bc

THE ALTER VU OF MARIA

book_age12+
202
FOLLOW
1K
READ
adventure
self-improved
princess
royalty/noble
twisted
bxg
humorous
mystery
royal
like
intro-logo
Blurb

In the magical world of Emerit there are palaces who were trying to build their interest to protect the Emeritians. The Burgandia, Harandia, and Galadia.

Burgandia is the crowning palace which possessed the heart of Elixir wherein the Antagonist Juantorio Gladi from the kingdom of Galgotha desires to steal the magical stone. However, the king and queen of Burgandia have only daughter named Maria Crex who will take her journey in the two dimensional epoch just to fulfill the prophecy of Questas. Would Maria snatch her victory or the Emeritians will be forever doomed?

chap-preview
Free preview
PROLOGO
Alter vu- meaning of an event wherein every invidual have their own different version in what they called multi-universe. Malakas ang buhos ng ulan at ang tanging maaaninag ay ang sala-salabat na kakayuhan, habang ang mata ng kwagong panggabi ang nagmimistulang bantay sa kagubatan. Tilamsik ng tubig sa baku-bakong daan ang nagpagising sa kapayapaan, maging ang halinghing ng mga nag-uunahang unicorn na mayroong sakay na Emeritian ang bumulabog sa kakahuyan ng Galadia. Hinahabol nila ang lapastangang lalaki na sadyang nagmula sa lahi ng Galgotha. Ang naturang lahi, ang nagbigay pasakit sa buong lupain ng Emerit, sapagkat ang ninuno ng binatilyo ang pangahas na nag-umit sa pinakamahalagang Elixir na siyang nagsisilbing puso ng kanilang mundo. Ang Emerit, ay hindi kailanman matatagpuan sa kahit anong mapa, sapagkat ito ay nakapuwesto sa likuran ng ordinaryong kalawakan at nang sarili nitong repleksyon. GALADIA- Doryang Silangan "Habulin ninyo, mga kawal! Hindi pwedeng makalayo ang anak ni Juando dahil siya ang magpapatuloy sa kanilang lahi!" utos ng pinakamataas na hukbo ng Burgandia. Hinatak ang taling nakaangkla sa matulis na sungay ng unicorn, habang matulin ang kanilang pagpapatakbo. "Wooh! Bilisan niyo!" anang kumando. Samantala, sumuot ang lalaking nakasuot ng itim na salakot sa bahaging Galadia upang bulabugin ang mga natutulog na engkantada at elementong naninirahan doon. Nais niyang makarating sa mahiwagang talon, upang makakuha ng kristal na tubig para sa kanyang amang naghihingalo. Sumuot ang binatilyo sa mga naglalakihang bulalak ng Galaxia nang sa gayon ay hindi maabutan ng mga kawal. "Hindi ninyo 'ko mahuhuli!" ngising-asong anas sa sarili. Muling humalinghing ang unicorn sa mismong harapan ng nagkukubling binata, habang ang mga kawal ng Burgandia'y sumisikot-sikot sa buong kakahuyan para lamang hanapin ang prinsipe ng Galgotha. "Ano, nakita niyo ba?" "Hindi, Kumando!" anas ng kawal. "Baka nasa hilagang Galadia!" anang isa pa. "Sige! tumungo kayo sa direksyong hilaga, dito lamang ako sa bandang kanluran." ani Kumando. Dinig na dinig ang pagyanig ng lupa, dahil nagsipulasan ang mga kawal na sakay ng mga unicorn. Maya-maya'y nagpasyang lumabas ang binatilyo at nagmamadaling tumungo sa talon, kung saan mabining dinadaluyan ng kristal na tubig. Nagmamadali nitong sinalok ang maliit na tapayan sa gilid, ngunit nahinto ang binabalak gawin ng lumitaw ang bantay-talon na si Haraya. "Sino kang nilalang na nagmula sa labas ng Galadia at umuumit ng kristal na tubig na nasa aking pangangalaga?" Diretsahang tumingin ang binatilyo kay Haraya saka bumakas ang mapanganib na ngisi. Kapagkadaka'y tinanggal ang salakot na suot, kung kaya bahagyang nagulat ang engkantadang tagapagbantay ng talon. "Isa kang Galgotha?" "At isa ka namang engkantadang hangal!" ngumisi ang lalaki. Kinalauna'y, tumalilis ng takbo palayo ang prinsipe ngunit ikakampay pa lamang ni Haraya ang kanyang baston upang pahintuin ang binatilyo, subalit kaagad naharangan ng mga kawal ang daraanan ng lapastangang binata. "At saan sa tingin mo ka pupunta?" Itinapat ni Kumando sa leeg ng prinsipe ang hawak na sandatang tatlo ang talim. Samantala, lumipat ang nagbabagang mata ng binata sa lider na kawal, habang pumapalag sa mga tauhang kasama nito. "Ikulong sa kastilyo upang hindi makatakas," anang mandirigma. Di katagalan ay binitbit ang binatilyo saka matamang hinablot dito ang tapayang hawak, kapagkadaka'y muling isinaboy ang tubig pabalik sa talon. "Huwag!" hiyaw ng lalaki ngunit nanatiling bingi si Kumando sa pakiusap ng prinsipe. Lumuhod ang ilang kawal sa harap ni Haraya upang manghingi ng paumanhin, dahil tila nabulabog ang kanilang mahimbing na pamamahinga. "Humihingi kami ng kapatawaran sa nagawa ng binatilyong taga-Galgotha," anang kawal. Hindi umimik ang bantay-talon at marahang hinatak ang malapad na talulot ng Kamarilyo, na siyang nagsisilbing pahingahan ng mga diwata at engkantada. Maya-maya'y mabilis na pinosas ang lalaki saka isinakay sa likod ng unicorn, kalauna'y tumulak ang hukbo pabalik sa Burgandia. Ito ang pinakamalaking kastilyo sa mundo ng Emerit na pinamumunuan ni Haring Buendia at Reyna Crexia. Ang mag-asawa ay may mabuting puso para sa kanilang mga nasasakupang Emeritian, na minsang nabihag ng mga taga-Galgotha sa loob ng tatlumpong minuto (Ang isang minuto ay katumbas ng isang taon sa mundo ng Emerit). BURGANDIA-Doryang Hilaga Dali-daling dinala ni Kumando sa harap ng hari ang binatang taga-Galgotha. "Mahal na haring Buendia, nahuli namin ang tagapagmana ni Juando'ng umaaligid sa gilid ng Galadia," Nagkatinginan ang reyna at haring kababakasan ng takot at pag-aalala para sa kanilang mga nasasakupan. "Anong ngalan mo, estranghero? Anong ginagawa mo sa gilid ng Galadia?" maawtoridad ang boses ni Haring Buendia ngunit imbis na sagutin ay nakakainsultong tawa ang pinakawalan ng binatilyo. Naging sarkastiko rin ang ekspresyon ni Juantorio, dahilan upang ipatong ni Kumando ang kanyang sandata sa leeg ng prinsipe, rason para mahintakutan ang lalaki. "Sumagot ka ng maayos kung ayaw mong gumulong ang ulo mo patungo sa entrada ng pinto!" "Kumando!" saway ng hari na siyang dahilan upang humingi ng paumanhin ang kawal. "Anong sadya mo sa kakahuyan ng Galadia, estranghero?" muling tanong ng hari. "Ako lamang naman si Juantorio Gladi na nanggaling sa lahing sasakop sa Burgandia," simpleng tugon nito. "Lapastangan!" hinatak ni Kumando ang binatilyo palayo sa trono ngunit imbis mabahala'y humalakhak ito na parang walang mababakas na takot sa kilos. Malalim na bumuntong-hininga si Haring Buendia bago iniutos sa mga kawal na dalhin sa kulungan ang bagamundong binata. Hindi maikakaila ang pagkabalisang nararamdaman sa mga narinig ukol sa balak nitong pananakop, marahil maisasakatuparan ito sa mga lilipas na minuto. MATULING DUMAAN ANG DAPIT-HAPON at kasalukuyang nasa terasa ang hari, habang tumitingin sa hugis-diyamanteng hantala sa kalangitan. Kalauna'y mayroong malamyos na kamay ang humaplos sa balikat ng ginoo, kung kaya naputol ang pagmumuni-muni ng hari, nang maramdaman ang presensiya ng asawang si Reyna Crexia. "Mahal, hindi ka pa ba matutulog?" "Mauna kana. Tiyak walang kasama si Maria Crex sa kanyang tabi," "Iniisip mo pa rin ba ang mga nangyari kanina?" may pag-alala sa boses ng asawa. "Natatakot lamang ako sa maaaring mangyari, lalo sa kaligtasan ng ating nag-iisang anak." anang hari. Hindi kaila sa mag-asawang si Maria Crex ang magpapatuloy at hahawak sa buong Burgandia, at bilang prinsesa'y kinakailangang makahanap ang hari nang karapat-dapat na prinsipeng may puso para sa Emeritian. Sanggol pa lamang si Maria Crex ay inihahanda na ang prinsesa sa propesiya ni Questas. Ito ang punong nakapagsasabi ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap na siya ring nagbibigay babala sa lupang Emerit sa pamamagitan ng kanyang malalalim na palaisipan. 'Sa pagsapit ng ikalabing-walo, kasiyahan ay titigil at dadanak ang dugo. Bawat isa ay magiging abo, Lupang Emerit ay maglalaho, bunsod ng mga kawal na galing sa Galgotha at haring nagngangalang Juantorio.' "Hindi natin hahayaang mangyari iyon mahal. Isa pa, nakakulong na ang anak ni Juando at ni walang pagkakataon upang makalaya." "Sana nga Crexia, sana nga hindi totoo ang propesiya." niyakap ng hari ang kanyang butihing asawa saka inaya papasok sa kastilyo. ISANG UMAGA'Y naglalaro ang prinsesang si Maria Crex sa bakod ng kastilyo, kung saan kasama ng dalagita ang kaibigang si Pinkie, na nagmula pa sa ikatlong henerasyon ng maliliit na diwata. "Pinkie, bilisan mo baka makawala ang mga pakak!" ang kakaibang uri ng kulay bahagharing palaka sa mundo ng Emerit. "Sandali lamang prinsesa!" anito sa matinis na boses. Tumakbo si Maria Crex sa pinaka dulong bahagi ng bakod, hanggang sa mayroong tumawag sa kanya mula sa isang maliit na butas na kumukonekta sa kulungang matatagpuan sa ibabang bahagi ng kastilyo. "Psst!" sitsit nito. "A-ako?" turo ni Maria Crex sa sarili. "Oo ikaw! Halika rito!" inilabas ng lalaki ang mga kamay sa maliliit na rehas. Akmang tutungo malapit sa butas kung saan, ang tanging matatanaw lamang ay ang mga mata ng kung sinong bihag. "Maria, bumalik na tayo sa loob baka hinahanap ka na ni Dama Wanda!" anang maliit na diwata. "Sandali lamang Pinkie tinatawag niya 'ko!" saad ng dalaga. "Hindi ba, ang bilin ni Haring Buendia'y huwag kang makikipag-usap sa hindi mo kakilala?" kumibot ang labi nito. "Huwag kang mag-alala, mukhang mabait naman siya!" pamimilit dito. "Sige na nga," lumipad si Pinkie malapit sa butas kung saan naroroon ang lalaking tumatawag kay Maria Crex. "Anong maipaglilingkod ko sa'yo, ginoo?" inosenteng tanong sa binatilyo. "Tulungan ninyo 'kong makatakas dito," pakiusap ng lalaki dahilan upang mahintakutan ang diwata. "Naku, hindi maaari ang gusto mo estranghero. Hindi kami ang makakapagpasya niyan kundi ang mismong ama't ina ni Maria Crex." pinanlakihan ng mata ni Pinkie ang prinsesa. "Hindi ako masamang tao, kailangan ko lamang iligtas ang aking ama dahil sa kanyang malubhang sakit. Parang awa niyo na..." bumakas ang kalungkutan sa mukha ng binatilyo. Mabilis dumako ang mga mata ni Maria Crex sa kaibigan, tila humihingi ng simpatyang tulungan ang estranghero upang makauwi ito sa may sakit na ama. "P-Pero, prinsesa?" nag-aalinlangang tugon ni Pinkie. "Nakikiusap ako, Pinkie. Akong bahala na magkwento kina ama't ina," pakikisuyo sa diwata dahilan upang mapakamot na lamang sa ulo ang kaibigan. "Sige na nga! Anong maitutulong ko sa'yo, estranghero?" anas ni Pinkie habang kumibit-balikat ang huli. "Kunin mo ang susi sa mga kawal at ibigay mo sa'kin upang makawala sa madilim na kulungang ito." litanya ng lalaki. Dali-daling lumipad si Pinkie sa loob ng maliit na seldang karugtong ng kastilyo. Gayunpaman ay sinuring maigi ng diwata ang mahimbing na kawal, hanggang sa naisipan nitong hablutin ang susi saka nagmamadaling iniabot sa lalaking bihag. "Pinkie, nakuha mo?" bulong ng dalaga habang nakasungaw si Maria Crex sa mga rehas mula sa maliit na butas. "Oo Maria, heto--" tila hirap na hirap ang diwatang buhatin ang mga susi, hanggang sa napilitan ang diwatang ibigay sa binatilyo. "Kuhanin mo estranghero!" utos ni Pinkie. Padarag na hinablot ng lalaki ang mismong kumpol ng susi, saka nagmamadaling isinuksok sa naglalakihang kandado, rason para magkaroon ng pagkakataong makawala mula sa pagkakabihag. Maya-maya'y, basta na lamang ibinato ng lalaki ang susi sa sahig saka humarap kina Maria Crex at Pinkie. "Humayo ka na at puntahan ang iyong naghihintay na ama," magiliw na pamamaalam ng prinsesa, subalit imbis umayon sa mga kataga ni Maria'y kabaligtaran ang naging reaksyon nito sapagkat bigla na lamang humalakhak ng malakas ang binatilyo. "Talagang naghihintay si ama sa aking pagbabalik..." "Bakit parang maligaya ka pang pinaghihintay mo ang iyong ama?" nagdududang tanong ni Pinkie. "Dahil binihag ako ng inyong mga mahihinang kawal..." "Ano nga palang nagawa mong kasalanan sa kanila?" kuryosong tanong ni Maria Crex. "Wala pa, sapagkat ngayon pa lamang ako magsisimula. Maraming salamat sa'yo prinsesa, dahil ikaw mismo ang naglagay sa mga Emeritian sa bulid ng kapahamakan" ngumisi ito. "Anong ibig mong sabihin?" "Prinsesa Maria Crex Burgandia, ako si Juantorio Gladi na abang taga-Galgotha at magpapabagsak sa inyong natatanging lahi!" "A-Ano?" nangatal ang labi ng dalagita. "Nilinlang mo kami!" anang diwata. "Huwag kayong mag-alala, hindi ko pa iyon gagawin sa ngayon, ngunit sisiguruhin kong babalik ako upang lipulin ang buong Burgandia!" anang binatilyo kalauna'y matuling tumakbo mula sa kwebang daanan patungong lagusan. Bumakas ang matinding pagaalala sa maaaring kahihinatnan ng aming lahi kung sakaling totohanin ng estranghero ang kanyang natatanging pakay. Posibleng mapahamak ang buong Emerit dahil sa nagawang kasalanan laban sa mga magulang. Ilang mili-segundo ang nakalipas ng mayroong maulinagang kumosyon mula sa loob ng kulungan. Samantala, ang bawat hukbo'y nagbibigay hudyat na nakatakas ang pinakamortal na kaaway ni Haring Buendia. "Kasalanan ko ang lahat Pinkie!" nababahalang saad ni Prinsesa Maria Crex sa maliit nitong kaibigan. Nasa ganoong tagpo ang dalawa nang tawagin ng katiwala mula sa palasyo, sapagkat ipinasusundo raw ng amang hari upang makadalo sa nalalapit na pananghalian. Naumid ang dila at nag-aalinlangang sumulyap sa isa't-isa sina Pinkie at Prinsesa Maria dahil sa mabigat na kasalanang nagawa, subalit bilang susunod na mamumuno sa Burgandia at isang responsableng anak, ay kailangang harapin ng dalagita si Haring Buendia upang ilahad ang katotohanan ukol sa pagpapalaya sa prinsipe ng Galgotha. GALGOTHA-Doryang Timog HUMAHANGOS si Juantorio patungo sa ikatlong bundok sa Doryang Timog, kung saan matatagpuan ang kanilang natatanging palasyo. Mula sa bungad ay kaagad siyang sinalubong ng masasamang elementong naninirahan sa kanilang malawak na hardin. . "Bakit tila natagalan ka, Panginoon?" anang engkantong nakaupo sa tuyot na dahon ng Damortis. "Mahabang kwento, Kudyamat. Nasaan ang aking ama?" "Nasaan nga ba ang iyong ama?" balik-tanong nito. Nagtagis ang bagang ng lalaki dahil sa pagbibiro ng kanyang alagang engkanto, hinugot ang maliit na espada saka itinarak sa leeg ng alaga, subalit mabilis na naglaho si Kudyamat habang ang tanging maririnig ay matinis na hagikgik. Ayaw ng binatilyong pag-aksayahan ng oras ang pakikipaglaro sa engkanto. Kung kaya nagmamadaling kumatok si Juantorio sa malaking pintuang papasok sa mismong loob ng palasyo. Datapwat kusa itong bumukas at doon tumambad ang buong sandatahan ng Galgotha'ng nagkukumpulan malapit sa trono ng amang si Juando. Natigilan si Gladi at tila hindi maihakbang ng maayos ang mga paa, halos tulalang naglalakad sa gitnang bahagi ng itim na alpombre ang lalaki. Kapagkadaka'y unti-unting humawi ang buong hukbo, doon pa lamang tuluyang nasilayan ang amang nakahimlay sa malapad na higaang bato. "Bakit hindi ninyo inalagaan ang aking ama habang wala ako? Mga inutil!" dinuro ang mga kawal at dahil sa nadaramang poot ay bumunot ng espada si Juantorio saka mabilisang itinarak sa unang kawal na malapit sa kanyang kinatatayuan. "Ahhh! Pagbabayaran ng Burgandia ang pagkamatay ni Ama! Isinusumpa kong babalik ako upang lipulin sila. Ang kanilang nag-iisang anak ang nais kong kabayaran sa buhay na nawala!" madiin ang bawat salitang namutawi sa labi ng binatilyo. "Ama, pinapangako kong pababagsakin ko ang buong Burgandia sampu ng kanilang lahi!" halos manggalaiti at masugat ang kamay ni Juantorio sa pagkakakuyom ng kanyang kamao. Maya-maya'y kumilos ang prinsipe saka dahan-dahang tinanggal ang koronang nakasuot sa amang hari. Kapagkadaka'y itinaas sa ere kasabay ng pagsaludo ng hukbong Galgotha, hindi dahil ipinagbubunyi ang pagkamatay ni Juando bagkus ito ay sumisimbolo sa bagong pamumuno. "Mapapasailalim mo ang buong Burgandia upang maipaghiganti ang iyong ama,Juantorio Gladi" bulong sa sarili habang walang tigil ang naghihiyawang mga kawal sa panibagong hirang na pinuno ng Doryang Timog. "Mabuhay ang Galgotha! Mabuhay ang bagong panginoong si Juantorio Gladi!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Just Another Bitch in Love

read
39.9K
bc

SILENCE

read
394.0K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
244.9K
bc

Wandering One

read
23.4K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
292.1K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook