CACTUS & SUCCULENT

1374 Words
[Annika]             "Maganda di ba? Tiyak na magugustuhan mo dito." sabi ni Tito Hernan pagkatapos nitong ibaba sa carpeted na sahig ang maleta ko.              Iginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng sala. Not bad. Pero parang masyadong pormal ang color motiff. Gray and white. Bilang writer, ang gusto ko sana ay vibrant colors ang nakikita ko. Lalo pa ngayon ma may pinagdadaanan ako. Baka puro heartaches at sama ng loob lang ang maisulat ko dito sa bahay na ito.              "Wala naman akong choice, Tito...." walang gana kong sagot at saka ako sumalampak sa sofang naroroon.              Huminga ng malalim si Tito Hernan at saka naglakad papunta sa akin.               "Look, iha. Kaya kita dinala dito sa Manila ay para malibang ka. Para makalimutan mo ang nangyari." sabi nito sa akin.              "Pwede naman akong maglibang sa Toledo--"              "Tapos ano? Iiyak ka nang iiyak? Buti nga napaalis na kita dun sa kuwarto mo eh! Akala ko mage-ermitanya ka na dun sa kuwarto mo."              "Tito, natural lang naman sigurong umiyak ako. Abnormal na siguro ako kung hindi ako nasaktan sa ginawa ni Kiefer. Lilipas din to..."              Umupo si Tito Hernan sa tabi ko at saka ako inakbayan.              "Okay.... Alam mo namang parang anak na ang turing ko sa yo. Isa pa, baka multuhin ako ng mga magulang mo kapag nalaman nilang pinapabayaan kita."              Humilig ako sa balikat niya.             "Buti na lang Tito andiyan ka lagi sa tabi ko..."              "Anything! Basta para sa paborito kong pamangkin...."              Biglang napaangat ang ulo ko mula sa balikat niya at saka ko ito matamang tiningnan.              "What?" pigil ang ngiting tanong nito.              "Nag-iisa mo lang akong pamangkin, Tito." nang-uusig kong sabi sa kanya.              Ngumiti ito.              “Ganun ba? Oo nga pala,” sabi niya sabay tawa.              “Tito Hernan naman eh…” nakangiti kong sagot sa kanya.              "See? Mas maganda ka kapag nakangiti ka." sabi nito.              Napanguso ako.              "Ewan. Wala ka nang ibang alam lokohin kung hindi ako...."              Muli itong tumawa.              "Oh, wait!" biglang sabi nito at saka tumingin sa pambisig nitong relo.              "Bakit, Tito?" tanong ko sa kanya.              "Kailangan ko nang umalis. Kailangan kong puntahan si Klarence." sabi nito at saka tumayo.              "Tito, sure ka bang okay lang sa boss mo na dito muna ako?" nag-aalalang tanong ko dito.             "Mas matutuwa pa nga iyun kasi may mag-aalaga ng mga halaman niya."              Pinaikot ko ang mga mata ko.              "Writer ako, Tito hindi hardinera." sagot ko sa kanya.              "Yup. Writer ka na walang inspirasyon sa ngayon kasi broken-hearted ka kaya I suggest pagtuunan mo muna ng pansin yung mga halaman ni Klarence at baka sakaling mabaling ang atensiyon mo at ma-inspire kang magsulat." mahabang sagot nito.              "Okay....fine....wala na akong masabi... kailan pala ako babalik sa Toledo?" tanong ko dito.              "Hindi ka pa nga nakaka-isang araw dito sa Manila pagbalik na uli sa Toledo ang iniisip mo? O sadista ka lang talaga at umaasa kang makikita mo uli doon si Kiefer?"              Napakamot ako sa ulo ko at saka tumayo mula sa sofa. Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Tito Hernan at saka pinihit ito patalikod.              "Bye, Tito...baka hinahanap ka na ng boss mo..."              Bahagya ko itong itinulak papunta sa direksiyon ng pinto.              "Namili na ako kahapon so may stock iyung ref. Bahala ka nang magluto ng pagkain mo." sabi nito habang naglalakad papunta sa pintuan.              Binuksan nito ang pinto at saka lumabas pero agad ding pumihit paharap sa akin.             "Wag kang magpapagutom. Tatawag-tawagan na lang kita." sabi nito.              "Don't worry about me, Tito. Sanay akong nag-iisa." iminuwestra ko pa ang isang kamay ko.              Napabuntong hininga naman si Tito.              "That's why sometimes I feel guilty...." sabi nito.              "No, Tito. I understand. Sige na. Alis ka na. Baka paiyakin mo pa ako." nakangiting sabi ko dito.             Niyakap ako nito.              "Bye. Lock the door. Walang ibang pupunta dito kung hindi ako lang."              "Okay....bye...."                TAPOS na akong mag-lunch. Nailigpit at nahugasan ko na din ang pinagkainan ko. Kanina pa ako nakatitig sa laptop ko pero walang idea na pumapasok sa isip ko para isulat yung kasunod na chapter ng on-going kong istorya sa Web Pad, isang online app kung saan may kontrata ako para gumawa ng mga istorya.             Blanko. As in blanko talaga!              Huminga ako ng malalim at saka ibinaba ang monitor ng laptop. Dinampot ko ang phone ko at saka tumayo mula sa dining chair. Naisipan kong puntahan yung sinasabi ni Tito Hernan na mini-garden nung boss niya.             Ini-unlock ko ang lock ng glass sliding door. Nasa pinaka-roof top ang unit ng boss ni Tito Hernan sa building na ito. Wala akong idea kung nire-rent niya lang ba itong unit o siya ang may-ari ng buong building. Wala din naman akong paki. Basta ang sabi ni Tito Hernan ako muna ang umokupa dito.             Mayaman naman ang boss niya kaya paniguradong marami siyang bahay.             Bumungad agad sa akin ang pahabang swimming pool sa labas with matching mini garden sa tabi pagkabukas ko ng glass sliding door. Hindi mo iisiping nasa itaas ka ng building sa itsura nito. And I may say - the sight is amazing!             Umupo ako sa gilid ng pool at saka inilublob ang mga paa ko sa pool. Tamang-tama lang ang timpla ng tubig. Palibhasa ay ala-una na ng hapon at tumatama ang araw sa tubig kaya siguro hindi ganun kalamig ang tubig.             Bahagya akong napangiti. Tila malaking tulong ang katamtamang lamig ng tubig. Napakalma nito ang sarili ko. Pumikit ako. Pinapayapa ko ang sarili ko habang pinilit kong hindi muna mag-isip ng kung ano. Nakapikit pa ding huminga ako ng malalim at saka ibinuga ang hangin na naipon sa dibdib ko. Napangiti uli ako habang malayang dumadampi dampi ang hangin sa mukha ko.              Ang sarap sa pakiramdam!              Ilang beses akong nag-inhale at exhale pa uli habang nakapikit at walang iniisip hanggang sa tingin ko ay sapat na para masabing kalmado na ang sarili ko. Pinanatili kong nakapikit pa din ang mga mata ko. Pero bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba. Yung pakiramdam na may nakatingin sa akin.              Imposible! Mag-isa lang ako sa bahay na ito!              Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Pero laking gulat ko nang nakakasilaw na sinag ng araw ang sumalubong sa akin.              Napabuntong-hininga ako at saka iniahon na ang mga paa ko mula sa pagkakalublob sa pool. Itinaas ko ang mga ito sa gilid ng pool. Iginala ko ng tingin ang paligid. Nang biglang huminto ang mga mata ko sa bandang sulok kung saan may mga halamang nasa paso. Maliban doon ay tila may nasilip pa akong mga maliliit na mga paso sa bandang loob.              Tuluyan na akong tumayo at saka binaybay ang daan patungo doon. Muli na naman akong napangiti sa nakita ko. Maraming klase ng mga halamang cactus. Iba't ibang klase, iba't ibang laki, iba't ibang kulay. Yung iba ay may bulaklak. Samantalang wala naman yung iba.              Hindi kapani-paniwalang may lalaking mag-aalaga ng mga ganitong halaman...              Yumuko ako para malapitang mapagmasdan isa-isa iyung mga cactus sa maliliit na paso. Aliw na aliw ako at hindi na namamalayan ang oras. Nang bigla akong makaramdam ng uhaw. Siguro ay kukuha na lang muna ako ng maiinom sa ref at dito ko na lang iinumin habang pagmamasdan uli ang mga cute na mga halaman na ito.              Pag-angat ko ng mukha ko para bumalik na sana sa loob ay napahinto ako. Ikinunot ko ang noo ko habang may tinitingnan sa sliding door.              Tama ba ang nakikita ko??              Tila may bulto ng isang lalaki sa kabila ng sliding door. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko kita ang mukha. Parang may pinagmamasdan ito sa sala. Malabo namang si Tito Hernan dahil matangkad ang nakikita kong katawan ng lalaki. At ang sabi sa akin ni Tito Hernan ay walang ibang pupunta dito kung hindi siya lang.              Kung hindi si Tito Hernan....sino yun???              Naisip ko si Tito Hernan. Nakakahiya naman dito kapag napagalitan pa ito ng boss niya. Dali-dali akong humakbang papunta sa sliding door.              Alam kong nai-lock ko naman ang main door nang maayos. Paanong nakapasok itong lalaking ito?              Agad kong binuksan ang sliding door pero wala akong nakitang tao doon. Nagpalinga-linga ako pero wala akong nakitang ibang tao. Pumasok ako at saka sumilip sa kuwarto doon. Wala namang tao.              Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Sigurado akong may nakita akong bulto ng lalaki kanina.              Pero sino at nasaan  na siya??   ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD