A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVE
BY ; MHAYIE
CHAPTER 16
Eunice pov;
May ngiti sa mga labi na gumising ako,ang sarap sa pakiramdam na gigising ka katabi mo yung taong nagpapatibok sa puso mo yung taong alam mo sa piling niya ay kuntento at panatag ka.
Malaya ko napagmamasdan ang mukha ni Cian,hindi ko mawari sa anong dahilan pero nakaramdam ako ng kirot habang tinitigan ko ang mukha niya na mahimbing na natutulog,naibsan lang ito ng magmulat ang mga mata niya at masayang tumingin sa akin.
“Good morning Love!” Paos ang boses na sabi ni Cian,at hinalikan ako nito sa aking noo.
“Good morning!” Balik bati ko.
“What's on your Mind Love?” Sabi nito ,yumakap ako at sumiksik sa kanya .
“Wala !” Sabi ko .
“Don’t think about it !” Sabi nalang nito at tumango ako.
Sabay na kame bumangon at nag agahan maaga niya kasi ako ihahatid sa bahay dahil may kailangan siya gawin ng ganitong kaaga , habang ako naman may kailangan gawin din sa Condo ko balak ko ipaayos iyon at may papabaguhin saka need ko narin pala palitan ang password ng unit ko.
**************
Pagkababa ko ng sasakyan ni Cian ay nagpaalam na ako sa kanya at nagpaalam naman si Cian sa akin na hindi ito makakapunta mamayang gabi dahil may mahalaga lang itong gagawin,naiintindihan ko naman dahil sa larangan ng trabaho nito .
Tanaw ko ang lalaking nakasandal sa pader malapit sa unit ko at sa itsura nito mukhang inip na inip na,umayos ito ng tayo ng makita ako papalapit.
“Wow buti naman may balak kapang umuwi?” Sita nito sa akin na kinairap ko lang at abalang binubuksan ang pinto ko pero talagang hindi ito bumubukas kahit pa na ilang ulit kona tinipa ang password ng unit ko ,sa inis ko tinignan ko ng masama ang lalaking nasa tabi ko.
“Jackson open the Door!” Sigaw ko na kinairap nito at kalaunan sumunod din naman.
“Ibigay mo sa aking ang Password ng Unit ko?” Utos ko .
“Ok later ! By the way naiinis na ako sa Ex mo panay punta sa labas ng Condo ko pina Banned kona nga pero sadyang matibay ang isang iyon! “ Sabi nito.
“Hayaan mo siya !, kung gusto niya habang buhay pa siya tumira sa labas!” Walang ganang sabi ko .
“Di ko mapapangako Eunice baka pagnapikon ako makita nalang bangkay niya sa tulay na palutang lutang!” Inis na sabi nito.
“Ikaw ano ba balak mo?” Tanong ko dahil ayoko na pag usapan pa si Dom.
“Ang samahan ka!” Seryosong sabi nito.
“Jackson kaya ko!” Sabi ko.
“Alam ko pero kilala kita at ayoko naman hayaan ka lang sa gusto mo!” Sabi nito sa akin na kinatahimik ko.
“Oh ano na status mo?” Si jackson.
“Eto always may dilig!” Walang prenong sabi ko .
“W*t T*e F**k Elona Eunice!!” Mura nito sa pangalan ko,na kinangisi ko
“Asus parang di ka naman nandidilig diyan Jackson! Eh ikaw kamusta status niyo ?” Pag iiba ko,pero nakita ko lungkot na dumaan sa mga mata nito.
“Ganun parin!” Sabi nito sa malungkot na tinig .
“Ano Jackson asan ang tapang mo? Isang babae lang dinadaga kana?”
“Hindi basta Babae lang siya! Mahalaga siya sa akin!” Madamdamin na pahayag nito.
“Then? Bakit hindi mo ipagtapat!? “ Sabi ko .
“It’s Complicated!” Sabi nito .
“Ang alin? Yung sitwasyon niyo o yung feelings niyo sa isa’t isa?”
“I Don't know?” Sa malungkot na tono.
“Baka ginagawa niyo lang dalawa kumplikado ang lahat kahit hindi naman!”sabi ko na akaly mo expert pagdating sa ganyang usapin.
“Bakit ikaw?” Balik nito sa akin na kinairap ko .
“Magkaiba kasi tayo na sitwasyon !” Sabi ko na nagpawala sa mood ko .
“O siya narito ako para samahan ka hindi lara magdrama Eunice !” Sabi nito at bahagyang pinisil ang tungki ng ilong ko.
“JACKSON!!” sigaw ko dahil sa ginawa niya.
“Oh c’mon Baby kain nalang muna tayo!” Yaya nito.
“Saan?”
“Doon sa bagong bukas na Restaurant !”yaya nito tatanggi na sana ako dahil balak ko nga maglinis nalang pero mukhang wala na ako dapat gawin dahil pinagawa na ni Jackson sa mga Staff dito.
“Ok!” Sabi ko at nauna nang lumabas si Jackson kaya sumunod narin ako.
Wala kame ginawa ni Jackson kundi magbangayan at magbiruan sa byahe ,kung tutuusin kung may makakita samin iisipin talaga mag couple kame pero pag iniisip ko yun nasusuka ako,dahil kapatid na ang turing ko sa isang ito kahit na puro sakit sa ulo lang ang binibigay nito sa akin.
Huminto si Jackson sa may tapat ng restaurant kung saan pwede magpark nagtatanggal palang ako ng Seatbelt ng may kumatok sa bintana ko,nakaisip naman ako ng kalokohan ng makita ko ito kaya ,bahagya ko binuksan ang bintana at nakangiting sinabi .
“Kackson penge barya!” Hingi ko inabutan naman ako nito ng limang piso,lalo lumaki ang ngisi sa labi ko,kumura sa akin ito kaya inabot ko ang limang piso ,taka naman ito tumingin sa akin .
“Naku Neng pasensya na yan lang Barya ng kasam ko!”sabi ko na kinainit ng ulo nito
“Hype ka Eunice ang sama mo!” Reklamo nito.
“Aba sino ba kasi may sabi na kumatok ka riyan at mukha kang namamalimos diyan!” Biro ko pa na lalong kinamurangot nito.
“Naku Eunice kundi lang kita bestfriend baka matagal kana pinaglamayan!” sabi nito .
“Hoy Biang huwag ako!” Sabi ko.
“Pamaypay ang hinihingi ko hindi barya napaka kuripot niyo naman kung Ganun!?” Sabi pa ni Bianca.
“Oo na Biang!” Sabi ko .
“Bianca “B-I-A-N-C-A” ! ang gaNda ng pangalan ko tapos “Biang” lang ang itatawag niyo? asan po ang hustisya sa mala diyosa kong mukha?”.proud na sabi ni Bianca.
“Pero pag Habibi mo na tunatawag sayo na ”HABIBIANG “ para ka pang bulate na binudburan ng asin sa kilig!”
“Aba syempre Habibi ko ang Natawag sakin nun saka siya lang Allowed Na tawagin ako sa ganun!”.pabebeng sabi nito.
“Tara na Eunice hayaan mo na yang Buang na iyan!’ si Jackson na may ngisi sa labi.
“Nagsalita ang maganda ang Callsign!” Sabi ni Bianca kay Jackson.
“Tama na yan ! Pumasok na tayo sa loob !” Sabi ko ,pagkapasok namin nakahanda na ang mga pagkain sa Table namin,masaya at magalang pa kami sinalubong ng mga Staff ng Restaurant .
“Mr.Del Mundo handa na po ang lahat ,tawagin niyo nalang po kame kapag may kailangan papo kayo!” Magalang na paalam ng isnag Staff.
Unang umupo si Bianca kasunod naman kame ni Jackson ,tumabi ako kay Bianca pero ang bruha tinaboy lang ako ,ayaw kasi nito may katabi pagkakain masyado matakaw ang isang ito pero hindi naman tumataba mukhang malaki ang alaga nito sa tiyan,niyaya naman ako ni Jackson maupo sa tabi niya .
“The Best ka talaga Jackson! Laging handa ,kung di kita kilala baka nainlove na ako sayo pero kilala kita kaya Never ! Mahal ko pa buhay ko !” Si Bianca na walang preno ang bunganga kahit na may laman ito.
“Bianca your Feelings are mutual!” Sabi ni Jackson na kinairap ni Bianca at muli nag focus nalang sa paglantak ng pagkain.
Halos sibBianca ang makaubos ng pahkain namin .
“Bianca Nalulugi naba kumpanya niyo?” Si Jackson.
“Hindi!” Si Bianca.
“Pinapakain kaba ng Jowa mo?”
“Oo araw at gabi niya nga pinakain sakin Hotdog niya!” Sa walang prenong sabi nito pareho kame nasamid ni Jackson.
“Ang Arte niyo naman dalawa parang hindi kayo nagkakainan ng mga jowa niyo?”
“Elmie Bianca Mangubat !!” Panabay na saway namin ni Jackson, na kinairap lang samin ni Bianca .
“Ano ba masama kung kain ako ng kain?”si Bianca.
“Kasi para kang ,patay gutom na naglilihi!” Si Jackson na kinatigil ni Bianca sa pagkain.
“A-no sabi mo?” Si Bianca.
“Alin dun na patay gutom ka?” Naguguluhang tanong ni Jackson.
“Hindi yun!” Si Bianca
“Ah na Buntis —--!”
“OMG!” bulalas ni Bianca ,nakinabahala namin ni Jackson.
“Bakit Bianca?”
“Do You think i’m Pregnant?” Kalmadong Tanong ni Bianca na kinatango namin ng sabay ni Jackson.
Pumalahaw naman ng iyak si Bianca na kinataranta namin ni Jackson kaya napatayo kame para daluhan si Bainca sa pag iyak.
“Hey Bianca narito kame huwag ka mag alala diba Jackson?” Pag aalo ko .
“Yes narito kame ako para maging Ama ng Anak mo!” Natigilan naman si Bianca sa narinig mula kay Jackson.
“Ano pinagsasabi niyo diyan?lalo kana Jackson anong oinagsasabi mo handa naging ama? Hui kilabutan ka naman” si Bianca .
“Bakit kaba kasi umiiyak!?” Si Jackson.
“Diba pwede umiyak kapag masaya ka kung baga Tears of Joy?” Kung di lang buntis ito baka nasabunutan ko na itong Bestfriend kong Oa.
Masaya kame tatlo sa paparating na Blessing kay Bianca alam kong magiging isang buong masayang pamilya sila ng Ama nang dinadala ni Bianca.
Nakaramdam ako ng inggit sa kaibigan ko,kaya pasimple ko hinawakan ang puson ko.
“Kailan ka kaya darating samin!?”tanong ko sa aking isipan na kahit ako dibko alam ang kasagutan.