Gabi na nang ihatid ni Samael si Ruby sa dorm, habang nasa byahe ay niyaya ng dalaga na kumain muna si Samael bago umuwi— na siya namang tinanggap nito. “Wait lang ah,” sabi ni Ruby at nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Nang nasa pintuan na sya ay lumingon pa ulit siya bago pumasok. “I’ll do something first, wait for me here.” Tahimik na tumango lang si Samael at tumayo lang sa gilid ng sasakyan nito. Si Ruby naman ay nagmamadaling pumasok sa loob ng dorm, nilibot niya ang tingin sa paligid at mabilis na inayos ang mga nakakalat. “Oh, anong meron?” tanong ni Clara na lumabas ng kwarto nito nang marinig siyang dumating. “I’m cleaning,” sagot niya nang hindi ito nililingon. Dinampot niya ang nahulog na magazine sa sahig at nilagay ito sa lamesa. “All of a sudden?” Sumilip si Clara sa bin

