Hindi ko alam kung pang ilang hikab ko na 'to ngayong subject. Paano ba naman kasi, nakakaantok 'tong prof sa harapan! Daig pa ang nanay na nagbabasa ng story book para makatulog ang anak. Muntik na akong mapatayo nang makita na pumatak ang 4 o'clock sa wall clock. Maingay akong humikab at nag inat kaya napalingon sa'kin ang prof. "What is it, Agustin? Why are you raising your hands?" Napalingon ang lahat sa'kin. Sinara ko ang bibig ko at mabagal na binaba ang kamay ko. "Class dismissed?" Ngumiti ako. Inis na huminga siya ng malalim at sinara ang libro na binabasa niya lang naman sa harap namin. The look on my classmate's eyes are thanking me, halatang kanina pa nilang gustong tumakas sa klase na ito. "Class dismissed." Inayos niya ang kanyang bag. Napangiti ako at nagsimulang magt

