Tahimik na nakatingin ako sa kabaong na nasa harapan ko, magkatabi kami ni Rigo na kanina pa tahimik kaya lumingon ako sa kanya. “Paano mo nalaman?” Tanong ko. Lumingon siya sa’kin pero hindi na siya nakasagot dahil tumunog ang phone niya, tinitigan niya ang screen ng ilang sandali bago siya tumayo at sinagot ang tawag. Sinundan ko siya ng tingin habang lumalayo sa mga tao. Ibinalita sa’kin ni Rigo kanina na pumanaw na si Nanay Fe, ang matandang inihatid namin noon no’ng mga panahong gumagawa kami ng thesis. Siya na rin ang ininterview namin noon dahil siya lang ang pumayag, kahit isang beses ko lang siyang nakita at nakausap ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot. Ni hindi pa yata sila nakakapag usap ng anak niya na sinabi niyang galit sa kanya. Siya lang ang mag isa noon sa b

