Hindi mapigilan ni Apple na mas lalong mahulog kay Argel dahil sa mga nagawang tulong at masasayang alaala na kailanma'y hindi niya makakalimutan—lalo na't may kinalaman sa kanyang iniingatang pamilya. Napakasaya niya noong graduation niya.
Tumanggi naman siyang mag-celebrate sa bobonggahing hotel. Mas ginusto na lang niyang sa restaurant na lang dahil ayaw niyang gumastos pa ang magkapatid na si Argel at Denis sa kanyang graduation.
Matapos ang masasayang araw ay bumalik na rin ang kanyang mga magulang niya pati ang Kuya at ang kabiyak nitong si Michelle sa probinsya nila sa Cagayan De Oro. Habang siya naman ay nananatili muna sa dorm dahil sa hinihintay niya ang hard copy ng kanyang diploma.
Isang araw ay bigla siyang pinatawag ng mother lady. "Apple, may bisita ka. Isang matandang babae."
Nagtaka si Apple dahil wala naman siyang kakilalang Tita o kaanak man lang na nasa Maynila kaya nagtanong siya. "Huh? Ano pong hitsura?"
"Mukhang yayamanin, eh. Alahas pa lang, alam mo nang Donya."
Agad naman itong sinilip ni Apple sa bintana at nagulat siya nang makita ang nanay ni Argel. Hindi niya alam kung bakit siya dinalaw pa nito at paano niya nalaman kung saan siya nakatira. Kaya naman ay inayusan niya ang kanyang sarili bago bumaba para maganda ang presensya niya sa mata ng importanteng bisita.
Nang makita siya ng matanda ay wala itong reaction. Pagkatapos naman niyang lumapit para magmano ay tumanggi ito saka nagsalita. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Sumama ka sa akin at may pag-uusapan tayong dalawa na dapat ay tayo lang ang nakakaalam."
Pumayag naman siya Apple. Ginamit niya ang kanyang hagdanan upang bumalik sa kanyang kwarto saka nagsuot ng mas pormal na damit at bumaba ulit upang samahan ito. Sa malapit na cafe shop sila pumasok at matapos mag-order ng kaunting maiinom na kape ay umupo na sila.
Tahimik lang ang mama ni Argel. Dahil nirerespeto naman siya ni Apple ay hindi niya ito inunahang magsalita. Hinihintay niyang ito ang maunang bumasag ng katahimikan. Hanggang sa may kinuha ito sa kanyang malaking bag na mamahalin sabay ipinatong sa table na ipinagtaka naman ni Apple. Isa itong sobre na singlapad ng coupon bond na tila makapal ang nasa loob.
"Ano po iyan, ma'am?"
"Huwag mo akong tawaging mama. May sarili akong pangalan. My name is Delilah at itong mga puting sobre na 'to ay worth of a million peso in cash. I will give this to you, but in a one condition."
Natulala naman si Apple. Masyado kasing malaking halaga iyon para kanyang tanggapin. "Naku! Baka hindi ko na po iyan tanggapin. Sorry po. Naka-graduate na po kasi ako noong isang araw kaya 'di ko po alam saan ko po 'yan gagamitin."
"I don't care. Alam ko na kailangan mo 'yan kaya tanggapin mo na."
"Para po ba saan 'yan at bigla niyo po sa akin ibibigay?"
"For you to stay out of my two sons. Especially Argel!"
Nagulat si Apple na parang sinaksak muli ang kanyang dibdib. "Ho?" Nagpanggap na lang siya na hindi niya alam kung bakit kahit may kutob na siya.
"'Wag ka nang magkunwari pa. I hired an investigator to watch all of your moves. I am sure na ang habol mo lang sa amin ay pera."
"Hindi ko po magagawa iyon. Kusa pong sila ang gustong tumulong. Ilang beses ko na silang nilalayuan. Si Denis ay tumigil na pero si Argel ay ayaw pa rin akong layuan at hindi ko rin po siya kayang itaboy dahil kaibigan ko siya."
"I don't believe you. According to one of the HR girls who spread rumors before your resignation ay pinagsasabay mo ang dalawa at isa ka raw kalapating mababa ang lipad. I really don't want you for my sons. Madumi kang babae at madudungisan mo lang ang angkan namin. Inalam ko ang background mo, and to my surprise, ikaw ang anak ni Linda De Luna at Adon De Luna."
Bigla na lang naalala ni Apple ang laging nababanggit ng kanyang ama at ina. Iyong pangalan na Delilah. Ito iyong madalas ipagyabang sa kanya ng kanyang mama na babaeng inagawan niya dahil sa mas pinili ni Adon ang mama niya kesa doon sa babaeng nagngangalang Delilah. Hindi niya akalain na magtatagpo pa sila sa ganoong pamamaraan dahil siya pala ang ina ni Argel.
Nagpatuloy magsalita ang matandang glamoroso. "Siguro naman ay alam mo na kung ano ang history namin ng mga magulang mo. However, past is past. Ayon din sa investigator ko, baon kayo sa utang sa Saudi kaya napilitan kayong umuwi at naging dukha. Well, gulong ng palad nga naman. Kasi dati-rati, madalas maliitin ng mama mo ang asawa ko. Magkapitbahay kami pero malaki ang ulo na laitin ang bahay namin tuwing nakakapagbakasyon sa Pilipinas. Look now, parang basang sisiw na kayo at namamalimos sa aming negosyo."
"Madame, sana po ay 'wag niyo na pong idamay ang mga magulang ko rito," pakiusap naman sa kanya ni Apple.
"Sinasabi ko lang sa 'yo ang totoo. Manang-mana ka talaga sa nanay mong ipokrita. By the way, ito lang ang isipin mo. Babagsak ang negosyo namin once na hindi matuloy ang kasal ni Argel at Selena. Kung may concern ka pa sa anak ko, get rid of him and learn to think about the future. I know you're smart. Paano na lang kapag kayo ang magkatuluyan? Sa palagay mo ba ay gaganda ang buhay niya sa 'yo? Anong ipapalamon niya sa 'yo? Pagmamahal niya? That's why, think twice about what I said. Iwasan mo na siya habang mas maaga pa. Gaya ng pagtatakwil mo kay Denis. Kasi gulo at malas lang ang mangyayari kapag 'di mo siya nilubayan. 'Wag kang selfish kung mahal mo siya. Iwanan mo siya at hayaan mo silang dalawa ni Selena ang magpakasal. Deal? Kung umuo ka, sa 'yo na itong pera at 'wag na wag ka nang magpakita pa sa mga anak ko. Hindi ito teleserye na ang mahirap ay para sa mayaman dahil ang totoong realidad ay ang mayaman ay para lang sa isang mayaman din."
Nanlumo naman ang mukha ni Apple sabay tumayo na kinagulat ng ginang. "Kaya ko siyang iwan kung 'yan ang nararapat. Iiwan ko siya hindi dahil sa pera kaya sa inyo na yan. Nabawi na ng tatay ko ang mga properties namin kaya muli kaming babangon at magsisimula uli nang panibago. Aanhin ang pera kung masama naman ang budhi ninyo? Aalis na po ako. Salamat sa kaunting inumin pero ito ang bayad ko riyan. Baka pati iyon ay isingil at ihusga niyo sa pagkatao ko."
Agad inilabas ni Apple sa kanyang bag ang one hundred pesos at saka niya iniwan ang matanda na parang hangin lang bilang insultong ganti. Pagkarating niya sa dorm ay mas lalo siyang naiyak sa sinabi ng matanda na parang musikang paulit-ulit niyang naririnig sa kanyang magkabilang tenga. Hindi na niya alam kung ano ang mas tamang gagawin. Hanggang sa may tumawag sa kanyang cellphone. Hindi siya nakapagpigil at pinatay niya ito habang sunod-sunod ang kanyang paghagulgol.
Pero tila ayaw magpatalo ng kanyang ringtone. Agad niya itong sinagot. "Hello! Putang ina naman, Argel. 'Wag ka nang tumawag!"
"Anak, nag-aaway ba kayo ni Argel?"
Nagulat siyang ang nanay pala niya ang tumatawag. "Ma naman. Napatawag kayo?"
"Umiiyak ka ba, anak? Magsabi ka nang totoo?"
Mas ginusto ni Apple na 'wag muna sabihin sa ina ang patungkol sa pag-uusap nila ng kanyang karibal na si Delilah. "Wala talaga, Ma. Napatawag nga kasi kayo?"
"Tumawag ako kasi birthday mo. Dalaw ka naman dito sa probinsya."
"Sige, Ma, mag-book ako ng flight ngayon."
Gusto ni Apple mapag-isa muna sa kung saan ay malayo kay Argel. Binuksan niya ang kanyang laptop at nag-book agad ng flight. Dali-dali siyang nag-impake habang hindi na makahinga dahil sa barado na ang kanyang ilong sa kaiiyak at inaatake na rin ng asthma dahil din doon.
Binuksan niya ang buong cabinet niya upang tanggalin lahat ng kanyang damit at iuwi na sa probinsya dahil sa pinaplanong iwanan na ang Manila nang nagulat siyang may nalaglag na isang bagay na magpapaalala lalo sa kanya at kay Argel.
Ito ang kanyang masquerade. Mas lalo siyang naiyak matapos niya maalala kung saan nagsimula ang lahat. Parang bangungot na panaginip—parang hiram na sandali. Handang-handa na talaga siyang iwan ang lalake kaya't hinahanda niya ang kanyang sarili makipaglaban sa hamon ng kalungkutan.
Naisipan na lang niya na balikan ang ibang gamit dahil masyadong madami kung kanyang dadalhin sa probinsya at mag-excess baggage. Paglabas niya sa may gate ng kanyang dorm ay pinagmasdan niya ito na tila hinahanda na niya ang sarili upang magpaalam.
Matapos niyang pumunta sa airport at nakapag-check in ay naiinis siya sa kanyang sarili. Kung bakit hindi pa rin matanggal sa isipan niya ang sinabi ni Donya Delilah. Nasa eroplano siyang kinulang ng tulog dahil sa kaiiyak hanggang sa dumating na sa probinsya at naglanding na ang eroplano.
Matapos niyang kunin ang kanyang baggage ay natuwa siya matapos makita ang pamilya niya sa malayo na may hawak na karatolang nakasulat pa ang kanyang pangalan. Agad siyang napatakbo kahit mabigat ang kanyang mga dala at napayakap sa kanila.
"Dahil birthday mo . . . pupunta tayo sa beach bukas," pag-aaya ni Ronel.
"Sige ba!" excited na sabi ni Apple. Hindi niya maipinta ang kanya kasiyahang makapiling ang pamilya sa kanyang kaarawan.
Dumiretso sila sa bahay na tinitirhan ng kanyang mga magulang. Pagpasok na pagpasok nila ay gulat na gulat si Apple matapos niyang madatnan si Argel na nagluluto sa kusina nila.
"Ikaw?" sigaw niya.
"Oo naman, bestfriend. Bakit? May problema ka?" ani Argel na nakangiti pa sa kaniya.
"Bakit ka nandito? Diba nasa Maynila ka?"
"Syempre, birthday mo. Ang dami ko ngang niluto para sa 'yo. Tsaka alam ko rin ang number ng mama mo kaya sa kanya ako nagpalakad para puntahan ka rito. Gamit ko ang private plane ko kaya mabilis talaga ako nakarating kaysa sa 'yo. Kapag babalik tayo sa maynila ay 'wag ka mag-aalaa at sa akin ka na sumakay."
Hindi nakapagpigil si Apple at napasigaw siya nang sobrang lakas. "Hinahanap ka ng mama mo! Bumalik ka na sa Maynila. Hindi kita kailangan dito." Hindi siya nakatiis at pinagpapalo niya ito at itinulak palabas ng gate nila.
Inawat naman sila ni Ronel. "Ano ba, Apple? Nakikita mo 'yang mga yan? Lahat niyan ay niluto niya para lang surpresahin ka. Pati iyang welcome banner na 'yan, siya rin ang gumawa tapos papalayasin mo lang siya nang ganoon lang? Maawa ka naman sa tao. Lahat ay ginagawa niya mapasaya ka lang."
"Kuya, hindi mo kasi maintindihan. Masakit na kasi ito," sabay turo ni Apple sa kanyang puso.
Sumingit naman ang kanilang mama. "Iwan niyo muna kami. Libangin mo muna si Argel. Ako na ang bahala kay Apple."
Pagkatapos masolo ni Linda ang anak ay nasabi ni Apple lahat ng nangyari kaya pinayuhan niya ito kung ano ang gagawin dahil naaawa na siya sa kanyang anak na babae.
NALULUNGKOT si Argel dahil hindi niya maintindihan kung bakit gano'n na lang ang galit sa kanya ni Apple. Mukhang madalas ang pag-iyak nito dahil sa namamagang mga mata. Naka-block din siya sa kahit anong connection dito kaya gulong-gulo na siya.
"Argel, pasensya ka na."
Paglingon niya ay nakita niya si Apple. Tahimik ito at parang nagsisisi sa kanyang nagawang pangtataboy rito.
"Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang nangyayari sa 'yo."
"Kaya nga sorry. Pagbalik natin sa Maynila ay malalaman mo rin kung bakit," anas ni Apple habang kinokontrol ulit ang mga luha.
"Okay, parang sinasaniban ka kasi na 'di ko maintindihan. Paiba-iba ka ng mood. I am just spending my remaining days being with you. Habang 'di pa ako nakakasal. Happy birthday pala. Nagustuhan mo ba iyong surprise ko na mga niluto ko para sa 'yo? Adobo, kare kare—ano pa ba ang kulang?"
"Ikaw," biro ni Apple.
"Ang sarap ko naman kung gano'n."
Natuwa naman si Linda habang pinapakinggan niya ang biruan ng dalawa nang sumingit siya. "Oh, tara na? Ano pa ba ang hinihintay natin? Kain na!"
Nang matikman ni Apple ang niluto ni Argel ay sobra din siyang nasarapan. Hindi niya akalain na ganito kasipag at talagang may father figure ang kaibigan. Parang tamang-tama ang sukat ng tamis, ang alat at lahat na.
"Where do you learn all this stuff, Gel?" tanong niya habang nilalantakan ang mga luto nito.
"Kaya nga, super sarap! Alam mo? Dapat nag-HRM ka na lang. Tiyak papatok kapag nagka- restaurant ka na!" sigaw naman ni Ronel habang may pagkain pa sa loob ng bibig.
"Don't talk when your mouth is full. Wala kang manners. Kaya nga naman, hijo. Paano ka ba natuto?"
"Fat-kid kasi ako noon. Alam 'yan ni Apple. Madalas ako ma-bully dahil sa katabaan ko. Kaya alam ko kung ano ang perfect taste when it comes to foodporning. Si papa ang nagturo sa akin kasi kahit business man siya noon ay mas gusto raw niya maging chef cook. Pero dahil lang sa mahal niya si mama ay nag-businessman siya. Hindi naman siya nagkamali kasi lumago bigla ang kita. Parang gamble daw."
"Akalain mo nga naman na iyong papa mo pa ang nagturo sa 'yo. Hindi ang mama mo," natatawang sabi ni Linda.
"Bale, Gel. 'Wag mo sabihin na ayaw mo sa pagiging piloto na kurso?" pagtataka naman ni Apple.
"Both ko sila gusto. Alam mo naman kung gaano ako kahibang sa gawang papel na eroplano, 'di ba?"
"Ano pala ang pangalan ng mama at papa mo?"
Nang sagutin at banggitin ni Argel ang pangalan ng kanyang mga magulang ay biglang natahimik sina Linda at Adon. Yumuko rin ang ulo ni Apple dahil alam na niya iyong patungkol sa relasyon ng mga magulang nila ni Argel.
"Kumusta na pala siya? Napakaliit naman ng mundo," seryosong tanong ni Adon sa binata.
"Okay naman siya. Minsan masayahin, minsan ay hindi. At super arte na istrikta."
"Well, hindi pa rin siya nagbago," anas naman ni Adon matapos isubo ang pagkain sa kutsara. Parang kilalang-kilala pa rin niya si Delilah. Syempre, ito ang kanyang first love. Pero sa kasawiang palad ay mas nahulog ang loob niya kay Linda matapos siya nitong akitin. True love niya sa Linda sa makatuwid kaya niya ito itinakas sa magulong mundo at ipinaglaban sa magulang hanggang sa doon na sila nagpatuloy ng kanilang buhay pamilya sa Saudi at doon lumaki ang kanilang mga anak.
MATAPOS ang selebrasyon ay ipinasyal nila si Argel sa mga lupang ari-arian nila. Hindi makapaniwala si Argel dahil napakalaki ng hectaria nito. Hindi niya akalain na millionario din pala ang papa ni Apple. Hanggang sa dalhin siya nito sa ginagawang commercial building.
"Grabe ho! Napakalaki nito at malamang ay malaki rin ang kikitain ninyo."
"Oo, tipid pa kamo sa engineers at architect dahil ako mismo ang lilikha ng mga floor plans at iba pa. This is the new beginning, my son. Simula ngayon ay tatawagin kitang son dahil kung hindi dahil sa 'yo ay hindi namin mababawi ang kayamanan amin. Hindi ko alam kung paano ko tatanawing utang na loob lahat ng ito sa 'yo. Manang mana ka talaga sa mama mo," anas ni Adon habang nasa wheelchair.
Naiyak naman si Apple habang pinapakinggan iyon dahil wala naman sa itsura ni Delilah na nanay ni Argel ang kabutihang loob. Matapobre ang nakita niya sa matandang ginang kaya kinimkim na lang niya ang sama ng salitang binitiwan sa kanya.
Hanggang sa hinila siya ni Linda papasok sa van habang naguusap sina Adon at Argel kasama si Ronel dahil siya ang tagapagtulak ng wheelchair ng ama. Pagpasok nila ay tila seryoso si Linda.
"Anak, ituloy mo na ang balak mo na iwasan na si Argel. Malaking gulo ito dahil magwawala ang kanyang ina kapag nalaman na anak ka pala ng papa mo."
"'Wag kayong mag-aalala, Ma. Kahit masakit, kakayanin ko," ani Apple sabay iyak muli nito.
"Tahan na, anak. Wala pa namang namamagitan sa inyo kaya alam ko na wala sa kanya iyon kapag ipinagtapat mo na ang saloobin mo na mahal mo siya. Kailan mo ba iyon gagawin?"
Pinunasan naman ni Apple ang kanyang mga luha. "Pagdating ng tamang panahon."