Matapos ang ensayo ay panandaliang nagpaalam si Pinkie kay MaCa, ganoon na lamang ang kasiyahan sa puso ng dalaga nang magkaroon ng linaw ang kanilang ugnayan. Ibig sabihin lamang noon ay hindi na niya kailangan magbalatkayo sa dalaga at magiging mas maluwang na'ng sitwasyon o komunikasyon sa pagitan ng bawat isa lalo kay Ricky. Hindi malinaw kay Pinkie ang magaang kalooban sa bata kaya't nagkaroon siguro nang mas mabilis na proseso dahil ginagabayan din ni Emeritus. Nakangiting naglalakad si Pinkie sa gilid ng kalsada pauwi sa kaniyang tinutuluyan nang makita ang pamilyar na bulto. 'Parang kilala ko 'yon ah?' saad sa sarili saka mabilis nagtago sa gilid ng mga halamanan. Maiging mayroong mga puno sa kaniyang nilalakaran. Nagpasiya si Pinkie na hindi muna sumabay kay MaCa kahit inimbit

