Chapter 2

2849 Words
"Hoi John Yassier, pisting yawa ka, dahil sayo kung ano ano tinanong sakin ni kuya." Salubong ko kay Yassie sa telepono. "Ay anyare?" Tignan mo 'to, dahil sa kadaldalan n'ya nalaman ni kuya tapos hindi n'ya man lang mahulaan ang nangyari. Yawa. "Pinagalitan lang naman ako ni kuya sa sasakyan habang nasa loob pa si Wryd, ang saya diba? Ang daldal mo kasing impakta ka." "Hoi kala mo naman hindi ka rin maingay no'n, sisi mo pa sakin gaga ka." "Oo, talagang sisi ko sayo." "Oh, ano? nakakahiya ba marinig ng crush mo mga bagsak mo? HAHAHA. Cutting ka pa dapat sa English sub kahapon, ah." Pang aasar n'ya. "Ewan ko sayo, yari ka sakin bukas." "Ewan ko rin sayo, nag beauty rest ako istorbo ka." "Ah, ako istorbo? Kung sabihin ko kaya saiyong amain na may anak siyang bakla? Beauty rest ha." Asar ko pabalik. "Oo na, impakta ka talaga. Bye." Hahaha weak. Nakakahiya talaga. Kahit anong isipin kong iba ayun parin nasa utak ko. Ang pangit na siguro ng tingin n'ya sa'kin. Pahamak talaga Yassie, hmp. Hanggang sa nakatulugan ko na ang pag iisip sa nangyari. Nagising ako ng tumunog na ang alarm clock ko. Inis kong pinatay iyon at agad na itinaklob ang kumot sa mukha dahil sa sinag ng araw na nakapasok na sa aking kwarto. Ilang minuto pa bago ako nag disisyon na bumangon at maligo na. Umaga ang nakakatamad na part ng araw para sa akin, pero kada maiisip ko na makikita ko si Wryd sa umaga nabubuhayan ako na bumangon. Nag punta na ako sa banyo at ginawa na ang aking ritwal.  Nakapag bihis na ako kaya mag aayos na lang ako ng mukha mamaya pagkatapos ko kumain ng breakfast. Iniwan ko muna ang aking gamit sa kama at bumaba na. Alas sais palang ng umaga at ang pasok namin ay alas syiete trenta pero may byahe pa kaya sakto lang ang dating doon. Sinalubong ako ni manang sa kusina pagka pasok ko. "Manang sila mommy nag break fast na?" "Ay hindi pa, baka napuyat. Alam mo na, miss na miss ang isat isa no'n haha."  Sagot ni manang. "Manang talaga!" "Kumain ka na jan at baka pababa na ang kuya mo." "Haynako manang, alam mo namang babae pa sa akin kumilos iyon, napaka bagal." Sagot ko pero tinawanan na lang ako ni manang at umalis na sa kusina. Nag umpisa na akong maglagay ng mga pagkain sa aking plato. Nakakalahati ko na ang aking pagkain ng pumasok si kuya sa kusina. "Good morning,kuya." Bati ko sakan'ya. "Morning. Mauna ka na sa School, magpa hatid ka kay kuya Edgar." "Huh?bakit?" "May susunduin pa ako." Sabi n'ya ng nagpataas sa aking isang kilay at niliitan s'ya ng mata. "Hindi 'to babae, wag ka mag isip ng kung ano jan." "weh? Sayang naman, kala ko magka girlfriend ka na,kuya. Pangit mo kasi kaya wala kang girlfriend haha." Pang aasar ko sakan'ya. "At least iyong babaeng gusto ko walang gusto na iba. How 'bout you? Kawawa haha." Pang aasar n'ya pabalik. Kaya ayokong nag sisimula ng asaran dahil alam kong ako ang matatalo, pikunin pa naman ako. "Ayoko na, busog na ako, epal ka." Sabi ko at inusog na ang upuan para makatayo na. "Ay ako pa talaga? Sino kaya nanguna?" "Ewan ko sayo, wag ka sana magustuhan n'yang crush mo." "Shut up."  Haha pikon rin. Umaykat na ako sa aking kwarto para mag toothbrush at mag ayos ng mukha. Pagkatapos ko tignan ang mukha ko sa salamin napag tanto ko na sobrang ganda at perfect ko para magustuhan ni Wryd, baka need ko mag pa panget? Bumaba na ako at agad pumasok sa kusina para magpaalam kay kuya pero nando'n na sila mom at dad. "Good morning, Mom and Dad. Alis na po ako." Paalam ko. "Okay, take care." Sabi ni mommy sabay halik sa aking pisngi, gano'n din si dad. Kay kuya naman inirapan ko lang. Nasa harap na ng gate si kuya Edgar kaya pumasok na ako sa sasakyan. Ready na ako masulyapan ang mukha mo Wryd, sana ready ka rin makita ang kagandahan ko.  saktong Alas syiete ng nasa parking na kami ng school. "Kuya Edgar, wag mo na ako hintayin mamaya, baka sumabay na ako kay kuya." Sabi ko. Tumango naman si Kuya Edgar kaya dumaretso na ako sa loob ng School. Nag lalakad na ako sa field ng school at sinasalubong ang simoy ng hangin. Marami ng mga studyante dahil alasyiete na. Naupo muna ako sa isang batong upuan na may lamesang bato rin na nasa ilalim ng puno. Gusto ko muna langhapin ang hangin ngayon umaga, masyado pa namang maaga. Nilabas ko ang aking selpon para itext si Yassie kung nandito na ba s'ya sa school. To: Yassie impaktang tanga Hoi nasa school ka na? Sent! Nasend ko na kaya itinago ko na ang selpon ko. Pinikit ko ang aking mata at nilanghap ang simoy ng hangin. May naramdaman akong umupo sa katabing upuan ko kaya napadilat ako at nilingon kung sino iyon. Si Eros na epal. Kung hindi s'ya sumulpot kahapon baka nasilip ko na si Wryd. "Oh anong ginagawa mo rito? Sinisira mo ang umaga ko." Mataray kong sabi. "Grabi naman, wala man lang 'Good morning' jan?" Tanong n'ya na ani mo ay close kami. "Una sa lahat walang good sa morning kapag nakikita kita, kaya wag ka na mag expect na mag good morning ako sa'yo." "Ang aga aga ang sunget mo. Smile." Sabi n'ya at tinusok ang pisnge ko at hinagod ang kilay kong naka salubong. Agad akong napa ilag. "Iyong make up ko! Ano ba 'yan. Epal ka nanaman. Kanina naka ngiti ako habang nilalanghap ang simoy ng hangin, kaso nakita kita matik na nawala." "Sus, hindi mo na need ng make up." Sabi n'ya na agad nag pa ngiti sa'kin dahil alam ko na ang idudugtong n'ya ay maganda na ako kahit walang make up. "Dahil maganda na ako?" Tanong ko habang naka ngiti na. Natawa naman s'ya "Haha ang aga aga nag jojoke ka. Tulog ka pa ba?" Pang asar n'ya. "Leche ka. Do'n ka nga, 'di namn tayo close." Sabi ko sabay usog sakan'ya. "Ay 'di ba tayo close? Open tayo?" Buang talaga. "Ba't ka ba nandito?" "Bakit? Bawal?"  Patanong n'ya ring sagot. Tinignan ko s'ya na parang nauubusan na ako ng pasensya. "May sira ba utak mo,Eros? Umamin ka na at mapadala kita sa mental hanggat maaga pa. Tinanong kita tas sasagutin mo ako ng tanong rin."  Naiinis kong sabi. "Haha sorry na. Naupo lang ako dito para tignan kung ano ningingiti mo kanina, 'yun pala hangin lang." Seryoso na n'yang sagot. "Oh ngayon alam mo na, pwede ka na umalis." Sabi ko sabay lahad ng kamay sa space na dadaanan. "Sige bye." Sabi nya na may pahabol pang kurot sa pisnge ko. Ang bilis kausap. "Arghh, bwiset ka! Wag ka papakit sa'kin impakto ka!" Sigaw ko. Naririnig ko ang tawang n'yang nakakairita. Ilang minuto akong bwiset ng tumunog ang phone ko. Tinignan ko iyon. Nakita ko ang message ni Yassie sa notification. From: Yassie impaktang tanga Malate ako, nasobrahan beauty rest ko. Siguro mga first break time. Kagigising ko lang. Nand'yan ka na ba? Haynako kang Bakla ka. Agad akong nagtipa ng message para sakan'ya. To: Yassie impaktang tanga Kanina pa ako nandito, may impakto ngang nang bwiset sa'kin umagang umaga. Sent! Tinignan ko ang oras sa aking selpon at nakitang Alas syiete kinse na kaya tumayo na ako at naglakad papunta sa room ko. Hindi ko namalayan ang oras dahil sa impaktong iyon. Naka pasok na ako sa classroom ng payapa. Dumeretso ako sa dulo kung saan kami naka upo ni Yassier.  Mga ilang minuto lang ay tumunog na ang bell hudyat na magsisimula na ang klase pero wala pa rin si Maam Sivan, teacher namin sa math. Kaya naman tumunganga muna ako sa may bintana kung saan ako malapit, feeling emote lang. Napabaling ako sa pintuan ng magsi-ingayan ang mga babaeng classmate kong malalalantod. Pakshet! Pumasok si Wryd sa classroom kasama si Eros na may hawak na libro. Mukhang alam ko na kung bakit sila nandirito. Lumapit silang dalawa sa desk na para sa teacher. Nagsalita si Wryd. "Goodmorning. Mrs. Sivan is absent today due to private reasons. But there is something left to do." Sabin i Wryd. Ang pogi nya habang sinasabi iyon, mukha siyang terror teacher. May pinamigay na papel si Eros sa bawat studyante, nang lahat ay nalapitan na niya upang bigyan ng answer sheet ay ako na lamang ang wala. Tinitigan ko sya ng masama dahil naalala ko nanaman ang pag kurot nya sa pisnge ko bago sya umalis. Nakangiti siya ng ibinigay niya ang papel na animo na alam na inis ako sakan'ya. Nginitian ko rin siya ng plastic sabay hablot sa kamay n'yang may hawak na papel, kinurot ko rin ang pisngi niya bilang ganti. "Ang cute mo, paganti taena ka." Pabulong ko habang nakangiti ng sarkastiko. "Ayieeee, 'di mo naman sinabi na si Eros pala gusto mo, Asther." "Ayieee." "Awit hahah." "Sanaol." Sabi ng mga classmate ko upang mapatingin ako sakanila. Do'n ko lang napansin ang posisyon namin ni Eros. Naka alalay ang isa n'yang braso sa desk ko at ang isa ay sa kamay naman niya ay nakahawak sa kamay kong nakakurot sa pisnge n'ya. Agad akong umayos ng posisyon sa pag upo. Napatingin ako sa harap kung nasaan si Wryd. Napaiwas ako ng tingin ng nakitang nakatingin rin s'ya sa'kin. Ba't galit? Bigla ay parang gusto kong matuwa na nakitang galit s'ya. Nagseselos ka ba baby ko? Haha. Bumalik na rin si Eros sa harap katabi ni Wryd. Sa bintana na lang ako tumingin sabay takip ng aking kamay sa bibig upang hindi makita ang ngiti ko. "Tahimik..." Sabi n'ya ng hindi pa nag sisitigil ang mga classmates ko sa pag uusap at pang aasar. "I'm sure na discussed na ni Mrs. Sivan ang lesson na nasa inyong answer sheets. Kaya umpisahan n'yo na, puro kayo kaharutan." Sabi niya na nagpa singhap sa mga classmates ko maging ako ay napasinghap. Harutan agad? Harsh ka ha. Sabi ko sa utak ko. "What did you say Ms. Reyes?" Sabi n'ya na nag pagulat sa akin. Tangina nasabi ko ba? "H-Huh? M-May sinabi ba ako?" Patay malisya kong tanong. Buntong hininga na lang ang isinukli niya. May sinabi siya kay Eros kaya umalis. Siguro ay pinabalik na sa classroom dahil wala naman na siyang gagawin dito, babantayan na lang kami ni Wryd habang nagsasagot. Nagsimula na kami sa pagsasagot. Naka upo lang si Wryd sa harapan habang inilalaro ang mga daliri sa lamesa. Bawat isang number na sinasagutan ko ay tumitingin ako sakan'ya na animo ay nasakaniya ang sagot. Nag angat ako ng tingin sakaniya at nakitang iniikot n'ya ang kaniyang paningin sa buong classroom. Agad akong nagbaba ng tingin sa answer sheet na animo ay seryoso ng makitang papunta na sa direksyon ko ang pagmamasid niya. May nagtaas ng kamay sa classmate kong si Janelle kaya napaangat ang tingin ko. "Wryd, tanong ko lang kung pa'no sa number 17." Sabi niya sabay tayo palapit kay Wryd. Tinignan ko ang number 17 na tinutukoy n'ya kung paano. Ng makita ko iyon ay napatingin ako sa ingratang si janelle. Ang dali lang no'n! Ang gagamitin lang na theorem ay  pythagorean theorem! Dukutin ko utak nento, e. Inis ko ibinalik ang tingin sa answer sheet at nagsagot na. Ilang minuto lang ay may mga nag si tayuan na at nagpasa. One to thirty ang sasagutan pero nasa twenty-eigh na ako. Luminga linga ako para malaman kung marami pa ba kami, pero no'ng napagtanto kong pito na lang kami ay tinagalan ko ang pagsasagot upang maiwan akong mag isa kasama si Wryd. Ang saya haha. Ng tumayo si Janelle ay agad akong ag angat ng tingin. "Wala kayong klase?" Tanong ni janelle kay Wryd. "Mayroon,inexcuse lang ako ni Mrs.Sivan." "Oh,sabay tayo break time?" Nagaasam niyang tanong. "No thanks." Sabi ni Wryd ng hindi tinitignan si janelle. Iyan!very good! Dismayadong lumabas si Janelle kasama ang kaniyang julalay. May tatlong tumayo kaya tatlo na lang kami. Nasa twenty-nine na ako. Tumingin ako kay Wryd at nakitang inaayos n'ya ang mga papel na ipinasa ng mga classmates ko. Naramdaman niya yatang nakatingin ako sakaniya kaya agad akong umiwas ng tingin ng tumingin siya sa akin.  Tumayo na ang isa kaya dalawa na lang kami ng classmate ko ang nagsasagot. Ang tagal naman nito! Ilang segundo lang ng tumayo ang naunang nagpasa sa aming tatlo ay sumunod na siyang magpasa. Ilang minuto pa hindi parin ako natayo upang magpasa kahit tapos naman na ako. Hintayin ko munang tawagin niya ako. "Asther..." There! Pinigilan ko ang mangiti ng nag angat ako sakniya ng tingin. "Hanggang kailan ka jan?" Tanong niya na naiinip na. Breaktime namin pagkatapos ng first subject. Napatingin ako sa wrist watch ko upang tignan ang oras. It's already eight-twenty at ang tapos ng first subject namin ay eight-thirty. May ten minutes pa bago tumunog ang bell hudyat ng breaktime. "Ah, patapos na ako... Ano... Pangalan na lang." Sabi ko. Well true naman, name na lang ang kulang. Tumayo ako upang magpasa. Nakatayo na siya sa harap ng lamesa habang hawak ang mga papel, handa ng lumabas at hinihintay na lang ang akin. Lumapit na ako sakaniya at kailangan ko pa tumingala upang matitigan siya. Inilahad ko ang papel ko sakaniya na agad naman niyang kinuha. "Ang tagal mo. Next time kasi mag aral ka katulad ng sabi sayo ng kuya mo, huwag ka muna mag boyfriend. One to thirty lang inabot ka pa ng one hour ang twenty two minutes." Sabi niya at lumabas na ng classroom. napanganga ako ro'n. WTF?! Bigla ay gusto kong isigaw na kanina pa ako tapos at hinihintay ko lang maubos mga classmates ko sa room. Tang ina niya! Insulto ako ro'n ha! Porke ba narinig niya mga pinagsasabi ni kuya kahapon sa sasakyan ay feeling na niya sobrang bobo ko?! Tamad lang ako gumawa ng project kaya mababa grades ko pero matalino ako! Leche ka! Gusto ko isigaw sakaniya iyan. Uncrush kita jan,e. Hmp. Ilang minuto pa ako napatanga sa kinatatayuan bago napagpasyahan na lumabas na ng classroom uoang mag break time na. Habang papalakad ako papunta sa classroom ay kinuha ko ang phone ko at tinext si Yassie kung nandito na ba siya sa school. Need ko nang mabuhos ang inis ko punyeta. "Nakakainis siya! Kung nando'n ka lang siguradong tatawanan mo ako" sabi ko kay Yassie. Naikwento ko sakaniya ang nangyari kanina sa room. Nandito kami ngayon sa soccer field. Maaga pa kaya hindi pa masyadong masakit ang araw sa mata. "Haha wag ka raw muna kasi mag boyfriend." Sabi ni Yassie. "Wala naman akong boyfriend ha? Kung feeling niya gusto ko iyon si Eros, feeling niya lang iyon. Pero nainis talaga ako, Yassie. Insultuhin ba naman ako, buti na lang kami na lang nando'n." Gigil ko paring sabi habang ngumunguya ng sandwich na binili ko sa canteen kanina. "Bakit ba kasi kinurot mo sa pisnge si Eros? Baka kaya nasabihan ka ni Wryd ng gano'n dahil nag selos?" Tumingin ako sakaniya ng may ngiti sa labi. "Tingin mo? Feeling ko rin, e. Galit iyong mga mata niya kanina no'ng napatingin ako sakaniya. Feeling ko talaga nagseselos siya." Inalala ko uli ang galit sa mata niya kanina kaya hindi matanggal ang ngiti sa labi ko. "Joke lang. Hindi iyon nagseselos, kasi in the first place may nililigawan siya at hindi ka niya gusto. Second baka kaya siya sa tingin mo galit ay dahil nagkaro'n ng ingay dahil sa harutan niyo. And third tigilan mo ang pag a-assume, nakakamatay iyan." Seryoso niyang sabi. "Badtrip ka naman, hindi mo man lang suportahan iyong feeling ko." Nawalan ako ng gana kumain. Oo nga, may nililigawan siya kaya paanong magseselos? "Syiempre kaibigan kita, ako ang gigising  sayo mula jan sa imahinasyon mo dahil ayokong masaktan ka dahil jan. Baka ako pa sisihin mo kapag nasaktan ka haha." "Uy totoo ba iyan? Mahal na mahal kita, ikaw na lang jowain ko, bhie." Sabi ko sabay yakap sakaniya. "Yuck! Lumayo ka nga." Nandidiri niyang sabi. Palibhasa walang ibang tao rito kaya umaasta nanaman siyang babae. Ang arte. Lumayo ako sakaniya. "Pero seryoso, appreciate ko sinabi mo." Seryoso kong sabi. "Charot lang iyon! Haha naniwala ka naman." Humagalpak siya sa tuwa. "Ewan ko sayo talaga, letche 'to. Halika na nga malapit na second class yawa ka." Iniligpit ko na mga kalat ko at tumayo na. Sabay kaming bumalik sa classroom habang nagbabangayan parin. Maybe tama nga si Yassie, hindi iyon nag seselos. May iba iyong gusto...at hindi ako. At kaya siguro hindi niya pinabulaanan ang imbitasyon ni janelle ay dahil sa may iba siyang gusto. Sino kaya iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD