Habang akay ako ni Jupiter ay binuksan niya ang pinto ng bilyaran, nahihilong nilibot ko ang tingin sa madilim na loob. Tumawa ako, hindi ko alam kung anong tinatawa ko. Dahil siguro sa alak na ininom ko, bakit ba ako nagpaka lasing? Bakit ako nagkakaganito dahil sa bumalik kong nanay na basta na lang akong iniwan noong bata ako? “Wag.” Mabilis na sabi ko nang makitang bubuksan ni Jupiter ang ilaw, bumitaw ako sa kanya at pagewang gewang na pumunta sa higaan. Naramdaman ko ang paghawak ni Jupiter sa bewang ko nang muntik na akong tumumba patalikod, lumingon ako sa kanya ngunit hindi ko siya makita dahil sa dilim. “Jupiter!” Pagtawa ko at hindi nakawala sa paningin ko ang inis na pag irap niya bago niya ako maingat na ibinagsak sa higaan. “Magpahinga ka na.” Aniya at tumalikod pero aga

