Chapter 02

1129 Words
NAMAMAWIS ang kamay ko nasa jeep pa lang ako. Balewala ang malakas na hangin na halos pati buhok at bunbunan ko tangayin. Handa na akong gawin ano man ang ipapatrabaho nila. Sabi naman niya hindi p**********n, eh. Napaka-importante siguro noon kaya malaki ang perang ilalaan. Sa isang condominium ako dinala ng address na sinend sa ‘kin ng babae. Namangha pa ako sa ganda at taas ng building bago pumasok. Kaagad kong tinawagan ang kausap ko kagabi. “Nandito na ako,” imporma ko. “Go straight to floor 8. Room 220. Faster!” “S-sige po!” Nagmamadali akong pumasok ng elevator at pinindot ang numero otso. Nang makarating, kuwarto naman niya ang hinanap ko. Huminga muna ako nang malalim nang matagpuan ko ang room 220. Tatlong beses akong nag-doorbell. Ilang segundo lang ay bumukas ang pinto. Bumungad sa ‘kin ang isang babae. Medyo matangkad ito, platinum blonde ang mahabang buhok at napakaputi ng balat. Halatang iba ang lahi. Pero sa tansya ko, magkasing-edad lang kami. “Kayo po ba si Lilith?” “Yes. Come on, in. We're waiting for you,” nakangiti niyang saad. May kakaiba sa ngiti niya. Ang creepy. Nagdalawang-isip tuloy ako kung papasok. Kalaunan ay humakbang din ako sa loob. Bumungad sa akin ang glass walls na kitang-kita ang syudad saka isang sala set. Ang ganda! “She's here, Drusilla.” Napasulyap ako kay Lilith. Kaswal siyang umupo sa sofa at pinag-kros ang mga binti. Nawala rin ang tingin ko sa kanya nang gumalaw ang babaeng nakaharap kanina sa glass wall. Isang matangkad at magandang babae rin ang bumungad sa ‘kin. Itim na itim ang buhok niya, maputi at makinis ang balat. Balingkinitan din. Kitang-kita ang kurba sa suot na fitted dress pero tulad ni Lilith. Kasing edad ko rin ata ‘to. “Anong pangalan mo?” tanong ni Drusilla. Lumunok muna ako para tanggalin ang bikig sa aking lalamunan. “Ember Dela Cruz.” “Hmm . . . Ember. Do you know Ember that I will pay your school fees once you do what I want?” tanong niya. Napatingin ako kay Lilith. “She's the boss,” turo niya kay Drusilla. Tumango na lang ako. “But are you sure you're willing to do what I want?” tanong ni Drusilla. “A-Ano ba. . . Ano ba ang trabahong ipapagawa niyo?” lakas loob kong tanong. Naupo siya sa armrest ng sofa at uminom sa hawak na kopita. “Hindi naman mahirap ang ipapagawa ko. Lalo na at I that your personality will fit him.” Kumunot ang noo ko. Hindi siya maintindihan. “Demetrius Augustus is the man I love. Ang nag-iisang lalaking gusto kong makatuluyan but he doesn't love me. He thinks I'm too evil for him kaya humahanap ako ng mga babaeng maaaring magpa-ibig sa kanya, and Lilith found you. You are the perfect soul for my body, Ember.” Napaatras ako. “P-Perfect soul? Hindi kita maintindihan.” Tumayo siya. “Let's get straight to the point, Ember. Handa akong magbigay ng malaking halaga kung papayag kang lumipat sa katawan ko at paibigin si Demetrius. Sa oras na magawa mo iyon, wala ka nang perang poproblemahin pa!” “Ano?” gulantang kong tanong. “Gusto mong ilipat ang kaluluwa ko sa katawan mo para paibigin ang isang lalaki?” “Yes!” “Nababaliw ka na ba? Paano mo gagawin ’yon?” naguguluhan kong tanong. Para siyang demonyang tumawa nang malakas kahit wala namang nakakatawa. “Oh, dear. Everything is possible for us. No words such as impossible can stop me from doing what I desire.” Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang ang mga mata niya ay naging pula. Kay Lilith naman ay umitim na parang isang demonyo. Akmang tatakbo ako ngunit nanigas ang mga paa ko sa sahig. “P-please! P-pakawalan niyo ’ko. M-marami pa akong pangarap sa buhay—” “At matutupad mo pa iyon, Ember,” masuyong saad ni Drusilla. Hinaplos niya ang pisngi ko. “Kung papayag ka sa gusto ko. Pangako, hindi kita sasaktan. I just want Demetrius to fall in love with me. Sa oras na magawa mo iyon, tutupad ako sa pangako, Ember.” “B-bakit hindi mo gawin ’yon? Bakit kailangang ako pa?” tanong ko. “It's because he's an asshole!” Biglang bumagsik ang mukha niya. “Our personality won't just fit! Kung magagawa mo siyang mapaibig, he won't question it anymore! He will just love me! Iyon lang ang gusto ko, Ember. Hindi ba't madali lang?” Napalunok ako. “I will pay all your school fees. Bukod pa roon ang sampung milyong ibibigay ko sa ‘yo, Ember, sa oras na magawa mo nang maayos ang trabaho mo. All you have to do is make him fall in love with me. Iyon lang, Ember,” pangungumbinsi niya sa masuyong boses. “H-hindi ko alam—” “Think of your life, Ember! Naghihirap ka na! Baon kana sa utang and next month, baka hindi ka na makaahon pa! Baka masayang pa ang paghihirap mo sa college kapag pinakulong ka ng mga pinag-kakautangan mo. Just yes and take it, Ember.” Sumeryoso ang mga mata niya. “I promise. You won't regret this.” Napatingin ako kay Lilith nang tumayo siya. “I will perform the ceremony tonight. If you agree now, we will give you five million in advance, so think thoroughly now, Ember,” saad niya. “F-five million?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Yes! At five million plus naman kapag natapos mo ang ipinapagawa namin. I knew you will succeed, Ember. Just say yes to me and all your problems will not be problems anymore,” saad ni Drusilla. Nagbaba ako ng tingin. Sa five million na iyon. Hindi na ako mamomroblema sa pera. Baka makapagpatayo pa ako ng business. Wala na ring susugod sa ‘kin na kapitbahay pero. . . “K-kailangan kong lumipat sa katawan mo?” mahina kong tanong. “Yes, but you will eventually come back once he falls in love with my body you will use. Simple, right?” nakangiti niyang saad. “Now, say yes, Ember.” Napapikit ako nang mariin. Hindi ko alam na darating ako sa point na ’to. Kung saan wala akong choice kundi umuo. Kahit pa ikapahamak ko. Para mabuhay, tatahakin ko. Makaraos lang. Kailangan ko ang pera. Kung hihindi ako ngayon. Siguradong magiging impyerno ang buhay ko sa mga susunod na araw. Kapag nakuha ko ang sampung milyon, magiging maayos na ang buhay ko. Hindi na ako magpapakakuba sa trabaho at magugutom. Mangyayari lahat ng iyon kapag napaibig ko si Demetrius Augustus. Kailangan ko ’tong gawin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “P-pumapayag na ako s-sa kagustuhan mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD