"Woah! Ang sarap maging single!" hiyaw ko. Umiikot na ang paningin ko pero todo indak pa rin ako sa malakas na music galing sa mga naglalakihang speaker. Ang hawak kong malaking baso na may lamang beer ay nagkatapon-tapon na. Napapalayo tuloy ang ilan sa akin pero meron namang tuwang-tuwa at nakikisabay pa sa pagsayaw ko. Nasa kasayahan ako ng kalokohan ko sa buhay nang may marahang humatak sa braso ko. "Ember! It's getting late!" Ah! Si Emma pala. Kung kanina nakangiti pa siya. Ngayon may pag-aalala na at nerbyos na sa kanyang mukha. Nginitian ko siya at ibinigay sa kanya ang hawak kong beer pero tinanggihan niya naman. "Uy! Inom na! Minsan lang ‘to!" pangungumbinsi ko sa kanya. Napameywang siya. "Ember! It's already 11! We have to go home. May pasok pa tayo bukas! And you! You're a

