kabanata 68

2012 Words

Nakita ko na lang ang sarili ko na nakaupo rito sa hagdan paakyat ng rooftop dito sa school, hindi na ako dumiretso ng akyat do’n dahil baka may mga tao na naman na naglalampungan doon. Alam ko naman, alam ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Mahal ko si Jupiter kaya ang makita siyang may kasamang iba ay mabigat sa pakiramdam, lalo na’t nakasanayan ko na hindi nakikita si Jupiter na may kasamang iba dahil mailap siya sa ibang tao. Siguradong hindi basta basta ang Carmela Oba na iyon. Tangina. Bakit naging ganito? Ganoon ba talaga kalala ang epekto sa kanya ng nakaraan niya? Bakit nadadamay yung mga taong nakapaligid sa kanya ngayon? Gusto ko siyang intindihin pero masyadong kinakain ng galit ang utak ko ngayon dahil sa nakita ko kanina. Hindi ko alam kung anong iisipin ko kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD