NAGULAT si Argel sa sinabi ng kaibigan na gusto nitong sumama kaya tumanggi ito. "Huwag na. Baka hinahanap ka na nila. Bubugbugin pa ako uli ng kuya mo. I think it's better if we parted ways."
Agad naman siyang niyakap ni Apple na tila ayaw niya itong bitiwan. "I'm sorry. 'Di lang talaga nila alam ang kabuuang istorya natin. Si mom lang. Please, 'wag ka nang magtampo. Sabay na tayo umuwi sa maynila. I beg you, Gel. It's my birthday. Sinira na nga nila ang celebration ko tapos pati ba naman ikaw? Di ba ang ipinunta mo lang naman dito sa Cagayan eh itong birthday ko?"
Bumuntong-hininga naman si Argel. Nabuwag nga ang birthday celebration ng kaibigan dahil sa kanya kaya nagdalawang-isip siya.
"Gel, please. Sabay lang naman tayong umuwi, oh. Pagbigyan mo na ako. Just for my birthday, bestfriend? Wala akong pamasahe. Promise. Sasabay lang ako."
"Sige na nga. Ang kulit mo, bestfriend. Alam ba nila ang tungkol dito?"
"Nino?"
"Ng kuya at magulang mo, bestfriend."
"Oo, at pumayag sila para tipid pamasahe."
Napakamot na lang sa ulo si Argel dahil sa kakulitan ng kaibigan. Sa huli ay pumayag na lamang siya sa kagsutuhan nito.
PAGKARATING nila sa Maynila gamit ang private plane ni Argel ay humiling na naman ang dalaga.
"Gel, pwede ba tayong dumaan sa red ribbon at seven eleven?"
"For what? Gabi na, oh!"
"Gusto ko kasing regaluhan ang sarili ko ngayon ng kahit kaunti sa birthday ko. Tapos bili na rin ako ng candles para mag-wish."
"Grabe naman 'yan, bestfriend. Para ka namang bata! 21 ka na, uy!" inis na hayag naman ng binata. Pero hindi nagpatinag si Apple at kinulit niya ito nang kinulit kaya't napapayag muli niya ito.
Habang nagbabayad si Argel ay kulang na lang ay matunaw ito sa tingin sa kanya ni Apple. Parang wala siyang pinapalampas na oras sa pagtitig sa binata dahil sa inihahanda na niya ang sarili sa posibilidad na mangyari kahit hindi siya magtagumpay sa plano niya rito.
Hanggang sa naibili na siya ni Argel ng tatlong kandila. Isang hugis numero 2 at numero 1 na ilalagay sana sa itaas ng isang mamahaling Oreo cake galing red ribbon at isa namang margarita cocktail na binili pa niya sa seven eleven.
"Oh, ayan, ha. Wala na akong atraso sa 'yo, bestfriend. Ihahatid na kita sa dorm mo nang sa gano'n ay makatulog ka nang mahimbing after you enjoyed your night," anas ni Argel matapos hilahin ang seatbelt.
"Okay, salamat, bestfriend," sagot naman ni Apple habang hindi siya mapakali at isinuot din ang seatbealt habang nakaupo sa frontseat.
Habang nagmamaneho si Argel ay nagtanong si Apple. "Gel, malulungkot ka ba kapag nawala ako?"
"Syempre. Sino bang hindi? Ikaw lang ang babaeng naging bestfriend ko for my entire life. That's why you have a special place in my heart. Tingnan mo na, kahit dinugo ako sa ilong dahil sa Kuya mo, eh, nakunan pa rin kitang ibili ng Oreo cake with candles and Margarita. Just for you to spend your birthday this night happy and alone. Oh! Andito na pala tayo sa dorm mo."
Agad naman nagbukas ng pinto si Argel at tumakbo sa likuran ng kotse upang kunin ang kaisa-isang trolley bag ng kaibigan.
Bumaba naman si Apple na matamlay ang mukha. Hanggang sa ibigay na sa kanya ni Argel ang kanyang trolley bag sabay nagmadali itong bumalik sa kotse at pinaandar ang sasakyan saka iniwan ang dalaga na wala man lang paalam.
Habang nagmamaneho siya, hindi niya alam kung bakit medyo may kirot sa kanyang puso ang mga huling sinabi sa kanya ng dalaga. Balak din kasi niyang itigil na ang pagiging malapit dito o kung tama na ay puputulin na niya ang kaugnayan niya sa kaibigan dahil sa malapit na siyang ikasal sa babaeng mahal niya at ayaw niyang may ibang isipin si Selena sa kanilang dalawa. Pero may mga oras din na hindi niya maintindihan kung bakit minsan ay mas matimbang sa kanya ang saya na idinudulot ni Apple kaysa kay Selena. He doesn't know what his life will be without her.
Hindi din naman kasi madali sa kanyang pakawalan ito basta-basta. Masyado kasi niyang binuksan ang pinto ng kanyang mundo kay Apple na parang sinagad din ni Apple na pasukin ito dahil sa halos alam na nito ang mga kahinaan niya at iba pa. Malungkot ang buhay ni Argel dahil kulang siya sa aruga ng magulang. Ang nakikita lang ng mga ito ay ang kuya niya kaya naman ginalingan talaga niya ang pag-aaral ng pagiging piloto. At kasa-kasama sa tagumpay niya ang pag-motivate sa kanya ng bestfriend niya gaya nang kung paano sila nag-promise sa isa't isa na maka-graduate nang sabay sa kanilang piniling kurso na ngayon ay napagtagumpayan na nila. Hanggang sa humantong na sa puntong siya palagi ang rason kung bakit nalalagpasan niya ang kanyang mga problema dahil may nilalabasan na siya ng sama ng loob o may katuwang na siya sa buhay simula nang dumating si Apple. Parang nagkaroon ng kulay ang madilim na parte ng kanyang buhay.
Naibalik sa reyalidad si Argel nang bigla na lang nag-ring ang kanyang cellphone. Napamura siya nang may biglang gustong makipaggitgitan sa kaniya sa kalsada. Mabilis ang kaniyang pagpapatakbo dahil gusto na rin niyang makauwi. Nang i-check niya ang kanyang cellphone kung sino iyong tumatawag ay nagulat siyang si Apple ito.
"What the f*ck, Apple? 12 na at nasa gitna na ako ng daan," pabulong niyang sabi sa sarili. Nag-park siya saglit para sagutin ang tawag.
"Hello, gabing gabi na, Apple! Bakit tumatawag ka pa? Lasing ka?"
"Hindi pa ako lasing at mas lalong hindi pa ako nakainom. Curfew ng dorm. Ayaw na nila akong papasukin."
"Kung gano'n, bakit ngayon mo lang sinabi? Ngayong nasa gitna na ako ng daan! Damn it!"
"Uy! Pikon siya! Gusto mo ba na iyong bestfriend mo ay matulog sa labas ng pinto? Paano na lang kapag na-rape ako or kagatin ako ng mga asong ulol ngayong gabi? O kaya naman ay may dumapo sa akin na lamok at magka-dengue ako? Kakayanin mo ba iyon? Ha?"
Kung ano-ano na lang ang sinasabi nito at kung magsalita pa ay parang nagbi-baby talk kaya nainis si Argel at niliko niya ang sasakyan para balikan ang dalaga.
Pagkarating niya sa dorm ng dalaga ay nakita nga niya ito na nakaupo sa sariling trolley bags na malungkot habang wala nang ilaw sa loob ng dorm na ipinagtataka niya. Bigla rin itong tumayo nang makita niya ang binata na naglalakad papunta sa kanya.
"Buti naman at dumating ka. Akala ko kasi ay pababayaan mo na lang ako rito nang gano'n gano'n lang."
Agad naman siyang tinulungan nito at binuhat ang trolley bag para ipasok sa sasakyan. Sabay pumasok din si Apple sa kotse nito.
Habang nagmamaneho ay tahimik sila. Sinisilip naman ni Apple sa side mirror kung ano ba ang reaksyon ng binata dahil sa hindi man lang ito kumikibo at nagsasalita habang sagaran ang pagda-drive.
"Galit ka ba sa akin, bestfriend?"
"Ano ba sa palagay mo, Apple?"
"Uy! Galit nga! Ayaw na niya akong tawaging bestfriend. Pwedeng sa inyo na lang ako matulog? Magpapalipas lang ako ng gabi. Gano'n."
Sa sobrang gulat ni Argel ay naihinto niya ang kanyang sasakyan kasabay nang malakas na pag-break kaya nauntog nang kaunti si Apple.
"Aray, ano ba? Dahan-dahan ka naman sa pag-da-drive mo! Baliw!"
Hindi napigilan ni Argel kaya tumawa siya nang mahina hanggang sa palakas ito nang palakas.
"Anong nakakatawa?"
"Ikaw kasi, ang kulit mo. Bagay pala sa 'yo ang nauuntog."
"Uy! 'Wag ako, Argel. Promise, kapag nauntog talaga ako ay hindi na kita kikilalaning bestfriend ko."
"Bakit mo kasi naisipan na sa akin magpalipas ng gabi? Mayroon namang hotel d'yan sa tabi. Ako naman ang gagastos no'n."
"Syempre, wala akong mauuwian. Ayoko sa hotel. Takot ako sa mumu kasi ang dami ko nang nababasang horror story about doon. Imposible namang wala kayong condo, 'di ba? Baka doon muna tayo matulog. Ngayon lang naman."
Saglit na nag-isip si Argel hanggang sa maalala niyang mayroon pala silang condo na malapit lang sa kinaroroonan nila.
"Okay, may condo kami katabi nito. Doon na lang tayo magpalipas ng gabi, bestfriend. Tara! Baba ka na."
Napalakpak naman sa tuwa si Apple habang nagpakita pa ito ng peace sign para inisin pa lalo ang binata.
PAGPASOK nila sa maliit na condo na pagmamay-ari ng pamilya ni Argel sa may 15th floor ay pinaandar niya ang ilaw. Nagulat si Apple sa hitsura nito dahil kahit maliit ang lugar ay napakaganda ng interior design nito. Lahat ng gamit ay gold and marble-made. Lalo na ang chandelier nito at mga display. Dalawang palapag pa ang condo na iyon.
"Wow! Ang ganda naman dito! Ang liit pero feel na feel at home ka talaga! Parang maliit na palasyo. Buti at 'di nauuntog ang ulo mo sa kisame nito kasi ang baba lang ng kisame?" ani ni Apple habang manghang-mangha na iniikot ang mata sa desenyo ng condo. Iba kasi ang ambiance nito lalo na't hindi masyadong maliwanag ang ilaw dahil parang lampara ang mga ilaw nito na mas nakaka-relax sa utak ng isang tao.
"Dito madalas magtambay si Kuya Denis noong thesis niya. Dito rin niya madalas dalhin ang mga babae niya. Nasa taas iyong bedroom na may kadikit na balcony at maliit na banyo. Doon ka matulog. Ayos lang sa akin kahit dito na lang ako sa sofa mahiga," anas naman ni Argel pagkatapos umupo at tanggalin ang mga sapatos.
Hindi naman mapalagay si Apple lalo na't nasa iisang bubong sila ngayon ng binata at solong-solo na niya ito. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdamang kaba.
Ginamit na lang niya ang maliit na hagdan upang tumungo sa bedroom na sinasabi ni Argel. Pagkahiga niya ay kulang na lang ay lumubog ang kanyang katawan sa lambot ng kama. Umupo na muna siya at binuksan ang kanyang trolley bag saka kumuha ng damit pantulog na maisusuot. Isang malaking t-shirt na super loose at minishort ang napili niyang isuot. Ipinusod niya ang kanyang buhok at pumasok sa banyo para mag-half bath dahil nasa loob naman ng kwarto iyong maliit na banyo. Saka siya naglagay ng baby powder sa mukha at light pink lipstick sa labi at binuksan ang Margarita. Lumabas muna sa balcony para magpahangin sabay uminom siya nang kaunti para pampalakas ng loob sa mga plano niyang gawin sa binata. Maglalabas na siya ng kanyang tunay na nararamdaman kaya punong-puno na siya ng kaba.
Bago niya buksan ang pinto ay nagkrus muna siya sa dibdib at huminga nang malalim saka bumaba ng hagdan. Pagbaba niya ay unang sumambulat ang nakahigang binata na nakasuot ng sando na puti at itim na shorts na gawa sa silk. Nakita rin niya kung paano nakalagay ang kanyang cake sa itaas ng small table na katabi nito.
Dahan-dahan siyang lumapit rito at pinagmasdan ang mukha ng binata habang tulog. Sobra siyang namangha sa kagwapuhan nito kaya halos kung titigan niya ito ay hindi siya nagsasawa. Hanggang sa dumako ang mga mata niya sa labi nito. Sinabayan pa ito ng pagtibok ng kanyang puso. Parang may nagtutulak sa kanyang labi na madikit isa namamasang labi ng tulog na si Argel.
Hindi na talaga mapigilan ni Apple bugso ng kanyang damdamin kaya't mas lalo siyang lumapit sa mukha nito. Nang umihip sa kanya ang malamig na simoy ng hangin dala ng bukas na bintana na kaharap ng sofa na tinutulugan ng binata ay nahulog ang pagkakatali ng kanyang buhok at bumagsak ang ilang hibla niyon sa mukha ng binata.
Palapit na nang palapit ang kanyang mga labi sa labi nito. Kasabay noon ang paghinga rin niya nang mabilis. Hindi niya namalayang sumabay pa ang pagbigay ng kanyang mga mata matapos tumulo nang sunod-sunod ang kanyang mga luha't bumagsak isa-isa sa mukha ni Argel.
Di kalauna'y biglang nagising at napabangon si Argel sa kanyang pagkakaidlip pagkatapos maramdamin ang basa sa kanyang pisngi kaya nagkauntugan ang kanilang mga mukha at napasigaw sila sa sakit.
"Aray! Apple, anong ginagawa mo?"
"Nakita ko kasi na naglalaway ka! Tingnan mo, nagkalat pa siya sa mukha mo. Tado ka! Basa, oh!" pagsisinungaling ni Apple dahil ang mga luha niya naman talaga ang nagpabasa sa mukha ni Argel.
"s**t! Oh, well, whatever it is! Ayan ang cake mo. Teka lang at sindihan natin."
Kinamot ni Argel ang kanyang ulo at kinuha sa kanyang bulsa ang lighter sabay sinindihan ang mga kandila nito. "So, ngayong birthday mo, gusto ko magpasalamat kay Lord na mas hinabaan pa niya ang buhay ng bestfriend ko na super kulit na malikot na parang bata kung umasta kahit gurang na gurang na." Natawa naman si Apple sabay binatukan siya nang mahina dahil sa pang-aasar. "Joke lang, bestfriend. Okay, make a wish."
Agad namang pumikit si Apple saka hinipan ang dalawang candle sa kanyang Oreo cake.
"Now, tell me what did you wish for."
Natahimik naman si Apple at huminga nang malalim. "I wished na sana'y mahalin mo ako kagaya ng pagmamahal mo kay Selena."
Naguluhan naman si Argel dahil sa sinabi ni Apple. "What? Wait, 'di kita maintindihan, bestfriend."
"Argel naman! Tigilan na natin ang pagpapanggap na ito. Panahon na para malaman ko ang sagot. Minahal mo rin ba ako gaya ng pagmamahal mo kay Selena?"
Hindi na napigilan ni Apple at sunod -unod na bumuhos ang kanyang mga luha at namula. "What the hell are you talking about? Bestfriend lang tayo but you're crossing the border. I don't get this!" Napasabunot si Argel sa kanyang buhok habang nagtitimpi.
"Ipagpatawad mo pero—Argel naman! Hindi mo man lang nahahalata? Ang tagal kitang minahal! Tatlong taon! Tatlong taon pero manhid ka!" Hindi nakapagpigil si Apple at itinulak niya nang malakas ang dibdib ni Argel habang umiiyak. "Bakit mo ibinibigay ang lahat kung hindi mo talaga ako mahal? Ano ba talaga ako sa 'yo? Pagod na ako! Intindihin mo naman ako kahit ngayon lang!"
"I am lending my help, Apple, because I care for you as a friend. That's it. Not as a lover. For godsake, wake up, bestfriend!"
"Tigil-tigilan mo ako sa pagtawag mo sa akin ng bestfriend. May nangyari sa atin! Iniligtas mo ako sa kapahamakan at binigyan mo rin ako ng panibagong buhay. Halos kasama mo ako araw-araw. 24 hours. Maski sa cellphone o sa kainan, one call away ay nandyan ako parati kapag kailangan mo ako. Then you're expecting me not to fall in love with you? Ang hirap mong mahalin! Kasi nakakulong ako sa pagmamahal mo nang hindi mo alam. Hindi ko mailabas-labas kasi takot ako na pandirihan mo ako.
"Lagi na lang ako umaasa na sana gano'n din ang nararamdaman mo para sa akin. Masyado mo akong pinahanga at pinaasa. Ikaw rin ang dahilan ng pag-angat ko sa buhay pero 'wag mo naman akong ipagtabuyan nang ganito. Kahit pagod na pagod na akong mahalin ka ay nilalabanan ko ang feelings ko pero ang hirap pahintuin nito, eh. Pucha naman kasi! Habang tumatagal ay pinapatay na ako ng pag-ibig mo. Hind ko ito maihinto, Argel, kahit ano pang gawin ko!" Itinuro ni Apple ang kanyang puso.
"Look, baka lasing ka lang, okay?"
"No! I'm not. Takot ka bang malaman ang totoo? Ha? Ito ang totoo, tama ang mama mo. May namamagitan sa atin and God knows how I've cried a million times to avoid showing you how you meant for me. My feelings for you is like a rose. Ang hirap hawakan dahil binalutan ng mga tusok. Everything you do to me is beautiful. You bring light into my life, Argel. Habang tumatagal, mas lalo mo akong nilulunod ng iyong pag-ibig. That's why, I have to stop this, because I need to breathe. Mahal na mahal kita pero one-sided lang. I am tired of keeping this to myself. I'm drained dead for hoping that this love will be both ways. Now, decide, sino ang mas mahal mo sa amin? Si Selena o ako? Have you loved me sa tatlong taon ng ating pagsasama? Tumingin ka sa aking mga mata," umiiyak na sabi ni Apple sabay nakipagtitigan ito sa mata at hinawakan pa sa magkabilang pisngi ang binata.
Tumugon naman ito at tumingin din sa mga mata ni Apple. "I am sorry. I do love you but only as a friend."
"Putang ina, Argel!" Napasigaw si Apple sa inis sa sarili habang umiiyak. Hindi siya nagdalawang-isip at bigla niyang sinunggaban ng nag-iinit na halik ang binata.
(Starting of background music "save tonight" by eagle eyed cherry . . . Credits: https://fb.watch/2Vh__2vEdV/ )
🎶🎵 Go on and close the curtain,
Cause all we need is candlelight.
You and me, and a bottle of wine,
To hold you tonight . . . 🎵🎶
Gustong pumalag ni Argel sa una pero habang tumatagal ay parang nililiyaban din siya ng init ng kanyang katawan habang dinadama ang pagdikit ng katawan ng dalaga sa kanya. Nasisimot din niya ang mabango nitong buhok at hininga. Kinakabisado niya ang kalambutan ng labi nito na dumidikit sa kanyang mga bibig. Ramdam niya ang lungkot ng dalaga dahil kumikiskis sa kanyang pisngi ang basang pisngi ng dalaga dulot ng pag-iiyak nito sa harapan niya.
🎶🎵 Well, we know I'm going away,
And how I wish . . . I wish it weren't so.
So take this wine and drink with me,
And let's delay our misery . . . 🎵🎶
Nang maramdaman ni Apple na ayaw bumitiw ni Argel ay sinimulan niya itong yakapin sa batok na parang ayaw na niya itong pakawalan pa. Masyadong naging agresibo si Apple na halikan siya kaya naman ay bumigay rin bigla si Argel at tumugon sa uhaw na halik ng dalaga.
🎵🎶 Save tonight and fight the break of dawn,
Come tomorrow, tomorrow I'll be gone . . .
Save tonight and fight the break of dawn,
Come tomorrow, tomorrow I'll be gone . . . 🎶🎵
Habang palalim nang palalim ang kanilang halikan ay parang nanumbalik ang kanyang apoy na pagkagusto sa dalaga gaya noong nasa hotel sila noong una niya itong inangkin at magkaisang-dibdib sila. Tila wala rin siyang balak pakawalan ito sa bisig niya. Hanggang sa nagsimulang maglaban ang kanilang mga dila sa loob ng kanilang bibig na parang nag-eespadahan dahil nilalamon na silang dalawa ng kanilang matagal nang tinatagong kapusukan.
🎶🎵 There's a log on the fire,
And it burns like me for you . . .
Tomorrow comes with one desire,
To take me away . . . 🎶🎵
Lumabakbay na ang bibig ng binata sa leeg nito at nauwi na sila sa necking hanggang sa napunta na sa petting. Ipinasok nito ang kanyang kamay sa loob ng lawlaw nitong t-shirt at nilamas ang matambok nitong bundok na nagsanhi ng kaunting pag-ungol ni Apple. Kaya naman kumilos din ang kamay ng dalaga nang itinaas niya ang kamay nito para dali-daling ipahubad sa kanya ang suot-suot niyang puting sando.
🎵🎶 Darlin', please, don't start to cry,
Cause girl you know I've got to go . . .
And Lord I wish it wasn't so . . . 🎶🎵
Nagulat na lang siya nang buhatin siya ng binata habang lasap na lasap pa rin sa pakikipagsuguran ang dila nito sa kanyang bibig. Pagkatapos ay dinala siya nito sa itaas gamit ang maliit na hagdagan kaya medyo nauuntog siya sa pader. Pero parang hindi niya iyon nadadama dahil pabangis din nang pabangis ang halikan nila. Ipinulupot na lang niya ang kanyang hita sa katawan nito para hindi siya malaglag habang nagpapalitan sila ng laway hanggang sa marating na nila ang kwarto.