ALAS dose na ng gabi pero hindi makatulog si Apple kaya bumangon siya sa kanyang pagkakahiga. Lumabas muna siya sa kanyang kwarto dahil sa rin nauuhaw siya. Paglabas niya ay nakita niyang gising pa si Argel habang tinatanaw ang kalangitan at nakaupo sa gilid ng pinto.
Hindi muna niya ito pinansin at dumiretso siya sa kusina upang kumuha ng maiinom. Naisip din niya si Argel kaya't kumuha siya ng isa pang baso at pitsel na tubig na maligamgam. Pagkatapos niya lumabas sa kusina ay nilapitan niya ito.
"Tubig?"
Nagulat naman si Argel paglingon niya dahil sa andoon ang dalaga hawak ang tray na may pitsel ng tubig at dalawang baso.
"Sige."
Binuhusan naman ni Apple ang baso nito saka isinantabi iyong tray matapos niya mainom iyon. Tumabi siya sa binata at umupo rin sa gilid ng pinto't sinabayang tanawin ang kalangitan.
"Anong ginagawa mo at gising ka pa nang ganitong oras, Gel?"
"Nalulungkot lang ako," sagot naman nito sabay nanubig ang kanyang mga mata. Nataranta naman si Apple at medyo kumirot ang kanyang puso. Masakit sa kanyang nakikitang nagkakagano'n ang mahal niya.
"Bestfriend naman! Cheer up! Bukas ay outing natin 'di ba? Continuation ng birthday celebration ko! Tingin ka nga sa akin! Dali!"
Ayaw man ng binata ay pinilit siya ni Apple. Hanggang sa hindi siya nakapagpigil ay hinila niya ang mukha nito para maharap sa kanya. "Sabi ko na nga ba! Umiiyak ka!" aniya saka kinurot ang magkabilang pisngi ng binata nang malakas.
"Tama na! Ano ba? Ang sakit sa pisngi."
Binitiwan naman siya ni Apple sabay nag-joke. "Sabihin mo na kasi sa akin kung bakit ka umiiyak. Bakla ka ba? 'Di ba bawal tayong maglihim sa isa't isa."
Bumuntong-hininga naman si Argel saka siya tumingala sa langit. Nilingon naman ni Apple kung saan siya nakatingala at nakatingin nang mabigla siya.
"Wow! Anong nangyari sa buwan? Omg! Ang ganda! At saka ang lakas ng silaw ngayong gabi. Eclipse ba ngayon, Gel? Omg! Baka maduling ako."
"Hindi."
"So, bakit nagkakaganyan ang buwan? Dali! Wait lang, ha?"
Hindi napigilan ni Apple at kinuha niya ang kanyang cellphone upang kunan lang ang kakaibang itsura ng buwan.
"Masyado ka namang na-excite dyan. First time mo makakita ng ganyan?"
Nainis naman si Apple habang may halong tuwa dulot ng kung paano niya nakitang kakaiba ang buwan na kanyang nakikita, kasama pa ang taong pinaglilihiman niya ng pagkagusto.
"Awkie, so anong mayroon sa buwan? May konek ba iyan sa pagiging emotero mo ngayong gabi, my emo bestfriend?"
"Medyo? By the way, we call that moon—the blue moon."
Nagulat naman si Apple dahil alam niya kung ano iyong blue moon pero hindi pa niya ito nakikita nang personal, kung ano ang hitsura nito, at iba pa. Hindi kasi siya nagka-boyfriend sa buong buhay niya. Naalala at nakita lang niya ito sa music video ng favorite singer niyang si Vanessa Carlton sa kantang 'Ordinary day' kung saan kapag lumalabas ang blue moon ay dapat kasama mo ang kasintahan mo para kayo ang magkatuluyan habangbuhay.
"Dapat andito sa tabi ko si Selen—" anas ni Argel na ikinatahimik muli ni Apple.
"Ang suwerte niya at napaka-espisyal niya dyan sa puso mo," pakunwaring sabi ni Apple kahit nagsisimula na naman siyang masaktan sa kaloob-looban.
"Alam mo ba? Hindi niya ako mahal nang 100%."
"Sus, atleast may chance pa, 'no!" pang-aasar ni Apple kaya napatingin sa kanya si Argel saka itinuloy ang kwento at tumingala ulit sa langit.
"Mas mahal niya si Kuya. Lagi kong halata sa kanyang mga mata iyon tuwing magkasama kami. Pero dahil bawal si Kuya mag-asawa dahil siya ang hahawak ng kumpanya o mamumuno dahil mas magaling siya sa ganoon—I volunteered myself to wed her. Matagal ko nang gusto si Selena. But she prefers wilder boys. I tried to be as smart and as rough as Kuya but I think it's still not enough. Gaya mo, lahat din ay ibinibigay ko sa kanya. Mas sobra pa nga, eh! But I never satisfied her with money and everything. I even lied to her before na I prefer s*x before marriage dahil ayoko mapahiya because of how I see her being liberated."
Nalungkot naman si Apple. Akala niya ay siya lang ang tinutugunan at binibigyan ng lahat palagi ni Argel but she was wrong dahil nalaman niyang mas sobra pala ang naibibigay ni Argel sa kanyang kasalukuyang kasintahan.
"Baka naman she is not the right one for you, Gel."
"Nope, she is. Kaya dapat talagang matuloy ang kasal. Pinagbigyan ko lang siya na 'wag matuloy ngayon at ma-extended because of her dad. But I will never let her go. Ayaw ko na ang lahat ng pinaghirapan ko ay mauwi lang sa wala. Kaya ipaglalaban ko siya. Besides, my brother doesn't like her. Sa 'yo lang nabaliw ang Kuya ko na hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa 'yo na wala sa mga babae niya."
"Syempre cute ako. No one can resist my beauty. Tsaka sigurado ka ba dyan sa mga gusto mong mangyari sa inyo ni Selena? Kahit na alam mo sa sarili mo na ayaw niya sa 'yo?"
Biglang nanlisik ang mata ni Argel sa sinabi ni Apple kaya napatayo na lang siya. "Tara na at matulog na tayo," anas nito.
Nainis naman si Apple at nang iiwan niya ito ay saka nagsalita ang dalaga habang tumulo muli ang kanyang mga luha.
"Your mom talked to me today. Wala kang dapat ipag-alala dahil matutuloy ang kasal ninyo. Kahit neutral ang feelings niya sa 'yo. That's why stop bothering yourself too much because no one can stop you for marrying her. I guarantee that."
Hindi na sa kanya lumingon ang binata dala ng galit at pumasok na ito sa kwarto nang wala man lang ibinatong salita sa dalaga.
KINABUKASAN, naghanda na sila sa kanilang mga dadalhin sa beach. Halos lahat sila ay nagmamadaling makahabol ng dyip na nirentahan papunta sa destinasyon. Masaya silang lahat at kahit medyo nagkakailangan sina Apple at Argel dahil sa nangyari kagabi ay naki-ride on siya sa family ni Apple.
Dahil mababait naman ang mga ito ay hindi pa rin napigilan ni Argel na matuwa kasama sila. Very close family ties kasi sila—kumpara sa pamilya niya na masyadong secured at istrikta ang mga magulang at seryoso. Isama pa ang nadagdag sa pamilya na si Michelle na mas kinabuo at kinasaya ng pamilya ni Apple.
Hanggang sa dumating na sila roon sa destinasyon. Napakaganda ng dalampasigan. Nakakapagpigil ng hinga. May mga pinagva-volleyball-an. May CR para magbanlaw ng katawan pagkatapos maligo at may mga sari-sariling cottage na pwede pagpahingahan.
Hinanda naman ni Linda ang pinagba-barbeque-han habang pumunta isa-isa sa banyo para magpalit ang iba dahil naisipan na mag-volleyball muna.
Ang maglalaro sa team A ay sina Ronel at Argel. Habang sa team B naman ay si Apple at Michelle. Ang referee naman ay ang nanay nila habang ang ama naman ay nanonood lang.
Tapos na magbihis sina Ronel at Argel na nakasuot ng simple hawaii shorts. Gulat naman si Linda nang makita ang katawan ni Argel. "Wow! Argel, ilang taon mong inalagaan 'yang abs mo?"
Agad siniko ni Adon si Linda kaya natikom na lang ang bibig nito habang natawa naman si Argel sa tanong nito.
Hanggang sa dumating naman ang team B. Nakasuot ng bikini si Michelle na kinagalak ni Ronel.
"Oh, Michelle. Asan si Apple?" tanong ni Linda.
"Ayon, nagpapalit pa po."
'Di kalaunan ay dumating na si Apple pero nainis silang lahat dahil sa nakasuot ito ng roba. Maliban lang kay Argel kasi natatawa pa ito pailalim.
"Ano ba naman 'yan, anak? Bakit 'yan ang suot mo? Tanggalin mo 'yan, ano ba!"
Pinuntahan at nakipaghilaan si Linda kay Apple ng suot nitong roba. Natawa naman silang lahat hanggang sa nagtagumpay ang ina at naalis niya ang suot nitong roba. Nagulat si Argel sa sobrang kaseksihan nito. Naalala tuloy niya ang mga nangyari sa kanila makaraan ang tatlong taon. Gano'n pa rin ang katawan ng babae. Maliban lang sa nakasuot ito ng two piece.
Napakaganda ng hubog ng katawan ni Apple. Mala-coke ang hugis nito—katamtaman sa lahat gaya ng balakang, dibdib at iba pa. Isama mo pa ang balat nito na mala-porselana sa puti. Napatingin ang lahat ng mata sa kanyang katawan habang nakayuko naman siya hawak-hawak ang pribadong parte ng kanyang katawan upang takpan ng kamay.
"Ano ba, anak? Para naman itong inosente na 'di pa nakapag-display ng katawan! Sayang iyang 2-piece mo at hindi mo mailantaran ngayon sa beach!" pangaasar ng ina niya kaya medyo nagdilim ang paningin ni Adon at nakapagsalita nang 'di maganda.
"Linda, 'wag mong pilitin ang may ayaw. 'Wag mo na naman ipangalandakan ang pagiging ladlad mo sa kanya dahil hinding-hindi siya magiging katulad mong ladlad. Hindi pang-display ang katawan. Dapat ay itago niya 'yan para sa magiging asawa niya pagdating ng panahon. Punyeta! Kahit kailan ka talaga, Linda. Hindi ka na natuto sa pagkakamali mo. Walang kwentang ina!" sigaw ni Adon kaya napatakbo na lang si Ronel upang ipasok siya sa loob ng cottage dahil sa pagwawala.
Napahiya naman si Linda at iniwan muna sila para gumamit ng comfort room upang doon ibuhos ang iyak. Tumakbo naman si Argel palapit kay Apple upang ipasuot sa kanya ang suot niyang roba kanina at inalalayan din siya pumasok sa loob ng pangalawang cottage habang naiwan naman si Michelle na hindi alam kung ano ang gagawin.
Pagkatapos nila pumasok sa loob ay humingi ng paumanhin ang dalaga. "Pasensya na sa away pamilya namin. Tumatanda na kasi si dad kaya ganyan na lang siya magalit."
"Hindi, okay lang," anas naman ng binata habang titig na titig ito sa kanyang magandang mukha na may nakasabit pang bulaklak sa tenga.
"Bakit ganyan ka makatitig sa akin? May dumi ba ako sa mukha, Gel?"
"Wala. Gusto mo bang mag-jetski?"
"Sige ba? Magpapaalam muna ako sa kanila."
Agad naman niyang hinawakan ang kamay ng dalaga para pigilan ito. Namula at nagulat naman si Apple sa ginawa nito.
"I think there's no need. Hayaan mo na lang silang ayusin ang problema nila. Gusto ko na tayong dalawa lang. Kung okay lang sa 'yo?" medyo nahihiyang aya ni Argel.
"Okay, kasi ikaw naman ang nag-aya."
Nang aalis na si Apple para tanggalin ang kanyang roba para palitan ang kanyang suot na 2-piece ay bigla ulit siyang hinawakan ng binata sa kamay na kinagulat ulit niya.
"Wait, Apple. Can I request something?"
Nagulat naman si Apple at medyo namula sa paghawak nito sa kanyang kamay sa pangalawang pagkakataom sabay sinagot ang binata. "About what, Gel?"
"Para kumportable ka sa pag-swimming . . . I prefer you to wear that 2-piece. Kaysa magsuot ka ng t-shirt. Para nakakaterno ka naman sa katawan ko. Sayang itong abs ko at matitigas ko na braso kung katabi ko lang sa jetski ay naka t-shirt at tights lang."
Biglang kinabahan naman si Apple sa hiling nito. Tila namawis nang malamig ang kanyang noo at lumalim ang isip kung papayag ba hanggang sa may sumundot sa kanyang likuran na kinagulat niya.
"Oo, papayag na 'yang si besh. Sige na Apple. Pagbigyan mo na 'yang si baby boy. Mafi malish habibi! Bestfriend lang naman kayo, 'di ba?" singit ni Michelle habang kinikilig.
Ngumiti naman si Apple at napapayag muli siya ni Argel. Pagkatapos niyang alisin ang kanyang roba ay napalunok muli si Argel sa kanyang mga nakikita. Parang naiilang siya sa katawan nito na hindi niya maintindihan. Parang may nag-iinit sa kanyang kalamnan at nabubuhayan ng pagkalalake. Kaya naman ay nagmadali siyang hilahin ang kamay ng dalaga upang tumakbo sila papunta sa parentahan ng jetski at saka sumakay roon.
"Sir, ito po ang salbabida," anas ng lifeguard.
"No, no need," sagot naman ni Argel na ikinainis ni Apple, "Paano 'yan, Gel? Hindi ako marunong lumangoy!"
"Kapit ka lang sa akin. Kapag nalunod ka ay sasagipin naman kita," nakangising sagot ni Argel.
Sa kasawiang palad, nang sumakay silang dalawa sa jetski at lalarga na sana ay biglang dumating naman itong si Ronel.
"Uwi na raw tayo sabi ni Dad."
"Huh? Kuya? Agad-agad? Hindi pa nga tayo nakakaligo."
"Oo, kaya magdamit ka na!" maawtoridad na hayag ng nakakatandang kapatid nito na parang 'di mapakaling nagmamadali.
"Pare, we haven't ride the jetski yet," paliwanag naman ni Argel.
Nagulat siya nang makatanggap siya nang malakas na suntok galing kay Ronel habang nanlilisik ang mga mata nito. Agad namang napatakbo si Apple para awatin sila sabay dumating din si Michelle para pakalmahin ang kabiyak.
"Akala mo ba, hindi ko alam? Tama na ang pagkukunwari! Nalaman na namin ngayon ang buong kwento kay mama. Ikaw ang unang naging customer ni Apple pagkaraan ng tatlong taon! Imposible talaga na walang nangyari sa inyo kagaya ng kwento ng kapatid kong si Apple. Sa mga mata mo palang sa kanyang katawan ngayon, alam ko na may pagnanasa ka. Sabihin mo sa akin ang totoo? Kaya mo ito ginagawa lahat kasi gusto mo ulit makatikim ng isa pa sa kapatid ko? Gano'n ba, Argel?" sigaw ni Ronel.
Halos magtamo ng dugo ang ilong ni Argel sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya habang naluluha na si Apple sa pagpigil sa kanilang dalawa.
"Tama na, Kuya! Hindi niya sinasadya ang nangyari noon. Tinutulungan niya tayo hindi dahil doon. Alam 'yan ni mama. Mahabang kwento, Kuya."
"Tumigil ka, Apple. Pauwiin mo na 'yan sa kanila. Baka hinahanap na siya at makasuhan pa tayo ng kidnapping."
"Kuya, pagkatapos ng naitulong niya sa atin at nagawa niya sa atin? Ganyan ang trato mo sa kanya? Ganyan na ba katigas ang puso mo, Kuya?"
"Nagagawa ko ito dahil sa pagmamahal ko sa 'yo. Ayoko na masaktan ka. Kaya iwanan mo na 'yang lalake na yan. Hindi mo alam kung gaano karaming gago sa Maynila. Lalo na sa mga gaya niya na mayayaman. Tingnan mo na, ikakasal na siya pero bumubuntot-buntot pa sa 'yo."
Nainis naman si Argel at bumitiw siya sa mga kamay ni Apple sabay naglakad papunta sa cottage padabog para mag-impake kahit medyo nahihilo sa tindi ng suntok ni Ronel sa kanya.
Habang nag-iimpake si Argel sa kabilang cottage ay gano'n din ang ginagawa ni Apple. Pero kasama niya ang kanyang pamilya sa kabilang cottage.
"So, ano? Susundan mo na lang siya? Magpapakaputa ka rin gaya ng mama mo? Ano? Nasarapan ka sa kanya sa kama kaya kating-kati ka na kaya at hindi mo siya kayang pakawalan?" sigaw ni Adon habang nanginginig sa galit na pinipigilan ang dalaga na 'wag umalis.
"Dad, hindi niyo pa alam ang buong kwento ko at ni Argel kaya wala kayong karapatan magsalita nang walang katotohanan o pruweba man lang. Kilala ko si Argel mula pagkabata at hindi po siya gano'n!"
"Bakit, Apple? Sa palagay mo ba ay mamahalin ka niya?" anas ni Adon at nagpatuloy din ang kapatid niyang si Ronel. "Halos ang linaw ng pagkasabi niya sa amin na ikakasal na siya. Sinabi rin niya kung gaano siya kasaya sa araw na iyon na pakakasalan ang taong mahal niya. Hindi ka niya mahal."
Tumulo naman ang luha ni Apple at dinepensahan ang sarili sabay tumalikod at humarap sa kanila.
"Alam ko. Kaya titigilan ko na 'to. Kaya sana naman ay pagbigyan ninyo akong sumama sa kanya at magpaalam para tapusin na ang kahibangang ito. Dahil maski na ako ay hirap na hirap na rin, Dad! Tatlong taon ko siyang minahal at umasa kaya puputulin ko na ito sa huling pagkakataon. Pabayaan niyo muna akong sumama sa kanya. Hindi na ako bata, Kuya! Dad, just for the last time, let me do the last work," iyak ni Apple pagkatapos niya punasan ang kanyang mga luha saka tumalikod ulit at isinara na ang zipper ng kanyang bag at tuluyang lumayo sa kanila.
Matapos ayusin lahat ng mga maleta ay tila gulong-gulo na si Argel. Ngayon lang niya na-realize kung gaano kalaki ang kasalanan niya kay Apple. Na sana ay hindi na lang niya ito binigyan ng trabaho. Hindi niya ito kasa-kasama sa lahat ng bagay gaya ng kumain sa cafeteria, surpresahin sa graduation at ibang tulong. Ginagawa din lang naman niya iyon para sa ikabubuti ng lahat. Para wala siyang atraso sa dalaga at sa papakasalan niya at walang magsasalita sa gulong ginawa niya na mag-hire ng pokpok noon kahit may fiance na.
Parang may kaunting sakit ding namumuo sa kanyang pusong may espasyo si Apple sa haba ng kanilang pagsasama mula pagkabata. Naisip niyang mabuting tapusin na lang din niya ang kaugnayan kay Apple bago siya ikasal para hindi na lumala pa. Gagawin niya iyon kahit mahirap dahil madami rin silang pinagsamahang dalawa. Kailangan na niyang palayain si Apple sa piling niya. Ang mahalaga ay natulungan niya ito at hindi siya nagkulang.
Natigilan siya nang may kumatok sa kanyang room at pagbukas niya ay si Apple iyon na may mga dala-dala ring bagahe.
"Sasama ako sa 'yo, Argel."