-Matthew
Tinakpan ko ang dalawang tenga ko ng mga kamay ko at mariing pumikit. Hindi ako makatulog. Ang ingay kasi nuong bata; iyak nang iyak. Nasa kabilang kwarto lang kasi ang kwarto ni Coleen kaya rinig na rinig ko ang pag-iyak ng bata. Iniwan ko kasi na nakabukas ang pinto dahil nasira ko iyong lock. Kapag isinara ko, hindi mabubuksan. Iyong susi rin kasi, nawawala. Badtrip nga, eh.
Ilang araw na akong laging puyat dahil sa batang iyon. Kada gabi, laging naiyak. Minsan, pati sa umaga at hapon, naiyak rin. Pati sa school, nakakatulog na ako dahil sa sobrang puyat. Ang sarap nga itapon kaso baka kung ano ang magawa sa akin ni Coleen kapag ginawa ko iyon.
Itakas ko kaya iyon at palabasin na pinasok kami ng magnanakaw at iyong bata lang ang ninakaw? Siguro kailangan ko rin talaga magtiis, ano? Kailangan ko magtiis sa puyat para mapanatili si Coleen rito sa bahay. Kasi kapag nagreklamo ako, I'm a hundred precent sure na aalis siya rito sa bahay. Sa ugali niya kasi, alam ko na mas pipiliin niya na lang magpagala-gala kaysa makagambala.
Good thing nga at nakakapasok pa rin si Coleen kahit na may alaga siyang bata. Hindi naman hadlang iyong bata kasi may pinag-iiwanan siya– iyong lalake na nakausap niya noon. Idinadaan niya raw iyong bata duon sa bahay nila dati ng patago kapag papasok na siya.
--
"De Vera!"
Mula sa pagkakaubob, napaayos ako ng upo nang marinig kong sumigaw iyong prof namin. Jusko, heto na naman. Pagagalitan na naman ako dahil nahuli na naman akong natutulog sa classroom habang nagtuturo siya.
Dalawang linggo na rin kasi simula nang itira ni Coleen iyong bata sa bahay. At sa dalawang linggo na iyon, wala akong maayos na tulog at napagchichismisan na yata kaming dalawa ni Coleen nuong mga katulong ng mga kapitbahay namin. Tapos hingi na nang hingi ng pasensiya si Coleen dahil nga alam niyang napupuyat ako. Paanong hindi malalaman, eyebags pa lang, alam na na sobrang napupuyat ako.
"Sir?" walang ganang sagot ko. Tumayo na rin ako nang patayuin niya ako tapos pinalapit niya ako sa kaniya at binigyan ng trabaho.
Shet naman. Makatakas man lang iyong kaluluwa ko rito sa pesteng paaralan na ito. Puwede ko naman ialis ang kaluluwa ko sa katawan ko kaya lang hindi ko alam kung minomonitor ako ni Kamatayan at baka magtaka kung bakit iniaalis ko nang iniaalis ang kaluluwa ko sa katawan ko. Ayoko namang dumating pa sa point na pati pag-alis ng kaluluwa ko sa katawan ko, kwestiyunin at pagbawalan pa ako.
Kailangan ko tuloy linisin iyong cr mamaya duon sa office ng ulikbang iyon. Oo, iyon ang trabahong ibinigay sa akin. Tangina. Cr nga ng bahay ko, hindi ko nililinis – thanks to Coleen at siya ang naglilinis nuon - tapos paglilinisin ako ng cr dito?
Heto ako ngayon, papunta sa office nuong hukluban na iyon. Ang hindi ko maintindihan, bakit iyong cr ng office niya ang kailangan ko linisin at hindi iyong mga public cr dito sa school.
Pasalamat rin iyon dahil prof siya. Kung hindi, papatulan ko talaga siya. Hindi talaga ako magdadalawang isip na bugbugin siya. Ano bang alam ko sa paglilinis ng banyo? Tangina. Kaya nga may janitor itong school para sila iyong paglinisin, hindi iyong estudyante. Nagbabayad ako ng tuition hindi para paglinisin ng kubeta kung hindi para mag-aral.
Teka. Nag-aaral ba talaga ako? Meh. Nag-aaral naman yata ako pero hindi iyong nilulunod ko sarili ko sa pag-aaral. Para saan pa? Mabubuhay naman ako kahit hindi ako makapagtapos ng pag-aaral. May restau ako. Kayang-kaya ako buhayin nuon pati ang magiging asawa at... mga anak ko.
On the second thought, hindi pala ako magkakaroon ng asawa at mga anak. Hindi dahil ayaw ko kung hindi dahil hindi puwede. I shook off the thoughts that's clouding my head and just went to that stinkin' professors' office.
"Sir," bungad ko nang buksan ko ang pinto ng office niya. At ang hukluban, ang sarap pa ng upo sa swivel chair niya habang nilalaro iyong ballpen na hawak niya. Hindi naman siya totally matanda. Around 30 lang siya. Kaso nasanay na ako na tinatawag na hukluban ang mga prof kaya ayun, hukluban na rin naitawag ko sa kaniya.
"Come in," sabi niya pagkatayo mula sa swivel chair.
Is it just my imagination or did I just saw him smirk as he stood up?
Pumasok na ako sa loob saka isinara ang pintuan. Napatigil ako sa pagsunod sa hukluban papasok sa cr nang marinig ko si Kamatayan.
"Sigurado akong matutuwa ka sa mangyayari ngayong araw na ito." anunsyo niya na may kasamang pagtawa.
"Ha?"
Hindi na siya sumagot nang ibulong ko iyon. Naghintay ako nang ilang segundo pa pero wala talaga. Natauhan na lang ako nang tawagin ako nuong hukluban.
"De Vera," pagkuha nuong hukluban sa atensyon ko. Itinigil ko ang paglilibot ng paningin sa cr, na malinis naman. Nang humarap ako sa kaniya, nakita ko na naman iyong ngisi niya tapos nilock niya pa iyong pinto sa likuran niya.
Bakit niya nilock iyon? Anong kagaguhan ito?
"Malinis naman pala cr niyo, Sir-"
"Gusto mo ba ng uno?"
Tangina. Uno? Uno na grade? O uno na... piso? Kung grade, ni wala na akong pakielam sa grades ko, maghahangad pa ako ng uno? Kung piso naman, baka mas mayaman pa ako sa huklubang ito. Kung piso iyong uno niyang iyon, baka hampasin ko lang siya ng isang bag na puro piso ang laman.
"Pumayag ka." narinig kong sinabi ni Kamatayan.
Ano? Bakit naman ako papayag? Inuulit ko; ano bang pakielam ko sa grades?
"Ha?"
"Pumayag ka." pag-uulit nito.
"Gusto mo ba ng uno diretso sa class card mo?" tanong muli ng hukluban pero hindi ko ito pinagtuunan ng pansin dahil naguguluhan talaga ako sa trip sa buhay nitong Kamatayan.
Ano bang iniisip nitong Kamatayan na ito? Bakit niya ako pinapapayag? Pero dahil may tiwala naman ako sa kaniya, sige, papayag ako.
"O-Oo."
Napakunot iyong noo ko nang lumaki ang ngisi sa mukha ng prof ko saka ito lumapit sa akin. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinawakan iyong ano ko sabay pisil ruon tapos kasabay nuon ay ang paghalik niya sa leeg ko.
Naitulak ko siya na siyang dahilan nang pagkakaatras niya. "What the f**k?"
"Ano?" iritadong tanong niya.
Gago pala ito, eh. Anong akala niya sa akin? Papatol sa kauri ko? On the second thought, hindi ko siya kauri dahil hinawakan niya iyong ano ko saka hinalikan pa ako sa leeg. He's a freakin' gay! Ang galing niya magtago, ha? Napaniwala niya kaming lalake siya.
"Puwede ko ba itong patayin?" bulalas ko sa hangin. Nakita ko na nabigla iyong prof ko dahil sa sinabi ko. Ang hindi niya alam, si Kamatayan ang kausap ko.
"Ikaw talaga magiging dahilan ng pagkamatay niya." tugon nito.
"Ha?" Pagtataka ang rumehistro sa mukha ko nang marinig ko si Kamatayan.
"De Vera-"
"Huwag kang maingay, tangina mo ka." pagpuputol ko sa sinasabi ng prof. Ang ingay- hinihintay ko nga iyong sagot ni Kamatayan.
"Sakyan mo lang siya, Matthew. Ikaw talaga ang nakatakdang tumapos sa buhay ng taong iyan. Mas paaagahin lang natin habang may pagkakataon."
At dahil nga sa sinasabi ni Kamatayan, sinakyan ko ang trip nitong prof na ito. Gusto niya akong gamitin, tikman, pero hindi ako pumayag. Ang sinabi ko lang ay kung gusto niyang maglaro ng apoy, pupunta na lang ako sa bahay niya. Hindi naman kasi puwedeng sa bahay ko gawin dahil nga kay Coleen.
Pumayag naman siya. Bago pa man kami makalabas ng cr, binigay niya sa akin iyong calling card niya na may address at cellphone number. Nagtaka nga ako kasi sinabi niya kanina na sabay na kami pumunta sa bahay niya tapos nang tanungin ko na kung para saan pa iyong calling card, ang sagot niya lang ay kung gusto ko raw umulit, babayaran naman raw niya ako. Kaya nga mas lalong kumulo dugo ko pero hindi ko na lang pinahalata. Instead ngumiti na lang ako gaya ng utos ni Kamatayan. Anong akala niya sa akin? Bayaran? At hindi lang iyon; bago pa man niya ako iwan mag-isa sa cr, dinakma niya ulit iyong ano ko bago lumabas ng tuluyan.
Tangina. Kung puwede lang talagang patayin ko iyon ngayon, dito sa loob ng cr na ito, ginawa ko na. Matagal na akong nangangating pumatay, hindi ko lang magawa dahil bawal. Mapapatay ko ito mamaya. Humanda siya dahil ibubuhos ko lahat ng kasadistahan ko sa kaniya.
--
Sabay na kaming pumunta sa bahay niya pagkatapos ng klase ko. Gusto ko sanang dumaan muna sa bahay para tignan kung ayos lang si Coleen kaso naisip ko, mas okay na unahin ko na pagtapos sa buhay nitong katabi ko bago ako bumalik sa bahay para wala na akong aalalahanin pang puntahan.
Nang ihinto niya iyong sasakyan, iniready ko na ang panyo kong itatakip sa buhok ko saka hospital mask, na binili namin kanina. Nagtaka nga siya kung bakit kailangan ko ng hospital mask. Kahit ako, nagtaka rin noong una. Pero nang ipaliwanag ni Kamatayan kung bakit, naintindihan ko na.
Baka raw kasi may makakilala sa akin kapag hindi ako nagsuot nuon. May CCTV camera daw kasi sa subdivision na tinitirahan nitong prof na ito. It all makes sense. Kapag nga naman hindi ako nagtago ng identity, mahuhuli ako ng pulis pagkatapos ko siyang patayin.
Pumasok na kami sa bahay at nagpaalam lang siya na magsa-shower lang daw. Tumango naman ako saka naupo sa sofa sa salas. Inilibot ko rin muna ang paningin ko saka naghanap ng mga gamit na puwede kong ipangpatay sa kaniya.
Sa center table, may nakapatong na roll ng sinulid tapos may nakatusok na karayom. Nagkibit balikat ako saka kinuha iyon. Gunting? Nah. Medyo common iyon sa pagpatay kaya inilapag ko ulit iyon sa lamesa.
"Wala na bang masayang na puwede ipangpatay rito?" bulong ko sa hangin habang inililibot iyong paningin ko. Dumiretso ako sa kusina para maghanap pa rin ng gagamitin ko.
Every drawer, binuksan ko kaya lang puro kutsara, tinidor at kutsilyo ang naruon. Kumuha ako ng kutsara at tinidor, toothpicks – for experiment – saka ibinulsa ang mga ito. At nang makakita ako ng isang plastic ng bola ng pingpong, naisip ko na mas may thrill siguro kung pati iyon ay gagamitin kong pangpatay. Challenge sa akin ito. Binalikan ko naman iyong pentel pen na nakita ko sa sofa saka iyon ibinulsa. Bumalik naman ulit ako sa kusina saka kumuha ng alcohol sa medicine cabinet.
Sakto namang paglabas ko sa kusina, nakita ko iyong prof ko. Tinanong niya ako kung gusto ko raw ba maligo o gawin na namin iyon kahit hindi ako naligo. Sinabi ko na lang na maliligo muna ako bago ko ipatikim iyong katawan ko sa kaniya. Ngumisi na naman siya saka niya ako sinamahan sa kwarto niya.
"Para saan iyang mga iyan?" tanong nito sabay turo sa bedside table, kung saan ko inilagay iyong mga gamit na kinuha ko sa ibaba.
I just said na for fun lang kaya nagshrug na lang siya. Hinubad ko iyong polo pati sando ko saka ikinabit ang mga iyon sa isang hanger na ibinigay niya sa akin. Nang maikabit ko na iyong polo at sando ko sa hanger, isinabit ko iyon sa aparador niya. Sunod kong hinubad iyong pantalon ko. At kahit na nakatitig siya sa akin habang nakangisi, hinubad ko na rin iyong brief ko at inilagay rin iyon sa loob ng aparador niya. Iyong itinabi ko namang bag ko, ipinasak ko na rin sa aparador niya.
Bakit pa ako mahihiya kung makikita niya rin naman itong itinatago ko mamaya? Iyon nga lang, hindi ko ipatitikim sa kaniya ito. Naisip ko kasi, kung hindi lang rin si Coleen ang gagamit sa akin, huwag na lang akong magpagamit kahit pa kanino. Actually, kanina ko lang iyan naisip habang nasa biyahe kami. Naalala ko kasi si Coleen, na hindi pa kami nakakapagsex.
Trust me, it's not lust. It's love. Kailan ko lang rin narealize sa sarili ko iyan. And damn, I'm such a perverted psychopath. Wait. Did I just call myself a psychopath? Well, whatever.
Pumasok na ako sa banyo sa kwarto niya saka naligo.
Everyone knows na single pa iyong prof na iyon. Wala pang asawa at anak. Kaya nga ang lakas ng loob ko na sa bahay niya gawin iyong plano ko. Everything makes sense. He's gay kaya wala siyang sariling pamilya. But I think not all gays don't have their very own family. Like my teacher back then when I was still a highschool student; he's gay but he managed to have a family of his own. So, yeah. Wala namang mawawala kung hindi buhay lang nuong prof kong iyon kapag pinatay ko na siya.
Siya ang naglagay sa sarili niya sa kamatayan. Hindi ko na problema kung hindi makapagtapos iyong pinag-aaral niyang kapatid, na ayon sa prof ko ay sa kaniya umaasa. Aba. Kasalanan ng prof na iyon kung bakit siya mamamatay kaya wala na akong pakielam sa kapatid niya. Sisihin ng kapatid niya ang kahalayan ng prof na iyon kung bakit hindi na siya makakapag-aral.
Nang matapos ako maglinis ng buong katawan, nilapitan ko iyong towel na nakahanger sa sabitan sa pintuan. Inamoy ko iyon at siniguradong malinis. Nang matapos kong inspeksiyunin iyong towel, itinapis ko na ito sa lower part ng katawan ko saka humarap sa salamin.
Napangiti na lang ako habang nakatingin sa repleksyon ko. It feels like it's been forever since I killed someone. Grabe na rin ang pagkasabik ko sa dugo, sa laman at sa pagpapahirap. Since hindi ko alam kung last na ba itong mapapatay ko, I'll might as well make him suffer para mas masaya.
Nang lumabas ako ng banyo, bumangon siya kama saka tinanggal ang pagkakatapis ng tuwalya sa lower part ng katawan niya. May underwear pa siya but I can see that he is already hard as a rock.
This disgusting fart makes me want to kill him right this second.
"Game na ba?" tanong niya habang nakangisi. Humakbang siya palapit pero pinatigil ko siya by raising my left hand.
I'll make sure that this fart is not going to taste even a pinch of my meat. I'm reserved only for Coleen. "May tali ka ba, Sir? Iyong mataba at mahaba sana."
"Why?" kunot noong tanong niya.
"I just want us to do it in a very..." nakangising sinabi ko na binigyang diin iyong it saka humakbang ng isang beses. "Rough and..." Nilapitan ko siya saka itinapat iyong bibig ko sa tenga niya. "Dirty but fun way, Sir." Inilayo ko ang mukha ko sa tenga niya saka sumampa sa kama. Isinandal ko ang likod ko sa headboard habang pinagmamasdan ang mga mata niya na tinitignan ang buong katawan ko.
Matapos ang ilang segundong pagtingin sa katawan ko, tumawa siya saka lumabas ng kwarto.
Inilibot ko iyong paningin ko sa buong kwarto. He's got a really nice room. Hindi halatang bakla ang nakatira dito. Puro puti halos lahat ng gamit niya; lampshade, kurtina bedshits, pillow case pati na ang mga pader. Ang tanging naiiba lang ng kulay ay ang aparador niya dahil kulay asul ito.
I have to execute plan A.
Tumayo ako sa kama saka kinuha iyong metal pipe na ginawang sabitan ng damit duon sa banyo. Lumabas rin naman kaagad ako saka nagtago sa likuran ng pinto ng kwarto at naghintay. Ilang saglit lang rin naman nang makarinig ako ng mga yabag ng paa. Palakas nang palakas ang mga iyon; ibig sabihin palapit na siya nang palapit.
"De Vera?" Nakita ko siyang nakatalikod mula sa puwesto ko habang may hawak na lubid. Dahan-dahan kong isinara iyong pintuan habang nakangiti para makabwelo ako. "De Vera-" Saktong pagkalingon niya sa akin ay humakbang ako palapit sa kaniya saka inihampas sa ulo niya iyong metal pipe, which caused him to lose consciousness.
--
"Hi, Sir." nakangiting bungad ko sa kaniya nang iminulat niya na ang mga mata niya matapos ko siyang buhusan ng hindi naman gaano kainit na tubig.
"Hmm! Hmm!"
Puro ungol lang ang naririnig ko mula sa kaniya. Hindi talaga siya makakapagsalita dahil minightybond ko iyong mga labi niya kanina habang tulog siya. Saan ako nakakuha ng mightybond? Sa drawer niya. Naghanap pa kasi ako ng puwedeng ipangpatay. Unfortunately, wala akong nakita.
"Shall we start our... lesson?" Inilabas ko iyong karayom na may nakasuot nang sinulid. Nanlaki iyong mga mata niya habang nakatingin sa hawak kong karayom. "Don't worry, Sir. I'll make sure that my lesson is way more enjoyable than yours." nakangising sinabi ko sa kaniya.
Nagpupumiglas siya pero hindi siya makawala mula sa pagkakatali ko sa kaniya sa kama. Doble-doble kasi ang pagkakatali ko sa mga paa at mga kamay niya sa bawat edge ng kama kaya himala na lang kung matanggal niya mag-isa ang pagkakagapos ko sa kaniya.
Ungol lang siya nang ungol pero hindi ko pinapansin. Hinubad ko iyong towel na tumatakip sa ibabang parte ng katawan ko saka ko iyon isinilid sa bag ko. I don't want to leave any evidence. I don't even mind if I'm fully naked in front of him. I'm going to have a blood bath and I don't want to get any of my clothes to get dirtied by that fart's blood.
Umupo ako sa tabi niya saka itinaas iyong karayom. "Have fun with me, Sir." Pinadaanan ko ng karayom iyong tiyan hanggang sa dibdib niya kaya nagkaroon siya ng hindi ganuong kalalim na sugat. Puro ungol lang ang inilalabas niya dala ng hapdi na nililikha ng karayom kaya naman itinuloy ko na iyong ginagawa ko.
Oh, how I missed the sound of pain. It soothes me; it's music to my ears.
Inilapag ko muna iyong karayom sa bedside table saka kinuha iyong pentel. Ginuhitan ko iyong isang braso niya ng line.
I'll play surgeon.
Inilapag ko ulit iyong pentel saka kinuha iyong tinidor. Itinutok ko iyon sa braso niya saka idiniin ng dahan-dahan. Napapikit na lang ako habang pinakikiramdaman ang unti-unting pagbaon ng tinidor sa balat niya at kasabay nuon ay ang malakas na ungol niya.
I missed this.
Gamit iyong tinidor, hiniwa ko iyong balat ng braso niya. Hindi malinis ang pagkakahiwa dahil hindi naman talaga panghiwa ang tinidor. Nang mahiwa ko na ito, inilapag ko iyong tinidor tapos iyong kinuha iyong karayom at sinulid. Tinahi ko iyong balat niya para isara ulit iyong ginawa kong sugat.
Mas malakas na ang pagpiglas at pag-ungol niya. Minsan napapadiin iyong karayom sa laman niya dahil sa ginagawa niyang iyon. Nang matahi ko na iyong balat niya, iyong daliri naman niya ang sinunod ko. At dahil may buto sa gitna ng mga daliri, iyong balat na nakapalibot lang ang tinahi ko.
Tinutukan ko siya ng kutsara sa bibig habang nakangiti at sinabing huwag magulo dahil papatayin ko siya. Umiiyak na rin siya habang tinatahi ko iyong mga daliri niya. Pinagdikit-dikti ko ang mga iyon, na kapag ginalaw ang kahit isang daliri, masasaktan siya.
Lumipat naman ako ng puwesto at ganuon rin ang ginawa ko. Hiniwa sa braso, tinahi pati na rin iyong mga daliri niya gamit ang ibang karayom at sinulid dahil inilagay ko na sa bag ko iyong karayom na ginamit ko kani-kanina lang.
"Next lesson, Sir?" nakangiting tanong ko sa kaniya pagka-upo ko sa tiyan niya. Naglean forward ako palapit sa mukha niya saka ngumisi. "On the second thought, mas masaya siguro kung mag-aala surgeon pa rin ako." tumawa ako ng malakas at umayos ng upo sa tiyan niya. Ang puwesto ko ay nakatalikod na ngayon sa kaniya habang nakaupo sa tiyan niyang paulit ulit na nagtataas baba.
Kinuha ko iyong mga toothpick saka iyon isa-isang ibinaon sa hita niya. Kinailangan ko pa nga gamitan ng pwersa iyong ibang sticks kasi napuputol at hindi bumabaon. Nang maubos na iyong toothpick, humarap na ako sa kaniya.
Kinuha ko iyong kutsara saka tinignan ang repleksyon ko ruon. I'm upside down sa reflection. "Ano kaya ang magandang gawin dit..." Natahimik ako saglit habang nakatingin sa kutsara dahil may naisip ako. Now I know kung ano ang gagawin ko sa kutsarang ito. Tumingin ako sa mata niya tapos tinignan ko iyong dalawang pingpong ball na nakuha ko sa ibaba. "Masaya ito, Sir." matawa-tawang sinabi ko pagkalapag ko ng kutsara sa bedside table.
It's really funny how my murderous mind woks. Napailing na lang ako saka kinuha iyong pingpong balls at iyong pentel. I drew a circle on the two balls then put a dot on the center of each circle. "See these babies?" Hinalikan ko iyong dalawang bola saka tinignan iyong prof ko. Patuloy ang pagtulo ng mga luha niya habang nakatingin sa ipinapakita kong mga bola. "It'll soon be a part of you, Sir."
Itinabi ko ang mga iyon sa gilid niya saka kinuha sa bedside table iyong kutsara pati na rin iyong karayom.
Itinutok ko sa kanang mata niya iyong karayom. "Pop goes the eyeball." pakanta na pagkakasabi ko saka itinusok iyong karayom sa gitna ng mata niya pagkabukas ko ng eyelid niya.
"Hmm!" Pilit niya na ngayon ibinubuka ang bibig niya at nakakakita na ako ng dugo mula sa mga labi niya.
Itinutok ko naman iyong kutsara sa mata niya pagkahugot ko ng karayom ruon. Unti-unti, ibinaon ko na iyong kutsara sa mata niya saka iyon kinuha. "Sir," Itinapat ko sa kaniya iyong mata niya. "Ang ganda sana ng mata mo. Iyon lang, malamang kasing dumi rin ng pag-iisip mo itong mata mo. Who knows kung ano-ano na ang mga nakita nitong malalaswang bagay." Inilapag ko iyong mata niya sa gilid niya saka kinuha iyong isang pingpong ball. "Bibigyan na kita ng panibagong mata kaya huwag kang mag-alala, Sir. This is my gift for you." Binuksan ko iyong talukap ng mata niya saka ipinasak iyong bola duon. "Ayan, may mata ka na." masayang pagkakasabi ko. "Now, iyong isa naman, ha?"
Ganuon rin ang ginawa ko sa isa niyang mata. Tinusok, kinutsara at pinalitan ng pingpong ball. Nagpumiglas naman siya at nang iangat niya iyong tiyan niya, medyo na-out of balance ako kaya naitukod ko iyong kamay ko sa pagitan ng hita niya malapit sa ano niya. Sakto namang pagkatukod ko, biglang may lumabas na tubig sa loob ng underwear niya.
Putang ina! Umihi siya!
Dali-dali ko namang inalis ang pagkakatukod ko ruon saka umupo nang maayos. "Langya ka. Ang baboy mo." At dahil sa medyo nainis ako sa kagaguhan niya; gamit lang ang mga kamay ko, binuksan ko iyong bibig niya kaya napunit iyong ibaba at itaas na labi niya. Ipinagkasya ko sa bibig niya iyong mga mata niya saka ko itinaas baba iyong panga niya para manguya niya ang mga ito.
Umalis ako sa pagkakaupo sa tiyan niya saka kinuha iyong tinidor. Isinaksak ko iyon sa tiyan niya at gumawa ako ng butas ruon para maibuka ko ito. Hinugot ko naman iyong tinidor saka binuksan iyong tiyan niya, exposing his intestines. And for the final blow, gamit iyong dalawa kong kamay, ibinuka ko nang buong lakas iyong bibig niya kaya natanggal iyong panga niya. "Disgusting fart,"
Napailing na lang ko habang nakangiting nililigpit ang mga gamit na ginamit kong pangpatay. Kinuha ko rin iyong dalawang pingpong balls sa eyesack niya. Isasama ko rin kasi iyon sa mga susunugin ko.
"Masaya ka na?" Narinig kong tanong ni Kamatayan mula sa likuran ko pero hindi na ako nag-abala na lingunin ito dahil alam kong iyong disembodied voice lang naman niya iyon at wala talaga siya sa likuran ko.
"Sobra." sagot ko naman habang natawa.
Pumasok na ako sa banyo saka humarap sa salamin. I'm covered with blood from head to toe. Iyon nga lang, kaunti lang iyong dugo na tumalsik banda sa buhok ko. Naglinis na rin ako dahil ayokong maamoy ni Coleen na kakaiba iyong amoy ko. Gusto ko, mabango ako kapag humarap ako sa kaniya.
I'm coming home, Coleen. But first, I have to ask that stupid death on what to do with that prof's body.
--
"Coleen," masayang bungad ko nang buksan ko iyong pintuan. Isinara ko rin ito pagkapasok ko saka binuksan ang ilang butones ng polo ko. "Coleen," pagtawag ko ulit. Wala kasing sumagot.
Inilibot ko iyong paningin ko sa buong sala pero wala naman ang hinahanap ko. Iyong bata, oo, nandito at natutulog pero siya, wala.
Mas okay pala iyong wala akong bitbit na bag? Walang abala. Sinunog ko na kasi sa isang bakanteng lote na nadaanan ko kanina iyong mga ginamit kong pangpatay kanina. At dahil nga wala akong pangsindi, bumili pa ako ng posporo. Ang ginamit ko naman na pampalakas ng apoy ay iyong leaves ng notebook ko.
Nilapitan ko iyong baby saka lumuhod sa harap ng sofa, kung saan ito natutulog. Hindi ba malalaglag ito? Inilagay ko ang hintuturo ko sa palad nito at napangiti na lang ako nang bigla nitong isinara ang kamay niya at hinawakan ang daliri ko.
Paano kaya kami magkakaroon ng sariling anak ni Coleen? Oo, alam ko kung paano bumuo pero ang tanong ko talaga, paano kami makakabuo nang hindi malalaman ni Kamatayan ang feelings ko para kay Coleen habang ginagawa namin ang bagay na iyon? Sasabihin ko ba na lust lang, tulad noong pinudpod ko ng halik si Coleen sa labi habang natutulog ito sa mga braso ko duon sa beach? Hindi kasi ako puwedeng... hindi pala sa hindi puwede. Puwedeng-puwede ako umamin na mahal ko ang babaeng iyon kaya lang, mapapatay naman ako ng mga Kamatayan.
Ayoko. Ayoko lang umamin, iyon pala dapat. Ayokong umamin dahil gusto ko pa makasama si Coleen.
Ikinalas ko na ang pagkakahawak ng bata sa daliri ko saka hinimas ang buhok nito. Tumayo na rin naman ako saka dumiretso sa kwarto ko.
"Co-Coleen!" Sa sobrang takot ko sa bumungad sa akin pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto ko, naisigaw ko tuloy ang pangalan niya.
Nabitawan naman niya iyong bubuklatin pa lang niyang notebook dahil sa gulat. Nilapitan ko siya saka dinampot iyong notebook ko. "Ma-Matthew-"
"Bakit pinakielaman mo ito?!" Itinapat ko sa kaniya iyong notebook bago ko ito ibinato sa kama ko. Humakbang ako nang humakbang habang siya naman ay atras nang atras hanggang sa mapaupo siya sa kama.
"Matthew-"
"Huwag na huwag mong pakikielaman iyon!"
"S-Sorry," Tumungo siya saka tumayo. "Sorry ulit, Matthew." paulit-ulit na paghingi niya ng paumanhin. Tumingin siya saglit sa pinto pagkaangat niya ng tingin niya. Dali-dali siyang tumayo saka patakbong lumabas ng kwarto.
Napaupo na lang ako sa kama dahil sa tindi ng kaba ko. Iyong notebook kasi na bubuklatin niya ay iyong notebook kung saan nakalista ang mga babaeng pinatay ko. Ano bang malay ko kung may kakilala siya duon; macurious kung bakit naruon ang pangalan ng kakilala niya tapos magtanong siya ng mga bagay-bagay tungkol ruon. Tapos magtaka rin siya kung bakit nakasulat sa notebook iyong pangalan ng mga taong nababalita sa tv as a missing person.
Napahiga na lang ako saka tumitig sa kisame. Nasigawan ko pa siya. Hindi ko naman sinasadya. Nadala lang talaga ako ng takot. I have to say sorry. Mukha rin kasing nilinis niya itong buong kwarto ko. Spotless na kasi.
Bumangon ako sa kama saka nagpalit ng mga damit na pangbahay lang; black tshirt at boxer shorts lang. Lagi niya naman akong nakikitang nakaboxer shorts lang kaya wala naman nang kaso sa kaniya iyon. Sanay na rin siya. Bumaba na ako habang bitbit iyong wallet at cellphone ko.
Hinanap ko siya sa salas pero wala siya. Isang bagong gising na bata lang ang nakita ko sa salas habang nanunuod ng tv kaya naisipan ko na baka nasa kusina siya at hindi nga ako nagkamali, nanduon nga siya.
"Coleen," pagkuha ko sa atensyon niya pero mahina lang ang pagkakasabi ko.
Napatigil naman siya sa pagtitimpla ng gatas para sa bata saka ako nilingon. Inilapag niya iyong baby bottle sa lamesa saka nagsalita. "Matthew-"
"Tara, ice cream tayo." nakangiting alok ko. Parang ang bipolar ng dating ko, ha? Kanina galit, ngayon nakangiti?
"Ha?"
"Peace offering lang." Nilapitan ko siya habang hinihimas ko iyong batok ko gamit iyong free hand ko. Iyong isa ko kasing kamay, hawak iyong wallet at cellphone ko. "Nasigawan kasi kita kanina."
"Sorry talaga. Naisipan ko lang kasi maglinis at nakita ko iyon. Hindi ko alam na private pala. Sorry ulit."
"Nah. No worries. Tapusin mo na pagtitimpla niyan para makabili na tayo." pangungulit ko sa kaniya matapos ko ilapag ang wallet at cellphone ko sa lamesa. Napansin ko naman na kakaunti na lang iyong gatas nang tignan ko iyong garapon na pinaglalagyan nito. "Bumili na rin tayo ng gatas." Hinablot ko iyong garapon saka ito inalog-alog.
"Pero, Matthew-"
"Huwag kang mag-alala, ako na bahala." Inilapag ko pabalik sa lamesa iyong garapon saka siya nginitian. "Mamaya mo na siya timplahan. Isama na lang natin sa pagbili ng ice cream; baka gusto rin kasi nuong bata," Tinanggal ko sa kamay niya iyong hawak niyang baby bottle saka ko siya hinawakan sa kamay. "Tara na."
Gaya nga ng desisyon ko, lumabas kami ng bahay at bumili ng ice cream sa Ministop sa labas ng subdivision. She keeps on insisting na siya na ang magbabayad sa mga ice cream pati sa gatas dahil nga may kasalanan pa raw siya sa akin dahil pinakielaman niya ang mga gamit ko pero hindi na ako pumayag dahil alam kong wala na rin siyang pera. Instead, sinabi ko na lang na libre ko na iyong mga binili namin dahil nilinis niya iyong kwarto ko pati na rin iyong bahay.
Kung ganito lang sana kasaya palagi. Kung hindi lang sana ako namatay.
Buhay talaga. Why do you have to be so cruel, unfair, a pain in the arse but at the same time, fun, exciting, and wonderful?