Chapter 11

3002 Words
Kahit sobrang busy si Apple ay nakuha pa rin niyang puntahan ang Aviation Academy. Masyado siyang haggard na nakasuot ng unipormeng pang-nurse nang pumasok siya sa gate ng paaralang iyon. Hingal na hingal siya at nananalangin na sana ay umabot pa siya bago magtapos ang graduation ceremony ngunit nasawi siya. Pagpasok niya sa loob ng hall ay madami nang taong nagpapa-picture sa kani-kanilang graduates. Iyong iba ay may mga dala pang bulaklak para ibigay sa mga candidate ng graduation. Nalungkot naman si Apple dahil hindi siya nakapaghanda ng kahit isang regalo para kay Argel. Mabuti na lang at doon sa hospital kung saan siya naka-assign for OJT ay binigyan sila ng isang piraso ng rosas kaya iyon na lang ang inihanda niyang iregalo sa binata. Habang hinahanap niya ito at hindi mapakali ang kanyang mata na ikutin ang lugar ay bigla siyang tinabihan ni Denis. "Sorry, miss beautiful. You look good with your uniform. Gamutin mo naman puso ko sa pamamagitan ng iyong forgiveness." Nainis naman si Apple. "Wala kang dapat ipag-sorry. The damage has been done." "Who cares? You know what? You're too lucky to slap a COO. I can sue you for that but I don't mind it at all. Kasi aminado naman ako na mali ko iyon, and to tell you what? I terminated all those bunch of gossip girl employees who witnessed our fights." Mas lalong nainis si Apple at sinuntok sa braso si Denis pero imbes na masaktan ito ay tumawa na tila nang-aasar pa. "Joke lang, kid. Pero sinabihan ko silang wala silang ipagkakalat ni katiting sa mga narinig nila sa usapan natin. I even give them bonuses. So, don't worry." "Wala pa rin akong pakealam kahit ano pa man ang ginawa mo sa kanila. Wala akong panahon, Denis. Buti alam mong pagkakamali mo dahil napakalaking mali ang ginawa mong husgahan ako kaya may karapatan akong bawiin iyon kahit sa pamamagitan lang ng malakas na sampal na magbibigay ng bakat dyan sa panget mong pisngi." Napadismi naman si Denis. "I am sorry for throwing some dirty insulting words on you. Logic naman ang nangyari, 'di ba? Sinabi ko that you're gold mining my brother, Argel. Kung totoo man iyon, edi dapat kahit ako ay pinatulan mo na rin? But look! Kahit ilang beses na akong manligaw sa 'yo ay wala pa rin nangyayari, right? Anyway, I know that you're looking for him." "Asan ba siya?" "Forgive the damage I caused you, first?" Ngumisi ito kaya nainis si Apple at naglakad na lang ito paabante upang iwasan siya. Ngunit nang makalayo siya nang ilang sentimetro sa kanya ay sumigaw naman ito. "Ayon siya, oh!" Pagkatingin ni Apple sa itinuturo ni Denis ay nakita niya si Argel na kampanteng nakatayo habang may dalang mga boquet ng bulaklak na ibinigay sa kanya. May sampaguita flowers din itong suot-suot sa ulo. Ngunit nang lalapitan siya nito nang makita siya at nagalak ang mukha nito ay biglang sumingit sa eksena si Selena kasama ang mga magulang nito at magulang ni Argel. Ipinagpag niya ang suot ni Argel at inayusin bago sila mag-pose for pictorial. Nahinto naman si Apple. Gusto man niyang lumapit para din may remembrance photo siya kay Argel sa araw ng graduation niya ay hindi niya magawa dahil sa nahihiya siya sa mga magulang nito—pati na din kay Selena at sa pamilya nito. Pagtalikod niya ay sumigaw muli si Denis nang malakas. "Argel, bestfriend mo, oh! Kanina pa dito naghihintay at hinahanap ka." Nagalak naman si Apple sa ginawa ni Denis. Kahit gusto niya itong bugbugin ay parang nagpapasalamat siya sa ginawa nito. "Wait, mom and dad. I have to take her and introduce her to you," anas ni Argel sa mga kasama sabay tumakbo papunta sa kinatatayuan ni Apple at inimbita ito palapit sa mga magulang. "Sino naman 'yan, mare? A nurse? I thought your son only make friends with high professionals?" sarkastiko namang bulong ng nanay ni Selena. "Seriously, I don't know her. Ngayon ko lang nakita 'yan. Parang kilala din siya ni Denis," ani naman ng nanay ni Argel. "She looks fine with me. She is a decent and good looking lady," usal naman ng tatay ni Argel kaya siniko siya ng asawa nito. Pagkalapit ng dalawa ay sinimulan na ni Argel ipakilala si Apple sa kanila. "Mom, Dad, Tito, and Tita. This is Apple De Luna. My childhood bestfriend. Selena knows her too kasi madalas namin siya mapagkwentuhan at siya ang head ng mga receptionist sa kumpanya natin." "Mestisa ka ba?" unang tanong ng tatay ni Argel. "Hindi po, purong pinoy," sagot naman ni Apple sabay yumuko. "Oh, ano pa ang hinihintay natin? Mag-picture na tayo. Hija, pwedeng kunan mo naman kaming anim?" ani mama ni Selena. "Sige po." Hindi tumanggi si Apple at ibinigay sa kanya ang mamahaling cellphone nila. Matapos kunan ni Apple ang anim nang ilang beses at ibinalik sa kanila iyong cellphone ay siya naman ang lumapit sa kanila para magpakuha ng litrato kasama si Argel. Natigilan siya nang biglang tumanggi ang mama ni Argel. "Don't you think that it's too late na, hija? Look at my watch. It's almost time for us to move on our youngest son's celebration party event. Sorry, hija, but we can't allow you to take a photo with him anymore. Pasensya na, pero pwede ka naman sumunod sa celebration party ni Argel. Right, son?" tumingin siya kay Argel. Nalungkot naman si Apple sabay iniyuko muli ang ulo at sumagot. "Sige po, okay lang po sa akin." Napa-oo siya kahit sa kaloob-looban niya ay masakit iyong pagtrato nila sa kanya. Ginawa siyang camera man ng mga ito pagkatapos ay hindi naman siya pinayagan magpa-picture kay Argel. Pag-alis ng mga magulang ni Argel, ni Selena, pati na rin ang mga magulang nito para hintayin ang driver nila sa labas ng hall papunta sa 5-star hotel kung saan gaganapin ang celebration ni Argel ay lumapit naman ang binata kay Apple habang nakapamulsa at nagsalita nang mahina. "Give me your phone." Nagulat naman si Apple sa sinabi nito at napaharap ang kanyang mukha sa binata. "Bakit?" "Basta, dalian mo habang may oras pa." Pumayag naman si Apple at ilabas na ang kanyang cellphone sa bag saka ibinigay kay Argel. Natuwa siya nang nag-selfie roon si Argel kasama siya. Kahit nasasaktan siya sa oras na iyon ay parang pinawi rin iyon ni Argel dahil sa selfie nilang dalawa habang suot-suot nito ang toga nito. Gusto mang umiyak nito ay parang laging nandyan si Argel to the rescue. Maya-maya pa ay narinig muli nila ang parents ni Argel na tinatawag siya. "Halika, sama ka sa amin para hindi ka na magbayad at pumara pa ng taxi," anas naman ni Argel kaya pumayag naman si Apple. Pagdating nila doon sa kotse na sasakyan nila dapat ay nakasakay na ang lima. Nakatingin silang lahat sa kinatatayuan ni Apple hanggang sa magsalita na naman ang nanay ni Selena. "Pasensya na, hija, pero nakikita mo ba kami? Puno na kami dito sa loob ng van. Pwedeng mag-taxi ka na lang? Eto ang pera. Pamasahe mo." Mas lalong napayuko si Apple at pinipigilan 'wag maluha. Nainis naman si Argel at sinagot ang mama ni Selena matapos niya abutin ang pera na gustong ibigay kay Apple. "Sasamahan ko na lang siyang mag-taxi. Pasensya na po, Tita. Hindi ko po siya kayang pabayaan nang gano'n lang sa daan dahil kaibigan ko siya at medyo mahaba ang pinagsamahan namin. Baka mapaano pa siya. Ako kasi ang pumilit sa kanyang pumunta dito kahit busy siya sa trabaho kaya responsibilidad ko rin kung ano mang mangyari sa kanya." Sumingit naman si Selena. "Wait, sama ako sa 'yo." "Sige, hayaan mo na siya, mare. Argel, anak. Isama mo na sa 'yo pasakay sa taxi si Selena para tatlo kayo dahil medyo masikip na sa van na ito," suhestiyon ng ina nito. Nanikip muli ang dibdib ni Apple. Hindi niya kayang makasama ang dalawa sa iisang kotse dahil nasasaktan siyang nakikita sila. Nasasaktan siyang nasa piling na ng iba si Argel kaya siya na ang tumanggi. "Pasensya na pero mukhang hindi ako makakapunta sa iyong celebration party, Argel. 'Wag mo na akong alalahanin. Ang mahalaga naman ay dumating ako rito sa ceremony at nakahabol pa. Tingnan mo naman ang hitsura ko. Hindi pa ako nakakapagpalit ng uniporme at pagod na rin ang katawan ko. Tsaka may exam din kami kasi malapit na rin ako gumraduate." Pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon ay agad na tumalikod na si Apple para hindi nila mapansin ang nanunubig nitong mata hanggang sa pumatak na ang mga luha nito habang lumalakad palayo ng palayo sa kanila. Gusto man siyang pigilan ni Argel pero siya naman ang pinigilan ng mga magulang at pinapasok na sa loob ng van. Matapos ng araw na iyon, halos i-block na ni Apple si Argel sa kanyang cellphone at social media account. Ayaw na niyang may contact pa siya sa binata dahil halata namang ayaw sa kanya ng magulang nito at pagod na rin siyang umasa at masaktan nang paulit-ulit. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan lang siya nito. MAKALIPAS ang isang buwan . . . Habang naghahanda na siya dahil siya naman itong ga-graduate ng nursing at pinning ay biglang may tumawag sa kanyang cellphone na anonymous number kaya sinagot niya ito. Baka ito iyong mga magulang niya na on the way galing probensya para lang makadalo sa special na araw ng kanyang buhay. "Hello, Ma? Eto na! Malapit na ako matapos mag-makeup! Asan na kayo?" "Hello, Apple. Ikaw ba 'yan?" Biglang natigilan si Apple sa kanyang ginagawa matapos marinig ang pamilyar na boses. "Please naman, oh! Kausapin mo naman ako. Miss na miss kita. Ano ba nangyayari at binlock mo ako sa lahat? Sorry kung nasaktan ka dahil sa pamamahiya ng mga magulang ko. Iyon lang talaga ang naiisip ko na bagay na ikinagagalit mo. Pero 'wag naman sana mauwi sa ganito na kakalimutan mo na lang ako nang tuluyan. Iyong samahan natin? Umalis ka na nga sa trabaho mo nang walang paalam tapos ganito pa ang gagawin mo? Please, stop blocking me na! I swear, gagawin ko ang lahat huwag ka lang magtampo." Pinigilan muli ni Apple ang kanyang mga luha at kinausap ito. "Bakit ka ba tumatawag sa akin? Hindi ka ba nagi-guilty na habang kasama mo ako ay parang niloloko mo na rin si Selena? Baka nakakalimutan mo na ako ang resulta ng pagtataksil mo sa Fiance mo! Pucha naman, Argel. May nangyari sa atin. Bakit 'di mo 'yon makuha! Bakit ayaw mo akong tantanan?" inis na sigaw ni Apple kaya hindi na niya natiis at bumuhos ang kanyang mga luha. "Whoa! Stop bringing the past. Akala ko ba tapos na iyon at kinalimutan na natin? I thought my apologies were accepted?" "Iyon ang akala mo, Argel. Iyon ang sumbat sa akin ng Kuya mo at masakit sa akin iyon! Na sabihan akong isang puta—isang bayaran. Kahit kailan ay hindi iyon mabubur—ang mga nangyari sa ating ng gabing iyon. 'Wag kang tanga, Argel! Ginagawa mo lang ba lahat bilang kabayaran sa pag-angkin mo sa p********e ko? Sagutin mo ako!" "No, Apple. Sincere ang pagtulong ko at hinding-hindi ako humingi ng kahit singkong kapalit. Don't take it that way. I just really miss my bestfriend kasi wala na ako kakwentuhan at kasa-kasama. 'Wag kang mag-alala dahil walang pagtataksil na naganap. The one night stand is our fate at naayos naman natin siya in a good way. I was just contacting you because I miss you as a friend. That's the whole truth. I know that it's your graduation day today kaya kung pwede lang na payagan mo akong puntahan ka to greet you? I beg you, please. Just give me another chance." Napaisip naman nang matagalan si Apple sabay punas ng kanyang mga mata at bumuntong huminga muli sa linya ng kanyang cellphone bago niya sagutin ito. "Ano ngayon kung graduation day ko? Isasama mo na naman ang Fiance mo? Gano'n? Kasi iyon ang utos ng mama mo? Tsaka teka lang, 'di ba kasal niyo na next week ni Selena?" "Hindi natuloy." Hindi alam ni Apple ang sasabihin. Hindi rin niya alam kung kailangan niyang matuwa agad dahil hindi natuloy ang kasal o malulungkot na lang sa balita. "Wait, what do you mean hindi natuloy ang kasal niyo ni Selena?" "Her dad passed away. That's why, in respect to their grieving, our wedding is postponed or extended within one month. Anyway, can I come to your graduation? May regalo ako sa 'yo, bestfriend." Wala namang choice si Apple kaya napapayag siya nito. "Okay, pero kailangan ko muna puntahan sina mama at papa." "No need." Nabigla muli si Apple at napatanong. "At bakit naman?" "Because they are with me—inside my car. Sinundo ko sila sa airport. Baka nakakalimutan mo na alam ko ang phone number ng mama mo?" Natuwa naman si Apple sa balita nito. Pagkatapos niya maghintay sa kanyang dorm at suot-suot na ang uniporme niya sa nursing ay biglang may narinig siyang bumusina sa labas. Dali-dali siyang nagpabango at isinuot sa labi ang mapulang lipstick. Pilit niyang ginagaya kung paano mag-make up ni Selena dahil pakiramdam niya ay nahihibang na siya sa binata. Pagkababa niya ay nakita niya ang van na gamit ni Argel na siyang sinakyan nila noon. Dahil doon ay medyo naalala niya iyong pangit na nangyari. Imbes tuloy nakangiti siya ay medyo napaismid siya. Bumaba naman si Argel dahil siya ang nag-da-drive ng van at lumapit sa kanya. "Buksan mo sa gitna ang pinto ng van para makita mo ang malaki kong regalo sa 'yo ngayong graduate ka na ng nursing. Tinupad mo ang promises natin na sabay tayo ga-graduate sa kurso na pinasukan natin kaya deserve mo 'yon," ani Argel habang nakangisi sa saya at nakapamulsa. Tinaasan naman siya nito ng kilay at pumuwesto sa gitna ng van hanggang sa binuksan niya ito nang malakas at nagulat siyang naroon nga sa loob ng van ang kanyang mga magulang pati na ang Kuya Ronel. Hindi mapigilan ni Apple at biglaan siyang napahagulgol sabay napayakap nang mahigpit sa kanyang Kuya. Hindi niya akalain na dadating pa ito mula Saudi para lang sa graduation niya. "Kuya, akala ko 'di ka makakauwi. Kuya, miss na miss na kita. Miss ka na namin nang sobra nina mama at papa!" Nag-akbayan silang apat na pamilya habang pinapanood sila ni Argel na nakangiti't nakapamulsa. "Tahan na, bunso. Pinilit kasi ako ni Argel na umuwi para lang sa 'yo. Hindi ka pa gumraduate ay planado na niya ito lahat. Lahat daw ay gagawin niya at nakapag-promise naman ako na uuwi ako kung mahanap niya ang Tito natin na kumuha ng lahat ng properties natin. Kaya heto na ako, Apple. Masayang-masaya ako at kumpleto na naman tayong pamilya. Gaya noong nasa Saudi pa tayo." Binuksan ni Ronel ang kanyang bag at ipinakita ang isang brown envelope kay Apple. "Nabawi na natin ang buong natitirang kayamanan natin kay Tito Ramon at nakulong na rin siya. Pwede na tayong magsimula ulit at hindi na rin ako babalik sa Saudi dahil magsasama-sama na tayo simula ngayon." Hindi napigilan ni Apple na maiyak nang sobra na halos mabarado pa ang kanyang ilong. Hinihiling niyang sana ay dati pa nila nabawi ang lahat ng properties ng kanya ama para hindi na siya namaliit ng pamilya ni Argel. Madami siyang tiniis at pinilit niyang sabayan ang environment ng Pilipinas na malayo sa kinalikahan niya sa Saudi. Parang sacrifice ang lahat—lalo na ang magkahi-hiwalay sila ng pamilya niya. Pero ngayon ay mabubuo ulit sila at babalik na naman sa dating estado ng buhay dahil malaki-laki rin ang naipon ng kanyang amang si Adon dahil sa kabi-kabilaang lupa at ibang properties na nabili niya habang nagtatrabaho pa siya noon bilang engineer sa Saudi. "Masaya ako na nakapagtapos ka na ng iyong pag-aaral dahil isa yan sa mga pangarap ko sa 'yo, bunso. Susunod naman niyan ay pumasa na sa board exam. Pwede ka pang humabol ng debut mo kung gusto mo. Tsaka, Magpapakasal na din kami ng bestfriend mo." Nagpakita sa kanya galing pa sa likuran ng van si Michelle—ang bestfriend niya mula high school sa Saudi. Napasigaw si Apple at napayakap sa dating kaibigan na tila 'di mapapantayan ang sayang nadarama niya. "Tinupad mo ang pangarap ko sa 'yo, anak. Hindi ko mapigilang maiyak araw-araw na hindi ko sa 'yo maibigay ang debut na gusto mo. Pero parang may tumupad ng lahat ng pangarap mo. Itong si Argel, siya ang naghanda ng celebration party mo sa isang hotel. Sila ng nakakatanda niyang kapatid. Kaya nagpapasalamat ako nang sobra-sobra sa 'yo Argel. Kung pwede lang na ikaw ang pakasalan ng anak ko ay payag na payag ako dahil kitang-kita ko kung gaano mo siya kamahal. Lahat ng ito ay ibinibigay at ginagawa mo para sa kanya," ani ng matandang si Adon habang naiiyak na sa kaligayahan. "Ay, Tito. Sorry po pero hanggang magkaibigan lang kasi kami ni Apple. Malapit na akong ikasal. Next month na po kaya invited na rin kayong lahat sa wedding namin ng magiging asawa ko. Pero mahaba talaga ang pinagsamahan namin ng anak niyo kaya ko nagagawa lahat ng bagay na ito. She deserves this kind of happiness. Relihiyoso din akong tao kaya siguro ganito ako sa kanya pero 'wag niyo sanang isipin na mayroon kaming relasyon dahil nagkakasala ako sa itaas," paliwanag naman ni Argel na may halong biro. Habang sinasabi niya iyon ay nakatingin sa kanya si Apple na parang ayos lang sa kanya ang pinagsasabi nito pero sa kaloob-looban niya ay para siyang sinasaksak paulit-ulit kaya't sumingit na lang din siya sa pag-uusap ng ama at ni Argel. "Pa naman. Nakakahiya kay Argel na pag-isipan mong may relasyon kami. Wala talaga! Si Papa naman, simula't simula pa lang ay nasabi ko na iyon. 'Di ba, Ma?" Kumindat naman ang kanyang ina dahil sa kanya lang ito naglalabas ng sekreto ukol sa paghanga at pagmamahal sa binata. Tanging ang mama niya lang na si Linda ang may alam ng kanyang malupit na sekreto patungkol kay Argel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD