kabanata 2

1098 Words
“Sino ka?!” sigaw ng kidnapper nang mapansin ang taong nakatayo sa hood ng kanyang sasakyan. Hindi sumagot ang nakakapangilabot na estranghero, nawala ang ngisi nito ng mula kay Ruby ay lumipat ang mata sa kidnapper. “S-sino ka!” Hindi muli ito sumagot. Nanlaki ang mata ni Ruby nang barilin ito ng kanyang kidnapper, hindi niya alam ang kanyang gagawin. This lunatic can really kill a person without even thinking about it! Gusto niyang tumakas, pero isang kasakiman iyon kung iiwan niya ang estranghero na sa tingin niya ay tinutulungan siya. O hindi ba? Kahit na itim ang mga suot nito ay nakita niya pa rin ang pag-agos ng dugo mula sa sugat nito sa tiyan na natamaan ng pinaputok na baril, ngunit hindi man lang ito natinag. He didn’t even flinch! Paanong nangyari iyon? Umupo ang estranghero kaya mas nakita niya ng malapitan ang itsura nito. Oh, Lord! Kung wala lang siya sa ganitong sitwasyon ay baka nangislap na ang mata niya sa harapan nito! Pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili, when her kidnapper shot the stranger once again— she can’t help but to close her eyes. It was too much for her to handle! A long, a very very long silence enveloped the surroundings. Kinagat ni Ruby ang kanyang labi bago lakas ang loob na binuksan ang mga mata, wala na ang estranghero sa unahan ng sasakyan! Nang makita niya ang kidnapper sa drivers seat ay agad siyang napatili, bali ang leeg nito at mas lalo itong nalililigo sa dugo! Mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse, ngunit nang makalabas ay tumama siya sa isang bagay. Pagkaangat niya ng tingin ay napagtanto niyang hindi ito bagay, kundi tao! Ang estrangherong kani-kanina lang ay nakatayo sa hood ng kotse na pagmamay-ari ng kidnapper niya na maya-maya lang ay magiging malamig na bangkay na. A mischievous grin formed on his lips, umatras palayo si Ruby ngunit tumama lang ang likod niya sa pinanggalingan na sasakyan. Nanginginig siya at kahit malamig ang simoy ng hangin ay nagpapawis ang kanyang mga palad. This man killed my kidnapper and she’ll be next! The strangers face softened when he saw Ruby’s terrified eyes, tumutulo ang mga luha mula sa mata nito habang walang kontrol ang panginginig. Nawala ang ngisi sa mukha niya, nang inangat niya ang kamay para punasan ang mga luha nito ay napapitlag ito dahil sa sobrang takot. Ang nakapasak na tela sa kanyang bibig ay tinanggal nito. “D-don’t—” she said in a faltering tone, her lips starting to quiver. “D,don't kill me, please. . I beg of you.” “Hush, angel. .” Ruby’s body tensed when she heard his gravel voice, ang boses nito ay marahas ngunit malambing ang tono. Hindi maipagkakaila na nanggaling sa malaking taong tulad nito ang boses na iyon, lalo siyang nanliit at kinilabutan dahil doon. She felt the strangers cold hands on her cheeks, he wiped off her tears very carefully. Na para bang pag hindi ito nag-ingat ay mababasag ang babae. “Look at me directly into my eyes,” utos nito. Binuksan niya ang kanyang mata at nag-angat ng tingin. He is way more than an attractive face, he is definitely a dangerously sexy man! Ang ilang piraso ng buhok nito sa unahan ay tumatama sa matulis nitong panga, hindi niya malaman kung ang mahahaba nitong mga pilikmata ang nagpapaitim ng gilid ng mga mata nito. Kung gaano ang kinalinaw ng berde nitong iris ay gano'n naman ang kinaitim ng mahaba nitong buhok. His thin and somewhat pale lips are sultry. She’s stunned! Ang mga mata nila ay nagtama, hindi man lang magawang umiwas ni Ruby sa mga titig nito. Para bang hinihila siya nito sa pamamagitan ng mata lamang, tila nanghina ang kanyang mga tuhod. She’s being hypnotized, alam niya iyon sa sarili niya ngunit hindi siya makaiwas ng tingin. “Tonight. . you will forget about my existence.” Humugot ng malalim na paghinga si Ruby, napakurap siya at luminga-linga sa paligid. She felt something strange, para bang may kasama lang siya kani-kanina kahit wala naman. Nawawala na siya sa sarili niya dahil sa mga nangyayari, sinabunutan niya ang kanyang buhok saka nilingon niya ang loob ng sasakyan. Nabangga sila ng kidnapper niya sa isang puno at nang makita niya na hindi na ito humihinga ay nagmamadali siyang lumabas ng kotse para tumakas. Gano’n ang natatandaan niya na nangyari. “Iyon siya!” Sa hindi kalayuan ay narinig ni Ruby ang tunog ng mga nagtatakbuhan na mga tao, agad na tumama ang tingin niya sa kanyang nakababatang kapatid na ngayon ay tumatakbo palapit sa kanya. “B-beryl!” Nang yakapin siya nito ay hindi na niya maiwasang mapahagulgol ng iyak, naramdaman niya ang pagbuntong-hininga ng kapatid habang hinihimas ang kanyang nanginginig na likod. “Are you okay?” Tumango siya ng maraming beses, kahit walang tumulong sa kanya ay umayon pa rin sa kanya ang tadhana. Mabuti ay nawalan ng kontrol ang kanyang kidnapper kaya sila bumangga sa isang matayog na puno, dahil doon ay naging ligtas siya. Kung hindi siya naging matapang na gawin iyon ay siguradong naitangay na siya nito ngayon at hindi na naabutan pa ng mga pulis. Kinalagan siya ng tali ng kanyang kapatid habang kinakausap siya ng mga kasama nitong pulis, mabuti na lang ay narinig ng malinaw ng kanyang kapatid ang sinabi niyang nasa area lang siya ng kanyang pinagtatrabahuhan. Nang marinig nito ang pagtili niya ay agad itong tumawag ng mga pulis. “Kilala mo ba ang taong gustong dumakip sayo, Miss Chavez?” Umiling si Ruby sa pulis na nagtanong habang umiinom siya ng tubig, ang kanyang kapatid ay tahimik na pinagmamasdan siya sa kanyang tabi. “But, I have seen him so many times. .” Mahinang sagot niya. “I think he was stalking me for awhile.” Tumango lamang ito at nagtanong pa ng mga kung anu-ano, napansin niya rin na maraming tao ang bigla na lang naglabasan mula sa iba’t-ibang pasilyo. Ang sabi ng mga ito ay natatakot lang silang madamay, ayaw niya nang manilip ng ibang tao. Ang mahalaga ay ligtas siya. Dinala si Ruby sa isang ospital para ipagamot ang likod niyang gumasgas ng husto sa magaspang na kalsada, bukod doon ay may iilan din siyang mga natamong mga pasa. Hindi lingid sa kaalaman ni Ruby ay tahimik na nagmamasid sa kanya ang estrangherong nagligtas sa kanya na ngayon ay tuluyan niyang hindi naaalala. “See you again,” sambit nito bago tumalon mula sa isang mataas na building pababa at naglakad sa isang madilim na pasilyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD