PROLOGO
Ikatlong Persona
Sa madilim na kagubatan sa silangang bahagi ng kaharian ng mga bampira,malalakas na tunog ng pagtakbo at mabibigat na paghinga ang sumisira sa tahimik na paligid ng kagubatan.
Ang magarbong bestida ay nagmistulang basahan na ang itsura,gula-gulanit na ang laylayan nito.Magulo na rin ang mala-abong buhok nito at puno ng takot at pangamba ang kaniyang pulang mata na nagmistulang dugo na ang itsura.Suot maging ang eleganteng gintong korona.
Patuloy lamang sa pagtakbo ang reyna ng mga bampira.
Kada segundo ay nililingon ang kaniyang likuran upang masigurong wala na ang mga nakasunod sa kaniya.
Sa gitna ng kagubatan ay bigla na lamang siyang napatigil sa pagtakbo dulot na rin ng matinding pagod.Nang ilibot niya ang kaniyang paningin,napansin niya ang kakaibang pagkilos ng mga puno na tila nagbibigay ng babala.
Nawaglit sa kaniya ang pagtataka nang mamataan niya ang mga dugong nagkalat sa madamong kalupaan.Ang mga dugong ito ay sariwa pa at papunta sa isang direksyon sa mas madilim na parte ng kagubatan.
Dala ng kuryusidad ay sinundan niya ito,sa bawat paghakbang niya ay bumibigat ang kaniyang paghinga at naninikip ang kaniyang dibdib.
Napatigil siya sa kaniyang marahang paghakbang,napahigpit ang kapit niya sa laylayan ng kaniyang damit at tsaka nagpakawala ng malalim na hininga bago nagpatuloy muli sa kaniyang paglalakad.
Sa bawat segundong napapalapit siya sa kinaroroonan ng pinanggagalingan ng dugo ay siya ring paglakas ng amoy nito,sinabayan pa ng pagsimoy ng malamig na hangin,na naging dahilan upang mas maamoy niya ang amoy nito.
Bahagyang pumula ang kaniyang mga mata dulot ng amoy ng dugo,ngunit hindi iyon naging hadlang upang tumigil siya sa paghakbang.
Muli siyang napatigil sa paglalakad,hindi dahil sa kabang nararamdaman niya kundi sa kung anong nasaksihan niya sa kaniyang harapan.
Tila binuhusan siya ng malamig na tubig,napako ang kaniyang mga paa sa kaniyang kinatatayuan,nagsimulang uminit ang sulok ng kaniyang mga mata.
Sa kaniyang harapan nakahandusay ang kaniyang hari,isang malamig na bangkay at may nakatarak na isang punyal sa kaniyang puso.Naliligo rin ito sa sariling dugo at nakamulat ang mga mata habang nakatitig sa maliwanag na buwan.
Nang matauhan ay dali-dali niyang nilapitan ito,tuluyang kumawala sa kaniyang mga mata ang masaganang luha at mahihinang paghikbi na paunti-unting lumalakas sa bawat segundong nagdaraan.
Marahan niyang hinawakan ang likod ng ulo nito at saka hinapit ang braso palapit sa kaniya,hindi alintana ang dugong kumakapit sa kaniyang bestida at mala-porselanang balat.
Hinagod niya ng tingin ang kabuoan ng hari at saka muling binalingan ang mukha nito.Patuloy pa rin ang kaniyang pag-iyak,walang humpay sa pagbuhos ang mga luha at patuloy na pagkawala ng mga hikbi sa bibig nito.
Binalingan niya ng tingin ng punyal at saka ito pinag-aralan.Mas lalong umagos ang kaniyang luha at lumakas ang kaniyang pag-iyak nang makilala niya ang punyal na nakatarak sa dibdib nito,mariin siyang napapikit.
Nakatarak ang punyal ng reyna ng mga bampira,ang kaniyang punyal.
Nagmulat siya ng mata at sinubukan niya itong hawakan gamit ang nanginginig na kamay ngunit hindi niya kinaya kaya muli niya na lamang inilapat ito sa mukha ng kaniyang asawa,sa sandaling iyon ay kumawala ang napakalakas na pagsigaw ng reyna,sigaw na puno ng sakit at paghihinagpis.
Unti-unti itong humina at napalitan muli ng malalakas na hikbi.Hindi alintana ng reyna ang malakas na presensiyang kumawala sa kaniya dahilan upang matunton siya ng kalaban.
Sa kabilang dako naman ay ang pag-alulong ng mga lobo at tunog ng mga tuyong dahon na nagdudulot ng ingay dahil sa mabibilis na pagtakbo ng mga kawal na bampira.
Hindi alintana ng reyna ang mga presensiyang nakapalibot sa kaniya,ang tanging inaalala niya lamang ay ang malamig na bangkay ng minamahal niyang asawa.
Marahas siyang hinawakan ng dalawang kawal at pilit na pinapatayo ngunit nagpupumiglas siyang kumawala upang muling hagkan ang asawa ngunit dulot ng pagod at panghihina ay walang nagawa ang reyna ng lagyan siya ng pilak na posas,na naging dahilan upang mas lalong mauubos ang kaniyang enerhiya at tuluyan na siyang kinaladkad ng mga kawal.
Sa madilim na bahagi ng parteng iyon ay ang malademonyong pagngisi ng limang taong nagplano ng lahat.
'Sa wakas,sa matagal na panahong pagpa-plano,nagbunga na rin ito'
Magmula sa araw nito,tuluyan ng nagbago ang sistema ng buong kaharian ng Bloodland,kasabay ng pagbabango ng lahat ay ang tuluyang pagbagsak ng tinitingalang mga namumuno ng kaharian,ang hari at reyna.
~To be continued...~