Agad na naalimpungatan si Ruby nang marinig niya ang sigaw ni Madison, nang alugin siya nito para gisingin ay mabilis siyang napabangon. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sofa sa salas ng bahay ni Samael, ayaw niyang iwan si Madison dahil sa nangyari. Madaling araw na rin nang makatulog siya dahil gusto niya itong bantayan. Madison compelled Emma to forget what happened and everything, kaya’t kagabi pa lang ay nakauwi na ito. Tulad ng inaasahan ay umiiyak na sumalubong ang mukha ni Madison nang magdilat siya ng mata, agad siyang niyakap nito at lalo pa itong napahikbi dahil doon. Anong nangyari? Talaga bang pauuwiin na siya ni Samael? Hinigpitan ni Ruby ang pagkakayakap kay Madison at hinimas-himas ang likod nito. “Thank you!” Thank you? Nagtaka siya sa sinabi nito kaya’t k

