kabanata 4

2583 Words
Kanina pa paikot-ikot ang mga kasama ni Ruby sa dormitoryo, ngayong gabi kasi gaganapin ang ika-18th birthday ng kapatid ni Clara. Debut nito at ang theme ay Medieval masquerade party. Ilang buwan na mula nang imbitahan sila nito upang matagal na mapaghandaan, kaya naman nagkaroon sila ng pagkakataon para hanapin ang mga gusto nilang magamit na mga gown. “Nahihilo na ako sa inyong dalawa.” Ani Ruby habang pinagmamasdan ang mukha sa malaking salamin sa unahan, ang baklang makeup artist na kakilala ni Emma ang napili nilang mag-make up sa kanila para sa party. Naalala nila no’ng may dinaluhan din sila na party ay ito ang nag-ayos sa kanila, pati na rin nang isang beses na sumali sa beauty pageant si Clara ay ito ang kinuha nila. Bukod sa magaling ito ay malapit ito sa kanila. “Eh paano naman kasi, nawawala ‘yung hikaw niya!” Huminga ng malalim si Clara. “Kanina pa namin hinahanap, paano naman kasi namin mahahanap iyon, e sobrang liit no’n!” Tumigil sa paghahanap si Emma. “I used it... on a party.” “Then, you lost it! Jusko, tinulungan pa kita!” Bulalas ni Clara na kanina pa rin naiinis dahil sa pag-aalburoto ng kaibigan. “Siguro ay naiwala mo ‘yon habang nakikipag-make out ka, bakit hindi mo sinabi agad?” Natulala si Emma saglit bago wala sa sarili na tumawa saka sumusukong umupo na lang sa higaan niya. “Okay, iba na lang ang gagamitin ko.” Hindi maiwasan na mapailing ni Ruby. Magkaibang-magkaiba si Emma at Clara kaya madalas ay nagtatalo ang dalawang ito, samantalang siya ay nanonood na lang at nasanay nang tumagal. Kung gaano kaingat si Clara sa gamit ay gano’n naman kaburara si Emma. “Tapos na!” Pumalakpak ang makeup artist at pinagmasdan ang repleksyon ni Ruby sa salamin, dark eye makeup and nude lipstick.. her hair on sleek bun. Hindi niya maiwasang mamangha dahil sa kagandahan ng dalaga. “Sobrang ganda mo talaga, bakla!” Hindi maiwasan na kuminang ng mata nito habang pumalakpak. Natawa na lang si Ruby. Habang inaayusan ng buhok si Clara ay sinuot na niya ang kanyang kulay asul na gown. A modern medieval velvet sheath dress, it was low at the back and it’s long bishop sleeves made the gown look demure but fierce. Tinernuhan niya ito ng ivory white stiletto at silver collar necklace. Sakto nang matapos silang tatlo ay dumating ang kanilang sundo, hindi alam ng karamihan ngunit mayaman ang pamilya ni Clara. Gusto lang nitong maging independent sa buhay, nagtatrabaho ito bilang assistant ng kamag-anak na therapist. Mabuti nga na kahit mayaman ay hindi tutol ang mga magulang nito, suportado lang nila ang gusto nito sa buhay. Nang dumating sila sa venue ay napanganga si Ruby sa nakita. Even though she never lived in 1800’s, she felt nostalgic. Pakiramdam niya tuloy ay nakita niya na ang mga ito dati pa sa buhay niya, para bang nakarating na siya sa ganitong klaseng pagdiriwang. Siguro ay dahil sa pagiging mahilig niya sa pagbabasa ng mga lumang libro, isama na rin ang pagiging history teacher niya. I must have seen these things in photos, gano’n naman siya kapag tumitingin sa mga lumang litrato. Nararamdaman niya na para bang nandoon din siya ng mga oras na iyon. Suot ang kanilang masks ay nagtungo ang tatlo sa loob ng hotel sa reception area, may bumati sa kanilang mga naka-itim na tao at hiniling na ipakita ang kanilang mga invitation. Nang makapasok sila sa pinto ay may red carpet at may photographer na humarang sa kanila para kuhaan sila ng litrato, nakatingin lang siya sa gilid habang kinukuhaan ng litrato si Emma. Pagkatapos ay siya naman, kahit nahihiya ay pumwesto siya sa pinakagitna. Nakita niya ang ilang pares ng mata na nakatingin sa kanya ngunit hindi niya na iyon pinansin, nang matapos ay nagmamadali siyang lumapit sa kaibigan. “Ang bongga talaga..” bulong ni Emma. Tumango ng maraming beses si Ruby bago sila sabay na tumawa dahil napansin nilang nagmumukha silang ignorante. “Maiwan ko na muna kayo, kailangan ako ro’n. You know, whole family thing..” Paalam ni Clara, sarkastikong tumawa ito. Tinanguan nila ito at pumwesto sa bilog na lamesa. Nagkalat ang candelabras in gold and browns, sa pinaka gitna ng dance floor ay may malaking chandelier. The tables are covered up with silks and velvets, sa gitna ay may babasaging vase na inayusan ng feathers at beads. Matapos mamangha sa venue ay saka niya lang napansin ang mga tao, lahat ay elegante ang mga suot. Kahit niya nakikita ang mga mukha dahil natatakpan ang mga mata nito ay alam niya pa rin na may kakilala siya sa mga ito, ang iba pa nga ay buong mukha ang natatakpan. Ilang sandali lang ay bumaba sa hagdan ang debutant, suot ang isang kumikinang na kulay pulang ball gown. Umugong ang palakpakan, at nang magsalita ito ay saglit na tumahimik ang lahat. I wish i had this kind of celebration, sabi ni Ruby sa sarili. Nang matapos ang mahahabang speech ay umugong ang speaker nang magsimulang tumugtog ito, lumabas ang hindi mabilang na mga taong nakasuot ng malalaki at makukulay na carnival masks. Sumayaw sa waltz music. “Grabe! Parang fiesta!” Natatawang sabi ni Emma na tinawanan lamang ni Ruby. Bawat pagbagsak ng tunog ay ramdam ni Ruby ang pagkalabog ng dibdib niya dahil sa lakas nito. Matapos no’n ay kumain sila, the host entered the stage and said something bago magsimula ang mabagal na kanta. The slow dancing part, Ruby smiled at the thought. “Alright, everyone! This is what we’ve all been waiting for!” Nakangiting sigaw ng host. “Gentleman, do your thing! But, we all know that no one is allowed to reveal who they are until midnight! Let’s be mysterious just for tonight, okay? Enjoy!” Nang umalis ng palapag ang host ay lumabas ang debutant at ang boyfriend nito at magkayakap na sumayaw sa gitna ng ballroom, ang ibang lalake ay nagsimula nang mag-imbita ng mga babae para isayaw. Ang iba na inimbita ay ayaw pa dahil nahihiya ngunit nang tumagal ay tinanggap din ng mga ito. Nakangiting sumulyap si Emma kay Ruby nang may nag-imbita rito, ngumiti lamang siya at tinanguan ito. Nang hilahin sa dance floor ang kaibigan amay saka siya yumuko. Iniiwasan na magkaroon ng eye contact sa mga tao, sa gayon ay hindi siya maisipang yayain ng mga ito. Mabuti na lang ay nasa bandang dulo ang kanyang pwesto kaya’t hindi siya napapansin. Nang matapos ang naunang kanta at sumunod ang kantang At Last by Etta James ay hindi maiwasan na mapangiti at pumikit ni Ruby habang sinasabayan ang lyrics nito. The song was her Lola’s favorite, simula bata pa lang siya ay naririnig niya na ito. Hindi niya maiwasan na kilabutan. “May I have this dance?” Isang malalim na boses ang nagpadilat kay Ruby. A man with a venetian style mask appeared before her, ang kamay nito ay nakalahad sa harapan niya. A very tall man with a black shoulder length hair, standing proud with his slim fit black tuxedo. Hindi niya alam ang sasabihin. May nagtutulak sa kanyang tanggapin ang alok nito kahit na ayaw naman talaga niyang sumayaw dahil hindi siya marunong. Dahil ba ito sa kanta? Tanong niya sa sarili niya. Hindi niya namalayan na tinanggap na niya ang kamay nito. Straightening, the man flashes an alluring grin— the only part of his face that are visible because of the mask that he’s wearing. And yet, Ruby can’t help but feel her heart stopped at the sight. Hindi pa halos nakakarating sa ballroom ay natapakan na ni Ruby ang paa nito, gulat siyang nag-angat ng tingin dito at tumawa dahil sa pagkapahiya. “Oh, no! Sorry,” aniya. “Dapat ay hindi mo ako inimbita, hindi ako marunong sumayaw ng ganito..” Hindi muna ito sumagot. Naramdaman niya lang ang pagdulas ng mahahabang daliri nito sa likod ng bewang niya, nanigas ang kanyang katawan dahil sa gulat. Nilagay niya ang kamay niya sa leeg nito bago nag angat ng tingin, halos manlambot siya nang masalubong niya ang titig nito. Having this kind of effect just because of a stranger? Nakakahiya ka, Ruby! Sigaw niya sa isip niya. Nagbaba siya ng tingin, refusing to get sucked back into his gaze. Hindi niya kayang makipagtitigan dito. She can smell him, at ang bawat paghinga nito ay tumatama sa kanyang bibig. “I can’t really dance—” She let out a gasped when his arm tightened around her, drawing her closer to him. Napapikit siya at naramdaman ang pagkahilo nang mapansin niyang natigil pala siya sa paghinga. “It’s alright, sweetheart.” he whispered, a shiver ran down her spine when his soft lips brushed against her ear. “I can’t let such a lovely swan wander around by herself.” “Oh, t-thank you..” She said, nervous. Hindi mabibilang kung ilang papuri na ang narinig niya sa buong buhay niya, kahit ang landlord ng dorm nila ay pinuri ang suot niya kanina bago sila magtungo sa pagdiriwang na ito. Pero nginingitian niya lang mga iyon at nagpapasalamat, it flutters her ngunit hindi katulad ng pakiramdam na nakukuha niya sa taong kayakap niya ngayon. Slow dancing while hugging each other tight, pakiramdam niya ay matutumba siya kung bibitawan siya nito. Something strange snapped inside her. Namiss niya ito, kahit alam niya sa buong buhay niya na hindi niya pa nayakap ang taong ito ay ayon ang nararamdaman niya. She felt contented and relief, as if she had been waiting for this hug her whole life. Pakiramdam niya ay may nabuo sa kanya na hindi maipaliwanag. “Woah! Ladies and Gentlemen, we have one minute ‘til midnight!” Nasasabik na pahayag ng host sa mikropono. Nagulat si Ruby, hindi niya namalayan na ilang sandali na pala ang lumipas at ito siya’y nakapahinga ang ulo sa dibdib ng isang estrangero habang sila ay mabagal na sumasayaw— kasabay ang mabagal na kanta. She felt safe in his arms. Nag angat siya ng tingin nang sampung segundo na lang ay tatanggalin na nila ang kanilang mga suot na maskara. She wants to see him, and she wanted to be in her best pag nakita nito ang itsura niya. Tinanggal niya ang pagkakayakap niya rito at inayos ang kanyang buhok, ngunit hindi pa siya natatapos ay natapos na ang countdown. With her hands on her hair, she stared at the man in front him. The people around them took their mask off, including the stranger in front of her. But her eyes are glued on him. She catches her breath while watching him ran his fingers through his hair. She was astounded! A very gorgeous face, a careless confidence, and a gaze that made her heart race. Nang ilapit nitong muli ang kamay nito sa kanya ay napapikit siya, only to realized that he just took off her mask. Nakaramdam siya ng hiya nang malaman na hindi pa pala niya natatanggal ang mask niya dahil sa pagkagulat. Ruby averted her gaze, she felt conscious. Pakiramdam niya ay walang wala siya sa itsura nito, partida pa’t dim ang mga ilaw. I wonder what he looks like with the lights on, aniya sa sarili. “Hello, love.” He said in a low voice, watching her. Para bang kinakabisado ang bawat parte ng kanyang mukha. Gusto niyang sumagot dito, and she couldn’t put it into words because her mouth has gone dry and her throat was too tight to form words. Tumingala siya rito. Damn! He made me feel like a girl standing in front of her crush! Huminga siya ng malalim at matapang na sinalubong ang mga mata nito, she felt lost in his intimidating eyes. Dahil sa makapal nitong kilay at mahahabang pilikmata ay lalong nag standout ang green nitong mga mata, ang mga facial features nitong parang perpektong inukit ng isang iskultor. Wala siyang maisip na pangit dito, she likes every single thing on his face. “You—” Just when she was ready to say something, he cut her off. “Can I kiss you?” The stranger suddenly asked, with a whisper that she cannot almost hear. Her mouth fell open. Just the thought of them kissing was making her feel weak, nagpawis ang kanyang mga palad. She wanted to answer but she don’t want to look like an easy woman, ayaw niyang akalain nito na kung kani-kanino na lang siya nagpapahalik. Hindi siya ganoong babae! Ang huling halik niya ay nagmula pa sa naging kasintahan niya noong highschool siya. Marami na rin ang nagtangka ngunit mabilis niyang iniiwasan ang mga ito, kaya ngayon ay hindi niya maintindihan ang sarili. She wants what he wanted! Bakit ba nagtanong pa ito at hindi na lang ginawa? She waited, baka kung sakaling mainip ito ay gawin na nito ang gusto kahit walang permiso niya. Ngunit siya ang nainip, he remained quiet and still. Waiting for her answer. Pumikit siya ng mariin at nagbuntong hininga. “Oh, please..” Her voice are pleading. “Be my guest.” He didn’t waste a second. He took her face in both of his hands and his mouth collided on hers, it was a slow gentle kiss. Desperate but not possesive. It happened fast that she didn’t have time to prepare herself for the way her stomach twists. He slid his tounge through her mouth, her shock melts away and Ruby welcomed him— her eyes fluttered closed. Heat rushed through her limbs, until he tore himself from her lips without a warning. The stranger slowly withdrew, she felt ill from the lost of contact. They stared at each other. Her eyes look drunk, both quietly gasping for air. “Hoy! Ang ganda naman ng umaga mo!” Hawak ang isang tasa ng kape ay nilingon ni Ruby si Emma na nakatingin sa kanya ng pang-asar. “Ang aga aga ay ang ingay mo.” Wala sa sarili na sambit niya. “Damn you, Ruby! You got the hottest guy last night!” Ngumuso ito. “Para sa kapatid ni Clara ang party na ‘yon pero parang ikaw ang may birthday! I saw you two kissing!" Hinaplos ni Ruby ang kanyang labi. “Anong nangyari pagkatapos no’n?” Tinitigan siya ng kaibigan dahil sa pagiging wala niya sa sarili. Dahil sa nangyari kagabi ay hindi siya nakatulog ng maayos, ayon lang ang inisip niya magdamag na halos nakalimutan na niya ang iba pang nangyari buong gabi. “Must be nice..” Ungot nito. “Kahit ikaw ay nawala sa sarili! Pero sabagay, ngayon ka na lang nahalikan no!” Hindi na siya sumagot pa. Tinapos niya ang kinakain at nag shower, hindi na siya umaasang makikita niya pa ulit ang taong iyon. Ni hindi niya alam kung ano ang pangalan nito, kung saan nakatira at kung ilang taon. Siguro nga ay ngayon pa lang ay nakalimutan na siya nito, siguro ay isa lang siya sa mga babaeng nadala sa itsura nito. Huminga siya ng malalim at niyakap ang kanyang sarili, nakapikit habang pinapakiramdaman ang tubig na tumutulo mula sa shower. Inaalala niya ang itsura nito, his sharp jaw, his manly features. Lalaking-lalaki ang itsura nito. He misses his touch, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hinahanap hanap niya ito. It felt so familiar that it’s making her feel homesick now. Pinatay niya ang shower at kinuha ang twalya. I should forget about him, mukhang imposible na kaming magkita muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD