Tahimik na nakahiga ako sa malambot na higaan ni Rigo habang pinapanood silang lima na nag dedesisyon kung paano ang gagawin nilang pwesto sa pag higa sa sahig. Naglatag yung tatlo ng makapal na comforter na tutulugan nila na magkakatabi. “Dali na, boss! Tabi na kayo ni Ignacio!” Natatawang sabi ng lasing na si Joaquin. Naubos nila ang alak na binili ni Tobias na kanina ay parang pinagsakluban ng langit at lupa, ngayon ay parang tanga na tumatawa sa walang katuturan na bagay. “Magpatulog nga kayo.” Inis na sabi ni Rigo na nakahiga na sa pinakagilid pero tinulak lang siya ni Domino sa gitna kaya kunot ang noo na tumingin ito sa katabi na si Jupiter na tinulak lang din nila Joaquin sa gitna. Nagmura si Rigo at umupo. “Ano bang mapapala niyo kapag naging magkatabi kami?” “Kasiyahan, tol

