat ng dapat ilock sa bahay. Kaya lang, sakto namang katatapak ko pa lang sa school, tinawag naman ako ni Kamatayan. Napapunta tuloy ako sa gilid para duon pumikit. "Ano ba itong lugar na ito?" Sobrang gulo kasi ng bahay. I mean, iyong mga upuan, nakatumba. Iyong tv, basag. Iyong dalawang lampshade nasa sahig na. Iyong mga magazines at mga libro, nasa sahig rin. Marami ring basag na bote. Umaalingasaw pa ang matapang na amoy ng alak. Basta sobrang gulo. Pinaakyat na ako ni Kamatayan sa second floor kaya dumiretso ako ruon. Habang papataas ako nang papataas, unti-unti akong nakarinig ng boses ng lalake; tumatawa ito pero hindi basta tawang masaya kasi parang... katulad ng sa akin kapag may pinapatay o napapatay ako dati. Nang tumagos ako sa pinto kung saan naririnig ko iyong boses, nakakita ako ng lalakeng hinihiwa iyong tiyan ng babae. Natigilan ako. Hindi ko alam pero... hindi ako natuwa sa nakita ko. Normally, matutuwa ako sa nakikita ko pero bakit ganuon? Instead na matuwa, naawa at nalungkot pa yata ako. Hindi ko maiwasang isipin ang mga plano ko dati habang nakatingin ako sa babaeng nakabukas ang mga mata pati na rin sa lalakeng pumapatay; sa lalakeng nagpapakasaya sa pagpatay. Kung itinuloy ko ba ang pag-angkin at pagpatay ko kay Coleen, ganiyan rin ba ang eksena? Buti pala at hindi ko naituloy kasi kung nangyari iyon, malamang sa malamang ay malungkot lalo ako ngayon. Buti lumambot ang puso ko noon nang hindi ko nalalaman dahil kung hindi, napatay ko na siya. Napailing na lang ako saka nilapitan iyong babae. Hindi ko na kasi kinaya iyong takbo ng imahinasyon ko. Naiimagine ko kasi na si Coleen iyong nakahigang babae at ako naman iyong pumapatay. For once, I agree as to what Jale have said; I have a sick personality. But at least I'm kind of tamed now, and that's all thanks to Coleen. -- "C'mon, Matthew! Heads up!" narinig kong sigaw ng coach namin. Napakamot na lang ako sa batok ko saka inialis ang pagkakapako ng paningin ko sa entrance ng court. Tumakbo ako saka itinuloy iyong laro. Nagsimula na kasi kami, obviously, pero wala pa rin ang hinihintay ko. It's only just the first quarter pero mas maganda kasi kung ngayon pa lang, napapanuod niya na ako maglaro, hindi ba? Nakakawalang gana tuloy. All I want to hear is her voice cheering for me and not those other girls. Sinalo ko iyong bola na ipinasa sa akin saka tumakbo habang idinidribble ito. Sakto naman na pagpuwesto ko ng maayos para maibato iyong bola, nakita ko si Coleen na papasok sa entrance habang nakatingin sa amin. Napangiti naman ako saka tumalon at ibinato ang bola. "Whooo!~" "Go, 13!" Nagsigawan ang mga nanunuod nang pumasok iyong bola. Tinignan ko ulit si Coleen saka nagthumbs up habang nakangiti. Nagtuloy-tuloy na ang laro namin hanggang sa nang third quarter na, nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari. Narinig ko ang pagpito ni Coach saka sila naglapitan sa akin habang nakaupo ako sa sahig; hawak ang nasprain na ankle ko. Pinaupo muna nila ako sa bench saka ipinatawag ang nurse sa isa kong kateam. Ipinatuloy naman ni Coach iyong laro at pinalitan muna ako. "Girlfriend mo?" tanong ni Coach habang nakatingin kay Coleen na pababa na ng bleachers. Sinabi ko kasi na payagan ito na makababa at nang makalapit sa akin. "Hindi, Coach. Kaibigan lang." sagot ko habang nakatingin rin kay Coleen. How I wish na girlfriend ko nga ito. "Ayos ka lang?" tanong ni Coleen nang makalapit na siya sa amin. Tumango naman ako habang nakangiti. "Teka," Hinalungkat niya iyong shoulder bag niya at inilabas mula ruon ang isang Gatorade. "Inom ka muna. Ibinili na kita kanina kasi alam kong kailangan mo iyan." "Salamat," Kinuha ko ito sa kaniya saka binuksan at ininom. "Namamaga." Napatigin ako sa kaniya nang sabihin niya iyon. Nakatingin siya sa ankle ko kaya tinignan ko rin ito. Oo nga; namamaga na nga. Bakit ba kasi ako natapilok, eh. Tumingin ako kay Coach pagkasara ko ng bote. "Puwede na po ba kaming umuwi pagkatapos ng laro?" Tumango naman ito kaya nagpasalamat ako at pinanuod ko na iyong laro. -- "Ara... Aray! Masakit, Coleen!" Hindi ko na alam ang gagawin kong baling sa katawan ko rito sa sahig ng salas dahil sa ginagawa niya. Nakahiga na nga ako rito sa sahig habang yakap ko sa mukha ko iyong throw pillow, eh. "Teka, Matthew– huwag kang makulit!" Hinuli niya ang hita ko dahil inilayo ko ito mula sa kaniya. Ang sakit kasi ng ginagawa niya. Hinihilot niya kasi iyong ankle ko. Kauuwi lang rin namin from the game at ito kaagad ang ginawa niya; pinapatay ako sa sakit. Kanina sa sofa kami nakapuwesto habang tinatanggal niya ang benda na inilagay ng nurse sa akin pero nang simulan niyang hilutin iyong ankle ko, para na akong bulateng inasinan kaya napadpad kami rito sa sahig. Hindi naman mabigat ang kamay niya. In fact, parang haplos nga lang ang ginagawa niya. I don't even know kung okay lang na hilutin niya ang pilay ko, knowing na namamaga ito. Pero I trust her. Hindi niya naman ito gagawin kung hindi ko ito ikagiginhawa. "Masakit kaya!" singhal ko pagkakagat ko sa throw pillow na yakap ko sa mukha ko habang nakatingin sa ankle ko na hinihilot niya. "Oa ka, Matthew, hindi masakit iyan." matawa-tawang hinaplos niya ulit ito. Sige, tawanan mo ako! Tama iyan! Hindi naman kasi ako mag-aala bulate kung hindi masakit. Napupuno na ng ingay ang bahay gawa pagsigaw-sigaw ko nang dahil sa ginagawang hilot sa akin ni Coleen. Reward pa bang matatawag ito? Kung itong masakit na paghihilot ang reward ng pagkakapanalo ng team namin, aba, ayoko na. Thank you na lang sa reward. Nanalo kasi kami at ito iyong sinabi niyang reward ko daw. Juskong reward ito, ang sakit. "Hindi ka naman yata marunong... Aray, Coleen!" sigaw ko pagkaalis ko ng throw pillow sa mukha ko dahil bigla niyang idiniin iyong daliri niya. "Marunong ako, sira." Napahinto siya sa paghihilot nang biglang magring iyong cellphone niya. Kinuha naman niya ito saka tinignan. "Sino naman ito?" "Ano bang pangalan na nakalagay sa caller's ID?" "Number lang." Itinapat niya sa akin ito habang nakapatong pa rin ang isang kamay niya sa hita ko. Oo nga, unregistered number. "Teka, sagutin ko lang." Marahan niyang iniayos ang puwesto ng hita ko bago tumayo kaya umupo na muna ako sa sofa. "Hello... Jale?" Napatingin naman ako sa kaniya nang marinig ko ang pangalan ni Jale. Dumiretso siya sa garden saka isinara iyong sliding door. Jale? Binura niya ba iyong number ni nito? Kung hindi naman kasi niya binura iyon, dapat hindi unregistered ang lalabas, hindi ba? Sabagay. May tendency nga naman na burahin niya iyon dahil wala na sila. "Matthew, saglit lang!" Napatingin ako sa kaniya nang bigla siyang pasigaw na nagsalita pagkapasok niya. "Hintayin mo ako. Babalik ako para ituloy iyong paghihilot ko sa iyo." Para siyang natataranta na hindi maitindihan dahil sa ginagawa niyang kilos. Dumiretso siya sa kwarto tapos pagkababa niya, may dala na siyang jacket. "Saglit lang, babalik ako." What's with her? Nakausap niya lang si Jale, hindi na siya... Hindi kaya magbabalikan na sila? Kaya natataranta si Coleen ay dahil pinapupunta na siya ni Jale sa kung nasaan man ito para makapag-usap na sila at makapagbalikan? Gusto ko ngayong tawagan si Coleen at pauwiin na para hindi