16

2294 Words
-Matthew "Matthew," Nakaramdam ako na may umaalog sa katawan ko kaya iminulat ko na ang mga mata ko. The sunlight coming from the window splashed on my face kaya medyo hindi ko maaninag kung sino ang gumising sa akin na babae. Nang makaaadjust na ang paningin ko, nakita ko na kung sino ang gumising sa akin. "May sasabihin-" "What the?!" Napabalikwas ako saka umatras hanggang sa makasandal na ako sa headboard ng kama. "Co-Coleen?" Halata sa mukha niya ang pagkagulat pero hindi ko inintindi iyon dahil may gusto akong malaman. "Hmm?" She just eyed me with confusion nang maicompose niya ang sarili niya. Nagulat siguro talaga siya sa inakto ko kanina. "Ikaw ba talaga iyan?" "Ano bang nangyayari sa iyo, Matthew?" kunot noong tanong niya habang palapit ako nang palapit sa kaniya. Hinawakan ko ang pisngi niya gamit ang isa kong kamay. Binitawan ko naman ang pagkakahawak ko sa kumot saka inihawak rin sa pisngi niya iyong isa ko pang kamay tapos ibinaling-baling ko ang mukha niya pakaliwa't kanan. She's alive? Pero kahapon lang, namatay... Oh. Baka tinupad ni Kamatayan ang hiling ko; na kapalit ng pagkabuhay ni Coleen ay ang buhay ko. Pero bakit buhay pa rin ako kung gayong buhay na itong babaeng ito? Makausap nga si Kamatayan mamaya. I need answers. Oo nga pala; I kissed her yesterday dahil sinabi ni Kamatayan na iyon ang way para mabuhay si Coleen. He said that what I did was kiss of death. But what happened to Jale? Tangina. I just remembered. f**k him. He could rot in hell for all I care. What he did to Coleen was completely unforgivable. He's dead so I wouldn't bother thinking about him. He's probably getting tortured in hell right now; serves him right. Don't get me wrong; I loved jale as if he is brother pero out of the line na masyado ang ginawa niya. I can forget everything dahil pinatay niya si Coleen. If he didn't kill her, I wouldn't have to give up my life in exchange for Coleen's revival. Yeah. Jale definitely deserve his death. "You're spacing out, Matthew." Nabalik ako sa katawang lupa ko nang magsalita si Coleen. Umusog siya palapit sa akin tapos nagsnap sa harap ng mukha ko, probably to completely get my attention. "S-Sorry," "Anyway, Matthew, huwag ka mabibigla, ha? May sasabihin ako." Bumuntong hininga siya saka tumungo. Habang nasa ganuong posisyon, kinuha niya ang isang unan saka ito ipinatong sa hita niya. Ano namang sasabihin niya at sinabi niya pa na huwag ako mabibigla? Will she confess? Nah, that won't happen. Kasi kung iyon ang sasabihin niya, mabibigla talaga ako. She unknowingly friendzoned me kaya mabibigla talaga ako kung iyon lalabas sa bibig niya. "What?" There was a long moment of silence bago siya bumuntong hininga saka nagsalita. "Jale's dead." "That's it?" hindi makapaniwalang tanong ko. f**k. To tell you honestly, I really anticipated na baka may milagro at umamin siya pero iyon lang pala iyong big news niya. Wow. Just... Wow. "What do you mean that's it? Kaibigan mo siya-" "And also your ex-" I chose to cut off her words pero pinutol niya rin iyong sinasabi ko. Ayoko kasi na marinig na kaibigan ko iyong gagong iyon, na siyang pumatay sa babaeng gusto ko. "Which, I'm already over with." Okay. That I didn't know. Akala ko hindi pa siya nakaka-move on. "So what if he's dead?" Napabuntong hininga ako dahil nag-expect rin talaga ako kahit papaano sa sasabihin niya. Umalis rin ako sa kama tapos tumingin sa bintana at binuksan iyon. Ang sarap ng hampas ng hangin na pumasok sa kwarto ko. "Una-una lang naman iyan." Well, look at me. Nauna akong mamatay bago si Jale. Great. Just great. Bigla namang may kamay na lumapag sa likod ko habang nakatingin ako sa kalsada. It's Coleen's, I know. "Okay ka lang?" Of course I am kaya tumango ako. "Are you upset about Jale's death?" If only she knows how happy I am about Jale's death. He's dead so wala nang threat na may maglalayo sa akin sa babaeng gusto ko tapos namatay pa siya dahil pinatay niya si Coleen; it's like I won the biggest prize the whole wide world can offer. "Kind of," Yeah, right. "But really, I'm okay. At least he's at peace now." I secretly smiled. Peace? Peace my arse. There's no peace in hell so he's not really in peace. Wait. Wait. May mali. Bakit hindi niya alam na si Jale ang pumatay sa kaniya? Gawa siguro ni Kamatayan. Oh, well. Malalaman ko rin naman ang mga sagot sa mga tanong ko mamaya. -- "Thanks for the food." sabay na nasabi namin ni Coleen saka kami nagkatinginan at nagngitian. Ang saya ko talaga palagi kapag umaga. Ganito kasi palagi routine namin. Bonus pa kamo kasi inaasikaso niya ako like I'm her very own husband; she irons my clothes, washes them, feeds me (Well, sa akin talaga galing iyong ingredients, siya ang taga luto) makes me happy in a not so intimate kind way, etc etc. Whatever. Masaya naman ako basta nasa tabi ko siya. "Mag-ayos ka na kasi male-late ka na rin." Tumango ako saka umalis sa table tapos umakyat na ako sa kwarto ko para mag-ayos para sa pagpasok. Well, my intention really is to talk to Death. Surely there's more to it than just taking my life – which is weird dahil hanggang ngayon ay buhay pa rin ako. "Sabi mo, kapalit ng buhay ko ay bubuhayin mo si Coleen." sinabi ko pagkapasok ko sa banyo. Hinubad ko na ang tshirt ko saka ako umupo sa toilet seat pagkababa ko ng cover nito. "Oo," As expected, sasagot siya. Pumikit ako saka tumingala. Kahit papaano kasi, kinakabahan ako sa isasagot niya. "So what's the catch? Bakit hanggang ngayon buhay pa ako?" "Mamamatay ka na mamaya." Nabato ako sa kinauupuan ako. Mamamatay na ako... mamaya? "Pagsapit ng alas dose ng gabi, unti-unti ka nang maglalaho sa mundong ibabaw." "Mayroon pa ba akong... dapat malaman?" Ipinatong ko ang mga siko ko sa magkabilang tuhod ko saka ibinaon ang mukha ko sa mga palad ko. Hanggang mamaya na lang pala buhay ko. Bakit hindi niya pa kinuha nang bigla niya kaming kuhanin ni Coleen sa school? Ano ba talaga ang iniisip ng Kamatayan na ito? Para niya akong pinagtitripan para pahirapan. "Marami." Matagal siyang natahimik pagkatapos niyang sumagot. Hindi rin ako nagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Pero hindi rin naman nagtagal nang nagsalita ulit siya. "Lahat ng iiwanan mo, lahat ng ginawa mo sa mundong iyan, mawawala at walang makakaalala. Mabubura ka sa mga litratong kasama ka, mawawala ang mga isinulat mo – lahat, Matthew. Lahat ng bakas na ginawa mo sa mundong iyan ay maglalaho kasama mo. Pero lahat ng pinatay mo, hindi na mabubuhay. Ang ipinatayo mong establisimyento na pinagkukuhanan mo ng pera, mawawala na rin na parang bula. Magiging isang malaking misteryo sa lahat ng kilala, kakilala at nakapaligid sa buhay mo ang pagkawala ng maraming bagay; ang pagbabago ng maraming bagay." Sa totoo lang, wala namang kaso sa akin kahit marami pa ang magbago pagkatapos kong maglaho. Ano naman sa akin kung maglaho o magbago ang mga bagay na konektado sa akin kung mawawala rin naman ako kasabay ng mga iyon? "Mayroon pa ba?" "Wala nang makakaalala sa iyo pagkatapos mo mawala; pagkasapit ng alas dose ng gabi." Ano? Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa narinig ko. Sure, okay lang sa akin iyong mga naunang sinabi niya pero iyong walang makakaalala sa akin? Mahirap naman masyado tanggapin iyon. Masakit. Sobra. Gusto kong sumigaw. Gustong gusto ko sumigaw. Tumango-tango ako saka binuksan ang shower. Umupo ako sa ilalim ng showerhead bago tumingala habang nakapikit. Hinayaan ko na lang rin na tumulo ang mga luha ko kasi naitatago naman iyon ng tubig mula sa shower. "Bakit ba nangyayari sa akin itong mga bagay na ito?" tanong ko saka ko kinagat ang ibabang labi ko. I just cried silently while letting the water from the showerhead crash onto my face. Walang makakaalala sa akin? Ibig sabihin, hindi rin ako maaalala ni Coleen. Sana naman kahit siya lang, maalala ako. Kahit siya lang, masaya na ako. Kaya lang baka maging burden pa ang bagay na iyon para sa kaniya. Every single person wouldn't remember me kaya kapag nagtanong-tanong siya kung nasaan ako at kung ano-ano mang bagay na patungkol sa akin ang hanapin niya, baka masabihan siyang baliw. I don't know kung okay lang ba na makalimutan niya ako o ano. Never in my entire existence na naisip ko na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. Buong buhay ko, ang nasa isip ko lang ay magiging masaya ako habang nabubuhay. Pero ano ba itong nangyayari sa akin? Simula nang namatay ako, gumulo na ang buhay ko. If it wasn't for Coleen, I wouldn't feel the happiness while living. For me, she's the only constant reminder na nagmahal ako; na hindi ako kakaiba dahil lang sa isa akong estudyante ni Kamatayan. But without her, I'm sure as hell na nabaliw na ako dati pa, na malaki ang chance na nabaliw ako dati pa. Imagine me going on a killing spree or a rampage dahil sa pagkasabik ko sa pagpatay at lamang loob. Malamang sa malamang, nakakulong na ako ngayon. Or maybe worst, baka patay na ako dahil sa paghihinti para sa mga babaeng pinatay ko. Coleen set everything right in my life. She put those puzzle pieces in my life into order. Without her... everything is just... just so wrong. She really is my salvation. -- "Okay ka lang?" "Y-Yeah," Nag-iwas ako ng tingin dahil nakatingin ng diretso sa mga mata ko si Coleen habang inaayos ang mga damit ko sa kama ko. Hinawakan ko ang tuwalya ko kasi baka maalis sa pagkakatapis sa bewang ko. "Akala ko kung ano nang nangyari sa iyo dahil ang tagal mo sa banyo." Tumawa lang siya ng bahagya saka kinuha iyong half black, half white na shirt na nakapatong sa kama bago siya lumapit sa akin. Wait, I don't recognise that shirt. Hindi ko binili iyon. "Kasya pala sa iyo," aniya pagkatapat niya ng shirt na iyon sa katawan ko. "You bought this?" pagkaklaro ko habang nakatingin sa mukha niya. Gusto kong hawiin ang buhok niyang nakalugay na siyang tumatakip sa kalahati ng mukha niya but I chose not to. Baka makahalata siya. "Hmm." tugon niya sabay tango habang nakangiti. "May extra kasi ako so naisip ko na bilihan ka ng shirt – thank you gift kasi mabait ka sa akin at para na rin sa pagpapatira mo sa akin dito. I know na maliit na bagay ito bilang kapalit sa mga ginawa at ginagawa mo para sa akin pero sana maappreciate mo pa rin." "Coleen," Hinawakan ko siya sa magkabilang pulso saka tumitig sa mga mata niya. "Kahit ngayon lang, puwedeng hiramin kita?" "Ha? Anong ibig mong sabihin?" "Sa akin ka muna; sa akin muna oras, isip, pati presensiya mo. Kahit hanggang alas dose lang ng gabi." Ngumiti ako pero alam kong nahalata niya na sobrang pilit lang ang ngiti ko. "Kahit ngayon lang. P-Promise, last na ito. Let's have... uhh..." Tumikhim ako saka tumingala muna bago siya tinignan habang nakangiti. Akala ko kasi ubos na iyong luha ko pero hindi pa pala. Nagbabadya na naman kasi silang lumabas. Medyo naaapektuhan na rin ang boses ko dahil malapit na naman akong umiyak. And what's worst is nasa harap pa ako ni Coleen. "Friendly date?" pabulong na sinabi ko habang nakangiti. Naisip ko kasi kanina habang naliligo, why don't I make myself happy even just for today; my only remaining day here on earth. Wala namang masama kung gagawin ko, hindi ba? Wala namang masama kung pasasayahin ko ang sarili ko kahit minsan. Wala namang masama kung paaasahin ko na kahit ngayong araw lang na ito, sa akin siya. Isa pa, nagkalakas rin talaga ako ng loob nang magpasalamat siya sa akin kanina. Ramdam na ramdam ko ang sincerity niya kaya tinulak ko talaga ang sarili ko para yayain siya. Ayoko kasi na maglaho na may pagsisisi kung hindi ko gagawin ang bagay na ito. "Friendly date?" Marahan akong tumango. Hoping na sana, sana pumayag siya. "Pero may pasok ta-" "Please, Coleen? Consider this my last wish; huli na ito, promise. Uhh... Hindi na ako hihingi ng kahit anong favour sa iyo; last na kasi talaga ito. Promise. Promise talaga." Yeah, this'll be the last one. Hindi na kasi ako makakahiling dahil huling araw ko na rito sa mundong ito. Gustuhin ko man na magstay pa, bawal na. "Ma-Matthew, may problema-" "Please, Coleen?" Mukha na akong nagmamakaawa dahil sa itsura ko. Hinigpitan ko rin ang hawak ko sa magkabilang pulso niya dahil desperado na talaga ako. Sa totoo lang, I'm holding back my tears. Ayokong makita niya akong umiiyak, kahit pa hindi niya alam na siya ang dahilan kung bakit. Ayoko. Ayoko na mawirdohan siya sa akin. Ayoko na tanungin niya ako kung bakit ako umiyak dahil baka masabi ko ang matagal ko nang nararamdaman para sa kaniya. "Ano bang mayroon sa iyo ngayon, Matthew?" nakangiting tinanong niya pagkabitaw ko sa kaniya. Ibinigay niya naman sa akin iyong shirt kaya kinuha ko ito mula sa kamay niya. "Ang weird mo ngayon. Nag-aya ka pa ng friendly date." Tumawa siya ng bahagya saka hinawi ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha niya. "Sige, maliligo lang ako tapos gawin na natin iyang friendly date na request mo." Nginitian ko na lang siya at nag-ayos na rin pagkalabas niya. I'm going to use this shirt that she gave. Mag-aayos ako ng porma para naman magmukhang presentable naman ako. Kahit pa friendly date ito, technically, date pa rin ito kaya dapat maayos porma ko. I'll pour everything on this date – especially my emotions. But how?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD