kabanata 59

2196 Words

LII. Natatanaw ko pa lang ang tinitirhan ko ay nakita ko na ang babaeng gusto kong makita, sumisilip siya sa loob ng gate. Dala ang isang paper bag na sa tingin ko ay may mga laman na pagkain. Kumabog ng malakas ang dibdib ko habang mabagal na naglalakad palapit, nanginginig ako at walang tigil ang pagtulo ng luha ko. Alam kong nakasunod sa likod ko si Jupiter ngunit wala siyang sinasabi. “Mama...” Hindi ko mapigilan na sabihin iyon nang mapalingon siya sa gawi ko, umaliwalas ang mukha niya kahit alam kong hindi niya iyon narinig. Alam kong kuntento na siya na makita lang ako. “Jackeline, anak...” Ngumiti siya at hinigpitan ang hawak sa paper bag, tumigil ako sa harap niya habang nakatitig sa kanya. Nagtaka ang kanyang itsura, napalitan ito ng pag aalala. Nagdadalawang isip na pinuna

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD