Episode 1
Ala sais y medya na nang umaga nang makarating ako sa ospita na pinagtatrabahuan ko at 30 minutes pa bago ang endorsement namin nang mga kasamahan ko kaya minabuti ko na mag ayos muna nang sarili at mga kakailanganin sa aming endorsement.
"Rose, bilisan mo na ang pag re-retouch diyan kasi malapit na ang oras nang endorsement oh, ang tagal tagal mong gumalaw eh.."
Litanya ko sa kaibigan ko na kasamahan ko sa trabaho bilang nurse attendant sa isang primary hospital sa aming siyudad.
"Oo andiyan na", ang tanging sagot ni Rose sa akin.
Naupo na kami pareho ni Rose para makapagsimula na ang isa sa aming kasamahan na outgoing galing sa night shift.
Nang matapos ang endorsement ay nagkanya kanya na sina Rose at Mae sa kani - kanilang mga gawain. Pareho silang na assign sa out patient department nang araw na yon nang may lumapit kay Mae na isang pasyente para pagpa check up.
"Hi Miss, magpapa check up sana ako, may doctor na po ba kayo sa oras na to?"
"Ay, opo sir, may record na po ba kayo dito? or nakapag pa check up na po ba kayo dito?"
"Wala pa Miss" sagot niya.
Kaya kumuha ako nang index card para maisulat ko ang mga personal information niya at para macheck up xa nang doctor namin. Kinunan ko xa nang temperature, pulse rate at blood pressure at pinatimbang na din.
"Sir ano po ang pangalan niyo? Edad at taga saan po kayo? at kaylan ang bitmrthday ninyo? tanong ko sa kanya.
"Lee Ygloria po, 22 years old, taga City Heights, General Santos City. June 06, 1987 ang birthday ko.
Habang sinusulat ko ang kanyang information, bigla na naman xang nagsalita.
"Ah Miss, tinanong mo na ang pangalan ko pero di mo pa sinasabi ang pangalan mo sa akin." bigla niyang tanong.
"Ah sir, pasensiya po, Mae po pala Sir ang inyong lingkod, sabi ko. Ano nga po ang chief complain niyo sir bakit kayo magpapa check up?
"Ah, eh masakit yong dibdib ko eh, parang may kumukurot, tapos kanina nang makita kita medyo naging maganda na ang pakiramdam ko, ang sabi niya.
"Ay ganon po ba sir, oh eh di okay na pala kayo, so hindi na natin kaylangang magpa check up, sabat ko sa kanya na may kunting inis."
Sabi niya "Ay hindi, ito naman di mabiro eh.. Ang totoo niyan, masakit ang tagiliran at balakang ko, mga tatlong araw na siguro ito."
"Ah, sige po, maupo nalang po muna kayo habang hinihintay po natin c Dok."
Pumasok ako sa loob nang lalagyan ng records namin at nandoon si Rose at isinasalansang ang mga index cards sa lalagyanan.
"Oy, Gang pogi yong pasyente mo ah" tukso niya saken.
"Tigilan mo ako, Rosemina! sabad ko sa kanya. Ang presko at feeling close sa akin, nakakainis!
"Hala ka gang, diyan nagsisimula yan! patuloy niya.
"Tse! ikaw ha, tigil tigilan mo ako, wala akong panahon sa mga ganyang bagay.. Alam mo naman na di ko yan priority sa ngayon, di ba?
"Oo nga, pero malay mo naman siya na pala ang the one mo, sabad ulit niya.
Sabi ko "tumigil ka na nga at baka marinig ka pa, naka bukas pa naman ang pintuan ang lakas lakas pa talaga nang boses mo..
"Eh bakit ka natatakot na marinig niya aber?"
"Gaga ka talaga, eh siyempre ngayon pa lang natin nakita yan, malay mo ba kung masamang tao yan, litanya ko sa kanya.
"Grabe ka naman, masamang tao agad" sagot naman niya saken.
"Siya, cge na andiyan na si Dok magsisimula na yong mag check up sa mga pasyente niya at pwede ba, tigil tigilan mo ako diyan sa kabaliwan mo.
Lumabas nalang ako at bumalik sa mesa ko, habang si Rose ay patuloy pa din ang panunukso saken. Naiwan c Rose sa loob nang records section at inasikaso ko isa isa ang mga pasyente.
Habang nakaupo ako sa aking mesa, panakaw kong tiningnan c Lee. Tama nga c Rose, pogi nga siya, at bagay sa kanya ang medyo singkit niyang mata sa bilugan niyang mukha. Habang nakatingin ako sa kanya ay bigla siyang nag angat nang tingin sa gawi ko at ako na man ay yumuko.
"Naku! parang nahuli pa yata ako na nakatingin sa kanya ah.. Diyos nakakahiya."
Sa mga panahong iyon parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa sa sobrang kahihiyan.
Pagkatapos nilang ma check up, binigay ko sa kanila ang kani kanilang reseta at ini- endorse sa pharmacy para bilhin ang mga gamot nila at magbayad.
After a few minutes, Lee came out from the doctor's check up room and he handed his index card and his prescription.
"Miss Mae, ito na ang reseta ko, paano ko ba ito iinumin?" tanong niya.
"Ummmm, Sir bali ito isa tatlong beses sa isang araw tapos itong isa dalawang beses lang sa isang araw, tapos uminom ka po nang maraming tubig" explain ko sa kanya.
"Ah okay sige, ganon lang pala" sagot naman niya.
"Yes po Sir, ganon lang po.
"Huwag mo na akong tawaging Sir, Lee nalang, ang pormal mo naman" sabi niya.
"Ay pasensiya po, patient po kasi namin kayo eh." sabi ko naman sa kanya.
"Pero kung sakaling di mo na ako pasyente, pwede bang Lee nalang ang itawag mo sa akin? tanong niya.
"Ay naku sir, malabo po yan."
"Bakit naman malabo?" Siya nga pala Miss Mae, pwede ba akong makahingi nang number mo?
"Ah sir wala po akong telepono"
"Sige na Miss Mae, para kung may mga tanong ako tungkol sa gamot ko, eh tatawagan or itetext nalang kita" sabi niya.
"Wala nga po Sir, Sige na po tinatawag na po kayo sa may pharmacy." taboy ko sa kanya.
Tumalima naman ito at maya maya ay bumalik.
"Miss Mae, sige na." para di ba mag text ka nalang kapag mag order kayo nang stocks niyo di ba?" pangungulit niya.
"Ang gulo niyo naman Sir eh" inis kong sabi.
"Sige na Miss Mae" pangungulit niya uli.
Kaya para matigil na xa, ibinigay ko sa kanya ang dati kong numero.
"Sige na nga ho, ang kulit niyo naman eh"
"Hay salamat, mabuti naman at umepekto ang kakulitan ko, salamat ha" sabi niya nang pangingiti pa.
Nang umalis c Lee ay biglang lumabas si Rose mula sa Records Section.
"Akala ko ba, di mo type, bakit mo binigyan nang number, huh? panunukso niya.
"Tigilan mo nga ako, dati kong number ang binigay ko at di ko na yon ginagamit noh" sagot ko kay Rose nang bilang may sumabad sa usapan namin at si Lee pala yon, narinig ang pinag - uusapan namin na ang buong akala ko ay naka alis na..
"Maiwan na kita gang" sabay pasok sa loob ng Records Section.
"Miss Mae ang daya mo naman eh, di mo pala number yon," sabi niya.
"Hindi ah, numbet ko pa din yan" sagot ko.
"Sige, imi-miss call ko ha kung talagang naka on pa" hamon niya saken.
Sabi ko naman, "Sige miss call mo para malaman mo".
At nakontento naman siya dahil nag ring ito, sabay sabing "Sige, alis na ako.. itetext kita mamaya ha, tapos mag reply ka ha".
Napapaisip ako sa ginawa ko dahil ibinigay ko ang number ko sa isang estranghero.
Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa dami nang pasyente namin at uwian na pala, kaya nag ayos na ako nang mga gamit ko at nag endorse na sa susunod na shift.
Habang nasa biyahe pauwi, sumagi sa isip ko ang mukha ni Lee at kung paano niya ako kinulit kanina. Hindi ko lubos maisip na nagawa ko ang mga bagay na yon.
"Siguro naman binibiro lang ako non at pinagtitripan, wala lang siguro siyang magawa" sabi ko sa sarili ko." Pero kung saka sakali din naman ay siguro kilalanin ko muna xa, patuloy ko sa pagbibigay konsiderasyon sa nagawa ko.
Hanggang sa dumating ako sa bahay namin na siya pa rin ang nasa isip ko. Naligo ako at nagbihis, pagkatapos ay sinipat ko ang luma kong cellphone at nakita ko na may miscall pero hindi ako sigurado kung si Lee nga yon, kaya hinayaan ko nalang. "Akala ko bah, itetext niya ako? Hindi naman pala! hmmmmp! tanong ko sa sarili ko na umaasang itetext niya ako. Sa disaapointment ko nagtungo ako sa kusina para magluto nang hapunan namin at pagkatapos ay naghain na ako.
Habang kumakain, biglang nagsalita ang kapatid ko.
"Ate, parang may nagtext don sa luma mong cellphone kasi tumunog yon kanina" sabi niya habang ngumunguya.
"Sino naman?" tanong ko
"Hindi ko alam" sagot niya.
"Sige, hayaan mo nalang yon, titingnan ko mamaya, salamat" sabi ko.
Nang matapos kaming maghapunan, nagpresenta na ang kapatid ko na siya ba ang maghuhugas nang pinagkainan namin, kaya pumasok ako sa silid ko para i-check yong sinabi niyang text at nakita ko na may unknown number na nagtext.
"Hi Mae, good evening. this is Lee yong pasyente niyo kanina. Kumusta ka? Dumaan ako doon kanina pero nakauwi ka na daw."
Tinitigan ko lang ang screen ng cellphone ko at nagulat ako nang bila itong tumunog.
"Hi Mae, bakit di ka nagrereply? nakukulitan ka ba saken? or baka busy ka lang. Reply ka naman kapag may oras ka. Salamat, ingat ka palagi" at may heart emoji sa dulo nang message niya.
Hinayaan ko lang ang message niya at hindi ko din nireplyan kasi wala din naman akong load. Nagbasa basa nalang ako hanggang sa nakatulog na.
Kinabukasan tumunog ulit ang luma kong cellphone at walang ibang nag message kundi c Lee.
"Good morning Mae! Musta ang tulog mo? Ingat ka papunta sa trabaho mo ha, have a great day ahead."
Napangiti nalang ako at bumangon para maghanda papasok sa trabaho.
Nang nasa biyahe na ako, napaisip ako kung bakit hindi ko siya bigyan nang pagkakataong makilala. "Siguro naman malinis ang intensyon niya" sa isip ko.
Di ko namalayan na nakarating na pala ako sa ospital at muntik pang lumampas.
Sa araw na yon, sa floor ang assignment ko. Medyo may oras pa ako para mag ayos sa sarili ko kaya pumasok ako sa comfort room para magsuklay at maglagay ng lipstick at pulbo sa mukha pagkatapos ay nagsimula ang kaming mag endorse.
Pagkatapos nang endorsement, chineck ko isa isa ang chart ng aming mga pasyente. Ang vital signs records kung na plot ba, ang intake and outpuy nila saka ako nag rounds sa mga pasyente ko sa kwarto nila.
Lee POV
Maaga pa lang ay nasa opisina na nila c Lee. Naglo-load na xa nang mga idedeliver nila na softdrinks sa karatig lugar nang makita siya ni Paul, isa sa mga kasamahan niya sa trabaho.
"Pre, ang aga yata nating pumasok ah, may sakit ka ba? Isa yata itong isang malaking himala! pang aasar nito sa kanya.
"Kung may sakit ako, wala ako dito ngayon andon ako sa ospital na pinagpa check upan ko kahapon, ulol!" buwelta ko naman sa kanya.
"Oh anong nakain mo at ang aga mo ngayon ha? tanong niya saken.
" Kasi Pre, bago tayo tumulak nang Maasim daan muna tayo don sa ospital" sabi ko.
"Sabi na nga ba tinamaan ka nang lintek eh, mahuhuli tayo sa mga deliveries natin niyan eh kapag dumaan pa tayo doon ngayon. Mamayang hapon nalang tayo dumaan bago tayo gagrahe" sagot niya.
"Sige na Pre, di na natin kasi yon maabutan kapag ka hapon pa tayo dumaan eh, kagaya kahapon. Saka tinext ko kagabi at kaninang umaga di ako nireplyan eh."
"Tinamaan ka noh? baka kaya hindi nag reply kasi baka hindi ka type non." pang aasar niya.
"Kaya nga suyuin ko dahil baka nakulitan. Ichecheck ko lang ang stocks nila para di masyadong halata" alibi ko.
"Sabi niya "ayan tayo eh noh" mag aalibi pa nang ganyan."
"Sige na Pre, bilisan na natin ang pag load para di tayo mahuli sa deliveries natin" sabi ko sa kanya.
At nang matapos kami ay binaybay na namin ang National Highway papuntang Maasim at madadaanan namin ang ospital na pinagtatrabahuan ni Mae. Excited akong makita siyang muli. Habang nasa daan panay ang tukso nang mga kasamahan ko saken, tinamaan daw ako sa isang babaeng kahapon lang nakilala. Napaisip din ako kung bakit ganito na unang kita ko pa lang sa kanya ay parang ayaw ko nang mahiwalay pa. Hanggang sa nakarating kami sa ospital na pinagtatrabahuan niya at dali dali akong bumaba. Sa pharmacy ako dumiretso para magtanong kung may stocks pa sila nang softdrinks para doon sa canteen nila.
"Good morning Ma'am, sa panel po nang softdrinks tanong lang po kung kukuha kayo ngayon?" wika ko.
"Good morning Sir, meron pa po, baka next week nalang po kami magpapa deliver" sabi naman niya.
"Ah sige po Ma'am balik nalang po kami nect week." sagot ko naman.
"Sige ba" sagot niya.
At siyempre hindi naman talaga yon ang pakay ko kaya pa simple akong nagtanong kung nasaan si Mae kasi di ko siya nakita sa pwesto niya kahapon.
"Ah Ma'am, magtatanong lang po, Asan po c Miss Mae? iba po yata ang nakaduty sa may out patient department niyo."
"Ah si Mae bah, sa floor siya na assign ngayon, bakit may kaylangan ka sa kanya?"
"Ah wala naman po, gusto ko lang sana siyang makita".
"Ah ganun bah, pasok ka lang doon, sa may nurse station, magtanong ka lang."
"Pwede ho ba? Ah sige po, pupuntahan ko nalang. Maraming salamat ho."
Papasok na ako sa pinto malapit sa emergency room nang ospital at nakita ko agad ang nurse station, pero wala doon ang taong gusto kong makita, kaya minarapat kong magtanong.
"Excuse me Ma'am, good morning. Andiyan ho ba c Miss Mae?"
"Good morning, ah yes sir nasa bedside lang po. Paki hintay niyo nalang po at tatawagin ko."
"Sige, maraming salamat" ang sabi ko.
Nasa lobby pa lang siya ay nakita ko na siya papunta sa kinaroroonan ko.
"Yes sir, good morning! Ano po ang kaylangan nila? tanong niya.
"Hi good morning! Ummmmm, magtatanong lang ako kung may stocks pa kayo?" pag aalibi ko.
"Sir sa pharmacy nalang pi kayo magtanong sula po kasi ang nakakaalam sa stocks ninyo eh." sagot naman niya.
Nahihiya akong kumakamot s batok ko sabay sabing " ang totoo Miss Mae, andito ako kasi hindi ka nagrereply sa mga text ko eh."
"Ha? Bakit kaylangan ko bang replyan ang messages mo? Obligado ba akong magreply?" mataray niyang sagot.
"Ay hindi naman, baka lang kasi eh nagalit ka saken sa pang iistorbo ko sayo eh, pasensiya ka na ha" agap ko.
"Sige na okay na yon, excuse me ha at may gagawin pa ako" sagot niya.
"Sige maraming salamat at pasensiya ka na. Itetext nalang kita ulit mamaya ha."
Napakamot ako nang ulo habang pabalik na ako sa aming panel truck. At nakita pala ako nang mga kasamahan ko kaya inulan na naman ako nang pang aasar.
"Oh ano pre, kumusta ang pakikipag kita mo sa Nurse attendant mo? Bakit parang nasabon ka?" sabay tawa tanong saken ni Paul.
" Nagalit sayo noh? Nagsisimula ka pa nga lang pumorma parang basted ka na ah" gatong naman ni Regie.
"Kayo talaga, ako bahala diyan, lalambot din saken yan" pagmamayabang ko sa kanila.
"Sige nga tingnan natin ang yabang mo" sabi ni ulit ni Paul.
"Oo, makikita mo, susuyuin ko yan araw araw" sagot ko naman kay Paul.
Tumulak na kami papunta sa lugar nang mga deliveries namin na inspired dahil kahit papano ay nakita ko si Mae kaninang umaga. Hindi ko din maipaliwanag ang sayang nadarama at sa tanang buhay ko, nang mga panahong ito, ngayon lang ako nagkaganito.
Pagdating namin sa Maasim, nagtext agad ako kay Mae na nakarating na kami, subalit hindi pa rin niya ako nirereplyan.
"Hi Mae, good morning! Pasensiya ka na ha kung makulit ako, gusto lang talaga kitang makilala. Sana ay maintindihan mo."
Hanggang sa dumating na ang pananghalian hindi pa rin siya nag rereply. Nag text ulit ako sa kanya.
"Hi Mae, kumain ka na ba? Kain tayo. Tanghali na oh, huwag kang magpapalipas nang gutom ha, Halong" text ko sa kanya.
Hapon na, subalit wala pa rin siyang reply. Napagtanto ko na huwag na siyang kulitin dahil baka mas lalo siyang lumayo saken at hindi na ako papansinin.
Lumipas ang ilang araw nang wala akong paramdam sa kanya, noong minsan na nagdeliver kami ng softdrinks sa ospital na pinagtatrabahuan niya ay hindi ako bumaba nang panel truck namin.
Mae POV
Nakaparada sa labas nang ospital ang panel truck nang softdrinks na nagdedeliver sa amin, pero ni anino ni Lee wala akong nakita.
"Ah baka, busy lang kaya hindi bumaba, baka may ginagawa lang loob nang sasakyan" oh baka naman tumalab na sa kanya ang pagsusungit ko. Sana lang ay huwag na akong guluhin pa nang lalaking yon."sabi ko sa sarili ko.
Ilang araw pa ang lumipas ay talagang wala nang paramdam si Lee saken. Chinecheck ko ang luma kong cellphone kung nagtext siya saken subalit wala talaga.
"Hmmmm, wala pala eh, kunting sindak lang, wala na, akala ko pa naman pursigido ang lalaking yon. Hmmmmp! bahala na nga siya sa buhay niya!" pag aalo ko sa sarili ko.
Maya maya pa ay tumunog ang telepono ko, at iniluwa sa screen ang pangalan ni Lee. Tumatawag siya.
"Sasagutin ko bah ito?" tanong ko sa sarili ko.
Ilang segundo nang tumutunog ang telepono ko at namalayan ko nalang ang sarili ko na sinasagot ko na pala ang tawag niya sa kabilang linya.
"Hello?"
"Hi Mae, good afternoon. Kumusta ka? mabuti na man at sinagot mo tawag ko" sagot niya sa kabilang linya.
"Sino to? " pagkukunwari ko.
"Si Lee to, ito naman ilang araw lang akong hindi nagparamdam, nakalimutan mo na agad ako" mahaba niyang sabi.
"Ah oo, naalala ko na. Oh bakit ka napatawag?" tanong ko sa kanya.
"Wala ka sa ospital napadaan kasi ako doon kanina, hindi ka daw pumasok. Bakit? Anong nangyari sayo?"
"Ah, naka day off ako ngayon. Bakit ba?" pagsusuplada ko na naman sa kanya.
"Wala naman. Baka gusto mong lumabas?" pag aaya niya.
"Marami akong ginagawa, sige na ibaba mo na tawag mo" pambabara ko.
"Sige na" pilit niya.
"Pwede bah, tigilan mo na nga ako" sabi ko sa kanya, sabay hang up nang phone.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kapag wala siya hinahanap hanap ko, pero kapag andiyan naman, naiinis ako.
Kinagabihan, hindi ako makatulog sa kakaisip kung ano ba ang dapat kong gawin. Binabagabag ako sa mga actions ko lately towards Lee. Am I too harsh to him? or maybe I am just protecting myself from him, but why? Wala naman akong nakikitang mali sa ginagawa niya. Hanggang sa nakatulugan ko na ang isiping iyon.
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa tunog nang telepono ko.
"Rise and Shine Miss Beautiful"
"Andito na naman ang mokong na ginulo ang isipan ko" maktol ko.
A few minutes after, I found myself typing a message on my other phone towards Lee.
"Ang aga mong nangbulahaw ah" reply ko sa kanya.
"Good morning Mae! Hay salamat nagreply ka na din. Sorry if I wake you up ha."
"Eh anong maganda sa morning? kung kanito kaaga ay binulabog mo ako, aber?"
"Pasensya na po :)."
Hindi ko na siya nireplyan at naghanda na ako para pumasok. Paalis na ako nang tumunog ulit ang telepono ko.
"Halong ka". (Halong is an Ilonggo word means "Take Care") text message ni Lee.
Napangiti ako nang makita ko ang message niya. "Sweet pala tong taong to" sabi ko sa sarili ko.
Habang binabagtas nang sinasakyan ko ang daan papunta sa ospital napagtanto ko na what if, i will give him a chance? What if I will let myself to know him more? What if I will let him in into my life? So that I will know the answers of all my what ifs.
Dumaan ang ilang oras at pananghalian na nang magtext ulit si Lee saken.
"Eat your lunch Miss Beatiful"
"You eat your lunch as well."
"Thank you"
"Thank you for what?"
"For replying my message"
"You're welcome."
"Does it mean, we're friends?"
"Yeah sure".
"Thank you again for letting me to become your friend."
"You're Welcome."
Nang mga panahong iyon, nakaramdam ako nang kasiyahan sa aking puso. Gumaan ang pakiramdam ko.
Uwian na, habang naghihintay ako nang jeep sa tapat nang ospital nang biglang bumusina ang panel truck na minamaneho ni Lee.
"Hi Mae, sakay na hatid ka na namin sa inyo." sigaw niya.
"Naku huwag na. Nakakahiya naman sa mga kasama mo. At saka hindi tayo kasya diyan" pagdadahilan ko.
"Naku hindi, kasya tayo dito. Halika na" sagot naman niya.
"Oo nga Miss Beautiful, kasya tayo dito, uurong kami dito sa likod para hindi ka mahirapan" sabad naman ni Paul na kasamahan niya.
"Sige na nga" sabay akyat sa truck.
Hinatid nila ako bago sila pumunta nang opisina nila. Nadadaanan kasi ang bahay namin papunta sa office nila. At doon na nagsimula ang magandang pakikitungo ko kau Lee. Palagi na siyang bumibisita sa bahay pagkatapos non.
Lee POV
Nagulat ang mga kasamahan ko sa trabaho nang bigla akong napasigaw.
"Ang saya!".
"Ayan tayo eh, parang nanalo sa lotto ah"! kantyaw ni Paul.
"Siyempre naman! Nakita mo naman na binubuksan niya na ang pinto niya saken oh" sagot ko naman kay Paul.
"Oo na, napalambot mo na ang supladang 'yon, so ano nang plano mo?" tanong niya.
"Pre, dahan dahanin lang natin, huwag nating biglain, bago pa lang tayo pinagbuksan eh. Baka kung idaan natin sa mabilisan eh baka mabigla at lalayo. Suyo suyo lang muna" mahaba kung sabi.
"Oh siya, ikaw na ang bahala, basta susuporta lang kami sayo." sagot naman niya.
Pagkatapos naming mahatid ang panel truck, umuwi ako nang may ngiti sa aking labi. Sayang di maipaliwanag. Pagdating nang bahay naligo ako at kumain na. Nang nakahiga na ako, naisipan kong itext si Mae.
"Good evening Mae. Kumusta ka na? Salamat nga pala at sumabay ka sa amin kanina. At saka pasensya ka na sa mga kasama ko ha, mga loko loko kasi yon eh."
"Naku, ako nga dapat magpa salamat eh, kasi nakalibre ako nang pamasahe. Pwede bang araw arawin?" biro ko.
"Sige bah, yon lang pala" sagot ko.
"Naku, biro lang. Ito naman! Nakaka istorbo pa ako sayo."
"Hindi, okay lang talaga".
"Sige na magpahinga na tayo, maaga pa tayo bukas." awat ko na sa kanya.
"Sige Mae, good night. Halong"
"Sige good night!"
Nakatulog ako nang may ngiti sa labi, kasi finally nakakatext ko na siya nang ganito. Sobrang sarap sa pakirdam.
Sa paglipas ng mga araw, naging linggo hanggang umabot na nag buwan, nakikita ko na komportable na si Mae sa presensiya ko. Hanggang sa naipakilala niya na ako sa pamilya niya.
"Good morning Mae, may gagawin ka ba mamaya? Pwedeng bumisita sa inyo?" text ko sa kanya.
"Wala naman, bakit?" sagot naman niya.
"Wala lang, para mas lalo pa kitang makilala." reply ko naman.
"Diyos ko! Di ka ba nagsasawa sa pagmumukha ko? Araw araw pa tayong nagtetext."
"Hindi nga eh, mas gusto ko nga na magkasama tayo palagi eh"
"Ay naku! Umayos ka"
"Sige na ha, mamaya punta ako diyan sa inyo".
"Bahala ka, andito ang buong angkan ko"
"Okay lang yon, para makilala ko sila"
"Huh? Hindi ka natatakot sa parents ko, Lola ko, Uncle ko at mga kapatid ko? Idagdag mo pa ang mga pinsan ko" pananakot niya saken.
"Bakit naman ako matatakot sa kanila, hindi naman nila siguro ako babalatan nang buhay, ano?"
"Depende, mamaya pa yan sila mag isip kung anong gawin nila sayo pag andito ka na" sabi niya.
"Okay lang yon, basta punta ako diyan mamaya"
"Ikaw ang bahala kung ihahatid mo talaga ang sarili mo sa kapahamakan" reply naman niya na may smiley emoji sa dulo.
"Okay lang mapahamak kung andiyan ka" sagot ko.
"Eh di bahala ka, see you later" may smiley emoji sa dulo.
Pagkatapos nang trabaho ko, umuwi ako sa bahay at naghanda sa pagpunta kina Mae.
Pagdating ko sa kanila, andon nga ang pamilya niya.
"Good evening po" bati ko sa kanila. "Si Mae po?"
"Nasa loob, sino ka?" tanong nang di katandaang lalaki ngunit malaki ang katawan.
"Si Lee po, kaibigan ni Mae" sagot ko.
"Pasok ka at tatawagin ko lang."
Tinawag nang lalaki si Mae at pinaupo niya ako sa may terasa nila.
"Andiyan ka na pala!" sabi ni Mae mula sa kusina.
"Oo, pasensiya na di na ako nagtext na papunta na ako". sagot ko.
"Okay lang, halika dito sa kusina andito sila mama" yaya niya.
Ngayon lang medyo kinabahan ako, kasi ipapakilala niya ako sa pamilya niya. Tumayo ako at tumungo sa kinaroroonan nila.
"Lee pamilya ko, si Mama ko, Papa ko, Lola ko, pinsan ko, Tito ko at mga kapatid ko" sabi niya.
"Guys, si Lee kaibigan ko."
"Hello po" tipid kong sagot.
"Nanliligaw ka ba sa anak ko? Tanong nang tatay ni Mae.
"Ha? ah eh, kung papayag po kayo?" taranta kong sagot.
Nakita ko ang reaksiyon nang tatay niya at hindi ko maindintihan kung galit o natutuwa o di kaya'y nabigla sa s**o ko. Akmang magsasalita na sana ako nang bigla akong binatukan ni Mae.
"Anong pinagsasabi mo diyan?" singhal niya at salubong ang kilay.
"Oo nga, kung papayag ka" sagot ko naman.
Katakot takot na irap ang natanggap ko mula kay Mae, at sinisimangutan niya ako nang halos buong sandali na nandoon ako sa kanilang bahay.
Halos araw araw akong nanunuyo sa pamilya ni Mae, simula sa araw na yon. Pamilya niya ang una kong niligawan lalong lalo na ang lola niya. Dumadaan ako sa bahay nila kahit wala si Mae at nasa trabaho, Lola at parents niya ang naabutan ko sa kanila.
Mae POV
"Loko yong Lee na yon ah, lakas nang loob magsabi kay papa nang ganon! Pero my God nakakakilig, imagine? Nagpaalam kay papa" sabi ko sa sarili ko.
Bigla akong tinapik nang pinsan ko at tinutukso ako dahil nakangiti daw ako habang nag iisa.
"Hoy! Haba nang hair ah" sabi ni Jana.
"Hmmmp! Anong haba nang hair?!" sagot ko sabay irap.
"Aysus! Kunyari ka pa diyan, nakita ko. Kinikilig ka nga oh"
"Ssshhhhhh, tumahimik ka nga baka marinig pa tayo ni Papa eh"
"Okay lang yan, nagpa alam na naman siya kay Tito eh"
"Kahit na, nakakahiya pa din"
"So ano? May pag asa ba yan?" tanong ni Jana
"Tingnan natin kung di sususko agad" sagot ko.
"Ay, nako huwag mo yan patagalin baka maunahan ka pa nang iba. Look, he is brave enough to ask permission from your father to court you, huh! Rare kaya ang mga lalaking ganyan" litanya niya.
"Oo na! Tumigil ka lang"
Nang iniwan ako ni Jana sa kwarto ko, napaisip ako sa sinabi niya at tama nga siya. Pero masiyado pang maaga para sagutin ko si Lee. Nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hi Mae, good evening. I am very sorry if nasabi ko yon sa parents mo ha, gusto ko lang talagang pormal na magpaalam sa kanila na manliligaw ako sayo, at salamat sa pagpayag mo na pumunta ako sa bahay niyo" message niya.
"Okay lang yon, salamat din kasi nakita ko din naman na malinis ang intensiyon mo Lee, pero huwag ka lang masiyadong mag expect kasi sa ngayon kaibigan lang talaga ang maibibigay ko sayo at saka hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon" reply ko sa kanya.
"Handa naman akong maghintay eh kung kaylan ka na handa" sagot niya.
"Salamat sa pag intindi. Sa ngayon i.enjoy nalang muna natin ang pagkakaibigan natin."
"Salamat din. Anyways, labas tayo bukas nang gabi nood tayo concert, Octoberfest na di ba? May mga tickets ako dito" yaya niya.
"Next time nalang siguro" pagtanggi ko.
"Ah sige, ikaw bahala. Pero kapag magbago ang isip mo, sabihan mo lang ako ha"
"Sige, salamat"
"Salamat din. Good night. Halong"
Mula nang araw na yon halos araw araw na kaming magkasama, sinusundo niya ako sa pinagtatrabahuan ko lalo na kapag evening shift ako. Kinabukasan kinukulit na naman niya ako.
"Good afternoon Mae, ano, nagbago na ba isip mo? Sasama ka ba mamaya?" text niya.
"Ito na naman po tayo, di makatulog? reply ko.
"Hindi naman, excited lang kasi ako".
"Basta pag iisipan ko, isa pa mamayang gabi pa naman yon di ba?" tanong ko.
"Opo, mamayang gabi pa po" reply niya.
Pinag isipan kong mabuti ang paanyaya ni Lee, at saka minsan lang din naman akong lumabas at mag enjoy. Kinagabihan nagtext ulit siya sa akin.
"Good evening Mae, ano oras kita susunduin?" tanong niya.
"Hindi ako pupunta, pagod ako busy masiyado kanina sa ospital eh" pagsisinungaling ko.
"Sige na naman, sigurado ako mag eenjoy ka, promise" sabi niya.
"Siguraduhin mo lang ha" bawi ko.
"Oo nga, so ano susunduin na kita?"
"Huwag na, kasama ko mga pinsan ko ha, kita tayo doon sa office ni Ate Anne"
"Sige, see you"
"Okay"
Papasok na kami ng Family Country Hotel, sa may pool side kasi doon ang venue nang concert. Lively masiyado ang ambiance at makikita mong nag eenjoy ang nasa paligid. Octoberfest, featuring Birds Eye Band, yon ang nakita ko sa backdrop nang stage. Habang nagsasaya kami, maalaga at protective si Lee sa akin.
"Ang sweet naman nang mokong na to" sa isip ko.
At panakaw ko siyang sinusulyapan at kinikilig ako sa mga actions niya. Pareho kaming nag eenjoy nong gabing yon, tama nga siya sa sinabi niya at umuwi kaming may mga ngiti sa labi.
Habang sakay nang tricycle pauwi, magkaharap kaming nakaupo nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at may binulong siya saken.
"Mahal kita" sabi niya
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko nang mga oras na yon. Nabigla ako sa mga sinabi niya kahit alam ko at nakikita ko sa kanyang kilos na mahal niya ako. Para may mga butterfies sa loob nang tiyan ko sa sobrang kilig na animoy isang teenager. Hanggang sa dumating kami sa bahay wala pa din akong imik sa sobrang pagka bigla sa sinabi niya.
Pagkahatid niya, pumasok agad ako sa kwarto ko at hindi pa din makapaniwala sa mga nangyari. Pinapakiramdaman ko ang sarili ko kung ano ang nararamdaman ko sa kanya, hanggang sa nakatulugan ko na ang isiping yon.