chapter 1

1178 Words
"I told you, we're done! I don’t want to be in a relationship with you. Mahirap bang maunawaan iyon?" Inis na inis na wika ni Jasmine sa kay Jeff habang ang lalaki ay nanatiling nakatitig lang sa kanya na para bang ayaw nitong maniwala. "Give me a valid reason why are you ending our relationship so suddenly? Nagkulang ba ako Jazz? Tell me? So, I can fix it," wika nito at seryosong siyang tinitigan. "Ayaw ko na! Plain and simple." She crossed her arms in front of her chest. Halos napipilan ang binata sa kanyang sinabi. "What? You're ending our relationship dahil sa ayaw mo na?" "Exactly! Paulit-ulit! Look, I'm serious. At pwede ba, itatak mo ito sa utak mo, we're over and done! And there is nothing you can do to change my mind!" She said with finality. Agad na nagpalakad palayo si Jasmin at agad na iniwan si Jeff sa may gymnasum. Madami ang nakarinig sa kanila kaya halos subrang lutang ang isip at tulala ng binata. Well, nobody can blame him though. Sino ba naman ang hindi matutulala kung ang girlfriend mo ay basta-basta na lang makipaghiwalay sa ‘yo nang walang sapat na dahilan. Jeff was her boyfriend for three months. Isa din itong heartthrob ng Campus nila at varsity player ng baseball pa. Chinito, guwapo, mabait, sweet subalit may pagkaseloso. Kaya siya nakipaghiwalay, dahil gusto lang niya? Nakakaloka 'di ba? She doesn't want to be his girlfriend anymore. Pero iyon siya, eh. Madali siyang magsawa. Naka-ilang boyfriends na ba siya? Hindi niya na 'ata mabilang sa kanyang daliri. At sa bawat relasiyon na pinapasukan niya, siya lagi ang may ganang makipaghiwalay at tumapos. Biglang nag-ring ang phone ni Jasmine. Napangiti siya nang makita na si Kuya Lindon niya ang tumatawag. Sa saya niya, agad niya itong sinagot. "Hello, Kuya!" masigla niyang bungad sa kapatid. "Please tell me nasa airport ka na!" "Then, I won’t tell you! Anyway, nasa school ka pa ba?" seryosong nitong tanong. Alam niyang ginu-good time lang siya nito. She has a feeling na nasa bahay na nito nila. "Kuya gusto ko ng spicy buffalo wings," singit niya sa mga sasabihin pa ng kapatid. "Have you been good?" usisa nito sa kanya na ikinataas ng kilay niya. "Oo, naman. I've been good. Kailan ba ako naging bad?" "Last month, remember? You cut classes," wika ng kapatid na ikinatawa niya. "I hate watching school plays!" "Naku, Jasmine Nephritery, ‘pag malaman ko na naging bad girl ka na naman, hinding-hindi na ako uuwi ng Pilipinas. Kaya umayos ka!" "Kung matitiis mo ako! Kuya, please naman, can you cut the Nephritery? Jasmine na lang! You know, how I hate my second name," wika niya at nagbuntonghininga nang marinig ang mahinang tawa ng kuya niya. "But t I love Nephritery more. It fit you nicely!" "Then, should I start calling you Kuya Lindon Abraham?" wika niya. Imbes na mainis ang kapatid, humalakhak lang ito "Mom gave me that name, so nah! I won’t be harmed if you call me that! See you after school, Little Sunshine." "I love you, Kuya Abraham." "And I love you more... Sige na bibili pa ako ng spicy buffalo wings mo," wika ng kapatid, at pinatay ang tawag. Napahiyaw siya sa narinig. So, tama siya nasa bahay na nila si Kuya Lindon niya. Excited siya tuloy na umuwi na. Kung pwede nga lang na mag-absent siya sa dalawang last subject niya na hindi magagalit ang kapatid ay ginawa niya na. Kumaripas na siya sana pauwi ng kanilang bahay. Lalo na, she misses her Kuya Lindon so much. Mabigat sa loob na naglakad siya sa may pathway patungo sa classroom nila. Nagulat siya nang mapansin na parang hihintay siya talaga ni Yvonne. She smiled as her eyes landed on Yvonne face. Subalit banas siyang tinignan nito at nakakunot pa ang kilay ng kaibigan. Mas lalo pang umasim ang mukha nito nang mapansin ang 'di mapuknat-puknat ang ngiti niya sa labi. Tumigil siya sa harap nito. Pero deadma lang ang kaibigan. Kaya hinila niya ito sa isang shed. Wala pa naman ang kanilang professor kaya malaya pa silang makapag-usap na dalawa. "What's with the face, Yvonne Salarda?" Classmate s***h best bud niya si Yvonne since grade school. At kunsintidor ito numero uno sa mga kanyang kabaliwan. Kahit na minsan ay isa din itong dakilang tagapayo at taga saway niya pagdating sa mga katarantadohan niya. May pagkataklesa ito minsan pero never pa siya nitong iniwan sa ere. "Don't play innocent on me, Jazzy! You know the real reason!" galit ito at parang dismaya. "Magtatanong ba ako kung alam ko?" "Naku, ewan ko sa ‘yo!" Masama siya nitong tinignan. "Looks like you broke someone's heart again and I'm not surprised if you don't look affected." Nagkunot ang kanyang kilay. "Affected? Do I look like one? And why should I be?” Napailing nalang si Yvonne habang pinagmasdan ang mukha ng kaibigan. "Alam kong sanay kana maging center ng humors. As you know, kalat na kalat na sa buong campus ang walang puso mong pakikipag-break kay Jeff. At tama ako, nakipaghiwalay ka dahil napraning ka naman. Ikaw lang yata ang nakipag-break na masaya." "Wow! ang bilis ng balita." She rolled her eyes. "Hindi ka man lang naawa sa tao?" usisa ni Yvonne sa kanya na may pagkadisgusto sa boses nito. "Do I need to? At bakit naman ako maawa? Kasalanan niya. He bores me and wants me to hold me by my neck. You know how I hate when my boyfriend is so demanding. Saka pasalamat nga siya na umabot kami ng three months bago ako nakipag-break sa kanya!" Sarkastikong tiningnan siya ng kaibigan. Hindi ito makapaniwala sa narinig. "Jazzy, hindi ka ba natatakot sa karma? My G! Pang ilan naba si Jeff sa mga lalaking dinispatsa mo ng walang dahilan? People have feelings, Jazzy. They're not toys to play with. Maliban na lang kung parating si Kuya Lindon mo. Tama ba ako? Kaya mabilis pa sa kidlat na nakipag-break ka kay Jeff dahil pauwi na si Kuya Lindon mo." Looks like Yvonne knows her very well. Yes, ayaw na ayaw ng Kuya Lindon niya na magka-boyfriend siya. Kaya nga sa tuwing uuwi ito ng Pilipinas dinidispatsa o nakikipaghiwalay niya kaagad sa boyfriend niya. "No comment,"sagot niya. Wala siya sa mood para makinig sa ano mang sasabihin ni Yvonne. And she hates arguing with her, lalo na’t may punto ito. "Sana, ‘pag ikaw naman ang umibig nang tunay, I hope karma will not reach you. Cause I hate to say these words, 'I told you so'. Mahirap ‘pag nakarma ka." Hindi siya kumibo kahit dinig na dinig niya ang mga sinabi ni Yvonne. Hindi niya .ito pinansin kahit pa sa likod ng kanyang isipan hindi niya maiwasang mangamba na maaring ngang magkatotoo ang winika ng kaibigan. Jasmine remain silent until her last subject. Nagpasalamat siya na hindi siya kinulit ni Yvonne. Habang si Yvonne naman ay napapailing habang pinagmamasdan ang kaibigan. Jasmine is beautiful. Any man would desire her. Pero sa ginawa nito, any man would surely hate her, too.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD