SA INIS ni Apple ay bigla na naman niyang pinatikim ng malakas na sampal si Argel. Imbes na magalit ay ngumisi na lang ito na parang walang naramdamang hapdi sa pisngi. "Hibang ka na? Tutuloy ako sa Saudi. Hindi ako iyong tipo ng babae na papatol sa lalakeng may asawa. Hinding-hindi ko rin ipagpapalit ang pamilya ko sa gaya mong lalake na uhaw sa laman. Kung mahal mo talaga ako, pakawalan mo ako at huwag ka nang magpapakita pang muli gaya nang dati. Magkanya-kanya na tayo. Naikukwento din sa akin ni Apolonio kung gaano kabait ang asawa mo, Gel! Kaya ang hirap tanggapin na may mga gaya mong lalake na nakakayanang lokohin ang babaeng gaya niya. Maghintay ka. Kung tayo talaga, tayo pa rin hanggang sa huli. Kahit ano mang pagsubok na darating ay mananatili tayo kung tayo talaga. 'Wag natin ip

