6 YEARS LATER . . . Pinatawag ng head nurse si Michelle De Luna na asawa ni Ronel sa pinagtatrabahuang hospital kaya dali-dali itong pumasok sa kwarto ng Head Nurse at umupo sabay nagtanong, "Yes, madame?" "Andito ka dahil gusto ko na ikaw ang ma-assign sa isa nating pasyente na lalake, Michelle." "Sure po, ma'am. Pero may tanong lang ako. Bakit hindi iyong ibang nurse na lang ang in-assign niyo at ako pa ang napili?" "Dahil madami na akong napatawag pero lahat sila ay sumusuko na." Nagtaka naman si Michelle. "Bakit naman? Halimaw ba 'yang pasyente na iyan?" "Tanungin mo na lang sa mga kapwa mo nurse kung bakit nila sinukuan ang kasalukuyang pasyente. Also, I trust you dahil isa ka sa mga magagaling na nurse dito sa hospital. Kaya ikaw ang gusto ko." "Okay. Sabi mo, eh." Paglabas n

