LTI 17

1561 Words
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVE BY ; MHAYIE CHAPTER 17 Eunice pov; Kanina Sa Sobrang Excited ng kaibigan naming si Bianca tinawagan agad nito si Dra.Aimee para magpacheck up at maconfirm na yung mga sintomas niya ay dahil nga ba sa buntis siya,inalok pa namin iti na sasamahan namin siya pero tumanggi lang ito,kaya kame na lang naiwan ni Jackson. Nagpapalipas kame ng oras rito sa Mall ni Jackson ,nagulat ako ng bigla ito umakbay sa akin at may binulong. “Alam mo kung nakakamatay lang ang pagtitig malamang kanina pa ako nakahandusay ! “.sabi nito na kinakunot ng noo ko kaya napatingin ako kay Jackson at naglapit ang mukha namin,mabilis na umiwas ito at napamura. “T*ng *n* Eunice pinapadali mo buhay ko!”reklamo nito kaya nahampas ko ito sa braso. “Para ka kasing tanga ano ba mga pinagsasabi mo diyan?ikaw itong akbay ng akbay may pabulong bulong pa ! Ano ba kasi iyon?” inis na sabi ko . “Yung Asawa mo este Jowa mo ang sama ng tingin sa akin ngayon actually kanina pa!” Reklamo ni Jackson . “Huh? Asan?” Sabi ko at sabay libot ng tingin nakita ko si Cian na seryosong nakatingin sa amin ni Jackson pero napalitan agad ng kalamadong tingin ng magtama ang mga mata namin dalawa,malalaki ang hakbang na naglakad ito papunta sa kinaroroonan ko. Bigla bigla nalang ako nito hinapit sa bewang na kinataka ko ,hindi narin ako nagprotesta at hinayaan nalang ito sa paghapit sa bewang ko. “Wow possessive Husband !?” Bulong na sabi ni Jackson na narinig ko naman kaya sinamaan ko ito ng tingin. “Let's go Love?” Yaya ni Cian. “Cian si Jackson nga pala kaibigan ko !”pakilala ko . “Hi im Jackson Del Mun—--??” Naudlot ang pagpapakilala ni Jackson. “The Owner of Jackson Hotel at kilala bilang matinik sa babae!” Si Cian. Hindi nagustuhan ni Jackson ang sinabi ni Cian kaya nakaramdam ako ng hidwaan sa pagitan ng dalawa kaya bago pa magsalubong ang galit nila niyaya kona si Cian umuwi nagpaaalam naman ako kay Jackson ngumiti lang ito sa akin at nagpaalam. Hindi ako kinikibuan ni Cian hanggang sa makasakay kame kaya naman ako na ang unang nagtanong sa kanya . “May problema ba?” Usisa ko pero hindi ito kumibo,naghintay pa ako ng ilang minuto pero para lang ako kumakausap sa hangin. “Ihinto mo ang sasakyan!” utos ko,pero seryoso parin ito sa pagmamaneho. “Sabing ihinto mo ang sasakyan!” Muling utos ko,tumingin lang ito sakin na parang wala lang kaya sa sobrang inis ko hindi kona nakontrol pa ang sarili ko. “I Said Stop the Car! Ihihinto mo ba ng kusa o kailangan ko pa tumalon para lang huminto ka?”galit na Asik ko na bigla naman nito iginilid ,kaya naman kamuntikan na ako mapasubsob at nakaramdam ako na kaba dahil paano kung may humaharurot na sasakyan at sa pagliko nito ng bigla sumalpok saamin?. “S**t Cian! Kung magpapakamatay ka mag isa ka nalang huwag mo ako idamay!” Galit na sigaw ko at tinanggal ang seatbelt at mabibilis ang kilos na binuksan ko ang pinto at pabalya ko naman sinara ito,narinig ko naman ang pagbukas muli ng pinto ng sasakyan ni Cian, kaya naman dali dali ako naglakad papalayo sa kanya ,bahala na abutan ng ulan dahil makulim lim at medyo padilim narin sa daan. “Pumasok kana ng sasakyan Eunice!” Utos nito pero di ako nagtinag at naghihintay ng Taxi na dadaan,hanggang sa hinawakan nito ang braso ko. “Halika na Eunice bumalik na tayo ng sasakyan!” Sa pagkakataon ito naging malumanay ang boses niya, tinitigan ko ito ng masama. “Ayoko !!! uuwi ako ng mag isa mas mabuti pang umuwi ka nalang muna sa Unit mo!” Sabi ko . “No!! hindi ako uuwi ng hindi ka kasama!” sabi nito,tinignan ko ito sa mga mata at napangisi. “Ok bahala ka sa buhay mo pero ako uuwi ako nang mag-isa sa ayaw at sa gusto mo! Abutin man ako ng ulan hindi ako sasama sayo!” Seryosong sabi ko ,bumuga naman ito ng hangin at ang hindi ko inaasahan ang pag iwan nito sa akin,nakaramdam ako ng kirot pero sina walang bahala ko lang ito natuto na ako ayoko na maging mahina sa paningin ng lahat,hindi ko siya nilingon o hinabol man lang nagtiyaga ako naghintay ng sasakyan,dinaanan pa nga ako ni Cian pero hindi ako nag abala tapunan ng tingin ito,kaya paharurot nito pinatakbo ang sasakyan niya. Ilang oras narin ako naghihintay nang masasakyan na Taxi ,nais ko sana maggrab pero sa kamalas malasan ko naiwan ko yung cellphone ko sa sasakyan ni Cian. “T*ng *n* bakit naman ngayon pa!?” Bulalas ko ng maramdaman ko ang mahihinang patak ng ulan,wala ako makita na masisilungan kaya naman naghintay nalang ako rito sa pwesto ko ng masasakyan,halos tatlong Oras na ako naghihintay pero walang dumadaan na vacant taxi lahat ay may sakay hanggang sa tuluyan na nga bumuhos ang ulan kasabay nito ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata. Sa sobrang sakit napaupo ako at napayuko gusto ko pigilan ang mga luhang lumalandas sa mga mata ko ,alam kong hindi naman halata ang mga luhang patuloy na dumadaloy dahil sa ulan pero ayoko maging mahina . Sa pagyuko ko naramdam ko na para bang walang ulan na pumapatak kaya dahan dahan ako tumingala para lang magulat sa taong nasa harapan ko at maingat na isinusukob ako sa kanyang mumunting payong . “Ano ba ginagawa mo riyan? May balak ka bang maligo at magkasakit?” Nag aalang tanong nito ,hindi ako umimik at nahihiyang yumuko,inabot nito ang kamay niya sa akin at hinihintay na abutin ko ito. “Halika na ihahatid na kita sa Unit mo!” Sabi nito,pero tumanggi lamang ako . “S-alamat pero ok lang ako!” Sabi ko. “Kahit kailan talaga pasaway ka!” Sabi nito at hinawakan nalang ang kamay ko para hilahin papasok ng sasakyan niya,nakaramdam ako ng lamig sa pagpasok ko sa loob ,dali dali naman ito pumasok sa driver seat at pinatay ang Aircon ng kanyang sasakyan,hinubad pa nito ang Coat niya saka ipinatong sa akin. “S-alamat !” Sabi ko. “Wala yun kulang pa yan sa ginawa ko sayo noon. !”sa Malungkot na tono. “Ok lang Dom ! Lahat naman tayo nagkakamali kaya walang kaso yun saka may pinagsamahan din naman tayo kahit papaano!” Tanging nasambit ko . “Marahil ijaw awalang Pinagsisihan pero ako malaki ang panghihinayang at pagsisi ko,Sayang lang dahil nawala ka sa akin dahil sa katangahan na ginawa ko!” Ramdam ko ang panghihinayang sa mga tinig niya. Hindi ako nakaimik sa sinabi niyang iyon ayoko na sana balikan pa ang mga araw na iyon dahil wala narin naman iyon sa akin at isa pa napatawad ko na siya sa ginawa niya ,pinahaandar na nito ang makina ng sasakyan niya at inihatid ako sa unit ko. Medyo bumibigat ang pakiramdam ko kaya naman inalalayan ako ni Dom hanggang sa unit ko,wala naman ako ilang na naramdaman ng hawakan nito ang bewang ko. Pagkabukas ng elevator hudyat na narito na kame sa floor kung saang ang unit ko ay maingat na inalalayan ako ni Dom sa palabas ng elevator ,malapit na kame sa unit ko ng natigilan ako dahil sa mga matang nakatitig sa akin,lalo pa ng tumingin ito sa kamay ni Dom na nakahawak sa bewang ko. Basang basa ito katulad ko marahil sumugod din sa ulan,malalaki ang hakbang na lumapit ito sa akin habang ang mga mata ay malalamig na nakatitig sa akin ,wala ako mahagilap na ibang emosyon kundi galit!. Binaklas nito ang kamay ni Dom na nakahawak sa akin at hinila ako palapit sa kanya,nakaramdam ako ng hilo sa ginawa niyang iyon pero hindi ko iyon ininda ,kahit si Dom napansin ang naging reaksyon ko akmang lalapitan ako nito ng pigilan ito ni Cian. “Pwede kana umuwi ako na ang bahala sa Asawa ko!” may diin at sa malamig na tinig nito,tinignan lang ako ni Dom na wari moy nagtatanong na ok lang ba ako,bahagya naman ako tumango para sabihin ok lang ,hindi na umimik si Dom at umalis nalang,habang si Cian ay seryoso at walang imik. Inalalayan naman ako nito pumasok pero ganun parin walang imik at tanging seryoso lang ang mukha,hindi ko narin nagawa pang kausapin siya dahil bumibigat pa lalo ang pakiramdam ko,inilalayan ako nito hanggang Cr para makapagbanlaw sabi ko naman na kaya ko kaya hinayaan nalang niya ako . Binuksan ko ang gripo ng bathtub at nilagay sa warm water para magbabad baka sakaling mawala yung sama ng pakiramdam ko ,pero mukha lalo pa ata sumama at hindi ko na mapigilan pa ang talukap ng mata ko na kusang pumipikit at gusto matulog. Kaya bahagya ko ito ipinikit ,Pikit ang mga mata ko pero nararamdaman ko pa ang mga nasa paligid ko narinig ko pa ang pagbukas ng pinto at ang mabibigat na hakabang na papalapit sa akin. “S**t Love? Wake up ! F**k!” Naririnig ko ang pagtawag nito pati narin ang oagsakat sa noo ko, pero sadyang hindi ko na talaga kaya pang imulat ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na ako nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD