LUMIPAS ang tatlong taon . . .
Mas tumibay ang samahan ni Argel at Apple. Madalas daanan ni Argel si Apple sa Reception Lobby nito para lang kumustahin o kaya ay madalas niya itong ayain kumain sa cafeteria ng kumpanya. Parang hindi siya nagsasawa gawin ito na pagkatapos sa Aviation Academy ay diretso sa building ng kumpanyang pagmamay-ari ng kanyang ama para lang makita ang matalik na kaibigan. Kaya naman ay mas lalong nahumaling sa kanya ang dalaga—ngunit sa pamamaraan ng patagong damdamin pa rin. Nagkakailangan din sila minsan.
Naging mabuting anak din si Apple sa mata ng kanyang mga magulang dahil sa hindi na niya sila pinabayaan. Dahil mas malaki ang suweldo niya ay nag-ipon na lang siya ng pera para sa kapatid na si Ronel upang makapag-abroad. At hindi siya nasawi sa planong iyon.
Doble kayod silang magkapatid na ginagastusan ang nabubuhay nilang magulang kamakailan. Si Ronel ay waiter sa Saudi habang siya naman ay tapos na sa capping—graduation na lang ang hinihintay niya. Kahit madami siyang absent sa trabaho dahil sa kanyang duty bilang isang nurse ay tuloy-tuloy pa rin ang sahod na kanyang natatanggap dala na rin ng pagkahumaling sa kanya ng kapatid ni Argel na si Denis. Ngunit ayaw niya itong sagutin dahil kaibigan lang din ang turing niya rito.
Isang gabi, sa loob ng mansyon ng mga Pulmano ay nabuksan ang gate at dumating si Denis na lasing na lasing. Kahit nakapambahay si Argel ay dali-dali siyang bumaba upang lumabas at salubungin ang kanyang nakatatandang kapatid.
Nang aalalayan niya ito ay bigla siya nitong sinigawan. "Huwag mo kong hawakan!"
"Kuya, you're drunk."
"No! I'm not. Get your hands off me, you piece of sh*t!"
Kahit pilit siyang itaboy ng kanyang kapatid ay hindi pa rin siya napagod suyuin ito at alalayan papunta sa kwarto nito. Halos madapa pa siya sa hagdan para lang masiguradong naihatid niya ang kuya niya sa kwarto na wala man lang galos. Pagpasok niya roon sa kwarto at pahigain na niya ito ay nagsalita ito nang nakapikit. "Hindi ko alam kung ano pa ba ang kulang? Bakit ayaw niya sa akin? Halos lahat naman ay ginawa ko. Whenever I give her a bouquet of flowers, she keeps rejecting me. Sabi niya, ayaw niya ako paasahin. Ako naman itong si tanga! Bullshit!"
"Sabi ko naman sa 'yo kuya na 'wag mo nang ligawan si Apple. Hindi iyon sanay sa lalake kasi lumaki nga iyon sa bansang iba sa atin."
Tumawa naman nang mahina si Denis. "Mali, mali ka! Inamin niya sa akin na kaya 'di niya ako kayang mahalin ay dahil may mahal na siyang iba! Got it, bro? We're almost done and she doesn't likes me."
"Don't worry. Tatanungin ko siya."
"'Di na kailangan. Bulag ka ba, bro? Ikaw ang gusto niya! Ikaw ang mahal niya. Ikaw ang dahilan kung bakit hindi niya ako kayang mahalin. F*ck this s**t, man. I hate everything about you! Get out of here!"
Nagulat si Argel at itinanggi iyon. "Nagkakamali ka. Magkaibigan lang kami. Malapit na akong ikasal dahil malapit na ako gumraduate."
"I don't need your explaination. Get out!"
Malungkot na umalis si Argel na may halong pagtataka sabay napaisip sa sinabi ng kanyang kapatid.
MAKARAAN ang ilan pang araw . . . habang kumakain si Apple at Argel sa cafeteria ng building.
"Kumusta na ang mga magulang mo?" tanong ni Argel na may pagkaseryoso ang ikinikilos.
"Okay naman sila. Mabuti na't hindi na sila ginagambala pa ng iba naming kaanak sa probinsya."
"How about your dorm?"
Naitanong iyon ni Argel dahil sa hindi na nakatira si Apple sa apartment gaya noon. Nailipat kasi nilang magkapatid ang kanilang magulang sa probinsya matapos nilang pag-ipunan ang gagastusin. Nakikituloy na lang siya sa dorm habang nagwo-working student dahil pinagsasabay ang nursing duty at ang pagiging receptionist niya. Bihira lang din siyang sumipot sa pagiging receptionist dala ng kanyang on-the-job training.
"Maayos naman."
"I just talked to Kuya at binusted mo raw siya ulit kasi may ibang lalake daw ang nagpapatibok ng puso mo. Pwede mo ba sa akin ipakilala iyon?"
Napangiti at kinilig naman si Apple sa sinabi niya. Namula siya bigla sabay nananalangin na sana may clue na ang binata na siya iyon at wala nang iba pa.
Nagulat sila nang tumunog ang cellphone ni Argel. "Oh! I have to go. May susunduin lang ako sa airport."
Nagtaka naman si Apple kung sino iyon dahil ang mga magulang naman ng binata at ibang pamilya niya ay narito sa Pilipinas kaya nagtanong siya. "Sino 'yan, Gel?"
"Basta, sasabihin ko na lang sa 'yo pagdating niya."
Dali-daling umalis si Argel at iniwan si Apple nang basta-basta na ipinagtataka ni Apple. Pagkatapos ubusin ni Apple ang kanyang pagkain ay bumalik na siya sa kanyang trabaho.
MAKALIPAS ang isang oras . . .
Habang wala pa namang pumapasok na tao sa lobby ay inilabas ni Apple ang kanyang cellphone at tiningnan ang mga nasa photo album nito. Puno ito ng pictures nila ni Argel. Minsan pa ay may mga single photo roon si Argel na mga stolen shot niya. Para siyang paparazzi kung kunan ang iniirog.
Napangiti siya at kinikilig sabay ini-zoom niya ito nang mas malapitan sa mukha. "Hay . . . Bakit mahal na mahal kita? Habang tumatagal ay mas lalo kang gumugwapo. Gigil ako sa 'yo, baby ko."
Bigla siyang napa-imagine hanggang sa tumakbo sa utak niya ang nakaraan kung saan siya hinahalikan ni Argel sa labi. Napahawak tuloy siya sa kanyang mga labi. Hanggang sa nadagdagan pa ang imagination niya nang maalala niya kung paano nito kinuha ang p********e niya na parang ingat na ingat ito na 'wag siya masaktan hanggang sa nagpalitan sila ng ulos kahit tumatagaktak ang kanilang mga pawis na magkadikit ang kanilang katawan sa dilim.
Agad na lang siyang natulala at napabulong, "Kailan kaya iyon muling mangyayari? Ano kaya kung pikutin na lang kita, Gel, bestfriend? Ewan ko ba kung bakit hindi mo pa rin ako napapansin? Iyong kagandahan ko at kaseksihan ko. Halos araw-araw akong nagpapaganda. Aminado naman ako na light ang make-up ko. Pero malakas naman ang pabango ko. Lagi akong wet look dahil always naliligo pero parang wa-epek pa rin sa 'yo? Ano pa kaya ang dapat kong gawin para mapansin mo ako? Hindi lang bilang matalik na kaibigan kundi itatalik na ka-ibigan." Natawa na lang siya sa kanyang sinabi.
Bigla niyang naitago ang kanyang cellphone matapos magkagulo sa labas ng building. Iyong mga empleyado sa loob ay nagsilabasan lahat. Biglang may dumating na tila pinapaligiran ng maraming manggagawa ng Pulmano's Company. They showed a respectful bow towards the light outside the revolver door.
Nagtaka tuloy si Apple kung ano iyon. Nang malapit na sa kanya iyong pinagkakaguluhan ng empleyado ay napanganga siya sa ganda ng isang glamorosong babae. Napakaganda nito na kahit kapwa babae ay mapapanganga. Furr ang kanyang dyaket at ang taas ng kanyang takong na nagpapaingay sa marble na kanyang dinadaanan. Maiksi ang mini-skirt niya na halos kita ang maputi at seksi nitong hita pero hindi kabastos-bastos tingnan. Mamahaling branded na purse ang dala at napaka-sopistikadang nilalang na tila lahat ng mata ay magnining sa kanyang awra. Parang na starstruck si Apple sa kanya at napanganga lalo na nang lapitan siya nito kabilang ang mga nakasunod na bodyguards nito.
"I want to meet the President of this company. It's Selena Milagros," sabi nito habang nakatitig pa rin si Apple sa mga labi nitong mala-cherry ang kulay sa lakas ng pagkapula.
Bigla na lang napasingit sa eksena si Argel habang tumatakbo't hinihingal. "Apple, dalian mo. Isulat mo dyan si Selena."
"Ano ba nangyayari sa 'yo, Argel, at para kang batang tumatakbo? Ang tagal mo maglakad, babe! Tara na nga at pumasok na tayo sa elevator," anas ng magandang babae.
Ngumisi naman si Argel kay Apple pagkatapos siyang hawakan ng babae sa baywang at iniwan nila si Apple na tulala. Hindi maipinta kung gaano kaseryoso ang mukha ni Apple matapos din niyang marinig ang co-workers niyang nagbubulungan.
"Grabe! Ang ganda talaga ng Fiance ni Sir Argel. Tsaka nakakakilig! Parang kailan lang ay inaasar natin sila. Ngayon ay malapit na malapit na silang ikasal. Sana invited tayo sa celebration ng kanilang kasal. Ang cute siguro ng magiging babies nila! Super bagay nila at ang lakas talaga ng chemistry, ano?"
Malungkot si Apple na dumiretso sa comfort room at doon niya ibinuhos ang kanyang sama ng loob. Apektado siya sa mga chismosa. Tumingin na lang siya sa salamin habang nakahawak sa sink at kinausap ang sarili. "Kaya pala ang hirap mo akong mahalin, Argel ko. Dahil mas tripleng ganda pala ang ng Fiance mo kesa sa akin. Wala akong binatbat sa kanya."
Hindi niya napigilan ang emosyon kaya dumiretso siya papunta sa HR at isinumite ang resignation letter.
"Hindi po pwede ma'am, Apple," ani HR habang tahimik sila.
"Bakit? Hindi kaya ng schedule ko dahil nagdu-duty ako sa nursing ng OJT at malapit na rin ako maka-graduate. Pagdating noon, baka mamasukan ako bilang nurse sa iba't ibang hospital. Hindi niyo ba iyon naiintindihan, ha?" sigaw niya nang may sumingit na boses na nagpatigil sa pagrereklamo niya sa HR.
"Talaga bang iyong nursing ang dahilan mo—o si Argel? Dahil andito na ang Fiance niya?"
Pagtalikod ni Apple ay nakita niya si Denis. "Bakit ka nandito? Ikaw ba ang rason kung bakit bawal akong mag-resign?"
"Oo, gusto kong marinig mismo ng dalawang tenga ko na si Argel nga ang dahilan ng lahat ng ito. Kung bakit ang hirap mo akong mahalin. I know he's the reason because you feel so insecure with his new girl, am I right?"
Nagsibulungan na lang ang mga nasa HR na parang chismosang atat. Nagdikit naman ang kilay ni Apple sa sinabi nito. "Pwede ba, Denis! Kung ano-anong pumapasok sa kokote mo! Bakit ba hindi mo makuha na ayaw ko sa 'yo!" sigaw muli niya.
"Kasi sa dinami-dami ng mga babaeng nagkakandarapa sa akin at pinaglalaruan ko . . . sa 'yo pa ako nabaliw. Sa isang puta! Akala mo ba hindi ko alam? I was there when we planned to do something crazy about my brother. Nakausap ko ang iyong bugaw. I got all the information. Kaya sabihin mo sa akin, ginamit mo lang ba ang pera ni Argel? Ang pera namin? At ngayon ay aalis ka kasi pinilit mo siyang akitin pero sila pa rin ang magkakatuluyan ng kanyang papakasalan na si Selena?"
Hindi nakapagtiis si Apple at nasampal niya nang wala sa oras ang lalake. Pagkatapos noon ay nilisan niya ang kumpanya habang lumuluha. Nagsimula siyang hindi pumasok o magtrabaho sa Pulmano's Building as a sign of her resignation. Magmula nang mag-resign siya ay panay rin ang text niya kay Argel pero hindi naman siya sinasagot nito. Pakiramdam tuloy ni Apple ay mababaliw na siya.
"Ganito pala ang pag-ibig, Ma. Sobrang sakit na," umiiyak niyang sabi habang kausap ang inang si Linda sa cellphone.
"Oo, anak. Sabi ko naman sa 'yo noong una pa na sulotin mo na 'yang si Argel dahil gano'n ang ginawa ko sa ama mo."
"Ma, hindi ko iyon gawain."
"Kahit na. Kapag mahal mo, handa kang maging selfish."
Nagulat siya nang tumatawag na si Argel kaya sinagot na niya ito agad at binabaan ang ina dahil sa gigil siya.
"Hello, Bestfriend, pasensya ka na kung hindi kita nasasagot. Madalas ko kasing kasama ang Fiance ko na pumili ng mga gown. Inaasikaso ko rin iyong events ng wedding at family reunion namin."
Nainis naman si Apple. "Sure ka na family reunion? Bakit nagkita kami ni Denis noong isang araw sa HR Department? Pinahiya pa nga niya ako, tapos ikaw? Nasaan ka? Bakit marunong ka nang magsinungaling sa akin, Argel? Dahil ba sa andyan na ang Fiance mo? Takot ka sa kanya? Sabihin mo sa akin ang totoo! Bakit 'di kita ma-contact nang dalawang araw? Dati, halos araw-araw ay ang bilis mo maka-reply at madalas mo pa akong kumustahin! Ano ba talaga ako sa 'yo, Argel?"
"Sorry na. Ito naman. Sige na nga. Sasabihin ko na sa 'yo kahit medyo personal. Noong isang araw, kaya ako nawala ay nag-check in kami ni Selena sa may motel at may nangyari na sa amin."
Hindi nakatiis si Apple at bigla na lang bumagsak ang kanyang mga luha at nagpigil sabay inilayo ang cellphone sa bibig para hindi ito marinig ni Argel.
"Hello? Hello, Apple? Andyan ka pa ba? Bakit 'di ka makasagot?"
Matapos ang ilang segundo, bumuntong-hininga muna si Apple at pinunasan ang kanyang mga luha bago niya ulit ilapit ang bibig sa paanan ng kanyang cellphone. "Ah! Maganda iyon at may nangyari na sa inyo sa wakas. Atleast, hindi ka mahihirapan sa first honeymoon ninyo, 'di ba? Sige na, kasi tumatawag ang mama ko."
"Sandali, umiiyak ka ba? Bakit ganyan ang boses mo, Bestfriend?"
"Wala, anong umiiyak ka dyan? Tado ka!" tanggi ni Apple habang tumatawa nang pilit.
"May sasabihin sana ako sa 'yo. Sana pumunta ka."
"Ano na naman iyon?"
"Gusto ko sana na dumalo ka sa graduation ko. Sorry if late ko na sinabi. Graduation ko na sa Aviation Academy. Because you're special to me, I also want you to come. Please, don't hesitate to come to my school, okay?"
"Okay, sige. Para lang sa 'yo ay susubukan ko pumunta kahit medyo hectic ang schedule ko sa hospital na pinagdu-duty-han ko."
Narinig naman niyang tumawa nang mahina ang kausap sa linya. "Okay, don't be sad, bestfriend. You know how much I love you. Be happy always and again, I am sorry if I didn't answer your chats and calls. Okay, I have to go. Tinatawag na ako ni Selena."
Pagbaba ng linya ay lumungkot muli ang mukha ni Apple sabay humiga at binuksan muli ang cellphone niya saka tiningnan ang photos nila ni Argel. Hinalikan niya ito at ngumiti sabay bumulong. "Buti naman at hindi mo ako kinalimutan. Hintayin mo rin ako at malapit na ako gumraduate."