BAKIT? Bakit imbes na tuwa ay kabaliktaran ang naramdaman ko? Ito na ang chance ko. Kaunting push ay matatapos na ang kasunduan namin ni Drusilla. Babalik na ako sa dating buhay. Hindi na ako magugulo. Makakapag-aral na ako nang maayos. Magkakaro'n pa ako ng sariling bahay. Wala na akong utang na aalahanin araw-araw. 'Di ko na kailangan magbanat ng buto. Masaya ako dapat. . . Pero bakit takot ang bumalot sa puso ko? Tumikhim ako at pasimpleng lumayo sa kanya. Pagapang kong tinungo ang gilid ng kama at nahiga. Ramdam ko naman ang pagsunod ng tingin niya. "Why aren't you saying anything?" "A-Ah, n-nai-speechless lang ako," saad ko. Napalunok ako ng laway bago muling nagsalita, "Nakakaantok naman. Tulog muna ako." Tinalikuran ko siya. Mahigpit akong yumakap sa unan at ibinaon ang mukh

