-Matthew
"You're too girly-looking at that dress." puna ko na may kasamang pagtawa.
She grunted bago tinignan ang suot niyang dress. "Hindi ba bagay sa akin iyong ganito?"
"No, it actually suits you. You're really pretty in that." There's actually nothing fancy on her dress pero maganda pa rin siya. She's wearing a simple color yellow floral dress I think tapos doll shoes raw iyong tawag sa suot niya sa paa. Well, I don't know girls' clothing kaya suck it up.
"You look good, too, ha? Ang gwapo mo sa damit na ibinigay ko sa iyo; bagay sa iyo."
"A-Ahaha." Napahawak ako sa batok ko saka nag-iwas ng tingin dahil biglang uminit ang pisngi ko, which I know na nagba-blush ako. There's nothing wrong with a guy blushing naman, right? "Tara na nga. Dami mo pang sinasabi." matawa-tawang sinabi ko saka naglakad na papuntang garahe para lang makaiwas. "Where'd you wanna go?" tanong ko nang maikabit ko na iyong seatbelt ko saka ako humawak sa manibela.
"Uhh..." Naikabit niya na rin iyong seatbelt niya tapos tumingin siya sa akin. "Mall muna?"
"You sure?" Mall? Hindi ba't masyado nang common iyon na puntahan para sa dates?
Tumango naman siya bilang sagot. "KKB tayo, ha?"
"KKB?" What's that? Is that some kind of food, like barbeque?
"Kaniya-kaniyang bayad."
"Silly," Ibinitaw ko muna iyong isang kamay ko sa manibela saka ginulo iyong buhok niya kaya natawa siya ng mahina. "Ako nang bahala; just save your money para sa mga kailangan mo." Aangal pa sana siya pero inunahan ko na siya. "No buts, Coleen. My words are law; you have to abide my laws and that's final."
Mall, huh. Siguro puwede na rin iyon. Sa oras na ito, hindi ko kailangan maging picky sa mga lugar na pupuntahan namin. As long as kasama ko siya, it's perfectly fine kahit pa saan kami pumunta. I just have to make sure that we will have tons fun on this date.
I glanced at my wristwatch while driving. It's past ten in the morning. I still have... fourteen and a half hour para makasama siya. I need to make every second count and memorable. Problema lang, makakalimutan niya rin ang date na ito. I have to make that fourteen and a half hour the best hours of my life.
--
"What are you looking for?" tanong ko sabay kagat sa burger na hawak ko. Hinahalungkat niya kasi iyong bag na dala niya; shoulder bag na maliit.
Nandito kami ngayon sa labas ng Jollibee. Dito kasi kami kumain since parehas kaming nagcrave sa fries. Ang inupuan naman naming table ay iyong mga two seats lang every table – pang dalawang tao lang talaga. Okay; that's redundant.
"Ito," hinugot niya iyong cellphone sa bag niya saka ito ipinakita sa akin. So iyon pala iyong hinahanap niya. "Picture tayo, Matthew." Tumayo siya saka hinila patabi sa akin ang upuan niya bago siya naupo rito.
"U-Uh... For what?"
"Remembrance, siyempre. First friendly date natin ito, eh. Let's make this day memorable."
"Remembrance?" Tumango naman siya habang nakangiti. Napatingin ako sa cell phone niya nang iginalaw niya ang kamay niyang nakahawak rito. Nakikita ko ang repleksyon namin sa screen dahil nakafront cam ang camera ng cellphone niya.
Kumuha siya ng ilang shots bago ibinalik ang inuupuan sa kaning puwesto niya. Tuwang-tuwa nga siya habang tinitignan iyong pictures namin, eh. Medyo nakakailang dahil hindi naman ako mahilig magpicture pero hayaan na dahil as long as masaya siya, okay lang.
Wait. Sinabi niya kanina ay for remembrance raw iyong pictures. I just remembered something. Sabi kanina ni Kamatayan, even on pictures, mawawala ako. So how will those photos be a remembrance for this moment if I'll disappear on the photos?
I sighed then took a bite at the burger.
That's sad.
Face it, Matthew. Hindi ka na talaga maaalala ni Coleen. Just face your bull-like situation and make her and yourself happy, even just for this day.
"Saan mo naman gusto pumunta?" tanong ko habang naglalakad kami palayo sa Jollibee. We just finished eating kaya magpapatunaw na kami.
"Hmm." Nag-isip siya sandali saka humarap sa akin na may kasama pang pagsnap ng daliri niya habang nakangiti. "Ganito, Matthew. Para masaya, let's take turns sa pagpili ng lugar kung saan tayo pupunta. Pero sa ngayon, jack-'n-poy muna tayo para malaman kung sino ang unang pipili. Ano? Game?" Tumango naman ako saka ngumiti.
"Jack-'n-poy!"
Natawa naman ako dahil natalo siya. Bato kasi ako tapos gunting siya. Rock beats scissor, right? If only she knew that I'll do rock, siya sana ang unang pipili ng destination namin. I think it's better kung mag-aarcade kami kasi alam ko na after ko, siya naman ang pipilii at alam ko na dito pa rin ang pipiliin niyang destination sa loob ng mall. Gusto ko rin kasi na sa labas rin kami magdate at hindi lang rito sa loob ng mall.
Gaya nga ng sinabi ko kanina, dinala ko siya sa arcade. We played so many games. At sa lahat ng games, tawa kami nang tawa dahil nag-aasaran rin kami while playing. After playing arcades, napunta naman kami sa isang laro; iyong crane.
"Oh, dang it." naibulong ko habang nakatingin sa crane na kukuha ng stuffed toys sa loob ng machine. I think it's called claw machine.
Alam ko itong larong ito. Nalaro ko na ito way back then noong hobby ko pa ang pumatay ng babae. Ilang beses ko na ito tinry at isang beses pa lang ako nanalo. Naisip ko nga na baka may daya itong machine na ito. Kasi naman, everytime na nakakuha ka na ng stuffed toy, bigla namang mabibitawan ng crane kapag ilalaglag mo na sa hole iyong nakuha mo.
"Matthew, tara! Baka maunahan tayo!" hinila niya ako palapit sa machine kaya nagpahila na lang ako. "Si Jerry!" sigaw niya nang makalapit na kami. Inilapit niya ang mukha niya sa salamin nito habang nakalahad ang dalawang kamay rito. Mukha siyang bata na sabik na sabik sa nakikita.
"Jerry?" Jerry is a guy's name, right? Sino iyon? Pero bakit siya nakatingin sa loob ng machine, sa stuffed toys?
"Si Jerry! Iyong daga sa palabas! Iyong Tom and Jerry! Iyong sinabi mong nagpapatayan." pagkaklaro niya habang tumatawa.
Okay, I know she's cute while being childish but I still haven't got used to the sight of that. Nai-struck pa rin talaga ako sa ka-cute-an niya; same effect pa rin gaya ng dati. I can't blame myself for being struck by her; she's just so cute.
"Gusto mo?" tanong ko pagkatingin ko sa kulay brown na dagang nakangiti.
"Kaya mo ba kuhanin?" panghahamon niya sa akin kaya ginanahan ako.
"Sus. Kayang kaya ni Matthew De Vera iyan kuhanin, ano. What Matthew wants, Matthew gets."
"Really?"
"Yeah, except you."
Of course ibinulong ko lang iyong except you. Hindi puwedeng marinig niya iyon.
Sinimulan ko na iyong paglalaro. Ang nangyari nga lang, everytime I lose, siya naman – alternate kami sa paglalaro. Siyempre, whoever gets that brown mouse wins.
"Hindi ako magpapatalo... Augh." Bumagsak na naman ang balikat ko dahil nabitawan na naman ng crane iyong bwisit na daga na iyon.
Tinawanan naman niya ako saka itinulak ng marahan para makapuwesto siya. Kinuha niya iyong isa sa mga token na inilapag ko sa gilid saka iyon inihulog sa slot. "Manuod ka, Matthew. Makukuha ko na si Jerry ngayon."
"Oh~ I'd love to see you get Jerry."
"Huwag kang magulo- Madaya ka!" matawa-tawang sinabi niya pagkatulak niya sa akin. Paano, ni-nudge ko siya nang ni-nudge kaya medyo nawawala siya sa puwesto niya.
"Loser ka lang kasi. Now watch me."
Ilang beses na kami naghulog ng token sa machine pero nang last three tokens na namin, nakuha na rin namin sa wakas. Nag-ilang beses na rin akong pabalik-balik para bumili ng tokens, ha?
And guess who won?
Coleen.
Paano ba naman, nagguluhan kami habang naglalaro pero mas grabe siya manggulo. Hayaan na, at least we had fun; I had fun.
And our next destination is a girl's clothing shop.
"Gusto ko sana na sa Watsons tayo kaso hindi naman ako expert sa paglalagay ng makeup sa mukha." aniya habang tumitingin sa mga damit na nakadisplay.
"Bakit? Gusto mo ba sa Watsons?"
"Bakit? Gusto mo ba mamakeup-an?"
"Ha?" Ano raw? Bakit naman niya ako memakeup-an? Hindi naman ako naglalagay ng kung ano-anong bagay sa mukha ko, especially makeup.
"Plano ko sana na pag-eksperimentuhan ka; ikaw iyong memakeup-an ko. Pero baka kasi hindi matanggal kaya huwag na lang. Baka patayin mo pa ako." tumawa siya ng bahagya saka ipinagpatuloy ang pagtingin-tingin sa mga damit.
So that's what her plan is. Sa totoo lang, ayos lang naman sa akin na pag-eksperimentuhan niya ng kung ano-anong makeup ang mukha ko as long as masaya siya pati ako sa gagawin niya, okay lang talaga sa akin na pagtripan niya ako.
"Bakit dito mo ako dinala? May gusto ka bang damit rito?"
"Mayroon akong gustong subukan." Iniangat niya ang hanger ng isang peach-colored dress.
"Kuhanin mo tapos itry mo; ako na bahala."
"Itry ko?" I just eyed her with confusion written all over my face dahil nakangiti siya habang hawak iyong dress na hawak niya, na sa tingin ko ay medyo malaki sa kaniya dahil I kind of know what her figure is and there's no way na magfifit sa kaniya iyong dress na hawak niya. Magiging off-shoulder kasi ito kung susuotin niya.
"Yeah, alangan naman na-" Napaatras naman ako bigla dahil sa ginawa niya. "Oh, no- no, Coleen. There's no way in hell na ako ang magsusuot niyan!"
Paano, bigla niyang idinikit sa katawan ko iyong dress.
"Hmm. Kasya ito." Bigla niya namang hinawakan ang pulso ko saka ako hinila papunta sa fitting room. "Sukatin mo, Matthew." Ibinigay niya sa akin iyong dress saka ako itinulak papasok sa fitting room.
What the?!
"Coleen, this is insane! You're insane! Pangbabae ito!"
"I know, Matthew!" Tumawa siya kaya naisip ko na baka pinagtitinginan na siya ngayon ng mga tao sa shop. Augh. This girl.
"Hindi ako magsusuot ng ganito!" Bubuksan ko na sana iyong pinto pero hindi ko magawa. "Coleen, open this door."
"No, Matthew. Sige na, try mo lang. Just for fun lang naman, eh. Ako lang rin naman ang makakakita."
Tinignan ko naman iyong dress tapos iyong salamin sa harap ko. "Do I really have to wear this thing?" Ineksamin ko iyong damit. "For the love of Pete. Bakit ba ngayon pa siya naging baliw." pabulong na sinabi ko habang nakatingin sa repleksyon ko. Napabuntong hininga naman ako saka nakapagpasya na isuot na lang tutal para naman sa ikaliligaya niya ito.
"Okay na-?"
"Yeah, nakasuot na." sagot ko matapos ko isuot ang dress. Nakakadiri nga kasi halos kasing kulay ko itong damit. Para tuloy akong nakahubad na ewan. Bumungad ang mukha niyang nakangisi nang buksan niya ang pinto. "Hindi ako lalabas rito."
"Hindi naman kaya kita palalabasin." matawa-tawang sinabi niya saka lumapit sa akin. "Picture tayo!"
"What? Coleen, ang baliw mo na, ha?"
"Oh, come on. Promise; hindi ko ito ia-upload sa kahit anong site. Iyong ibang pictures lang natin. Please?"
I just grunted then said okay. For fun naman raw kasi. Hayaan na, at least masaya siya. Well, I, too, am kind of happy kahit pa nakasuot ako ng dress ngayon.
--
"Dito?"
Tumango naman ako habang nakangiti. "Hindi kasi maganda iyong unang punta natin rito kaya ngayon, gawin nating maganda – masaya."
"Kaya ka pala bumili ng damit kasi balak mo pala pumunta rito." Nakangiting kinuha niya sa backseat ang mga plastic ng damit na pinamili namin kanina at ako naman ay ang mga pagkain.
Nandito kasi kami sa dati naming pinag-outing-an. Remember the beach where we went para icelebrate ang pagiging buhay ko? Iyong nagkabanggaan sina Nathan pati si Jale. That's the beach where we are right now.
Bumili na rin talaga ako kanina ng mga damit para dito. Actually, pinapili ko lang siya ng mga damit na gagamitin para sa trip na ito. Hindi niya alam kung para saan at pinapili ko siya nang pinapili since hindi niya naman kasi alam kanina na ito ang pipiliin kong destination after naming maggala at gawin ang mga kung ano-anong kakatuwang bagay sa mall.
Kumuha ako ng cottage at nagbayad na rin para sa overnight stay namin. Inayos na rin naman namin iyong mga gamit namin nang makapasok na kami sa inupahan ko.
"Kain muna tayo," Tumango naman siya kaya lumabas na kami ng cottage.
Dumiretso kami sa isang parang open restaurant or bar? I don't know what this place is called pero I think it's a bar s***h restaurant. May videoke kasi kaya may mga nakanta tapos sa isang side naman, nanduon iyong counter para pag-order-an ng mga kakainin.
Umorder na kami saka pumwesto medyo malayo sa mga kumakanta para hindi kami masapawan ng ingay habang nag-uusap. It's already 5PM. I still have 7 hours para pasayahin ang sarili ko pati na rin ang kadate ko. I don't care about what'll happen later when the time steps on 12, basta masaya ako pati na rin si Coleen habang naandar ang oras, okay na sa akin.
Nag-usap lang kami habang nakain. Pinag-usapan namin ang lugar na ito; we made fun of those frustrated singers on the other side tapos napunta na iyong pinag-uusapan namin sa nangyari dati noong nagpunta kami rito.
"Let's just forget about that. Ang importante naman kasi ay iyong ngayon, right?" nakangiting sinabi ko sa kaniya tapos isinubo ko iyong spoon full of rice.
"Hmm." tugon niya na may kasamang pagtango. "Oo nga pala, Matthew, may sasabihin ako."
"Ano iyon?"
"It's about Nathan, actually."
"Oh? What about him? Weirdo pa rin ba?"
"No, hindi iyon." tumawa siya ng bahagya saka pinaglalaruan iyong meatball sa plato niya. "You and Nathan are close, right?"
"Oo, bakit?" Nailapag ko sa plato iyong kutsara pati tinidor na hawak ko dahil bigla akong kinabahan. Does she like him kaya niya kinaclarify kung close kami nuong tao?
"Wala siyang... naikwento sa iyo?"
"Wala naman. So far, nakakausap ko lang siya dahil pinapapasok niya ako."
"Si Nathan kasi... ano..."
"Ano nga?" I'm growing impatient, sa totoo lang. Bakit ba kasi pinatatagal niya pa? And I somehow feel a tad bit jealous dahil date – okay friendly date namin ito so bakit kailangan na pag-usapan iyong ibang tao when we aren't suppose to be minding them?
Stupid Matthew. Of course puwede niyong pag-usapan ang ibang tao kasi hindi naman ito considered as a real date. This is just a friendly date, for Pete's sake. Ikaw lang naman itong nagcoconsider na real date ito.
"He said... he likes me."
"H-He said that?" Tumango siya saka hiniwa iyong meatball bago ito isinubo.
"Nakakatuwa lang kasi... alam mo iyon? May nagkagusto pa rin sa akin kahit na alam nuong taong iyon na hindi naman ako malinis pero tanggap niya ako."
So he also likes her? Great. Sino ba naman kasing hindi magkakagusto sa babaeng ito? Lahat na halos ng hahanapin ng isang lalake sa babae, nasa kaniya na.
After hearing what she said, I got envious. And also, I was kind of hurt. I really, really envy Nathan right now. He confessed to Coleen, but I can't. Puwedeng-puwede niya sabihin ang nararamdaman niya anytime he wants, but I can't. He can freely declare his feelings for Coleen, but I can't. Gusto ko rin gawin ang mga ginagawa at gagawin niya para lang ipakita iyong nararamdaman niya para kay Coleen.
And I'm hurting right now kasi it looks like she's starting to like him.
Bakit? Ako, tanggap ko naman siya so bakit hindi niya ako nagawang magustuhan? Sinabihan ko ba siya ng mga masasakit na salita? Kesyo marumi siyang babae and the likes? Hindi naman, hindi ba?
Coleen, bakit ba kasi may pagkamanhid ka? Can't you really tell what I'm feeling towards you is not just a simple love because you're my friend? Can't you really tell that I'm freaking in love you?
Ang sakit lang... sobra.
I wonder. Paano kaya kung umamin ako sa kaniya noong tinanong niya ako kung gusto ko siya tapos hindi ako under sa sumpa ni Kamatayan. Ano kayang lagay namin ngayon? Magkafeelings kaya siya para sa akin kung umamin ako? Siyempre, kung ginawa ko iyon, puwede niya iconsider so kahit siguro maliit, nagkachance ako.
I have so many regrets right now.
"I scream..."
"Huh?" Napatingin ako sa kaniya nang bigla siyang magsalita. "Anong ice cream? Gusto mo ba?"
"Sa totoo lang, oo, gusto ko. Gustong-gusto ko." nakangiting sagot ko. "I want to scream." Bulong ko pagkaiwas ko ng tingin.
Gusto kong sumigaw.
Narinig ko naman na tumunog ang inuupuan niya kaya napatingin ulit ako sa kaniya. "Treat kita. Ano bang flavour-" Natigil siya sa pagsasalita nang hinawakan ko siya sa magkabilang kamay para maibalik siya sa pagkakaupo.
"Huwag na. Punta na lang tayo sa beach. Bumili na rin tayo ng marshmallows along the way para maiihaw natin."
--
"Huwag ka muna matulog, please?" pakiusap ko habang nakatingin sa mga mata niya.
"Inaantok na ako, Matthew. Almost eleven thirty na kaya."
"Thirty minutes na lang. Sige na. Hanggang twelve nga, hindi ba?"
Bumuntong hininga siya saka humingiti tapos umupo ulit siya sa buhanginan. "Ano ba kasing mayroon? Bakit gusto mo na hanggang twelve itong friendly date natin? Kanina ka pa weird."
"Wala lang," Umupo na rin ako sa harap ng apoy, sa tabi niya tapos pinatugtog ko iyong cellphone ko para naman hindi siya mabore. "Ang bilis ng oras, ano?"
"Nag-enjoy kasi tayo kaya mabilis. Let's always do this. Sobrang saya ko ngayong araw na ito."
Yeah, true. We did enjoy a lot kaya siguro mabilis iyong oras. Ikaw nga nila: time flies when you're having fun. Pero always do this? Ni hindi nga ako aabot sa pagsikat ng araw bukas.
"Anong title niyan? Ang ganda, ha?" Umusog siya palapit sa akin tapos sumilip siya sa cellphone na nakapatong sa tuhod ko.
"What are words." Bigla namang humangin kaya napapikit ako. Nang imulat ko ang mga mata ko, tinignan ko siya. Sakto naman na pagkatingin ko sa kaniya, kamumulat niya lang rin ng mga mata niya. Pumikit rin siguro siya nang humangin. "Sayaw tayo."
"Ha?"
"Tara," Nilakasan ko muna ang volume ng cellphone ko para mas marinig namin iyong kanta saka ko iyon inilapag sa puwesto ko. Tumayo ako saka siya hinila patayo.
"Ano bang trip mo, Matthew?" matawa-tawang tanong niya pagkalagay niya ng kamay niya sa balikat ko. Inilagay ko rin iyong isang kamay ko sa bewang niya tapos iyong isa naman, hawak na iyong kamay niya.
"Sayaw lang tayo." Tumango naman siya kaya nagsimula na kaming magsayaw.
Dalawang slow songs lang ang pinatugtog ko kaya slow lang rin ang ginawa naming pagsasayaw. Ang sayaw namin ay iyong hindi magkadikit ang mga katawan namin. Para kaming nagwawaltz, ganuon. We also look weird dahil nakaboard short lang ako tapos siya, nakamalaking tshirt, na halos hindi na makita ang short niya dahil sa sobrang laki.
"Gusto sana kitang kantahan kaya lang hindi ako marunong."
"Okay lang iyan, kanta ka-" Napatigil siya saka ako tinignan ng mabuti. "Matthew, umiiyak ka ba?"
Bumitaw naman ako sa pagkakahawak ko sa kaniya saka nag-iwas ng tingin tapos umiling ako habang pinupunasan ang mga luha ko na nag-uunahan sa paglabas.
Malapit na kasi. Ilang minuto na lang. Ilang minuto na lang, mawawala na ako.
Napaupo ako saka tinignan ang wristwatch ko. "Fifteen minutes na lang," ani ko habang patuloy sa paghikbi. Natawa na lang rin ako dahil naisip ko na sobrang pathetic ko. "Nakakaawa ako."
Pumunta naman siya sa harap ko saka lumuhod para magkalevel ang mga mukha namin. "M-Matthew, bakit ka umiiyak?"
"Coleen, puwedeng..." Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin kaya pinilit ko na lang na tumawa kahit na mukha akong tanga dahil sa ginawa ko. "Bakit ba ako umiiyak?" matawa-tawang tanong ko habang pinupunasan ang mga luhang nag-uunahan sa pagtulo gamit ang likod ng kamay ko.
"Okay ka lang?" Nakaramdam ako ng malambot na bagay na biglang dumampi sa pisngi ko kaya napamulat ako. Pinupunasan pala niya ng damit niya ang mga luha ko.
"Hindi, Coleen." pag-amin ko na may kasamang pag-iling.
"Matthew-"
"Puwede bang sumigaw?"
Nagulat siya sa tanong ko base sa reaksyon niya. Luminga-linga siya sa paligid at tinignan ang mga taong naglalakad na medyo malayo sa amin. "Matthew, baka makagising-"
"Sige na; payagan mo na ako. Lalayo naman ako, eh. Matagal ko na kasi gustong sumigaw."
"Matthew, ano ba kasing nangyayari sa iyo?"
Hindi ko na lang siya pinansin. Unti-unti akong tumayo saka lumapit sa dagat habang siya, nakasunod lang sa likuran ko. Hindi naman na siguro ako makakabulahaw rito sa puwesto ko, ano?
"Bullshit lang!" Isinigaw ko saka ako dumampot ng buhangin. "Putang inang buhay na ito!" Sinimulan ko nang ipagbabato iyong mga nadampot ko saka ipinagpatuloy ang pagsigaw ko. "Bakit ba kasi ako namatay?! Bakit ba kasi ako kailangang pahirapan ng ganito! Bakit kailangan akong masaktan ng ganito!" Ipingagpatuloy ko lang ang pagdampot ng buhangin saka ibinato ulit ang mga ito sa dagat. "Bakit ba kasi binuo pa iyong pesteng batas ng mga pesteng Kamatayan na iyon?! Pinagbawalan na akong gawin ang mga bagay na dati kong ginagawa, pinagbawalan pa akong magmahal?! Tangina lang! Mga bwisit kayo!"
Naramdaman ko naman na yumakap mula sa likod ko si Coleen kaya hindi na ako dumampot pa ng buhangin nang mawalan na ako ng hawak. "M-Matthew, tama na. Nakatingin na iyong ibang tao sa atin."
"Bakit ba kasi bawal magmahal?! Bakit ba kasi kayo gumawa ng batas na ganiyan?! Way niyo ba iyan para pahirapan iyong mga katulad kong masasama?! Ha?! Sumagot kayo!"
Desidido na ako. Mawawala na rin lang ako, bakit hindi ko pa gawin iyong matagal ko nang gustong gawin? Wala naman na silang magagawa after ko mawala, eh.
"Matthew-"
"Coleen, mahal na mahal kita!" Panimula ko habang nakatingin pa rin sa dagat. Naramdaman ko naman na medyo lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin pero hindi ko na lang iyon inintindi. Ang mahalaga sa ngayon ay mailabas ko lahat-lahat ng mga gusto kong ilabas simula dati pa. "Matagal na kitang mahal, sa totoo lang! Ang tanga-tanga ko lang kasi hindi ko in-acknowledge kaagad ang nararamdaman ko sa iyo noon! Ang tanga-tanga ko lang kasi napakadenial ko! Ang tanga-tanga ko dahil kahit sarili kong feelings, hindi ko alam kung ano! Ang tanga-tanga ko;na sa sobrang tanga ko, gusto ko na lang mamatay dahil nahihirapan na ako!
"Coleen, mahal na mahal kita! Pero dahil sa napasok kong mundo, hindi ko kaagad nasabi sa iyo! Hindi ko naman ginusto na masali sa kanila, eh! Kating-kati ako umamin sa iyo pero dahil sa parusang ipapataw nila sa katulad ko, hindi ko magawa! Ayoko rin umamin noon! Ayoko kasi kapag umamin ako, parurusahan nila ako tapos malalayo ako sa iyo! Ayoko kasi kapag umamin ako, hindi na kita makikita! Ayoko kasi hindi na kita makakasama kapag ginawa ko iyon!
"Coleen, ayokong mahiwalay sa iyo kasi mahal na mahal kita!" Napaupo na lang ako sa buhanginan kaya nasama siya at napaupo na rin dahil nga nakayap siya sa akin.
"Matthew... anong... mahal mo ako?"
"Sobra." pabulong na sagot ko matapos ko humikbi. "Sobra-sobra kitang mahal, Coleen. Sobra." Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang likod ng palad ko saka tinignan ang wristwatch ko. "Dalawang minuto na lang..." Humarap ako sa kaniya saka hinawakan iyong magkabilang pisngi niya. "Maging masaya ka palagi, ha?"
"Matthew, ano bang nangyayari sa iyo? Ano iyong mga isinigaw mo?" Hinawakan niya ang mga kamay ko na nakahawak sa magkabilang pisngi niya. Halata rin sa itsura niya ang pagkalito.
Ngumiti ako ng bahagya saka umiling bago ko siya tinitigan sa mata kahit pa nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha. "Wala iyon. Basta maging masaya ka lang palagi, ha? Para sa akin, Coleen, please, please, maging masaya ka lang palagi. Kung gusto mo si Nathan, huwag mo nang pakawalan iyong ungas na iyon kasi alam ko na mabuting tao iyon – parang ikaw. Pareho kayong mabuting tao kaya sa tingin ko, bagay kayo. Sobrang bagay kayo."
"M-Matthew, anong nangyayari sa iyo?!" Napansin ko naman na may tumulong luha mula sa mga mata niya habang nakatingin sa mga braso ko.
"Mawawala na ako." nakangiting sinabi ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin na nanglalaki ang mga mata.
Nagiging transparent na iyong mga braso at hita ko. Ito na siguro iyong sign na mawawala na ako. Hindi ko na rin inalintana na baka may nanunuod na sa amin dahil alam ko naman na makakalimutan rin nila ako pati na ang mga pangyayaring ito.
"N-No. Hindi, Matthew. Panaginip lang ito. Tama. N-Nasa panaginip lang ako. Gigising rin ako maya-maya lang."
Hinawakan ko ulit siya sa magkabilang pisngi saka ko pinunasan iyong mga luha niya gamit ang mga daliri ko. "Sana nga panaginip na lang itong lahat, eh. Pero hindi kasi, Coleen. Hindi panaginip ito."
Bigla naman niya akong niyakap kaya niyakap ko na rin siya. "Matthew naman, bakit hindi ka nagsasabi? Kaibigan mo ako, hindi ba? Magkaibigan tayo kaya dapat nagsalita ka."
Wala na iyong isa kong braso, naglaho na. Iyong mga hita ko, unti-unti na ring naglalaho. Para akong nagiging abo, na bawat pag-ihip ng hangin, nadadala iyong mga piraso ng katawan ko.
Inihiwalay ko siya sa yakap saka tinignan sa mata. "Huwag kang mag-alala, makakalimutan mo rin naman ako. Kapag wala na ako, mawawala na rin lahat. Lahat-lahat ng alala na mayroon ako sa iyo-"
"Matthew, huwag kang ganiyan."
"Coleen, mawawala rin iyang sakit mamaya. Promise, mawawala rin iyan maya-maya."Tumingala ako saka tinignan ang langit. Ang daming bituin. Siguro, magiging isa na rin ako sa mga iyon kapag nawala na ako rito. Ibinalik ko ulit ang paningin ko kay Coleen. Iaangat ko na sana iyong kamay ko kaya lang, napansin ko na wala na pala akong iaangat dahil wala na iyong kamay ko; isang braso na lang mayroon ako. "Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Maging masaya ka sana palagi."
Yayakapin niya sana ako pero tumagos na siya at napabagsak sa buhanginan. "Matthew, huwag kang umalis."
Umiling ako saka ngumiti habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. "Sige na, aalis na ako, ha? Sana matandaan mo ako. Sana kahit pangalan ko lang, matandaan mo."
"Matthew..."
"Bye, Coleen." Ihiniga ko na lang ang katawan ko sa buhanginan saka pumikit. Naririnig ko pa rin siyang umiiyak at panay ang tawag sa akin pero mukhang hindi na niya ako nakikita dahil kung saan-saan na siya tumitingin gayong nasa gilid niya lang ako.
Mabuti na rin siguro ito para mabawasan iyong mga demonyo sa lupa.
Matthew De Vera: Ang demonyong nagmahal ng anghel.
Funny, Matthew. Funny.
So this is where my life ends, huh? At least I screamed out my feelings. That definitely felt good.
I scream.