na sila makapagkita ni Jale pero hindi puwede. Malalaman at malalaman niya at ni Kamatayan ang feelings ko kapag ginawa ko iyon. Gusto ko siyang habulin kahit pa pilay ako pero hindi puwede. "f**k," Ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa saka nagtakip ng unan sa mukha. "You're, unknowingly, hurting me." bulong ko saka pumikit. "Gusto ko isigaw ito, tangina." Gusto kong sumigaw; isigaw lahat-lahat ng mga hinanakit ko; isigaw ang feelings ko pero ayokong gawin dahil kapag ginawa ko iyon, mawawala ako. Hindi naman na ako natatakot sa parusa; natatakot ako na iwan si Coleen; natatakot ako na mawala siya sa tabi ko; natatakot ako na mahiwalay sa kaniya. Imagining things like me, screaming at the top of my lungs is like a pill; it kind of takes the pain away. Imagination really is my pill and I want to take dozens and dozens of it. I don't care if I got addicted to it; I just want this pain to go away. Ilang minuto rin akong nag-isip ng kung ano-ano sa salas. Naputol lang ang pagde-daydream ko nang biglang sumulpot si Kamatayan sa paanan ko. "What?" walang ganang sagot ko rito. "May kailangan kang puntahan." Ang weird. Usually, kapag may assignment ako, ibubulong niya lang pero ngayon, nandito na siya at sinadya niya pa talaga ako. Pumikit na ako saka inihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Pero nang nahiwalay naman na ang kaluluwa ko, sinabi ni Kamatayan na isasama niya raw pati katawan ko kaya ibinalik ko ang kaluluwa ko sa katawan ko. "Ano na naman ito? May pinarurusahan ba?" Inilibot ko ang paningin ko. Parang nasa likuran ako ng isang school? Building? I don't know pero I guess this is a school. Wala akong makitang tao at puro bulok na upuan ang nakatambak rito. Sinabi ni Kamatayan na magtago ako kaya ganuon ginawa ko. Nagtago muna ako sa shrub ng halaman saka umupo. May tao kasi sa loob ng nasusunog na parang taguan ng tools ng janitor yata? Tool shed? Basta iyon. Napatingin naman ako sa lalakeng tumakbo papalayo kaya lang dahil siguro sa katangahan, biglang napatid. Natanggal ang cap na suot nito pero kaagad niya itong dinampot at isinuot bago itinuloy ang pagtakbo. "Aalamin mo ang kulay ng kaluluwa nila." "Fine-" "Jale, pakawalan mo ako!" sigaw nuong nasa loob na may kasama pang pag-ubo. Biglang kumabog ang dibdib ko nang marinig ko ang boses na iyon sa loob ng nasusunog na shed. That's Coleen's voice. Napatayo ako at tinignang maigi ang nasa loob ng shed. Bigla namang nasira iyong pinto at kasabay ng pagbagsak ng nasusunog na pinto ay iyong katawan ng tao sa loob. "Coleen!" Ininda ko ang pilay ko saka tumakbo palapit sa kaniya para tulungan siya. "Coleen!" Binuhat ko siya saka inilayo sa shed tapos inilapag ko na lang muna siya sa sahig. Nag-aalangan akong hawakan ang kaliwang braso niya dahil may paso ito; medyo malaki kaya sa balikat ko na lang siya hinawakan. "M-Matthew...?" bulong niya habang nakahawak sa bewang niya. Dumudugo iyon kaya mas lalo akong kinabahan. "Matthew, iwanan mo siya." narinig kong utos ni Kamatayan mula sa likod ko. "Gago ka ba?! Hindi ko puwedeng iwan si Coleen!" Pumihit ako patalikod para tignan siya ng masama. I know I'm disrespecting him and I might get punished pero ano bang pakielam ko? Mas importante si Coleen. Grabe na ang kabog ng dibdib ko. Naninikip ito. Panay na rin ang tulo ng luha mula sa mga mata ko dahil na nakikita kong sitwasyon ni Coleen. "Matthew... S-Sino-" Pinutol ko iyong sasabihin niya saka hinawi iyong buhok na tumatakip sa mukha niya. "Shh. Teka, hihingi ako ng tu-" Napatigil naman ako sa pagsasalita nang magsalita si Kamatayan na siyang ikinakaba ko dahil sa tono ng boses nito. "Matthew, makinig ka." seryosong pagkakasabi nito. "Estudyante kita kaya gampanan mo ang ibibigay ko sa iyong mga trabaho. Iwanan mo siya." "Pero-" "Matthew." Umubo si Coleen at pilit na gumagalaw pero itinigil niya rin dahil siguro sa sakit ng katawan niya. "T-Teka, Coleen. Hintayin mo ako, ha? Babalik ako. Dadalahin kita sa hospital." "Matthew..." Tinakpan ko ang mga mata at marahang inilapag siya sa sahig. Tumingin ako kay Kamatayan tapos tinanguan ko ito para madala na ako nito sa dapat kong puntahan. Dinala niya ako sa highway sa harap ng school nina Coleen at Jale. Maraming tao. May pinalilibutan silang kung ano. Tumagos ako sa mga taong nakapaligid saka tinignan ang pinagkakaguluhan nila. "Jale?" Si Jale... nakahilata siya habang naliligo sa dugo. Teka. Siya ba... siya ba iyong lalake kanina? Iyong tumatakbong palayo mula kay Coleen? Suot niya kasi iyong damit at pantalon na nakita kong suot nuong lalake kanina. "Siya ba?" pabulong na tanong ko kay kamatayan. "Ang gumawa nuon sa kaibigan mo? Oo." Nagtagis ang bagang ko saka ko siya nilapitan. Nang suntukin ko iyong mukha niya, tumagos lang iyong kamao ko sa mukha niya. Ilang ulit ko pa iyong ginawa pero nang maisip ko si Coleen, itinigil ko na. Mas kailangan ako ni Coleen kaya hindi dapat ako mag-aksaya ng oras sa gagong ito. "Gago ka. You f*****g deserve to die." gigil na sinabi ko saka ko kinuha ang kaluluwa niya. Hindi na nga rin ako nagtaka kung bakit pula ang kaluluwa niya. Don't get me wrong; I love Jale as if he's like my own brother pero iba na ang ginawa niya ngayon. With this, I consider him an enemy. I felt a pang in my chest habang nakatitig ako sa kaluluwa ni Jale. Tinignan ko kung anong nakikita ng katawan ko dahil alam ko na hindi maganda ang makikita ko gawa ng pag-iyak nito. Nang makita ko ang tinitignan ng katawan ko, dali-dali akong bumalik kung saan ko iniwan ang katawan ko. Halos mabaliw na ako dahil nadatnan kong umiiyak na ang pisikal kong katawan tapos hindi na nagsasalita si Coleen. Dali-dali ko namang ipinag-isa ang kaluluwa at katawan ko saka niyakap si Coleen. "C-Coleen, gising na." pakiusap ko rito habang marahang tinatapik ang mukha niya. "Uuwi ka pa, hindi ba? Hihilutin mo pa ako, hindi ba? Coleen, please... gising na." Hinawakan ko ang kamay niya habang iyong isa kong kamay ay nakayakap sa kaniya. Pero iyong kamay niya, bumabagsak everytime na hahawakan ko. "Huwag mo naman akong iwan, Coleen. Wala na akong kasama sa bahay. Tatahimik na naman duon. Please naman, gumising ka na." Wala na akong pakielam kahit pa makita akong umiiyak ni Kamatayan dahil sa babaeng yakap ko. Wala na akong pakielam kahit pa malaman ni Kamatayan iyong nararamdaman ko para dito. I just want to see her alive, right now. "Buhayin mo siya." bulong ko habang nakabaon ang mukha ko sa leeg ni Coleen. "Matthew-" "Gawin mo na lang kung kaya mo! Wala akong pakielam kahit ano pa ang kapalit; basta buhayin mo si Coleen!" "Kahit pa buhay mo?" Buhay ko? Aanhin ko pa buhay ko kung wala naman na iyong rason ko para mabuhay? Isa pa, walang kwenta buhay ko kumpara sa buhay ng babaeng ito. Maraming pangarap si Coleen na gusto niyang tuparin. Ako? Wala naman akong pangarap sa buhay. Ang gusto ko lang ay maamin kay Coleen ang nararamdaman ko para sa kaniya, eh. Now, tell me; ngayong wala na siya, kanino pa ako aamin? Wala na. Kaya wala nang kwenta buhay ko. Buhay ko, patapon. Buhay niya, makulay kahit pa marami siyang problemang pinagdaraanan. Kaya sa desisyon kong ito, wala akong pagsisisihan. "Oo,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD