bc

Class 666

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Kaklase...

Karamay...

Kaibigan...

Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. p*****n, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga bagay na nararanasan ng Section Six. Bago matapos ang school year ay may matira pa kayang mga estudyante sa kanila? Pakatutukan ang mga susunod na kabanata. Ready ka na ba? Baka ma-late ka pa sa klase ng...

CLASS 666

chap-preview
Free preview
Students of Class 666
Credits nga pala kay Cold_gal para sa napakagandang book cover salamat po nang marami! Boys: Mourse Paradict Ali -Si Mr.Annoying. Nilalayuan siya ng karamihan dahil sa mga biro niyang nakakabuwisit. Madalas mang-prank ng mga teachers at iba pa niyang kaklase. Mabuting binata naman pero wala nga lang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang bestfriend na si Arron. Arron Kyle Bataanin -Ang tinatakbuhan palagi ng iba niyang classmates dahil magaling magbigay ng payo. Marami na siyang masasamang pangyayari nakaharap sa buhay. Hiwalay ang parents niya kaya sa scholarship lang siya umaasa. Top 2 ng klase. Marami ring nagkakagusto sa kanya dahil sa pagiging gentleman niya at pagiging totoo sa sarili. Justin Paul Cabrera -Basagulero at barumbado. Walang sinumang inuurungan bukod sa teachers. Siya rin ang latest boyfriend ni Ingrid. May namumuo silang alitan ng dating bestfriend ni Ingrid na si Kraven. Hindi siya tumitigil hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya. Miyembro din siya ng grupong Pop Up. Jerome Larsen Calda -Walang ibang hinihintay kundi ang recess at uwian. Isa siya sa may pinakamabababang grades sa classroom nila. Marunong din siyang makisama at miyembro ng grupong Pop Up na palaging sangkot sa mga rambol at gulo sa school. At kahit na mahina siya sa academics ay magaling naman siya sa computer. Siya rin ang pinakatahimik na miyembro ng Pop Up. Glenn Daryl Dixon -Fake. Yun lang ang pinakasimpleng bagay na magdedefine sa kanya. Anghel, gentleman at humble kapag nasa harap ng mga kababaihan at demonyong pilyo kapag lalaki ang mga kasama. Pa-impress kahit hindi naman kagwapuhan. Feeling niya kase ay sisikat siya kapag maraming babae ang magkagusto sa kanya. Kaya walang masyadong taong pumapansin sa kanya. Magaling din siyang mag-gitara at marunong kumanta. Jensen Mel Fabian -Ang escort ng Class 666. Simple at tahimik na binata. Siya ang may pinakamagandang penmanship sa kanilang lahat. Maraming babae sa ibang section ang nagkakagusto sa kanya. Chris Tyler Flinn -Si Mr. Nobody. Madalas siyang makita sa canteen na mag-isa. Simple lang siya kung pumorma pero maaasahan mo kahit anumang oras. Approachable at friendly kase siya. Evan Shottes Francisco -Gangster. Walang ibang kinasasangkutan kundi mga gulo at rambol. Pinakabastos sa lahat ng estudyante na ultimo tinitingnan na siya ng diretso ng teacher dahil sa sobrang galit ay wala pa rin siyang imik at ngingiti lamang na parang hindi alam ang nangyayari. Jobbert Valladir Grosche -Hindi man siya kasama sa Top 5 ay isa pa rin siya sa pinaka pinagmamalaking estudyante ni Ms.Marabas. Maaasahan siya sa paggawa ng mga rules and regulations ng classroom. Siya kase ang Vice President ng klase. Madali siyang lapitan sa kahit na anong problema mapa-financial o mapa-life problems man yun. Merle Christian Herrera -Ang pinakamagaling mag-basketball sa lahat ng boys. Meron siyang malaking pangangatawan na kinaiinggitan ng karamihan. Gwapo at friendly rin siya. Madalas siyang sumali sa mga extra curricular activities ng school. Siya ang Top 4 ng klase. Siya rin ang boyfriend ni Kelly. Oliver Thomas Oais -Kung titingnan ay isa siyang simpleng binata na may malaking pangarap, pero nagbago ang lahat nang simula siyang takutin nina Justin na papatayin daw siya nito kung hindi siya sasali sa grupo nila. May pagkaduwag kase siya at hindi niya rin kayang i-defend ang sarili laban sa apat. Buti na lamang at nandyan si Casey na handa siyang ipagtanggol laban sa mga taong balak siyang saktan. Jim Brick San Juan -Ang nakababatang kapatid ni Aiya. Confident sa sarili at walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya. Pero kahit na ganito ang ugali niya ay mahal na mahal pa rin siya ng kanyang ate at ng girlfriend niya na si Kaye. Magaling siyang makipagbolahan sa teacher kaya natatawag siyang sipsip ng kanyang mga classmates. Rham Anthony Sarmiento -Chickboy pero friendly na mayabang. Miyembro ng grupong Pop Up. Bestfriend ni Justin na palaging walang ibang ginawa kundi mag-isip ng paraan para inggitin si Kraven. Hindi naman siya masamang tao kundi sadyang mayabang lang. Leader din siya ng kopyahan. Kraven Hunter Schwartz -Matalino at isang mabuting kaibigan. Concern siya sa dating bestfriend niya na si Ingrid. Sinabi kase niya na narinig niya na nag-uusap ang Pop Up at narinig niya na popularity lamang ang habol ni Justin kay Ingrid na agad naman nitong ikinagalit. Isang taon na rin silang di nagkikibuan. At hanggang ngayon ay sinusubukan niya pa ring bigyan ng pruweba ang kanyang mga narinig. Aldrix Fritz Villarin -Isang aroganteng estudyante na walang ibang alam gawin kundi mag-cutting classes. Matalino siya pero gawa ng miyembro nga siya ng Pop Up ay nagaya na rin siya sa iba pa niyang kaibigan na walang ibang alam gawin kundi ang magbulakbol. John Patrick Wallajos -Ang heartthrob ng klase. Makinis na mukha, maputing balat at matangkad.Iyan lang ang ilan sa mga salitang magde-describe sa kanya. Gentleman at malapit din siya sa mga babae. Especially kay Aisyah. Para kase sa kanya si Aisyah ang pinaka-unique sa lahat ng kanyang mga kaklase. Bukod pa roon, si Aisyah rin ang bestfriend ni Patrick. Siya rin ang nagtatanggol rito kapag inaaway siya ng iba nilang classmates. Tamashi Yanagawa -Isang misteryosong exchange student na mula pa sa Japan. Wala siyang ibang kaibigan sa school. Palagi siya nakikitang nakabungisngis kapag may nagkakasagutan. Matalino pero hindi nakikisalamuha sa iba. Siya rin ang Top 3 ng klase. Gray Mild Zagara -Ang pinakamalapit na kaibigan nina Kraven at Ingrid. Tinutulungan niya rin si Kraven na i-prove na totoo ang sinasabi ni Justin tungkol kay Ingrid. Bestfriends silang tatlo noon pero nagbago ang lahat nang maging mag-on sina Justin at Ingrid. Matalino at masayahing binata rin siya. Girls: Suzette Christina Alonzo -Big fan ng K-Pop. Madaldal pero marunong makisama. Masarap siyang kausap dahil alam niya ang limitations niya. Isa siya sa mga Spice Girls. Maganda at maaasahan rin siya sa anumang problema ng kanyang mga kaibigan. Aisyah Jerce Aquino -Addicted sa mga horror movies, books at etc. Bestfriend ni Patrick. Palagi siyang nabubully ng ibang girls dahil sa inggit. Mahinhin at palagiang pagngiti ang lalong nakapagpapaganda sa kanya. Lorena Buenaventura -Tomboyish at astig. Marami siyang kaibigang boys at madalas siyang mang-asar sa mga babae nilang classmates. Matalino (slight) siya. Pero bad influence kung balak mo siyang kaibiganin. Mirriam Cabañero -Ang hot na scientist ng klase. w***e. Nakakaakit ang mga galaw niya na parang isa nang ganap na babae. Inaakit niya ang mga lalaking nagugustuhan niya. Palagi siyang may suot na makapal na make-up at siya rin ang leader ng Spice Girls. Stephanie Michelle Canillo -Nerdy Girl. Top 1 ng klase. Mahinhin siya at tanging libro lamang ang hawak niya. Gustong gusto niya kapag trivia ang kanilang laging pinag-uusapan ni Kaye. Ang bestfriend niya. Palagi siyang ipinapalaban ng adviser nila kapag may mga laban na pang-academics. Siya kase ang palaging nananalo sa mga contest sa school. Jhulyen Jell Chiyuto -Tahimik at palakaibigan. Active siya sa mga school activities at siya rin ang laging nagdedecorate ng classroom. PRO din siya ng section nila. Samby Chrochetts Deborra -Ang dancer ng klase. Ballet ang genre niya kaya smooth lang rin ang galaw niya sa tunay na buhay. Mahinhin siya at palaging nakayuko pero positive thinker siya. Madiskarte at magaling sa mga arts and crafts. Hindi rin siya plastik di gaya ng kanyang ibang kaklase. Trisha Denisse Delgado -Childish pero palakaibigan. Mahilig siya sa cartoons at sa mga fictional characters. Siya rin ang Treasurer ng klase. Nikki Verr Figguera -Slut, maarte at plastic. Kinaiinisan ng karamihan sa mga kaklase niya. Member din siya ng Spice Girls. At siya rin tagasulsol kay Mirriam kaya marami silang binubully. Siya lang ang tanging babae na naging girlfiend ng lahat ng miyembro ng Pop Up. Gustong gusto niya ito dahil sumisikat siya sa school. Palihim niyang sinisiraan si Ingrid sa ibang tao. Siya rin ang Sgt. At Arms ng klase. Ruby Sunshine Feliciano -Ang President ng klase. Siya ang namamahala sa mga ambagan at mga rules ng klase. Pareho sila ni Jobbert (besty niya at Vice President) na nagtutulong para madiscover ng ibang section ang ganda ng section nila. Responsable at masipag na bata. Maaari rin siyang lapitan ng kanyang mga kaklase kung may problema. Danica Shane Marcial -Ang Muse ng klase. Maganda at sexy siya kaya siya ang palaging representative ng klase sa mga beauty contest. Proud at mayabang na dalaga. Isa sa pinakakinaiinisang estudyante ng kanyang mga kaklase. Mortal na kaaway niya si Sunshine (kase raw pabida). Pati rin ang mga Spice Girls, kinaiinisan siya. Kaya wala siyang kakampi kundi ang kanyang sarili. Kaye Jhoanne Mercado -Ang girlfriend ni Jim na palaging kasama ni Aiya. Noon pa lamang ay humahanga na siya kay Jim. Laking pasasalamat na lamang niya na nakilala niya si Aiya na naging bestfriend (A.K.A P.A.) niya dahilan ng kanilang pagkakamabutihan dalawa. Wala rin siyang angal sa mga inuutos sa kanya ni Aiya. Siya rin ang madalas na kausap ni Stephanie. Lhyca Joyce Montemayor -Isa sa mga miyembro ng Spice Girls. Basagulera at walang inuurungan. Malakas manabunot at mangalmot. Ayan ang ilan sa mga sinasabi ng mga nakakaaway niya. Maldita at spoiled brat din kase siya. Siya ang pinakamayaman sa kanila. Kaya siya ang madalas manlibre sa kanilang grupo. Kelly Sasha Pantino -Ang fashionista ng klase. Maganda at sexually attractive siya kaya maraming lalaki ang nagkakagusto sa kanya pero wala siyang pakialam dahil may boyfriend na siya (Merle). Hindi siya masama at hindi rin mabuti. Kaya maraming nagtatataka sa kung ano ang tunay niyang identity. Siya rin ang Secretary ng klase. Miley Yasmin Padilla -Maganda pero misteryosong babae sa klase. Matalino rin siyang estudyante. Wala siyang kinatatakutang kahit na ano. Minsan, nawawala na ang pagiging babae niya dahil sa mga kilos niya na walang kaarte-arte. Maia Francine Salangit -Friendly at approachable kahit na hindi kayo close. Simpleng babae at palaging nakangiti. Siya rin ang Auditor ng klase. Penelope Ingrid Salvador -Ang dating bestfriend nina Kraven at Mild. May exotic na ganda. Girlfriend ni Justin. Alam niya mahal na mahal nila ang isat-isa kaya hindi siya nagpapa-apekto sa paninira nina Kraven. Pinakasikat na estudyante sa school. Aiya Patricia San Juan -Ang bestfriend ni Kaye (pag may kailangan).Kapatid ni Jim. Kakampi palagi ni Jim kapag may umaaway sa kanya. Maldita at plastik. Palibhasa'y spoiled ng parents. Shaymee San Miguel -Religious at di makabasag pinggan. Tahimik at takot na makasakit ng damdamin ng iba. Minsan lang kung makipag-usap sa mga kaklase. Palaging ring bible ang hawak niya. Casey Namanie Smith -Pinakamasayahin sa lahat. Siya ang clown sa klase. Likas lang talaga siyang nakakatawa at walang halong kakornihan. Sa tawa pa lang niya na pang-mangkukulam ay hahalakhak ka na kaagad. Kaya marami siyang kaibigan sa klase. Jasmin Kendy Trapago -The singer. Almost perfect na siya talented, maganda, mabait, marunong makisama at matalino, lovelife lang talaga ang kulang. Hindi kase siya naniniwala na may forever. Marissa Joyce Zamora -Isang mapagpanggap na dalaga. Palagi niyang ipinagmamalaki na may-ari sila ng isang hotel na exclusive lamang sa mga mayayaman. Pero ang totoo ay hindi niya lang matanggap ang pagkawala ng parents niya dahil sa isang car accident. Wala nang muli pang namahala sa hotel nila kaya ibinenta na lamang nila ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook