WHEN WEDDING WENT WRONG

1272 Words
        Malakas naman ang aircon ng kotseng sinasakyan ko pero butil-butil ang pawis ko. At kahit may suot akong gloves damang dama ko ang panlalamig ng mga kamay ko.         Kita ko sa di kalayuan ang tiyuhin ko. Tila nakikipagtalo ito sa kausap niya.          May problema kaya?          Deep inside alam kong meron pero pilit kong pinapatay sa isip ko kung ano man yun. Inilabas ko sa dala kong pouch ang isang maliit na salamin at saka sinilip ang mukha ko doon.          Isang nag-aalalang Annika ang nakita ko sa salamin, sa halip na isang masayang Annika. Mabilis kong itinago ang salamin. Parang hindi kasi ito nakatulong na pagaanin ang nararamdaman ko ngayon.          Nagulat pa ako nang may kumatok sa bintana ng kotse. Nakita ko sa labas si Beron, ang best friend ko. Pinindot ko ang buton para bumaba ang salamin ng bintana.          "Friend, mag-iisang oras na...."         "Ano ka ba, Beron? Sobrang trapik kasi ngayon. Ganun talaga..."          "Pero, friend--"          "Ako na ang magsasabi sa kanya, Beron."          Hindi namin namalayan na nasa tabi na ni Beron ang Tito ko. Huminga ito ng malalim bago inabot sa kin ang isang cellphone.          "Tito, kay Tita Armida po itong phone na to--"          "Read it!" tila nagtitimpi ng galit na utos nito sa akin.          Nanginginig ang mga kamay na binasa ko ang nakabukas na mensahe sa phone.   From: Kiefer Ma...I'm sorry. I can't make it. Hindi ko pala kayang magpakasal kay Annika. Hindi ako sure what I feel for her - is it real love or sisterly love? Don't worry about me, Ma. Lalayo lang muna ako para makapag-isip.                     Kung hindi lang sumagi agad sa isip ko na hindi akin yung cellphone, baka naibato ko na yun sa labas ng kotse. Nanginginig ang mga kamay na ibinalik ko ang phone sa Tito ko. Binuksan ko ang pinto at saka lumabas ng sasakyan.         "Saan ka pupunta, iha?" nag-aalalang tanong nito.          Mula nang maulila ako nang magkasunod na taon na namatay ang mga magulang ko ay ang tiyuhin ko na ang kasa-kasama ko.          Nilunok ko muna ang tila nakabara sa lalamunan ko bago nagsalita.          "K-Kailangan pong malaman ng mga... bisita...na wala nang mangyayaring k-kasalan." sabi ko dito.          "You don't have to do that, Annika. Ako nang bahalang magsabi sa mga bisita." sabi ni Tito.         "No, Tito. This is supposed to be my wedding kaya sa akin dapat manggaling ang balita." pilit kong pagpapatatag sa boses ko         Inalalayan ako ni Tito at ni Beron nang nag-umpisa na akong humakbang. Lubhang mabigat ang gown ko kaya hirap akong umakyat sa mga baitang. Kasing-bigat ng dibdib ko ngayon. Masyado ding mahaba ang train nito. Dapat ay maging kasinghaba nito ang gagawin kong pagtitimpi sa galit na unti- unti nang umuusbong sa dibdib ko.         Nang nasa harap na ako ng simbahan ay pilit kong pinigilang umiyak. Pilit kong pinapangiti ang sarili ko. Gusto kong malaman ng lahat na okay lang ako. Nagawa kong ngumiti pero kasabay nito ay ang pag-agos ng mga luha sa mga mata ko.         "F-friend...." narinig kong sabi ni Beron, na nasa tabi ko.         "S-Sorry....sorry...." tanging nasabi ko at saka ako tumalikod na para tumakbo habang panay ang pagluha.         Hindi ko alam kung paano ako nakakatakbo pa sa kabila ng bigat ng wedding gown ko. Ang nasa isip ko lang ngayon ay makalayo mula sa mga taong umattend ng kasal ko sana.         Sh*t!         Hiindi ko akalaing yung mga eksenang isinulat ko sa mga romance novel ko ay mangyayari sa akin ngayon.         Na ako mismo, si Annika Landicho Sandoval, a.k.a. Ethereal Lady,  isang romance novel writer, nakapagsulat na ng mga hindi mabilang na sikat na mga libro ay tragic ending ang sariling love story.          Yung mga isinusulat ko puro happy ending, hindi ba pwedeng ganun din ang sa akin?         Ano bang nagawa kong kasalanan sa past life ko para mangyari sa akin ang kahihiyan na ito? Nagmahal lang naman ako. Ang gusto ko lang naman ay maging Mrs. Kiefer Marcelo. Maging ina ng mga anak niya. Yun lang...    "Love, malapit nang birthday ko...." "Oo nga..." medyo tinatamad na sagot ni Kiefer. Nasa bahay nila kami. Nakahiga ito sa sofa nila habang naka-unan ang ulo nito sa hita ko. "May bagong bukas na resort sa kabilang bayan. Dun na lang natin i-celebrate ang birthday ko. Sa tingin mo?" excited na tanong ko dito. "May resort ka naman. Bakit dadayo ka pa sa ibang resort?" tinatamad pa ding sagot nito. "Para maiba lang!" "Ikaw ang bahala." sagot nito habang nakapikit. "Ginoogle ko na yung lugar! Alam mo...parang maganda siyang ambiance for a wedding proposal..." pilit kong pinakalma ang boses ko para hindi magmukhang excited ako at parang nagkukwento lang. "Bakit, Annika? Ayaw pa ba mag-propose ng anak ko sa iyo?" Napalingon ako sa may pintuan. "Ay, Tita Armida! Andiyan ka na po pala...." Bumangon si Kiefer mula sa pagkakahiga at saka naglakad papunta sa Mama niya at saka humalik dito. Sumunod din ako kay Kiefer at humalik din sa Mama nito. "Eh, Tita...mga bata pa naman kami ni Kiefer..." naglalambing kong sabi dito. "Anong bata? Twenty-five ka na. Twenty-seven na si Kiefer. Pwedeng-pwede na kayong mag-asawa! Para mabigyan nio na ako ng apo, sus mio!" maarteng sabi nito. Bahagya akong natawa samantalang si Kiefer naman ay pinaikutan ito ng mga mata. "Ma...nage-enjoy pa kami ni Annika..." sabi ni Kiefer dito. "At bakit? Pag mag-asawa na hindi na pwedeng mag-enjoy??" nakataas ang isang kilay na tanong nito. "Tita...baka ma-pressure si Kiefer niyan..." sabi ko nang napansin kong bahagyang sumimangot si Kiefer. Sa walong taon naming relasyon ni Kiefer, alam na alam kong ayaw nitong pinangungunahan siya sa mga desisyon niya. Okay lang naman sa akin ang maghintay. Secured naman na ako kay Kiefer. Sure na ako na siya na ang gusto kong makasama habambuhay. Kilalang kilala ko na din ito. Napaka-komportable ko na din sa kanya. Since High School ay magkaklase na kami. Sinagot ko siya noong after ng High School graduation namin. Wala din naman akong naging problema sa Mama ni Kiefer nang malaman nito na girlfriend na ako ni Kiefer. Halatang botong -boto ito sa akin sa kabila ng pagiging ulila ko sa magulang. Ang request lang nito ay magtapos muna kami ni Kiefer ng pag-aaral.    "Annika...." Napalingon ako kay Kiefer. Nagulat ako nang makita ko itong nakaluhod sa tagiliran ko. "K-Kiefer?" May hinala na ko sa gagawin niya pero pilit kong isinasantabi sa likod ng isip ko. Alam ko kasing malabong mag-propose ngayon si Kiefer. Pinagbigyan lang talaga niya iyong birthday celebration ko. "W-will..." Nahigit ko ang hininga ko. Ito na ba yun? Pero maski ako sa sarili ko ay hindi ako kumbinsido na gagawin 'iyon' ni Kiefer. Nakita kong lumingon ito sa puwesto ng Mama niya pero agad ding ibinalik ang tingin sa akin at saka lumunok. "Annika....will you....m-ma-marry me?" sa wakas ay sabi nito sabay pakita sa akin ng singsing. Napaawang ang mga labi ko. Gusto kong magsalita pero wala akong mahagilap na boses. Hindi ako makapaniwalang gagawin ni Kiefer ito ngayon.  Natuloy kami sa resort na sinasabi ko sa kanya. Nagtataka man ay binalewala ko na lang ang pagtataka kung bakit kasama namin ang Mama ni Kiefer at ilang malalapit na mga kamag-anak nila. Dumating din ang tiyuhin ko nang gabing yun. Wala sa loob ko na may binabalak pala si Kiefer ngayong gabi. Nagdadalawang isip man ay isinagot ko ang alam kong tama at dapat kong isagot kay Kiefer. "Y-Yes, Kiefer. I will marry you..." Hindi ko alam kung guilt o pagkabigla ang nakita kong dumaan sa mukha ni Kiefer. Pero agad din nitong isinuot ang singsing sa kamay ko . Nang tumayo si Kiefer ay agad ko itong niyakap habang nagpapalakpakan ang mga tao sa paligid namin.   ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD