7

2966 Words
-Matthew Akala ko talaga, iyon na ang huling hininga ko. Akala ko, hanggang duon na lang ako pero mali ako dahil nang iminulat ko ang mga mata ko, medyo malabo man ang paligid pati na ang paningin ko, bumungad sa akin ang isang hindi pamilyar na lugar nang mag-adjust na ang mga mata ko sa dilim. "Nasaan ako?" pabulong na tanong ko sa sarili ko habang inililibot ang aking paningin. Isang madilim na kwarto na napapaligiran ng mga bungo na may nakatirik na mga kandila sa bawat isa nito. Sa harap ko naman ay isang lamesa. Tipikal na kahoy na lamesa pero mahahalata kung gaano na ito kaluma. Kumurap ako at nang idilat ko iyong mga mata ko, nanlaki ang mga ito. Sa hindi malamang kadahilanan, bigla ako nakaramdam ng matinding takot. Hindi ako natatakot sa kahit na ano pero dahil sa nakikita ko, parang ang gusto ko na lang gawin ay tumakbo hanggang sa makalayo rito. Nang iminulat ko kasi ang mga mata ko matapos ko kumurap, bumungad sa akin ang isang lalake na nakaupo sa lamesa sa harap ko. Paanong nagkaroon ng isang tao sa harap ko sa isang kisapmata? Ang bilis naman niya? Pero parang pamilyar siya. Kamukha niya iyong dugyot na nagsabi sa akin na malapit na akong mamatay. "Si-Sino ka?" Hindi ko naiwasan ang mangatog habang naktitig sa mga mata nito. Tatayo na sana ako kaya lang biglang may humawak sa mga pulso ko – butong mga kamay. "Ako?" Bahagya itong tumawa bago nito itinuloy ang sinasabi pagsasalita nang hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin. "Hindi na mahalaga kung sino ako." "Nasaan-" pinutol niya na naman ang pagsasalita ko dahil bigla siyang sumapaw. "Pero ito ang tandaan mo; isa ako sa mga katamayan." Ha? Siraulo yata itong taong ito, eh? Pero teka. Hindi lang iyong mukha niya ang pamilyar, pati na rin iyong boses niya. Kasi kung hindi ako nagkakamali, iyong boses nuong laging bumubulong sa akin at iyong boses niya, iisa lang. Hindi ako puwedeng magkamali. Pinakalma ko ang sarili ko kahit nahirapan ako saka ako humugot ng malalim na paghinga, hoping n asana makahugot ako ng lakas ng loob. Kahit kinakabahan, sinamaan koi to ng tingin. "Wala akong panahon makipaggaguhan sa iyo. Nasaan ako?" Pinipilit kong kumawala pero habang ginagawa ko iyon, mas humihigpit ang pagkakahawak nng mga kamay na buto sa pulso ko. Anong kagaguhan ba ito? "Matagal na kitang minamatyagan; at ikaw ang napili ko." "Ano bang pinagsasabi mong ulupong ka? Pakawalan mo ako ri-" Natigilan ako at nanlaki ang mga mata ko nang biglang may kung anong ilaw ang lumabas sa gilid niya. Unti-unti, iyong ilaw na iyon ay naghugis scythe. Ano... Ano ba ang nangyayari dito? Hindi naman ako adik o baliw para makakita ng mga ganitong bagay, hindi ba? Kinuha niya iyon at itinapat sa akin na may ngisi na naglalaro sa kaniyang mga labi. "Ikaw, Matthew De Vera; ikaw ang napili ko para maging estudyante ko." Ha? Ano raw? Estudyante? "E-Estudyante?" Ngumiti siya bago nagsalita. Nakakakilabot talaga iyong ngiti niya; parang may binabalak lagi na masama. "Simula ngayong araw na ito, pagmamay-ari na kita, Matthew De Vera." Napaatras ako ng kaonti nang iwinasiwas niya iyong scythe niya sa mukha ko pero kahit na sinubukan kong umilag, tinamaan pa rin ako sa pisngi ko. Tangina! Ang sakit nuon. Ramdam na ramdam ko ang lalim ng sugat. "Lumayo ka!" Sinubukan ko umatras ulit, sa pagbabakasakaling makawala ako. Na-out of balance ang upuan at nasa kalagitnaan ako ng pagbagsak pero bigla na lang umayos ang puwesto nito kaya hindi natuloy ang pagbagsak ko. Hindi ko alam kung paano niya ginawa iyon pero gusto ko siyang murahin at sigawan kaya lang ay hindi ko magawa. Wala nang lumalabas na boses sa bibig ko. Biglang lumiit iyong scythe kaya natuon ang atensyon ko ruon. Gamit iyong dugo ko na sumama rito, may kung ano siyang isinulat sa hangin. Hindi pa siya nakuntento at lumapit siya sa puwesto ko at sinalo ang dugong lumalabas sa pisngi ko. Nang makakuha na siya, bumalik siya sa pagkakaupo sa lamesa. Habang ginagalaw niya iyong kamay niya at nagsusulat sa hangin, naiiwan sa ere iyong dugo ko. Nang matapos iyong ginagawa niyang pagsulat, nakita ko ang isinulat niya na naiwan sa ere. Matthew De Vera "Hanggang sa muli." Saktong pag-angat naman ng paningin ko para tignan siya, biglang lumaki iyong scythe na hawak niya tapos iwinasiwas niya iyon at ipinadaan ang talim nito sa leeg ko. Dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko sa pisngi at leeg, naimulat ko ang mga mata ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na nasa harap ako ng bahay ko. Ano ba talagang nangyayari? "s**t!" Napahawak ako sa leeg at pisngi ko kasi ramdam na ramdam ko pa rin iyong pagkahiwa ng mga ito. Pero ang ipinagtataka ko, nawala ang mga sugat at ang sakit na halos pumatay sa akin kanina, bigla rin naglaho. "Umakto ka na parang walang nangyaring kakaiba." bulong nuong pamilyar na boses sa kanang tenga ko. "Umakto ka na parang hindi ka namatay, na normal lang ang lahat." bulong nito sa kaliwang tenga ko. Tang ina. Nababaliw na yata ako. Kailangan ko na yatang pumunta sa psychiatrist. Pero teka nga. Patay na ko, hindi ba? Nabaril ako sa likod, hindi ba? Paanong... Paanong buhay pa rin ako at malusog? Humihinga? Nakakakita? Nakakarinig? Napakaimposible naman na sa lahat ng nangyari, buhay pa rin ako. Nakakagago pero... heto, buhay ako; humihinga, hakakaramdam. Buhay ako. Si Coleen! Dapat malaman niya na buhay pa ako! Pumasok ako sa bahay at hinanap sa bawat sulok si Coleen. Paulit-ulit rin iyong pagsigaw ko sa pangalan niya pero wala akong nakuhang sagot. Medyo kinabahan ako nang pumasok sa isip ko na baka lumayas na siya at umalis na rito dahil sap ag-aakalang patay na ako. Dali-dali akong pumasok sa kwarto niya at nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang mga gamit niya na naruon pa din. "Parating na sila." Narinig kong sinabi nuong boses nuong lalake. "Sino?" Binitawan ko ang pagkakahawak ko sa dress ni Coleen na nakasabit sa aparador saka ako umupo sa kama sa tabi nito. "Iyong hinahanap mo pati na rin iyong kaibigan mo. Pumunta ka sa salas at duon mo sila hintayin." Wala naman akong nagawa kung hindi sumunod kaya tumayo na ako at bumaba. Sa tingin ko, kailangan ko na magtiwala sa boses na ito. Hindi niya nga ako binigo nang sabihin niya iyong address kung nasaan si Coleen. Tama. Labag man sa loob ko na magtiwala at maging sunod-sunuran sa kahit kanino, gagawin ko na lang lahat ng sinasabi nuong lalakeng may scythe na sinasabing siya si kamatayan. Kamatayan? Totoo kaya iyon? Hindi kapani-paniwala pero mukhang totoo. Baka nga isa siya sa mga kamatayan. Napakaimposible naman kasi na isa lang ang kamatayan sa mundo. It's not that naniniwala ako sa existence nila. Ang absurd ng idea ng kamatayan. Pero heto nga at nakakausap ko, eh. At saka malamang nito, sa bilyon-bilyong tao sa mundo, hindi niya naman siguro makukuha mag-isa iyong kaluluwa ng mga namamtay na tao sa iba't-ibang bahagi ng mundo, hindi ba? Kumuha ako ng chips at umistambay na sa salas. Ilang saglit lang rin nang narinig ko iyong pagbukas ng pinto. "Matthew?" Nilingon ko naman siya at nginitian. "Tandaan mo," narinig kong bulong ng boses sa kaliwang tenga ko. "Bawal kang magmahal. Bawal ka na rin pumatay." Iyong ngiti ko, biglang nawala. "Ha?" pabulong na pagkakatanong ko. Bawal magmahal? Hindi ko naman talaga gagawin iyon. Tanga lang ang nagmamahal. At ano? Bawal pumatay? Iyon nga iyong kaligayahan ko, pagbabawalan pa ako? "Kasapi ka na sa mundo ko. Lumabag ka sa batas, ikaw ang mawawala sa mundong ibabaw. Ang isa sa mga batas na bawal mong labagin: bawal kang umibig sa isang mortal." "Paano... Ba-bakit ka nandito?" bungad ni Nathan nang makita akong prente na nakaupo sa sofa. Parang tanga lang iyong itsura nito. Parang natatae na hindi maintindihan. Bakas sa mukha niya ang pagkalito at mukhang natatakot rin siya. Baka iniisip niya na nakakakita siya ng multo. "Anong bakit ako nandito? Natural, bahay ko kaya ito." matawa-tawang sagot ko. Tumayo ako tapos nilapitan sila. Hinawakan ko sila sa pulso nila saka hinila paupo sa couch; baka lang kasi matauhan na sila. Bigla naman tumayo si Coleen na siyang ipinagtaka ko. Nakatitig kasi siya sa akin, sa mga mata ko tapos bigla niyang hinawakan iyong magkabilang pisngi ko at ibinaling-baling ito sa kaliwa at kanan. "Co-Coleen..." Hinawakan ko iyong kanang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko. May isang parte sa isip ko na sinasabing huwag kong alisin at pabayaan lang dahil ang sarap sa pakiramdam. Iyong isa naman, tanggalin ko dahil nakakaramdam ako ng parang ewan. Parang... kuryente? Ground? Hindi ko alam. "Bu-buhay ka talaga?" Iniharap na naman niya ako sa kaniya. Magkatitigan na kami ngayon. Mata sa mata. Ano ba itong puso- dibdib pala. Kasi naman, parang gago lang. Ang lakas kumabog! Napagpasyahan ko na alisin na lang iyong pagkakahawak niya sa magkabilang pisngi ko at umayos na lang ng upo. Nawiwirdohan na kasi ako sa sarili ko. "Oo naman. Ano bang iniisip niyo? Kaluluwa lang ako?" Parang tanga lang kasi iyong mga tanong nila. Pero oo nga pala. Normal na ang ipinapakita nilang reaksyon. Namatay nga pala ako sa harap nila. Ang kailangan kong gawin ay magpanggap na hindi talaga nangyari iyong pagkamatay ko, na walang aksidenteng nangyari, na buhay talaga ako. "Oo." mabagal na sagot nilang dalawa. Sabay pa talaga. "Well, I'm telling you guys, buhay ako. Humihinga pa nga ako, oh?" Inakbayan ko si Nathan tapos inilapit ko iyong mukha ko sa mukha niya sabay buga ko ng hininga ko sa kaniya. "Ang baboy mo!" Umiwas ito saka isinupalpal sa mukha ko ang dalawang palad niya. Sus. Para namang mabaho hininga ko. "I-Imposible naman kasing... buhay ka pa." Kumalas ako sa pagkakaakbay kay Nathan nang umupo si Coleen sa upuan na nasa gilid nito. Baka iniisip nila iyong nangyari sa bahay na iyon, sa bahay kung saan ako namatay. Bahala na. Dapat akong mag-isip ng palusot. Pero bago pa man ako makapag-isip, nagsalita bigla iyong kamatayan. "Sabihin mo na isang palabas lang ang pagkamatay mo." Ano ba iyong mga sinasabi nito? "Na isang palabas lang rin ang pagkawala ng katawan mo sa morgue; na kaya wala silang nakitang bangkay sa morgue ay dahil hindi ka naman talaga namatay. Kaya walang nakitang dahilan ng pagkawala mo sa CCTV ay dahil hindi ka naman talaga napunta ruon." Isang...palabas? Isang palabas iyong pagkamatay ko? Tinutulungan na naman ba niya ako? Napabuntong hininga ako. Dapat ko na nga pala talaga siyang pagkatiwalaan. At sabi niya, hindi ba, pagmamay-ari na niya ako. Labag man sa loob ko iyong katotohanang pilit kong itinatanggi mula kanina, dapat ko pa rin siyang sundin para sa ikabubuti ko. Pagmamay-ari na ako nuong taong nagpakilala bilang kamatayan. Ang tanong: Tao nga ba iyon? Imposible. "Palabas lang kasi iyon." Nagdequatro ako tapos tinignan silang dalawa. Para silang nawiwirdohan at nag-aabang ng sagot. "Iyong pagkawala ng katawan ko sa morgue? Isa pang palabas iyon." Natahimik ako. Ano pa ba ang puwede kong idugtong sa pagsisinungaling ko? Ah- tama. "Binayaran ko iyong doktor para makisakay sa pagkamatay ko kuno. Pa suspense lang. Para masaya, hindi ba?" Tinawanan ko sila saka sumandal. Tae. Puwede na akong artista. Ako na papalit sa mga baklang nagiging leading man ng mga babae sa tv. Tama. Okay rin iyong mga babaeng artista. Magaganda. Mas mae-expose iyong kagwapuhan ko kapag nag-artista ako. At kapag naging girlfriend ko sila, aangkinin at papatayin ko sila. Oo nga pala. Bawal na raw ako pumatay. Tangina. Ang KJ naman ng kamatayan na iyon. Paano ko ieenjoy iyong buhay ko kung bawal na ako pumatay? Isa pa, ayaw niya ba nuon? Madadagdagan ang kaluluwang makukuha nila kapag pumatay ako nang pumatay. Bawal na rin kaya iyong pagkuha ko sa kayamanan ng mga babae? Nakakagago naman. "Pagkatapos mo magpalusot, isasagawa mo na ang una mong misyon." Narinig ko na naman iyong punyemas na kamatayan na iyon kaya dumiretso ako ng upo at hindi pinansin ang mga tanong na ibinabato ng dalawa sa akin. Nagpaalam muna ako saglit sa kanila at sinabing magccr lang ako. "Anong sinasabi mo? Misyon?" tanong ko nang mailock ko na ang pinto ng banyo saka ako naupo sa toilet seat pagkababa ko sa cover nito. "Estudyante kita; dapat mong gampanan ang nakapataw na mga bagay na ibibigay ko sa iyo." "Osha-sha. Estudyante mo ako. Ano ka ba talaga? Kamatayan? Hindi ko alam na Pinoy pala ang kamatayan." Seriously, ngayon ko lang napansin. Simula nang kausapin niya ako, Tagalog iyong ginagamit niyang language. Imposible namang Kano ito kung Tagalog iyong ginagamit. Edi sana nag-English ito. "Hindi ako Pinoy. Lahat ng nakakausap ko, naiintindihan ako. Ginagamit ko ang lengwahe namin pero maiintindihan mo iyon dahil maririnig mo ito sa lengwahe mo." Ang gulo pala ng buhay nito, eh. Tae. Baka pati utak ko, iniinvade na nito. Tang ina. Huwag naman sana. "Na... Naririnig mo ba iyong mga nasasabi ko sa isip ko?" pabulong na tanong ko, hoping na sana hindi ang isagot niya. "Hindi." Napangiti ako dahil sa sagot niya. Akala ko naman pati utak ko, iiinvade na niya. Salamat naman at hindi. "Sige na. Pakakainin ko lang sila tapos gagawin ko na iyong ipagagawa mo." Tumayo na ako tapos lumabas. Naabutan ko naman sila na nag-uusap. Teka. Bakit pala sila magkasama? -- "Ha?" Teka. Medyo naguluhan ako sa sinabi nitong kamatayan na ito. "Pumikit ka ng limang segundo at mahihiwalay na ang kaluluwa mo sa katawan mo." Limang segundo? Pipikit ako ng limang segundo tapos mahihiwalay iyong kaluluwa ko sa katawan ko? Kahit naguguluhan at kahit nasa harap ko sila Nathan at Coleen na katatapos lang kumain, pumikit ako. Ilang saglit lang rin nang iminulat ko ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang likod ng katawan ko kaya hindi ko maiwasang maangasan. Bigla kasing kumilos iyong katawan ko tapos ipinagpatuloy ang pagkain at pakikipag-usap kina Coleen at Nathan. Ang galing lang rin kasi pumapasok rin sa isip ko iyong mga pumapasok sa isip ng pisikal kong katawan. "Te-Teka." May dapat akong itanong. Hindi naman kasi puwedeng habang buhay akong kaluluwa everytime na pipikit ako, ano. "Bakit?" "Ano iyon? Kapag pumikit ako ng limang segundo, mahihiwalay iyong kaluluwa ko sa katawan ko?" "Oo." Ang galing nitong kamatayan na ito. Hindi nangbabasag. Buti at seryoso siya. Kagagawa ko lang, itatanong ko pa? Kahit sino siguro ang pagtanungan ko, tapos nakita nila iyong ginawa ko, malamang basagin ako. Babasagin ko naman mukha nila kapag binasag nila ako. "Paano kapag natulog ako? Kapag umiglip ako? Ano iyon? Hihiwalay iyong kaluluwa ko? Iyong pisikal kong katawan, tulog pero iyong kaluluwa ko, gising?" "Hindi. Mahihiwalay lang ang kaluluwa mo kapag pumikit ka ng limang segundo at ginusto mo." Tumango na lang ako habang pinagmamasdan ang pisikal na katawan ko. Angas nito, ha? Teka. Puwede kaya iyong iniisip ko? Baka nga puwede. Hindi naman niya ako pinagbawalan kaya gagawin ko. Napangisi tuloy ako. Nakakaexcite iyong naisip ko. -- Sa isang iglap, napunta kaagad ako sa isang hospital. Kanina lang, nasa bahay ako pero bigla na lang akong nilamon ng parang usok tapos pagkamulat ko, nandito na ako. "Oras niya na." Nasa tapat ako ngayon ng isang pasyente- isang naghihingalong pasyente na nakaratay sa hospital bed. "Mukha nga." Bigla akong natawa dahil itsura nuong pasyente. Mamamatay na, eh. Ang lalim na ng bawat paghinga niya tapos papikit na iyong talukap ng mata niya. "Sadista ka talaga." Napangisi ako dahil sa sinabi niya. I know. "Kaya ikaw talaga ang pinili ko para maging estudyante ko." Narinig ko naman ang pagtikhim niya bago siya nagsalita ulit. "Ilagay mo ang hintuturo at panggitnang daliri mo sa dibdib niya; pumikit ka at unti-unti mong iangat ang mga daliri mo. Huwag na huwag mong paghihiwalayin iyang dalawang iyan habang inaangat mo mula sa dibdib niya." Ginawa ko naman iyong sinabi niya. Habang inaangat ko iyong mga daliri ko, nakaramdam ako ng init na bumabalot sa mga iyon. Hindi ito iyong klase ng init na parang nagbabaga. Init siya na masarap sa pakiramdam. Nang maiangat ko na, sinabi niyang puwede na akong dumilat. Nanglaki ang mga mata ko sa nakita ko at medyo napanganga pa ko. Ano ito? Kulay light blue na usok na pinalilibutan ang isang bilog na dark blue sa gitna nito. "Ano ito?" "Kaluluwa niya iyan. May dalawang kulay ang kaluluwa ang makukuha mo; asul at pula. Ang kulay asul na kaluluwa ang nagrerepresenta na isang mabuting tao ang nagmamay-ari nito. At ang pulang kaluluwa naman ang nagrerepresentang masama ang may-ari. Sinusunog na sa impyerno kaya pula." Napapatango na lang ako habang nagsasalita siya. Ang rami pa pala talagang mga bagay ang hindi alam ng mga tao sa mundong ito. Isa na itong ginagawa ko. "Ano na ang gagawin ko rito?" "Ibalik mo sa katawan niya." "Ha?!" Ano? Gago ba itong kamatayan na ito? Pinakuha niya tapos ibabalik ko? Siraulo ba ito? Bigla namang may nagpasukan tapos nag-iyakan na ang mga iyon. Kapamilya siguro nitong pasyente. Umatras naman ako at sumandal sa pader habang pinagmamasdan sila. "Hindi na trabaho ng kamatayan na kuhanin ang kulay asul na kaluluwa. Ang Anghel De La Guardiya ng taong iyan ang bahala sa kaluluwa niya." "Tangina." Parang tae naman. Ang kulit lang ng rule nila. Pero... may sense nga naman in a way. Ang buong akala ko kasi talaga, kamatayan ang kumukuha sa kaluluwa ng lahat ng tao; masama man ito o mabuti. Ngayon ko lang talaga nalaman na pinaghahatian pala ito ng mga anghel at ng mga tulad niyang kamatayan. Nilapitan ko na iyong katawan at ibinalik ang kaluluwa. Nang maibalik ko na ito, nilamon na naman ako ng usok at nang imulat ko ang mga mata ko, bumalik na ang kaluluwa ko sa katawang tao ko. Nakahiga ang katawan ko sa kama ko nang balikan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD