bc

Purest Veins

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
dark
opposites attract
brave
student
warrior
small town
enimies to lovers
self discover
witchcraft
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

SHE DON'T KNOW WHAT KIND OF BEING SHE IS. Tanggap niya ang sarili at ang kakaibang kakayahan niya.

Hanggang sa makadaupang palad niya ang lalaking lihim niyang nagugustuhan. Natuklasan nito kung ano talaga siya. Siya pala ang nilalang na lubos na kinamumuhian nito!

She started to hate herself. Kung ang katumbas pala ng pagkakakilanlan niya sa sarili ay kapahamakan mula sa minamahal, hindi na sana siya naging Pure Silver...

chap-preview
Free preview
1: Intense Glimpse
Nakatayo si Thalla sa labas ng isang old antic house. Two storey building iyon. Kulay abo ang itaas na bahagi samantalang kumupas naman na ang kulay ng ibaba nito. Patulis din ang bubong niyon. It is creepy yet fascinating from the outside. Na-attract siya sa kakaibang pintuan niyon dahil sa ukit nitong malaking araw. Humakbang siya palapit. Para kasing kuminikinang ang mga sinag sa paligid ng malaking bilog. Hindi napigilan ni Thalla na hawakan ang mga sinag ng pintuan. Napalingon nga lang siya sa likuran at sa ere nang gulatin siya ng napakaraming ibong bigla na lang nagliparan mula sa malaking puno sa gilid ng bahay. But she blinked again. Mali siya. Hindi iyon mga ibon kundi mga paniki. Bigla siyang nakadama ng takot. Bilog na bilog pa naman ang buwan. "Bahay ba ito ng mga maligno kaya ganito na lang ang hitsura?" Nagulat na lang din siya nang ibalik niya ang tingin sa pintuan. Nakabukas na iyon. Kusang naglalakad ang mga paa niya. Hindi niya makontrol. Dinala siya nito sa konkretong hagdan. Paikot ang mga baitang. Inihinto siya ng mga paa niya sa tapat ng isang salaming bintana. Mula roon ay kitang-kita niya ang napakaganda at napakaliwanag na buwan. Sa kabilang direksyon niya ay mayroon ulit na isang pintuan. Parehas na parehas ang hitsura niyon sa main door na nasa ibaba. Hanggang sa may narinig siyang sunod-sunod na kalabog. Nanggagaling ang ingay sa loob ng pintuang iyon. Lumapit siya at pinihit ang door knob. Bumungad ang isang malaking cabinet na nagsisilbing division sa kuwartong naroon. Hayun na naman ang sunod-sunod na kalabog. May nadagdag pang mga mahihinang ungol na lalong nagpatindi sa kagustuhan niyang makita ang pinanggagalingan niyon. Parang may sariling pag-u-usyoso ang mga paa niya nang muling kumilos ang mga ito. Ilang divisions pa ang nilagpasan niya hanggang sa makita ang isang tagpong noon lang ni Thalla nasaksihan sa buong buhay niya. A naked man is on top of a naked woman at the middle of that room. May ginagawa silang kababalaghan. Kakaibang kababalaghan! May kung anu-anong liwanag ang bumabalot sa dalawang nilalang. Kumikinang ang mga iyon. Dinig na dinig na niya ang halinghingan ng mga ito. Ang mga gamit sa loob ng kuwarto lahat nasa sahig, sira at wasak. It seemed they were making out outrageously yet magically... Saksi niya ang buwan na malaya ring pinapanood ang ginagawa ng mga iyon. Kitang-kita niya kung paanong gumiling ng husto ang lalaki. At sa reaksyon ng babaeng kinukubabawan nito ay hindi maitatangging nagmukhang langit ang kuwarto. Tumalikod si Thalla. Hindi niya dapat ito nakikita ng live and intense. Narinig niya pa ang malakas na ungol ng babae. Then... she woke up. Nagising siyang tulala. Naihilamos niya ang mga kamay sa mukha. That dream again. Hindi ito ang unang beses na napanaginipan niya ang lumang bahay na iyon. Kung noon ay hanggang first floor lang ng bahay ang sagap niya at napuputol na, ngayon ay tuluyan na nga siyang pinaakyat sa second floor. At aba, tinodo pa nga at pati kuwarto pinasilip na sa kanya. Boom! With a bed scene pa. Nagiging mahalay na ba ang isip niya at ganoon na lang ang pinagkakaabalahan ng imahinasyon niya? Naguguluhan si Thalla. Lalo't parang serye ito na pinapanabik siya. Pero sa lahat ng eksena ay itong huli ang hindi na niya kinaya pang isipin ang dahilan. Those were just a fantasy! Gigil na napakamot na lang si Thalla sa ulo. "Pambihira! Ano pa ba ang susunod mga dreams? Comm'on tell me." Binagsak niya ang katawan sa kama. Pilitin man niyang ialis sa isip ang nakita niyang tagpong iyon sa panaginip ay alam niyang hindi niya iyon dapat balewalain. Her dreams do come true. Lahat. Iyong iba eksakto, iyong iba in a weird way. But still nangyayari pa rin. Some are warnings while some are precognitions. Kung kaya minsan pakiramdam niya ay may iba yata sa pagkatao niya. "Thal," tawag iyon ng kuya niya sa labas ng kuwarto, si Symon. Kasunod niyon ay bumukas na ang pinto. Nakita siya nitong gising na. "You dream again?" Tumango siya. Pinigil niya ang sariling magkwento. Pero sa reaskyon ng kapatid ay alam niyang hinihintay siya nitong magsabi gaya nang nakagawian niya na. "It's nothing kuya. Just a simple dream lang na may kalaro akong pusa." "Wala naman siguro akong dapat ika-worry dun. Dadalhan kita ng pusa sa susunod. Just call me when something happened or what will happen, okay?" "Aalis ka na ba kaagad?" Bumangon na siya. Ala-singko na rin ng umaga nang tingnan niya ang orasan. "Kailangan Thal, alam mo namang marami pa akong nakabinbin na trabaho sa University. Gaya ng dati, binilin na kita kay Marcus. Isa pa andyan si Moira kaya alam kong hindi ka mababagot dito sa Onali." "Ganyan ka naman lagi. Darating bigla, tapos aalis din kaagad. May bago pa nga ba 'dun?" Ganoon naman kasi palagi ang kuya niya. Palaging busy sa propesyon nito na isang Professor sa isang University. Madalang na madalang silang magkita. Pero hindi naman siya nito nalilimutang tawagan kada linggo. Nilapitan siya ni Symon. Bahagyang ginulo ang buhok niya. Ngumiti. "Ayun oh, may nagtatampo na naman!" "Ikaw kasi eh! Ni hindi man lang tayo nakakain sa labas. O kaya naka-bonding sila Moira at Marcus. Aalis ka na naman kaagad." Tinapik-tapik ni Symon ang balikat niya. "Makakabawi din ako sa'yo, promise! Hayaan mo lang munang matapos ko ang mga naiwan kong trabaho. Kapag okay na, gagawin natin lahat ng mga request mo!" "Aasahan ko 'yan ha!" pandudut-dot ni Thalla ng hintuturo sa pisngi nito. "Siguraduhin mo lang na trabaho talaga yan ah, baka naman may nabuntis ka na doong estudyante!" "Sira ka talaga!" At doon na naman niya sinimulang asarin ang kapatid. Alam na alam na kasi niya kung paano ito bibiruin. Si Symon lang ang lubos na pinagkakatiwalaan niya. Ito na kasi ang tumayong magulang niya nang mamatay ang tiyahin nilang nagpalaki sa kanilang dalawa. Ang totoo, parehas silang adopted ni Symon. Hindi naging madali ang buhay nilang dalawa dahil palipa-lipat sila ng tirahan nang simulang si Symon na ang nagpaka-magulang sa kanya. Palagi kasi silang minamalas noon saang lugar sila mapadpad. Palaging may gulong kinakaharap si Symon, lagi itong napapaaway sa mga hindi niya kilalang tao. Kaya mas minabuti ng kapatid niyang maghiwalay muna sila dahil ayaw nitong madamay siya. Inuusisa niya ito kung ano ba ang problema, pero ang palaging sinasagot nito ay nagkakataon lang daw ang mga away niya. Hindi kasi siya yung taong basta na lang nagpapaapi. Ipaglalaban talaga nito ang sarili. Nang magkahiwalay sila ay naroon ang pag-aalala niya palagi sa kapatid. Pero palaging pinapaalala ni Symon na huwag siyang mag-alala dahil isa yata itong black belter sa karate at kung anu-ano pang fighting skills. Kita naman kasi iyon sa hubog at tinding ng katawan nito. Ngayon nga'y dito siya napadpad sa Onali. Halos dalawang araw na rin siyang nananalagi rito. Matalik na kaibigan ni Symon ang may-ari ng apartment na inuupahan niya, si Marcus. Ang kakambal naman nitong si Moira ang childhood friend niya. Minsan na rin silang napadpad dito noon. Mabuti na lang at internship na lang ang subject niya sa kursong Environmentalist. Sa tulong ni Marcus ay narito siya sa Onali University kung saan ang school na ito ay may sarili ring Agricultural and Ornamental industry. Makakatulong talaga ito sa kanya. ---- Author's Dedication: This is a part of a Trilogy. And I prepared a short book trailer po nito. https://youtu.be/HFAN7k1jZc8 Please do watch po on Youtube. Search my channel: LZinith ph Video title po is: VEINS TRILOGY BOOK TRAILER Don't forget to like, share, and subscribe! Gift nyu na po sakin. ?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

His Obsession

read
104.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook