6

2271 Words
-Coleen Yakap-yakap ko ngayon si Matthew; si Matthew na binaril kahit wala namang kasalanan. Kasalanan ko kung bakit siya nabaril. Kung hindi ko lang sana siya tinawagan, hindi siya mababaril. Kung hinarap ko sana ang kapalaran ko at hindi na nagtangka na humingi ng tulong, sana ako na lang ang nahihirapan, sana ako ang nasa kalagayan ngayon ni Matthew, sana ako na lang ang namatay para matapos na ang lahat ng ito. Tutal naman, nakabuntot parati sa akin ang malas. Mas maigi nang mawala na lang ako para wala nang nadadamay sa kamalasan ko. Pero paano niya ako natunton rito? Wala naman akong sinabing address sa kaniya. Nakatrack ba ako sa kaniya? May tracker ba siya sa cellphone ko? Malabo. "Puta ka-" Itinutok ng hayup na lalakeng bumaboy sa akin ang baril na hawak niya. Napayakap ako ng mahigpit sa katawan ni Matthew, hoping na sana ituloy niya. Pero hindi maipagkakaila na sa kabila ng hiling ko na iyon, natatakot ako para sa buhay ko. Nakapikit na lang ako at inaabangan ang pagputok ng baril at ang pagtama ng bala sa akin pero wala. Nang idilat ko ang mga mata ko, nakita kong nakatumba na iyong hayup na lalakeng iyon at nakaupo sa likuran niya ang isang pulis habang pinoposasan ito. Nagpupumiglas siya at paulit-ulit na sumisigaw ng mga mura pero parang hindi na lang iyon pinapansin ng pulis. Napaangat ako ng tingin, sa likuran ng pulis, dahil napansin ko na hindi lang ito ang tao bukod sa amin. Naruon iyong kaibigan ni Matthew. Hindi ko siya kilala pero kapag nakikita niya ako, nginingitian at kinakawayan niya ako. Bakas sa mukha niya ang halo-halong emosyon; gulat, pag-aalala at galit habang nakatingin sa katawan ni Matthew na yakap-yakap ko pa rin hanggang ngayon. Nilapitan niya ako at ibinalot iyong isa pang kumot kahit pa may nakabalot pa rin na kumot sa katawan ko. "Pakawalan niyo ako!" sigaw nuong hayup na lalakeng iyon habang pilit na kumakawala sa posas. Tama. Dapat lang na mahuli na iyong lalakeng iyon. Binaboy niya ako. Binaboy nila ako. Mga walanghiya sila. Siya pati na si Jay. Dalawa sila. Dalawa silang bumaboy sa akin. Sabay nilang ginamit ang katawan ko. Hindi naman ako makapagsumbong sa mga pulis kasi may hawak silang panlaban sa akin. Iyong video. Iyong video na puwedeng pumatay sa akin dahil sa kahihiyan. Video na kung saan naruon silang dalawa, ginagamit, binababoy at kung ano-ano pang kahayupan ang ginagawa sa akin. Nakakawala ng pagkatao. Nakakadiri na ako. Isa pa iyon si Jale. Kaya ba siya ganuon? Kaya ba parang hindi na niya ako pinahahalagahan? On the first place, pinahalagahan niya ba ako? Minahal niya ba ako? Ibinenta niya ako. On the way na ako sa parking lot na nasa likuran ng restaurant na pagmamay-ari ni Matthew, kung saan nagtatrabaho si Jale. Sinabi niya kasi na gusto niya akong makadate. Nakakahiya man, inistorbo ko pa si Matthew para gisingin ako. Pero bihira kasi kaming lumabas kaya kahit nakakahiya, kinapalan ko na ang mukha ko para lang masiguro na makakapunta ako sa date namin ng boyfriend ko. Alam niyo iyong feeling na ikakasal ka? Ako kasi hindi pero parang iyon yata ang nararamdaman ko. Parang sa mga palabas na kagaya nuong nararamdaman ng mga babaeng ikinakasal sa mahal nilang lalake. Sobrang saya ko. Sobrang saya ko kasi first time naming magde-date ni Jale. Iyong sobrang saya, na sa sobrang saya ay parang sasabog na iyong puso mo? Ganuon ang nararamdaman ko. Ang ipinagtataka ko lang, bakit naman gabi na niya naisipan na magdate kami. Pero ang pagtataka ko na iyon, binalewala ko na lang dahil ang mahalaga ay ang paanyaya ng boyfriend ko. Nakita ko kaagad si Jale sa lugar kaso kasama niya si Jay, iyong kaibigan niya. Iyong tuwa ko, napalitan ng sobrang kaba. Ang raming bagay ang umiikot sa isip ko habang nakatitig sa kanila. Paano kung malaman ni Jale iyong sikreto ko? Na gamit na ako? Na hindi siya iyong mapagbibigyan ko ng bagay na sobrang iniingatan ko? Na hindi pa man niya ako napapakasalan, may dalawang lalake na ang ginamit ako. Nakakadiri ako. Nanliliit ako. Nang malapitan ko na sila, nginitian nila akong dalawa. Naunang tumalikod si Jay at sumunod naman si Jale. Inutusan nila akong sumunod kaya ganuon ang ginawa ko. Nang makalayo na kami sa parking lot, lumiko si Jay sa isang eskinita. Hindi siya normal na eskinita, kung saan may mga pintuan ng bahay na madadaanan at may mga ilaw. Eskinita lang talaga siya na parang pinagtatapunan na lang ng basura at sobrang dilim pa. Hindi ko alam kung bakit namin kailangang dumaan sa eskinitang ito pero sumunod na lang ako. Kampante naman ako kasi kasama ko si Jale. Hindi ako dapat makaramdam ng takot. Kaso mali ako. Nasa kalagitnaan na kami ng eskinita nang may apat pamilyar na lalake ang pumasok rin mula sa kabilang dulo. Napahinto ako pero ang mga kasama ko, tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Gusto ko sanang hilahin si Jale paalis sa eskinita pero para akong tuod na hindi man lang maigalaw ang mga kamay dala ng takot. Napahinto rin ako sa paglalakad dahil ayoko talagang malapitan ang mga makakasalubong naming. Ano bang mayroon? Dapat nilingon na nila ako gayong alam naman nila siguro na huminto ako, hindi ba? "Good Job." narinig kong bungad nuong lalake pagkaalis niya ng shades niya habang naglalakad pa rin palapit sa amin. Iyong lalakeng hayup. Iyong lalakeng kasama ni Jay na bumaboy sa akin. Hindi ko siya kilala at wala akong balak na malaman ang pangalan ng demonyong ito. Nanglaki ang mata ko nang huminto si Jale sa harap nuong lalake tapos inabutan siya ng pera, na sa tingin ko ay tig-iisang libong buo. Sobrang kapal ng pera. Nang ibaling ko naman ang tingin ko kay Clarence, nakatingin lang sa akin ito habang nakangisi. "Bahala ka na riyan." balewalang sinabi ni Jale pagkatago niya ng pera sa bulsa niya. Tumingin naman siya sa akin tapos ngumisi saka niya ako tinalikuran at naglakad palabras ng eskinita. Umakbay naman si Clarence sa kaniya habang natawa. No... Binenta ako ni Jale? Bago pa man ako makatakbo papunta sa dulo na pinanggalingan namin, dali-dali akong nilapitan nuong tatlong lalake saka tinakpan ng panyo ang ilong at bibig ko. May masangsang na amoy iyong panyo na siyang naging dahilan ng pagkawala ng malay ko. Nagising na lang ako nang maramdaman kong nagalaw iyong damit ko. Nanglaki ang mata ko nang maramdaman kong nakatali na ang isang kamay at dalawang paa ko sa magkabilang dulo ng kama habang ginugupit nuong hayup na lalake iyong damit at pants ko. Dudumihan na naman niya ako? Kaya habang hindi niya pa naitatali iyong kamay ko, kinapa ko na iyong cellphone ko sa bulsa at pasimpleng itinago iyon sa ilalim ng unan. Tulong. "Inumin mo na muna iyan." Iniabot sa akin ni Nathan ang isang baso ng tubig. Kinuha ko naman ito at ininom saka mahinang nagpasalamat. "Tahan na." Umupo siya sa tabi ng kama na inuupuan ko saka sinimulang hagurin iyong likod ko para kumalma ako. Tatlong araw na ang nakalilipas pero everytime na matutulog ako, lagi na lang akong binabangungot. Lagi kong napapanaginipan ang paulit-ulit na pambababoy na ginawa sa akin ni Jay at nuong lalake. At kada gigising ako, humahagulgol na ako. Hanggang ngayon, masama pa rin loob ko. Hanggang ngayon, galit pa rin ako sa lahat ng dapat kagalitan; kay Jay, kay Jale, sa hayup lalakeng iyon pati na rin duon sa tatlo niyang alagad. Wala ba silang mga konsensiya? Wala ba silang kapatid na babae o ina? Masunog sana kaluluwa nila sa impyerno. Mga wala silang awa. Mga walang hiya sila. "Gusto ko na mamatay." Isinubsob ko ang mukha ko sa dalawang palad ko saka patuloy na umiyak. "Sshh. Huwag mong sabihin iyan." Hindi ko naman mapigilan, eh. Gustuhin ko man na pigilan ang pag-iyak at ipakitang matapang ako, hindi ko magawa. Oo, alam kong pagpapakita ng kahinaan ng loob itong ginagawa ko pero hindi naman kasi ako malakas na tao. Mahina ako. Babae ako. May mawawala sa akin, at nawala na iyon. Tapos si Matthew pa, napanaginipan ko rin. Nanood siya, nakatingin sa akin, umiiyak, walang magawa sa sitwasyon ko habang binababoy ako ng dalawang lalake. Si Matthew... wala naman siyang kasalanan. Nadamay lang siya. Gusto ko siyang ipaghiganti pero hindi ko alam kung ano bang dapat ko gawin. Mabait na tao si Matthew. Bakit kailangan pa siyang mawala? Siya na nga lang iyong kaibigan ko na tumutulong sa akin para buoin ko ulit ang sarili ko tapos, ano? Nawala pa. Bakit ko pa kasi siya tinawagan? Kasalanan ko ito. Ilang saglit lang rin nang tumahan na ako at nakatulog. Nakakahiya nga kay Nathan kasi hinagod niya iyong likod ko hanggang sa makatulog ako. Si Sheena at siya lang kasi iyong nakakasama ko rito sa bahay sa nakalipas na tatlong araw; dito sa bahay ni Matthew. Nagsasalit-salitan sila sa pagsama sa akin rito. Nakakahiya na. I didn't ask them para bantayan at alagaan ako pero ginawa pa rin nila. Tapos si Nathan pa na hindi ko naman kaclose, inalagaan at binantayan ako. Ang bait niya lang. Si Sheena lang naman iyong kaclose ko sa kanila. At ang laking pasasalamat ko rin kay Nathan kasi siya ang sumaklolo sa akin noong araw na namatay si Matthew. Nakita niya raw kasi na may lumabas na tatlong lalake mula sa bahay kung saan pumasok si Matthew at nakita niya raw na may dalang mga baril ang mga ito kaya tumawag kaagad siya ng pulis. At dahil sobrang lapit lang raw nuong station ng pulis sa bahay na pinangyarihan ng krimen, nakapunta kaagad sila. -- "Good morning!" Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Sheena pagkabukas ko ng pinto. "Good morning." bati ko pabalik rito. Bumitaw naman siya sa yakap tapos hinawakan ako sa pulso. As usual, she's obviously trying to cheer me up sa pagkahyper niya. Thank God dahil hindi pa rin niya ako pinababayaan. Binigyan niya pa rin kasi ako ng Sheena at Nathan para maging pundasyon ko ng lakas. "Nasaan na si Nate?" Nginuso ko naman si Nathan na nasa kusina. Ang cute lang ni Nathan kasi naka-apron ito habang hawak iyong spatula. "O? Ano na naman? Uubusan mo na naman si Coleen ng pagkain." bungad nito nang malapitan kami sa sala. "Hoy! Grabe ito! Hindi kaya!" Natawa na lang ako ng bahagya sa kanila. Nagbabangayan kasi sila hanggang sa makaupo kaming tatlo sa harap ng lamesa. Inihiwalay pa nga ni Nathan iyong para sa akin kasi alam niya raw na uubusan ako ni Sheena ng pagkain. Ipinagpatuloy lang namin ang pagkain habang nagkukwentuhan. Natahimik naman ako nang maopen na iyong topic tungkol sa burol ni Matthew. Inevitable naman kasi iyong topic regarding sa burol ni Matthew. Hindi naman puwedeng hindi siya iburol, hindi ba? Isa pa ang pagsstay ko rito sa bahay. Wala naman akong karapatan sa bahay na ito dahil nakikitira lang ako. Ang sa akin lang, hindi ko alam kung anong mangyayari sa bahay na ito kapag umalis ako. Wala namang mga kamag-anak ni Matthew ang pumupunta rito. Hindi ko tuloy ko aalis ako o ano. Napahinto kami saglit sa pagkain nang biglang tumunog iyong telepono sa sala. "Ako na." pagpresenta ni Nathan tapos pumunta na sa salas. Itinuloy na lang namin ni Sheena ang pagkain pero ilang saglit lang rin nang muli kaming napatigil nang marinig namin na sumigaw si Nathan. "Guys," natatarantang sinabi nito nang makalapit sa puwesto namin. "Nawawala iyong katawan ni Matthew sa morgue!" -- "Imposible naman po iyang sinasabi niyo!" Pilit kong pinakakalma si Nathan dahil parang any time now, magwawala na siya. Sobrang... Imposible talaga. Bangkay... Iyong katawan ni Matthew, biglang nawala sa morgue? Paano naman kasi mangyayari iyon? Not unless itinago nila ito at kinuha ang mga lamangloob ni Matthew para ibenta sa kung saan. Nalingat lang raw kasi sila sandali, bigla na lang nawala iyong bangkay ni Matthew pagkabalik nila para linisin na iyong katawan. "Nathan, sandali. Kumalma ka muna." Pagpapakalma ko rito habang marahan na hinahaplos ang braso nito. Narinig ko siyang nagmura ng mahina tapos umupo siya sa upuan sa gilid; upuan para sa mga taong naghihintay rito sa hospital. Saan napunta iyong katawan ni Matthew? Napakaimposible naman na buhay pa siya. Kasi kung buhay pa siya, dapat ay kasama namin siya pero, ano? Wala siya. Wala siya sa tabi namin kaya napakaimposible na buhay pa siya. "Excuse me po." pagkuha ko sa atensyon nuong lalakeng kausap naming kanina. Napatigil napatigil ito sa paglalakad at napatingin sa akin. "Hindi po kaya... may nagnakaw ng katawan niya?" Bumuntong hininga naman siya tapos pumamewang "Iyon rin ang iniisip ko, hija. Pero kung may kumuha ng katawan niya, dapat nakita namin iyong pagtangay na ginawa sa katawan. Covered ng CCTV itong buong hospital. Tinignan na rin namin sa mga kuha ng CCTV pero wala talaga. Pati iyong morgue mismo, may CCTV na nakakabit." "Sige po." Napabuntong hininga ako dahil sa kawalan ng pag-asa na makakuha ng sagot sa mga tanong ko. Nag-umpisa na lumakad iyong lalake papalayo sa amin. Naupo naman ako sa tabi ni Nathan. Ilang minuto rin kaming tahimik habang nakaupo; nag-iisip ng posibleng dahilan kung bakit nawala iyong bangkay ni Matthew pero... wala. Wala kaming maisip na posibleng dahilan. Nasaan na ba iyong bangkay? Napagpasyahan na naming bumalik sa bahay ni Matthew pero hindi namin inaasahan ang nakita namin. "M-Matthew..." Nakaupo ito habang nakataas ang dalawang paa sa center table at kumakain ng chips na nakalagay sa bowl. Tutok rin ito sa tv sa harap, na parang walang pakielam sa kahit anong nangyayari sa mundo. "Matt?" Lumingon ito sa amin ni Nathan tapos nginitian kami. How...? Is this for real? Buhay siya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD