kabanata 3

2164 Words
“Sinusundan ka na naman?” Hindi maiwasang umirap ni Ruby nang ituro ni Clara ang taong nakatayo sa hindi kalayuan sa table nila sa isang club. Noong nakaraang linggo lang ay napansin niya ang taong ito na kung nasaan siya ay nandoon din, minsan ay nakikita niya ito sa labas ng school kung saan siya nagtuturo bilang student teacher. “Hay nako! Ipa-pulis mo na ‘yang stalker na ‘yan, Ruby. Dibale kung gwapo!” biro ng isa pa niyang kaibigan na si Emma, kaklase niya ito sa iilang subject ngunit hindi tulad niya na History major—ito naman ay English. Mula sa kaibigan ay binaling niya ang tingin sa taong pinagmamasdan ng mga ito. Isang stripe na polo shirt na naka-tucked in sa isang maluwang na pantalon, tinernuhan nito ang mga iyon ng isang kulay brown na loafers shoes. Ang buhok ay halatang naka-gel. Umismid siya. Mukhang hindi naman ito gagawa ng malalang bagay. “Hayaan niyo ‘yan, magsasawa rin ang taong iyan.” Balewala niya saka ininom ang kanyang martini, pagkatapos niyon ay ngumiti siya at tumayo. “Sayaw na lang tayo!” “May klase tayo bukas!” sigaw ni Clara sa gitna ng malakas na tugtugan. “Uwi na!” Sa kanilang magkakaibigan ay si Clara ang pinaka matino, nag aaral ito bilang Psychology student sa kaparehong eskwelahan kung saan sila nag-aaral. Kung si Emma ay mahilig sa mga gwapong lalaki, si Clara naman ay kuntento na sa boyfriend nitong si Denver. “Ang KJ mo! Dalawang oras pa lang tayo rito oh!” ani Emma. “Sabi niyo kasi ay saglit lang. .” Ngumuso si Clara. Kahit mahal niya ang mga ito ay hindi niya pa rin maiwasan na kuwestyunin ang desisyon sa buhay ng kanyang mga kaibigan, future teacher ang mga ito kaya dapat ay magsilbi mga ito na magandang impluwensya sa mga magiging estudyante nila ngunit hindi iyon ang nangyayari. As much as possible ay gusto niyang iiwas ang mga ito sa bagay na ikasisira ng imahe nila sa mga kabataan. Ngumisi si Ruby. “Maya maya na, Clara. Enjoy these moments, kapag naka graduate tayo ay wala na tayong oras para gawin ang mga ‘to! Loosen up!” “That’s right!” Excited na pag sang-ayon ni Emma na may hawak ng bote ng alak bago ito lumayo sa kanilang dalawa at kinain ng crowd na nagsasayawan sa dance floor. Napailing na lang si Clara nang tumatawang sumunod si Ruby rito. Maswerteng nakauwi sila sa kanilang dormitoryo ng gabi na iyon, kinabukasan ay halos hindi magising si Ruby dahil sa hangover at sobrang pagod sa pagpa-party kinagabihan. Tulala siya habang naglalakad, hindi niya kasama si Emma dahil mas maaga ang pasok niya rito. Napahawak siya sa kanyang sentido. Have I partied too hard? Nagsisisi siya sa kanyang ginawa kagabi, dapat ay nakinig siya sa kaibigan niyang si Clara nang pagsabihan siya nito. Gusto niya lang naman mag-enjoy dahil day off niya sa kanyang part time job niya na kung saan waitress siya sa isang restaurant. “Good morning, ma’am Ruby!” Ngiting-ngiti na bati sa kanya ng isa sa mga estudyante niyang grade ten, ang ibang kaklase nito ay nagkumpulan nang makita siya at sunod sunod din siyang binati. Nginitian niya ang mga ito. “Good morning.” Kahit na mas bata ng ilang taon ang mga ito kay Ruby ay hindi maiwasan ng mga ito na hangaaan ang kanilang student teacher. Strikingly attractive, she plays it down by wearing a minimal makeup. She has a classically beautiful face and a waist length spiral curly hair, sa height na 5’6 ay lalong naging kapansin-pansin ang katawan nito. Tiny waist and wide hips, kahit mahaba ang biyas ay malaman naman ang mga hita at binti. Sanay na siya sa mga tao na sinusundan siya ng tingin kapag siya’y napapadaan, mas matanda man o mas bata. Kahit nagkaroon na siya ng nobyo no’ng siya ay highschool pa lamang— wala siyang interes sa ngayon. Wala siyang natitipuhan sa mga lahat ng umaaligid sa kanya. Nagsimula ang klase sa history, Ruby loves history. Bata palang siya ay mahilig na siyang magbasa ng mga libro tungkol sa history ng buong mundo. Gusto niyang maging isang licensed historian pero kailangan nito ng sapat na pera at mas mahaba pang pag-aaral—by that it means five years or more of studying, sa katayuan nila sa buhay ay hindi nila kaya iyon. Nagdesisyon siyang maging History teacher, ang pinakamalapit na career sa kanyang tunay na gusto. “Hatid na kita sa faculty.” Nag-angat ng tingin si Ruby kay Lucas nang kunin nito ang nakapatong niyang portfolio sa kanyang lamesa. Hindi niya maiwasan na magbuntong-hininga. Isa ito sa mga estudyante niya, kahit na mas matanda siya rito ng ilang taon ay matured ito kung mag-isip at kumilos. Tall and handsome, a popular student. Pinagkakaguluhan ng mga kaedad nitong estudyante. Umamin ito sa kanya na gusto siya nito, sa lahat ay ito ang pinaka hindi niya inaasahan na seryosong aamin sa kanya. Tahimik lang ito at hindi pala-recite sa klase kahit ang mga quizzes at exams ay matataas, secret genius kung tawagin ng mga kaklase. Siguro kung ka-edad niya ito ay baka may chance na magkagusto siya rito pabalik. “No need, magaan lang ito,” sabi niya at sinubukan niyang kuhain ang portfolio niya sa kamay nito pero hindi ito pumayag. Nauna itong maglakad kaya naiiling na hinayaan niya na lang, pagkarating sa faculty ay nandoon na ang kadarating lang na si Emma. Namamanghang tumingin ito kay Lucas na kahit isang sulyap lang ay hindi siya dinapuan ng tingin, tanging na kay Ruby ang atensyon. “Thank you, Lucas. Bumalik ka na ro’n at may klase ka pa,” ani Ruby at pinanlakihan ng mata ang kaibigan na halatang-halata ang pagkamangha sa batang estudyante. “Kainis!” Umirap si Emma habang nagsusuklay ng buhok. “Kung ako ikaw papatulan ko talaga ‘yon!” “Bata ‘yon, Emma! Baka naman may makarinig sayo at kung ano ang isipin. .” Humalakhak ito. “Hindi ko naman seseryosohin kung sakali.” “Mabuti na lang ay hindi sayo nagkagusto, kung hindi ay aabusuhin mo ang pagkakataon.” “Ang pangit ng ugali mo!” Nagtawanan silang dalawa. Maya maya ay nagpaalam na si Emma para sa klase nito, si Ruby naman ay nagsuot ng earphones at sumandal sa upuan habang nakapikit. Kulang na kulang ang kanyang tulog, kaya kapag may pagkakataon ay iidlip siya dahil may pasok siya mamayang hapon sa kanyang trabaho. Wala pang sampung minuto ay hindi niya namalayan na nakatulog na siya sa kantang I’ve got a feeling i’m falling by Ella Fitzgerald. Tila mag nobyo’t nobya ang pumasok sa kanyang panaginip, the woman was wearing a mid length bias cut dress with a puff sleeves. Samantalang ang lalaki ay pormal sa suot na trench coat at oxford shoes, mahigpit ang yakap sa isa’t isa habang sumasayaw ng mabagal. Dancing, early morning in the middle of the kitchen area. The rooms are flooded with natural light coming from outside the window, the couple look very much contented. Kahit hindi maaninag ang mga mukha ay halatang maligaya ang mga ito. “Ma’am..” Isang boses ang bigla na lang nagpagising kay Ruby, napadiretso siya ng upo at nalilitong bumaling ng tingin kay Lucas na gumising sa kanya. Hindi ito nagsalita at pinagmasdan lang siya. “Anong oras na?” tanong niya rito. “One o’clock. .” Nanlaki ang mata niya, 1:30 ay meron na siyang klase! Halos isang oras din siyang nakatulog, hindi niya namalayan ito. “Hindi ka nag-lunch?” Napatigil si Ruby sa pag-aayos ng buhok. Bigla niyang naramdaman ang pagkalam ng kanyang sikmura, hindi niya sinagot si Lucas na kumunot na lang ang noo dahil nalaman na nito kung ano ang sagot. She smiled at him. “It’s okay, pupunta na ako sa canteen. You can go back to your class. . thank you.” Tumango lang ang binata at tahimik na umalis, Ruby find the kid attractive and all. Pero para niya lang itong kapatid, it must be awkward to date a guy that has almost the same age as her younger brother. Tumungo siya sa canteen at bumili ng makakain. Siguro naman ay ayos lang ma-late ng konti sa klase. Gusto pa nga iyon ng mga estudyante niya. Habang kumakain ng pork tonkatsu na inorder niya ay naningkit ang mata ni Ruby nang matanaw ang pamilyar na bulto ng taong nakatayo sa malapit sa entrance ng school, the man was looking straight at him. Nabitawan niya ang kanyang hawak na kutsara at tumayo. How did this creep managed to enter the school? Sobra na yata ‘to! Tinawag niya ang guard na nasa labas ng canteen at inutusan itong palabasin ang taong iyon, ang kanyang stalker. Gusto niyang balewalain ito, pero hindi niya na kaya pang hindi pansinin! Baka sa susunod ay sa dormitoryo na nila Emma ito magpunta, akala niya ay magsasawa ito pero lalo yatang lumalala. Pinanood ni Ruby kung paano kausapin ng guard ang stalker niya, kumunot ang noo nito bago lumingon sa gawi niya dahilan para mag-iwas siya ng tingin. Nang magbalik siya ng tingin ay wala na ito roon, ang guard ay lumapit muli sa kanya. “Ma’am, pinaalis ko na po.” Ngumiti siya. “Thank you, please do not allow him again.” Kahit nagtataka ay tumango na lang ang guard. Pagtapos kumain ni Ruby ay nagtungo siya sa klase para sa susunod niyang pagtuturo, tulad ng nakasanayan ay binibiro na naman siya ng kanyang mga estudyante. Lalo na ng mga kalalakihan, hindi niya maiwasan na mapailing. I should set boundaries between us, masyado na silang nagiging komportable sa’kin, sabi niya sarili. Dahil sa pagiging mabait niya ay parang nakakalimutan na ng mga ito na teacher nila si Ruby at hindi kabarkada lang, even though student teacher pa lamang siya. Pagtapos ng klase na iyon ay umuwi si Ruby sa dormitoryo para magpalit ng damit, nagpahinga saglit at gumayak papuntang trabaho. Ito ang pinaka ayaw niya sa araw niya, nakakapagod ang trabaho ngunit wala siyang choice. Lumayas siya sa bahay nila ilang buwan na ang nakakaraan dahil nagkaroon sila ng pag-aaway ng kanyang lola, naging maayos na sila ngunit pinili niyang magpatuloy sa pagtira sa dormitoryo dahil mas malapit ito sa kanyang pinag tatrabahuhan. “Ruby! May customer na gustong makipagkilala sayo.” Napailing si Ruby nang sabihin ito ng isa sa mga katrabaho niya. Nagpatuloy siya sa pagpupunas ng lamesa. “Hindi ako table girl kamo.” Ang mga pangyayaring ito ay normal na lang sa pang araw-araw ni Ruby, she knows that she’s above average pero hindi ibig sabihin na ganito dapat siya tratuhin ng mga tao. Feeling niya nga ay masyadong overrated ang tingin sa kanya ng mga ito dahil hindi naman siya kasing ganda ng mga sikat na model o ng magagandang artista, that’s what she thinks atleast. Nang mag uwian ay nagkanya-kanya ng alis ang mga katrabaho, pagkatapos niyang magbihis ay halos wala na ang lahat. Sanay siyang wala siyang nakakasabay pag-uwi dahil iba ang direksyon ng bahay ng mga ito, ang iba naman ay may sasakyan tulad ng motor o bike. Samantalang siya ay naglalakad lang. Sinuot niya ang kanyang earphone, nakikinig sa kantang Satisfaction by Rolling Stones. Mahina siyang napapakanta habang sinasabayan ng pagtango-tango ang bawat beat, old songs has always been her stress reliever. Ang pampawala ng kanyang pagod. Napatigil siya sa paglalakad nang maramdaman ang paghawak sa kanyang braso, mabilis siyang napalayo nang makitang ito ang lalaking laging nagpupunta sa kung saan siya nandoon. Ang kanyang stalker! “Bakit mo inutusan ang guard na paalisin ako, Ruby?” Hindi makapaniwalang napanganga siya. “Sorry, i don’t know you. Please, stop following me around. Hindi ako komportable. .” “Bakit hindi?” Dumaan ang galit sa mata nito. “Bakit mo ako tinataboy?” Baliw ba ang taong ito? “s**t!” Napamura siya nang muli siyang hinawakan nito sa braso at hinila, buong lakas niyang tinulak ito at mabilis na tumakbo palayo. Napadilat si Ruby nang maramdaman ang malamig na bimpo na dumapo sa kanyang noo. Tumambad ang maamong mukha ng kanyang Lola Florinda, agad siyang napangiti. Dahil sa nangyaring pang-kikidnap sa kanya kagabi ay nabigla yata ang katawan niya, pagkagising niya ay nilalagnat na siya kaya’t hindi nakapasok sa eskwela. “Gutom ka na ba, apo?” “Hindi pa, La.” Pumikit siya at niyakap ito. Hindi niya maiwasang maging emosyonal, muntik na siyang mamatay kagabi at akala niya’y hindi na siya makikita ng pamilya niya. Nagpapasalamat siyang gasgas lang sa likod at mga pasa ang natamo niya. Kung hindi niya ginulo sa pagmamaneho ang kidnapper ay hindi sana sila mababangga sa isang puno, lalo siyang napaiyak nang maisip na sarili niya lang talaga ang magliligtas sa kanya. No one was there for her, to save her. Pakiramdam niya ay nabigyan muli siya ng pangalawang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD