-Matthew
"Ano iyon?" kunot noong tanong ni Coleen. Naghugas siya saglit sa lababo saka ipinahid ang mga kamay sa apron na suot niya.
"Break na kayo ni Jale, hindi ba?"
"A-Ano?"
"Coleen," Pumamewang ako saka tumingala, tapos bumuntong hininga ako at pumikit. "Oo o hindi?"
"Technically, hindi pa. Pero kinoconsider ko na noon na wala na kami. So... oo, wala na kami para sakin."
I wanted to smile like a hyena as I heard her answer pero hindi ko ginawa. Of course masaya ako. Break na sila para sa kaniya. Wala nang karapatan si Jale kay Coleen. Technically, mayroon pa pero base sa mga sinabi niya mukhang pinutol niya na ang ugnayan nila ni Jale so wala na talaga dapat sila kung ganuon. May chance na na maging sa akin...
Oh, wait. Coleen will never, ever be mine. That's the sad truth that I have to acknowledge.
Bakit ba ako napasok sa sitwasyon na ito? Binuhay lang ba ulit ako para isampal sa akin iyong mga katangahan ko? Binuhay lang ba ulit ako para iparanas na hindi mahalin pabalik ng taong mahal ko? Binuhay lang ba ulit ako para ipaalam na sobrang mali ako at hindi ko inamin sa sarili ko na nagmamahal na pala ako? Binuhay lang ba ulit ako para ipamukha na napakalaking kasayangan iyong nararamdaman ko kay Coleen na ipinagwalang bahala ko?
Tinignan ko siya habang nakapamewang pa rin. "If it's okay, I want you to tell me every single detail about your breakup."
"Okay lang." nakangiting sagot niya pero hindi man lang umabot sa mga mata niya iyong ngiti niya. "Mamaya na lang ako magkukwento pagkatapos natin kumain, okay lang?"
Tumango na lang saka inalis iyong pagkakapamewang ko at umupo sa silya sa kusina.
Ang bango ng niluluto niya. Amoy sinigang. Pinanuod ko lang siya habang nakatalikod siya sa akin dahil nga nagluluto siya. Kung titignan, para kaming mag-asawa; nakatira sa iisang bubong, siya ang asawa ko na nagluluto sa pang-araw-araw namin tapos kakauwi ko lang galing sa kung saan. Gusto ko siyang yakapin muna sa likod habang nagluluto siya. Gusto kong hinalikan iyong batok, pisngi pati labi niya habang nakayakap ako sa likuran niya pero hindi puwede.
Sa totoo lang, dati ko pa iniisip ang mga bagay na ito. As far as I remember, parang isang buwan nang makilala ko siya, iniisip ko na ang mga iyan. Kaya lang nagagalit lang ako sa sarili ko kasi iniisip ko na parang tanga ang mga pinag-iiisip ko noon. Hindi ko alam, tinamaan na pala ako noong mga panahon na iyon.
Napangiti na lang ako ng mapakla saka pumikit. Siguro sa imagination ko lang matutupad iyong mga bagay na gusto ko– mga bagay na kasama si Coleen, mga bagay na may kinalaman sa kaniya.
Hanggang sa imagination ko na lang siya puwedeng iharap sa altar; hanggang sa imagination ko na lang siya puwedeng yakapin; hanggang sa imagination ko na lang siya puwedeng halikan; hanggang sa imagination ko na lang kami magkakaroon ng mga anak; hanggang sa imagination ko na lang siya puwedeng... mahalin ng malaya.
Ano bang nangyari sa mundo mo, Matthew? Mas maigi pa siguro kung mamatay ka na lang. Tutal, para ka na rin namang pinatay dahil sa putang inang batas na iyon ng mga kamatayan.
"Matthew, lapit ka rito." Narinig kong pagtawag sa akin ni Coleen kaya napamulat ako. Tumayo naman ako saka lumapit sa kaniya. Gamit iyong sandok, kumuha siya ng kaonting sabaw nuong sinigang saka hinipan at itinapat sa bibig ko. "Tikman mo naman kung okay na. Kumain kasi ako ng cookie kaya baka mag-iba iyong lasa. Baka hindi ko matantiya kung okay na ba or what."
See what I mean? Mukha talaga kaming mag-asawa kahit saang anggulo niyo tignan.
Kahit hinipan na niya, hinipan ko ulit iyong sandok saka tinikman iyong sabaw. "Hmm."
Ang sarap.
"Okay lang?"
Sumimangot ako kaya bumagsak iyong balikat niya. Cute. "Hindi okay." Sabi ko habang nailing.
"Talaga?" Tinikman niya iyong natirang sabaw sa sandok saka tinantsa ang lasa nito. "Hindi ko kasi malasahan ng maayos."
"Hindi nga okay,"
Napatingin naman siya sa akin saka ako sinimangutan. "Kasasabi mo lang kaya." nakangusong reklamo nito.
"Hindi lang okay, kasi sobrang okay." nakangiting sinabi ko kaya napangiti na rin siya. Nagthumbs up ako saka ginulo ang buhok niya. "Masarap. Sobra."
"Sira ka. Tinakot mo-" Napatigil siya sa pagsasalita nang magring iyong cellphone na nasa bulsa niya. "Teka," Kinuha niya ito sa bulsa niya at tinignan iyon. "Nate?" Tumingin muna siya sa akin bago nagsalita. "Wait lang, Matthew, ha?" Iniabot naman niya sa akin iyong sandok saka naglakad papunta sa labas.
Si Nathan? Bakit naman siya tatawag kay Coleen?
"Tangina, ang sarap." pabulong na sinabi ko matapos ko tikman ang kaunting sabaw na kinuha ko. Nagkibit balikat na lang ako tapos nuon saka inilapag iyong sandok sa isang plate. Marurumihan kasi kapag inilapag ko lang sa kung saan.
"Matthew," Napatigil ako sa paglalakad papunta sa salas nang marinig ko iyong boses ni Kamatayan. "May ipapakita ako sa iyo."
"Ano-" Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla akong pinalibutan ng usok. Napapikit ako habang unti-unti akong nilalamon ng usok mula paa hanggang sa maabot na nito hanggang ulo ko. Napamulat ako nang makarinig ako ng mga bulong– napakaraming boses.
Teka. Nasaan ako?
Inilibot ko ang paningin ko. Parang... bahay? Bahay nga yata ito kaso parang sobrang luma naman. Malawak siya. Maraming tao ang naririto at pinalilibutan ng mga ito ang isang liwanag sa gitna. Madilim rin kaya halos hindi na makita ang iba. Mga gamit na antique na yata ang nagkalat sa mga bahagi na nakikita ko– hindi ko lang makita iyong iba pang gamit dahil natatabunan na ito ng maraming tao. Civilian lang ang suot ng mga taong nakikita ko. Parang normal na tao lang sila kung tutuusin pero alam kong hindi lang sila basta-bastang mga tao dahil kung normal sila, wala sila rito– kung ano mang lugar ito.
"Panuorin mo," Napatingin naman ako sa gilid ko. Nasa tabi ko na pala si Kamatayan.
Tumingin ulit ako sa gitna na pinalilibutan ng mga tao kung saan may isang babae, isang babae na umiiyak.
"Ano ba iyong ginawa niya? Bakit siya-" Napatigil ako nang biglang may lumitaw na apoy na pumalibot sa babae. Unti-unti nitong sinusunog ang katawan nito. Tanging sigaw lang nito ang naririnig sa bawat sulok ng bahay.
"Nagmahal siya." narinig kong sagot ni kamatayan habang nakatingin ako sa babae, na unti-unti nang nalamon ng apoy.
I felt a sharp pang of pain on my chest when I heard his answer.
Nagmahal siya.
So iyon ang magyayari sa akin kapag nalaman ni Kamatayan na in love ako kay Coleen?
It's kind of funny how my perfectly imperfect life turned out like this. Tama nga si Kamatayan. And it is also weird that I still don't know what that s**t's name is. Technically, si Coleen ang naging dahilan ng pagkamatay ko. But still, it's all that bastard's fault. Kung hindi niya pinag-interesan si Coleen, hindi ako mamamatay.
"Nakita ko na," balewalang sinabi ko pagkatalikod ko sa kaniya. "Ibalik mo na ako sa bahay ko."
I heaved an enormous sigh, na siyang nakakuha ng atensyon ng ibang tao. I really can't fathom why I got into this situation; this effin' stupid situation that makes me a living s**t.
--
"Matthew, saan ka nanggaling?"
Iyan kaagad ang bungad sa akin ni Coleen nang makababa ako mula sa kwarto ko. Duon kasi ako ibinalik ni Kamatayan.
"Sa kwarto ko." walang gana kong sagot rito. Umupo na ako sa harap ng lamesa saka hinawakan iyong kutsara na nakalagay sa platong nasa harap ko.
Nagkibit balikat na lang siya nang sagutin ko iyong tanong niya. Tapos na siguro siya sa pagluluto. Nag-aayos na kasi siya ng lamesa.
Seryoso, bigla akong nanglumo. Tinamad, ganuon. Parang gusto ko na lang na humilata sa kama; magkulong duon sa kwarto ko at huwag nang lumabas. Sino ba ang hindi magkakaganito kapag nakita ng isang estudyante ng kamatayan iyong parusa sa mga tulad namin na nagmahal at nagmamahal? Nakakaloko lang.
Habang nakain kami ni Coleen, nagkukwento lang siya nang nagkukwento tungkol sa kung ano-anong mga bagay. Ipinapakita ko na lang sa kaniya na nakikinig ako, na interesado ako sa mga ikinukwento niya. Ang hindi niya alam, pasok sa isang tenga, labas sa kabila ang mga kwentong naririnig ko mula sa kaniya.
Wala na talaga akong gana ngayon matapos kong makita iyong parusa. It's like all of my energy and enthusiasm was sucked out by the scene earlier. And I really can't do anything to get it back right now.
"Matthew," Nag-angat naman ako ng tingin pagkatigil ko sa paglalaro sa karne na nasa plato ko. "Okay ka lang?" Tumango na lang ako pagkangiti ko sa kaniya ng bahagya. Ang sarap sabihing, hindi ako okay. Nalulungkot ako. Kaya lang para saan pa? Para amuhin niya ako? Pagaangin iyong loob ko? Baka hindi ako makapagpigil at masabi ko sa kaniya na mahal ko siya– na ikamamatay ko pa. "Oo nga pala, ipinapakwento mo iyong sa amin ni Jale, hindi ba?"
"Hindi na. Wala namang mangyayari kahit pa ikwento mo." nakangiting sagot ko sa kaniya. "Thank you sa pagkain," Pinunasan ko iyong gilid ng labi ko gamit iyong panyo ko saka tumayo at kinuha iyong pinagkainan ko pagkalapag ko ng panyo ko sa table.
Hinugasan ko iyong pinagkainan ko saka inayos iyon tapos umakyat na ako sa kwarto ko. Umupo muna ako sa harap ng study table at saka nagsulat ng kung ano-ano sa notebook ko nang kuhanin ko iyon sa bag ko.
"May problema ka ba, Matthew?" Narinig kong tanong ni Kamatayan.
Umiling na lang ako saka sumagot. "Wala. Bored lang."
Wala naman na akong narinig mula sa kaniya matapos kong sumagot kaya humiga na lang ako sa kama matapos ang ilang minuto. Tumitig ako sa kisame saka nag-isip ng mga bagay-bagay.
Hanggang ganito na lang ba ako habang buhay? Kasi kung oo, mas gugustuhin ko na lang na mawala na lang rito sa mundong ibabaw. Pinagbawalan ako pumatay, bawal na rin daw ako gumalaw ng mga babae tapos malaman-laman ko pa na bawal magmahal dahil sa putang inang batas ng mga Kamatayan na iyon. Parang pinagkaitan na talaga ako ng kasiyahan.
It's kind of funny, actually. Dati, sinasabi ko lagi na hindi ako magkakagusto sa babae, na hindi ako mahuhulog sa kahit kanino, na katangahan ang pagmamahal sa isang tao. Hindi ko alam na kakainin ko pala lahat ng mga sinabi ko dahil ako mismo, iyong lagay ko ngayon, gustong mahalin nuong taong mahal na mahal ko.
Kung inacknowledge ko ba kaagad iyong nararamdaman ko for Coleen, naging masaya kaya ako noon bago ako namatay?
Napangiti ako ng bahagya saka kinuha iyong stylus ng cellphone ko na nakapatong sa bedside table. Binuksan ko iyong app na Glow Draw, na hindi ko alam kung bakit ininstall ko on the first place, saka nagsulat duon gamit iyong stylus.
It's actually hard writing on it but I still manage to write down the words I wanted to say.
At first, I just wanted you to like me but then I got greedy, now I wanted you to love me.
"Ang corny mo, Matthew," Ssbi ko sa sarili ko habang binabasa iyong isinulat ko sa cellphone ko. "Ang corny-corny mo." Napangiti na lang ako ng mapakla saka iniscreenshot iyong isinulat ko bago ko pinatay iyong cellphone. Inilagay ko sa tabi ko iyong cellphone saka kinuha iyong unan sa ulunan ko at ibinaon ang mukha ko ruon. "Ang hirap..."
Bakit ba kasi ako napasok sa sitwasyon na ito?
--
I have decided na maghanap ng mapaglilibangan para hindi ako masyado mahirapan sa sitwasyon ko. Kailangan ko ng activity para mai-divert iyong atensyon ko.
Kaya heto, nandito ako sa court, playing basketball with the varsity team. I'm giving a hundred and ten percent sa laro, hindi dahil gusto kong makapasok sa team, kung hindi dahil kailangan ko, kailangan kong makapasok para kahit papaano, mai-divert ko rito iyong pag-iisip ko.
Some of my blockmates are also here in the court, watching and cheering for me. There are also a bunch of girls that screams the number on my jersey.
I wonder. Will Coleen cheer for me when she watch me play ball? My effin' mind is really funny. Sabi ko, ida-divert ko iyong atensyon ko but here I am, thinking of her.
When I stepped on the three point line, I jumped then threw the ball at the ring. The crowd grew silent habang nasa ere pa iyong bola. Nang tumama iyon sa ring at pumasok, nagsigawan na naman sila. Napangiti na lang ako saka nagthumbs up sa mga kablock ko.
The game went on until it reached the end of fourth quarter. The team I'm in lost but I still got the good news I'm hoping to hear: I'm officially a part of the varsity team.
My not-so-close friends s***h blockmates wheeled me into treating them three bottles of colas. Their reason? I got in the team. After the treating session, I decided to go home 'cause we don't have classes anymore. I'm so freakin' exhausted. I just wanted to lie down in my bed, hug any pillows that I have or maybe Coleen, and drift off to sleep.
It's been a long time since I played ball like hell. I think I stopped playing basketball when I was 16. Yeah.
Napatigil ako sa paglalakad palapit sa bahay dahil sa nakita ko. Who the hell is that guy? May lalake kasi sa harap ng bahay habang kausap si Coleen. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit may baby itong dala.
Wait. Is that... their baby?
I might as well spy on them. I know it's bad to listen to other people's conversation – or eavesdrop - but hell! I can't help it! I'm effin' feeling annoyed while looking at them!
I think this is what they call jealousy. Oh, hell yeah! I'm fuckin' jealous.
Nagtago muna ako sa mga kumpol ng halaman malapit sa guard house saka pumikit. Kailangan ko kasing maitago ang katawan ko. Nang mahiwalay na ang kaluluwa ko sa pisikal na katawan ko, lumapit na ako sa kanila.
"Joco, paubos na rin iyong ipon ko. Buti nga napagkasya ko iyong anim na libo, eh." malungkot na sinabi ni Coleen sabay suklay sa buhok niya gamit iyong kaliwang kamay niya habang iyong kanan naman ay nakapamewang. I can feel Coleen's pressure while she uttered those words.
Nanghihingi ba itong lalakeng ito ng pera sa kaniya?
"Ganuon?" tanong ng lalake tapos tumango si Coleen. "Sa iyo na lang muna ito si Lucas-" Napatigil sa pag-abot sa bata iyong lalake pati na rin sa pagsasalita nang umatras si Coleen at nagsalita.
"Joco, hindi puwede." mabilis na sagot niya sa lalake.
"Wala na akong mapag-iiwanan kay Lucas. Lagi na lang silang nag-aaway tapos nadadamay pa itong bata."
Sino iyong laging nag-aaway? At bakit kay Coleen niya ipapabantay iyong bata? Ano ba itong bahay ko? Orphanage?
"Joco..."
"Si Jale? Hindi ba puwedeng-"
"Wala na kami." Bumuntong hininga si Coleen saka lumapit lalo sa lalake, na tinatawag niyang Joco. "Ganito, akin na si Lucas," Kinuha niya iyong bata saka iyon kinarga. Don't tell me, aalagaan niya iyang bata na iyan at ititira sa bahay?
"Paano iyong may ari?"
"Hahanap na lang ako ng ibang matitirahan. Aalis na lang ako."
"Huwag!" Hahawakan ko sana siya sa pero tumagos lang ako sa kaniya at na-out of balance kaya napunta ako sa likuran niya. Pumunta ulit ako sa gilid nila nang makatayo ako ng maayos saka siya tinignan.
"Nakakahiya na rin kasi kay Matthew. Masyado na rin kasi akong napasarap sa pagtira sa bahay niya. Ayoko naman na pag-isipan niya ako ng masama dahil sa totoo lang, sumosobra naman na talaga ako rito." Nakangiti siya ng bahagya habang nilalaro iyong batang karga niya, na sa tingin ko ay dalawang taong gulang pa lang yata.
"Coleen... Okay lang naman kahit habang buhay ka na tumira sa bahay, eh." Bulong ko habang nakatingin kay sa kaniya. Hindi ko alam na kahit kaluluwa lang ako ngayon, makakaramdam pa rin ako ng sakit, sakit na akala ko ay pisikal na katawan ko lang ang makakaramdam, sakit na tumatambay sa dibdib ko.
"Sige na. Uuwi na muna ako. Bibisitahin ko na lang kayo kapag maayos na iyong sa bahay."
Tumango si Coleen kaya naglakad na palayo iyong lalake matapos nilang magyakapan. Nang makalayo na iyong lalake, binitbit ni Coleen iyong bag na nasa lapag saka pumasok sa loob ng bahay.
Napabuntong hininga ako saka bumalik sa pisikal na katawan ko.
Ayokong umalis siya sa bahay. Kahit na duon niya pa itira iyong bata, okay lang. Kahit na kapag busy siya at hindi maalagaan nang maayos iyong bata dahil sa ginagawa niya, okay lang na ako muna mag-alaga. Kahit tustusan ko pa iyong bata, okay lang. Huwag lang siyang aalis sa bahay, huwag lang siyang aalis sa tabi ko.
Ayoko nang maiwan.
Pipigilan ko ba siya? Ayaw ko kasi talaga siyang umalis. Hindi naman rin siya istorbo sa bahay. In fact, sobrang pinasasaya niya pa nga ako. Kumbaga sa mga ina, siya ang ilaw ng tahanan ko, ang nagbibigay liwanag sa napakadilim na buhay ko sa bahay.
Kaso kapag pinigilan ko siya, baka makahalata na sa nararamdaman ko si Kamatayan. Baka kwestiyunin niya na ako. Oo, naisip ko na mawala na lang pero ngayon, ayoko na. Naisip ko kasi, kahit hindi ako makaamin kay Coleen, ano naman? Makasama ko lang naman siya, okay na. Ano bang pinagkaiba ng pagkakaibigan sa pakikipagrelasyon? Wala naman masyado. Intimate na bagay lang naman ang hindi ginagawa ng pagkakaibigan, na ginagawa ng pakikipagrelasyon.
Tama. Okay lang siguro kahit hindi na ako umamin. Ang mahalaga, nasa tabi ko lang lagi siya. Kahit magkaibigan lang kami, I'll secretly keep her for myself. Plus, hindi pa malalaman ni Kamatayan ang nararamdaman ko para kay Coleen. It's like hitting two birds with one stone kapag nanatili akong kaibigan lang ni Coleen.
It'll hurt if I only stayed as Coleen's friend – in fact, it hurts right now – I know but I'll get through this. I know I will.
--
"Sino iyan?" tanong ko nang makita ko si Coleen sa salas. Nakaupo siya sa sofa habang nilalaro iyong bata kaya rinig na rinig sa buong salas ang nililikhang tawa nito.
I'm really hoping na hindi niya anak iyan.
Tumayo siya pagkaayos niya ng pagkakabuhat sa bata. "Uhh... Matthew," sabi niya pagkalapit niya sa akin. "May sasabihin-"
"Sino iyang bata?" pagputol ko sa sasabihin niya. Parang ayoko kasi marinig ang susunod na mga salitang lalabas sa bibig niya.
Pakiramdam ko kasi magpapaalam siyang aalis na siya. Ayoko. Ayokong mangyari iyon. Ayokong umalis siya. Habang nakaturo ako sa bata, bigla nitong hinawakan ang daliri ko na nakapoint sa kaniya. I felt the moths on my stomach go on a rampage. We look like a family. Too bad, me and Coleen are not in a relationship, and we are not the ones who created this kid.
"Si Lucas, kapatid ng... mga itinuturing kong kapatid." mahinang sagot niya habang nakangiti ng bahagya.
Parang may nagliwanag sa kaloob-looban ko nang sabihin niya iyon. Meaning, hindi niya anak itong bata. Pero teka. Kapatid ng mga itinuturing niyang kapatid?
"Paanong... mga itinuturing mong kapatid?"
"Ampon lang kasi ako." Natigilan ako sa sinabi niya. Ampon? Parehas kami? Technically hindi na ako ampon kasi nakita naman ako ng pamilya ko noon pero sa orphanage naman ako nanggaling. "Ako iyong pinakamatanda sa aming lima. Pero tulad ng sabi ko, ampon ako kaya hindi ko sila kadugo. Apat silang magkakapatid," Iniharap niya iyong bata sa kaniya saka iyon niyakap. "Isinama ko lang sa bilang iyong sarili ko kasi kahit masama ang pagtatrato nila sa akin, maliban kay Joco pati na rin ni Lucas, itinuturing ko pa rin na parte ako ng pamilya nila."
"Okay ka lang?" Hinawakan ko siya sa balikat dahil napansin ko na parang any time now, iiyak siya.
"Hmm." tugon niya na may kasama pang pagtango. "Matthew, about sa sasabihin ko pala," Bumuntong hininga siya saka ako tinignan sa mata. At kahit naiilang ako, hindi ko inalis iyong pagkakatingin ko sa mga mata niya. "Aalis na pala ako dito sa bahay-" Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita at nagsalita kaagad ako.
"Bakit?" tanong ko na may halong kaba sa dibdib. Para ring kino-constrict ang dibdib ko dahil naninikip ito. Alam ko naman na sinabi niya kanina duon sa lalake na aalis na siya rito pero... putang inang buhay naman, oh.
"Matthew, masyado na akong napatagal rito. Masyado na kitang naistorbo. At saka, kung sakaling magstay pa ako rito kahit ilang linggo, baka mas makaperwisyo pa ako dahil may aalagaan na akong bata. Matthew, I-"
"Saan kayo titira?" Gusto kong sabihin na Ano? Babalik kayo ruon sa bahay na iyon? Baka pahirapan lang kayo ruon; baka saktan lang kayo. Dito na lang kayo, hindi ko kayo pababayaan. Hindi ko kayo sasaktan. Aalagaan ko kayo pero hindi ko sinabi dahil baka marinig ni Kamatayan.
Gusto ko pang manatiling buhay para makasama kahit papaano si Coleen.
"Hin... Hindi ko pa alam pero maghahanap-"
"Coleen, huwag na." Napakunot naman iyong noo niya nang tumutol na naman ako. "Dito na lang kayo. Ituring mo na bahay mo na rin ito, wala namang kaso sa akin iyon since ako lang naman nakatira dito."
"Pero, Matthew-" Hindi niya ulit natapos iyong sasabihin niya nang takpan ko ng kamay ko iyong bibig niya habang nakangiti.
"Huwag kang mag-alala, okay lang sa akin. Baka may mangyari rin sa bata kung hahayaan ko kayong umalis rito." Baka may mangyaring masama sa iyo kapag pinabayaan kita. Gusto ko sanang idagdag pero nag-iingat lang ako kaya hindi ko sinabi. "Isa pa, ano ipapakain mo sa bata? Sige nga? Ang alam ko, pinalayas ka, wala ka ring trabaho at iyong ipon mo lang ang ginagamit mo para mabili iyong mga kailangan mo. So, ano? Pababayaan mo ba na magutom iyang bata tapos wala pa kayong matutuluyan?"
"Hindi ko alam..." umatras siya ng bahagya saka niyakap ng mahigpit ang bata at ang kamay naman ng bata ay nilalaro ang buhok niya.
"Dito na lang kayo, okay lang talaga sa akin. Para na rin may kasama ako dito."
"Salamat, Matthew." mahinang pagkakasabi niya pero narinig ko pa rin. "Salamat talaga." This time, napansin ko na may kuminang sa pisngi niya. Luha.
Kung hindi ko lang talaga mahal ito si Coleen, hindi siya magtatagal rito sa pamamahay ko. And I somehow admire her strength. Yeah, she's sometimes a cry baby pero iyon ay dahil sobra na iyong ibinibigay na pagsubok sa kaniya. Sobrang nasasaktan na siya at nahihirapan. Pero sa kabila ng mga pagsubok na iyon, nagagawa niya pa ring ipakita iyong ngiti niya. Parang wala siyang dinadalang mabibigat na problema kung umasta.
And I really just want them here. I just really want Coleen to always be by my side. Para naman kahit papaano, medyo maramdaman ko iyong ginagawa kong pag-iimagine na isang buong pamilya kami, na siya ang misis ko, may anak kami- nakakataba ng puso kapag iniisip ko iyon pero masakit rin kahit papaano dahil alam kong hindi kailanman mangyayari iyon.
Hindi ako nagpapakanega. I'm just stating facts. Never, as in never siya magiging sa akin; never na magiging asawa ko siya; never na magkakaroon kami ng anak– maliban na lang kung gapangin ko siya gabi-gabi pagkatapos ko siya igapos sa kama para hindi makawala sa akin.
Siguro, kahit masakit, mabubuhay na lang ako sa imahinasyon ko para kahit papaano, maging masaya naman ako. Wala naman akong choice kung hindi magpakamartyr, eh. Sobrang nakakagago kasi itong sitwasyon ko. Sa dami kasi ng putang inang batas na puwedeng gawin, bakit iyon pa ang ginawang batas ng mga putang inang Kamatayan na iyon.
Kung wala lang talaga ako sa lagay na ito, gaya ng dati pero pinalagpas ko lang, magtatapat na talaga ako kay Coleen. Ngayon pa at wala na sila ni Jale? I'll freakin' court her everyday until my last breath kung papayagan niya lang ako.
Ano naman kung sasaluhin ko ang ex ng best friend ko? Ano naman kung magiging pangit ang tingin ng mga tao sa akin kapag ginawa ko iyon? Wala akong pakielam. It's either Jale ends our friendship o hahayaan niya na lang ako maging masaya kay Coleen.
Gusto kong maging parte ng buhay ni Coleen, hindi bilang kaibigan lang kung hindi minamahal niya. I want to do all those intimate things with her not because of lust but because of love. I... I badly want her. I freaking badly want her to be mine. I badly want her to tell me that she loves me. And I badly want to tell her how much I love her.
It really hurts. Not being able to voice out my feelings feel like getting continuously stabbed in the chest by the one I love. But who am I kidding? Hanggang pangarap, panaginip at imahinasyon na lang ako.
This is my reality. And my reality sucks... bigtime.