Simula

1078 Words
HIS' POV "WHERE am I?" bulong ko. Kanina pa ako panay ang sipat sa madilim na dinadaanan ko. Madilim pero sa tulong ng ilaw ng sasakyan ko ay may nakikita pa rin ako. Muli kong inililibot ang aking paningin sa paligid, madilim at matatayog na damo lang ang nakikita ko. Wala akong ideya kung nasaan man akong lupalop. Ang tanging natatandaan ko lamang ay payapa akong nagmamaneho kanina nang may mga motersiklong hinabol ako at pinaulanan ng bala. Dahil sa pagkataranta't takot ay mabilis akong nagmaneho papalayo doon habang patuloy pa rin sila sa paghabol sa akin. Nagawa ko silang iligaw pero mukhang ngayon ay ako naman ang naliligaw. Higit sa mga damo'y wala na akong ibang nakikita maliban sa masikip, bakbak ngunit semantadong daan sa aking harapan. Nakakatulong din sa akin ang maliwanag na buwan. Nataranta ako nang may marinig nanaman akong tunog ng makina ng mga motersiklo. Sa takot kong maabutan nila ako ay walang pag-aatubili kong pinaharurot muli ang sasakyan patungo sa hindi ko malamang direksyon. Mabilis ang pagmamaneho ko't patuloy ang paglingon sa likod para masigurong walang nakasunod sa akin. Sa muli kong pagharap sa dinadaanan ko'y napahinto ako ng mabilis nang may gumulong sa harapan ko ng sasakyan ko mula sa kaliwang parte patungo sa kabila. "s**t!" Narinig ko pa ang pagkalabog sa gilid ng sasakyan, kasunod ay ang mahinang daing. Naghahabol ng hiningang napatulala ako sa harap at pinoproseso sa isip ko ang nakita ko ilang segundo lang ang nakakalipas. Walang ingay na maririnig, tanging ang mabibigat na paghinga ko lamang at mga kuliglig. Bumalik ako sa ulirat nang makarinig ako ng kaluskos sa gilid ng sasakyan ko. Nagsitayuan ang balahibo ko,unti unting sumisibol ang takot sa dibdib ko. Hindi ko magawang lingunin iyon. "May nasagasaan ba ako? Guni-guni ko lamang ba iyon?," bulong ko, kinakausap ang sarili. Nanlaki ang mga mata ko nang lingunin ko ang gilid ko ay nakita ko ang isang bulto ng tao,nakaharang ang mahaba niyang buhok sa mukha at nakasuot ng puting bistida. Bago pa man ako magpakawala ng sigaw ay walang ano-ano'y tumalikod ito saka mabilis na tumakbo sa may matataas na damo. Nangunot ang aking noo sa pagtataka. Astang papaandarin ko na ang sasakyan ko upang magpatuloy sa pagmamanneho nang mapansin kong wala na akong gas! Nakarinig ako ng alalulong sa may kalayuan kasabay niyon ang maiingay na pagharurot ng motor at pagtama ng mga bala sa sasakyan ko. Napamura ako sa aking isip at walang pag-aatubiling kinuha ang aking baril bago lumabas ng sasakyan at saka tumakbo sa dinaanan ng babaeng nakaputi kanina. Mabilis akong tumakbo kung hindi lang humaharang sa mukha ko ang mga damo. Bukod sa maputik ay napakadilim din. Ang bwan at mga bituin lang ang nagsisilbing liwanag ko para makakita bukod duon ay wala na. Patuloy man sa pagtakbo ay pinapakinggan ko din ang paligid ko kung sakaling may nakasunod sa akin. Panandalian akong tumigil sa pagtakbo, naghabol ng hininga habang nakahawak ang dalawang kamay ko sa aking tuhod bilang suporta, ang isa'y hawak hawak pa rin ang baril. Tumigil ako sa likod ng nag-iisang punong nakita ko sa madamong lugar na ito. Natigilan ako nang may marinig akong ingat mula sa likod ko. Parang dinamba ang dibdib ko sa kaba. 'Nasundan ba'ko?!' Humugot ako ng malalim na hininga at saka lumingon ngunit hindi ko inaasahan ang makikita ko. May taong nakapuros itim ang suot at may takip maski ang mukha tanging maya lamang ang nakikita. Nakatutok sa akin ang kaniyang matatalim na mata, walang bahid ng kahit anong emosyon. Nakatungtong siya sa pinakamalaking sanga ng puno habang magkakrus ang mga braso,nakasandal sa katawan ng puno ang kaniyang likod. Tamad niya akong pinasadahan ng tingin, para bang bagot na bagot na siya. Hindi ko rin maiwasang mapatitig sa mga mata niya, kahit madilim ay malinaw sa paningin ko kung gaano kaganda iyon. Nang dahil sa liwanag ng bwan ay nagkakaroon ng kislap ang kayumanggi niyang mga mata, kasing kulay ng punong kinasasandalan niya. Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya. Naramdaman kong nagtaasan ang balahibo ko sa batok, nag-iba ang pakiramdam ko bigla. Bahagya niyang inilayo ang sarili sa katawan ng puno saka siya tumalon pababa't bumagsak sa harap ko mismo! "B-bakit ka lumalapit?" kabado man ay nagawang kong iusal ang mga salitang iyon. Bawat hakbang na ginagawa niya papalapit sa akin ay nagdudulot ng matinding takot at pangamba. 'Is she going to kill me?' Napalunok ako sa isiping iyon.Nilingon ko ang aking likuran para makita kung may maaaring sagabal ba sa pagtakbo ko. Ibinalik ko ang aking paningin sa taong nasa harap ko saka itinutok ang hawak kong baril. "Huwag kang lalapit!" pagbabanta ko sa kaniya. Unti-unti akong humakbang patalikod. Inihanda ko ang aking sarili, humugot ng malalim na hininga. Tumalikod na ako at saka tumakbo ng mabilis, mas mabilis kaysa sa takbong ginawa ko kanina. May kalayuan na ako sa pinanggalingan ko kanina, wala din akong naririnig na tunog ng mabibilis na yapak. Nasa may parte ako kung saan mas maraming puno na at kakaunti na lamang ang mga damo at mas maliliit ito kumpara kanina. Mabilis akong napabaling sa gilid ko nang makaramdam ako ng mabilis na ihip ng hangin kasabay niyon ang malakas na kulog sinamahan pa ito ng nakakatakot na kidlat, nang ibaling ko ito sa aking harapan ay daglian akong napatigil sa pagtakbo. Nabato ako sa aking kinatatayuan. 'Papaanong ang taong ito'y nasa harapan ko na? Sigurado akong walang nakasunod sa akin kanina!' Napakabilis ng pangyayari,nakita ko na lang ang sarili kong iniinda ang sakit ng aking likod dahil sa pagkakahampas nito sa puno habang sakal-sakal ng taong kanina lamang ay tinatakbuahan ko. 'Tao nga ba?' Napakahigpit ng kapit niya sa aking leeg,habang tumatagal ay mas lalo akong dinidiin. Hindi makapasok ang hangin sa dibdib ko,unti-unti kong nararamdaman ang panghihina. Inigaw niya ang baril sa kamay ko ng walang kahirap-hirap at saka ito binato, tumama ito sa puno,malinaw sa pandinig ko ang tunog nuon na tila bumaon pa ata. Hinawakan ko ang kanang kamay niya't sinubukang paluwagin ang pagkakakapit sa akin, ngunit kahit anong gawin ko'y hindi iyon lumuluwag, mas lalo pang humihigpit. Nakita ko pa ang dahan dahang pagtagilid ng kaniyang ulo, nakatutok sa akin ang matatalim na mata. Unti unting nang dumidilim ang paningin ko. Bago pa man ako tuluyang lamunin ng kadiliman, narinig ko pa ang mga katagang iniusal niya, sa unang pagkakataon ay nagsalita siya! Walang kasinlamig ang kaniyang tinig. "Who are you,human?" ~To be continued...~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD