"Sayang, hindi man lang ako nakapag-paalam kay Symon. Napabaunan ko man lang sana siya ng paborito niyang Siomai." Damang-dama ni Thalla ang lungkot at panghihinayang sa tono ni Moira. "Ikaw naman kasi, dapat sinaglit mo man lang akong puntahan para sabihin! Ano pa't magkatabi lang naman tayo ng bahay!"
Natatawa siya sa padabog na maktol nito. Muntikan pa itong matalisod sa bato. "Para kang bata Moira! Tumigil ka nga d'yan. May gusto ka ba sa kuya ko?"
Huminto ang kaibigan sa paglakad. Hinarap siya. "Pag sinabi ko 'bang oo, ilalakad mo ko sa kanya?"
"Oo naman!" Sabay tapik niya. "Kaya lang hindi ako sure kung e-effect. Super busy kasi 'nun." Nagpatuloy na ulit sila sa paglalakad. Naroon sila sa hallway ng Science Building. Environmentalist ang course niya habang Social Studies naman ang kinuha ni Moira.
"Pansin ko nga. Okay lang! Sa tamang panahon na lang siguro. Sa ngayon sa'yo ko na lang muna ita-try itong special charm na ginawa ko." Inilabas nito sa shoulder bag ang isang pulang balahibo.
"Ano naman 'yan?" Kunot-noo niyang tanong.
"This is what I called Soulmate Charm."
"Sigurado ka ba d'yan?" Dinampot niya ang balahibo. "Eh balahibo 'to nang tandang ah!" Hindi niya tuloy napigilan ang matawa. Hindi niya masisisi ang kaibigan dahil kung gaano niya gustong umayos ang kapalaran, si Moira naman ay nilamon na ng konsepto ng mga kababalaghan. Her friend believe the existence of witchcraft, divination, and magic. Kahit kasi magkalayo sila noon ay walang patid ang communication nila.
"Thal, promise! Sure ako dito. Kung ano yung nasa libro, sinunod ko lang."
"So buhay pa pala ang librong 'yun? Itapon mo na nga 'yun. Masyado ka nang trying hard dyan sa pinapasok mo. Baka kung ano pang sumpa ang dala noon sa'yo kapag hindi mo tinigilan."
Ang aklat na iyon kasi ay nakuha nito sa lumang bahay nila sa Capiz. Idagdag pa na may lahing Kastila ang lola ni Moira. Pinag-aralan ni Moira ang Latin para lang maintindihan ang mga nakasulat doon. Nito nga lang nakalipas na tatlong taon ay nalaman niyang libro iyon ng kung anu-anong mga spell at charms ayon kay Moira. Totoo man o hindi ang mga nakasulat doon ay lagi niya itong pinapayuhang hindi na dapat pang subukin ang mga charms.
Naputol ang pag-uusap nila nang dumaan ang apat na babaeng sa hitsura pa lang ay mag-mamaganda lang. Makakapal lang naman ang mga make-up nila.
"Old school na naman si Manang, naliligo ka pa ba?" hirit ng flat ang ilong na tinodo ang contour.
"You should try using contact lenses para makita naman 'yang mukha mo girl. Halos sakupin na ng mega eyeglasses mo 'yang face mo eh!" sabat ng nasa gitna at pinakamatangkad. Parang nag-side line pa yata ito sa bar kagabi sa sobrang iksi ng palda nito. Speech choir ding nagtawanan ang mga iyon pagkatapos. At sabay-sabay din silang nilagpasan.
Naiinis si Thalla sa mga ganoong klaseng tao. "Lagi bang ginagawa nila sa'yo 'yun?"
Inirapan siya ni Moira. "Hay naku, hindi ko pinagpapapansin 'yung mga 'yun! Hintayin lang nila may potion akong ginagawa sa mga nag-pi-feeling maganda."
"Seryoso ka ba d'yan?" Naalarma siya sa binitawan nito.
Tumawa si Moira. "Asaness?! Hindi no, hindi ko pag-aaksayahan ng panahon ang mga bisugong 'yun! Mas nag-effort ako d'yan sa Soulmate Charm. Alam kong may matagal ka ng gustong mahanap at makita. Kaya ginawa ko talaga 'yan para sa'yo. Malay natin tumalab, diba?"
Na-touch naman siya sa sinabi nito. "Ikaw talaga, Moira. Ang lakas ko sa'yo." Sa muling paglingon nila sa direksyon papuntang entrance ng Science building ay napansin niya ang isang lalaki sa dulo niyon. Hindi iyon ganoon kalayo kaya aninag niya ang hitsura at tindig nito. Maamo ang mukha niyon. Pero may nakatagong tapang ang mga mata. Sa kanya ba ito nakatitig? Sa reaksyon kasi nito ay parang nalilito iyon sa nakikita. Bigla ay parang bumibilis naman ang t***k ng dibdib niya. Dahil hindi niya maitatanggi na iba ang dating ng lalaki sa kanya. Ang may kalakihang pangangatawan niyon kahit pa naka-long sleeve ito ay kita naman niya. His face was stunning and the most handsome he'd ever seen. Para itong isang modelo. Na-love at first sight na yata siya. Pero may iba pa siyang nararamdaman na hindi niya maipaliwanag. Its like she longed for him for many years. Saan ko naman nakuha ang idea na yun?
"Ay!" Biglang humangin ng malakas. Nilipad ang pulang balahibo. Sinundan nila ni Moira iyon. Hanggang sa bumagsak ang charm sa tapat ng trash bin. Yumuko siya para pulutin iyon nang mapansing may ibang mga kamay na humawak sa charm. Pansin niya din ang pares na sapatos.
Na-excite siyang makita kung ang lalaki na iyon ba ang nahagip niya ng tingin kanina? Lalo't tiyak ni Thalla na dito yata iyon nakapwesto nang matanaw niya.
Sa pag-angat niya ng tingin, nakangiting lalaki ang bumungad sa kanya.
"Sa'yo ba 'to?" nakangiti pa rin nitong tanong.
Matagal bago siya nakasagot. "O-Oo. Salamat." At tuluyan na siyang tumayo at kinuha ang charm.
"O, ano? Nagpakilala ba yung guy na yun?" salubong na tanong kaagad ni Moira sa kanya nang binalikan niya itong naghihintay sa kanya sa pwesto nila kanina.
"Ikaw talaga!" sita niya naman dito. Kung makanguso kasi si Moira ay parang may kung ano nang ibang iniisip ito. "O ayan na yang charm mo. Saka ko na lang kukunin yan." Nakangiti naman niyang ibinalik iyon.
"Pero infairness ah," tapik pa ni Moira sa gawing balikat niya. "He's not my type, pero mukha siyang cool. Titig na titig sa'yo 'te! Mukhang na-love at first sight pa ata sa'yo!"
Wala namang ibang reaksyon si Thalla kundi ang mapailing na lang sa kaibigan. "Ewan ko sa'yo."
Mabuti naman at hindi naman na siya pinatulan pa ni Moira. Nagpaalam na din kasi ito nang makarating sa pupuntahang Admin Office. She heared her own sound pf disappointment. Na sana ay hindi nga napansin ng kaibigan.
Umasa kasi siyang ang makikitang mukha nang pumulot ng charm ay ang lalaking nauna nang umagaw ng atensyon niya kanina. Hindi niya matanggap. Hindi niya alam kung bakit. But her guts is proving deeply that he should be there. Pero iba ang naroon.
Pasimple. Nilinga-linga niya ang paligid.
Makikita pa ba kita?
----
Sa di kalayuan, matiim niyang minamasdan ang babaeng noon lang niya nakita. Iba ang kutob niya rito. Napatitig siya sa mukha nito sa hindi maipaliwanag na damdamin. He don't belive on love at first sight. Yet, he can't really explained what's going inside of him.
Mabuti na lang at mabilis siyang nakalayo, kung hindi ay makakaharap niya ito ng malapitan.
Curios lang ako dahil kasama niya si Moira. Pagpipilit niya sa sarili. Bigla ay may naalala siya.
O baka siya yung kababatang sinasabi ni Marcus na katabi ng kwarto ko?